Twenty one

"Hindi na muna kayo pwedeng umuwi o lumabas ng alas otso ng gabi, ha? Bali-balita ngayon ang isang mamamatay tao at mas mainit ang mata n'ya sa mga babae. Naiintindihan n'yo, Paige? Hershey?"

Tumango si Hershey sa babala ni Papa. Samantalang tumutok nalang ako sa tv. Tama si Papa, hindi namin alam pero usong-uso ngayon ang mamamatay tao na balita ngayon dito sa lugar namin. Gabi-gabi may nawawalang babae na natatagpuan nalang na patay sa isang sulok ng lugar. Iisa lang ang sanhi, may saksak sa puso.

But, isn't it a bit brutal to stab in the heart?

Dismayadong napasinghal si Prince na kumakain ng fried siomai sa lamesa. "Geez, pa'no na iyong training ko?! Minsan umaabot 'yon ng 8:30 ng gabi, e!"

"E, 'di 'wag muna kayo mag-training ng gano'n habang mainit pa sa balita ang pumapatay." Pormal na suhestiyon ni Papa habang nakatutok sa tv.

Prince did a mental pout, "Imposible 'yon... malapit na ang laban namin sa ibang university."

"May gagawin ang university n'yo tungkol diyan,"

"Whaaat? Geez," His forehead creased as he dip one siomai in the chili sauce, "Whatever,"

Kilala ko 'yang si Prince. Kung napaka competetive ko sa pag-aaral, gano'n din 'yan sa kan'yang sports. Ewan ko nalang kung susunod 'yan sa bilin ni Papa gayong inaabot minsan ng gabi ang laro nila. Mukhang siya pa rin naman ang masusunod. May mga kini-kwento kasi 'yan na mga kasama n'yang kahit hindi makapasok sa klase, basta maka-attend ng training, okay na. Well, I guess, that's a varsity player's thing.

"Naku, sa friday 7:30 ng gabi ang uwian namin. Nando'n ka pa ba no'n, Prince?" Tanong ni Hershey sa kapatid ko.

"Uhm," Bahagya itong nag-isip, "Probably, yes."

"Sakto sabay---"

"But for sure I'm in the middle of training, 'di ba nga sabi ko umaabot kami ng 8:30?" Pagputol n'ya agad sa sinasabi ni Hershey.

Dahan-dahan tumango si Hershey, makikitaan ng pag-alala sa mukha. "Oo nga pala... siguro kay Vale nalang ako magpapahintay." Bigla siyang napatakip ng bibig at tumingin sa 'kin. Nagulat ako sa reaksyon n'ya. "I... I mean, wala namang kaso sa akin kung sasabay ako sa inyo umuwi."

Tumaas ang isang kilay ko sa kan'ya. "Huh?"

Is she worrying that I might get mad because of that? Well, I don't mind. Actually, I don't care. Simula no'ng iniwan ko sa Tsukiji restaurant si Vale, hindi na kami nagpansinan. Tuluyan nang naputol ang komunikasyon sa amin. That's a good thing. Baka naisip n'yang pumunta na sa hawaii.

It's been how many days since that happened. Sobrang civil namin sa isa't-isa. As in hindi na siya sumisitsit sa akin, hindi na siya sumusunod at hindi ko na siya nahuhuling nakatingin sa akin. In a sudden blow, everything was vanish.

And that's what I want.

"Sinong Vale? 'Yung nag-wholesale sa flower shop natin?" Curious na tanong ni Papa. "Boyfriend mo na ba 'yon, Paige? Bakit hindi mo pinakilala o bakit hindi nanligaw?"

Biglang kumunot ang noo ko sa kan'ya. "Pa! I'm not interested in any relationship! Wala akong pakialam do'n." Diretsong sagot ko.

"Iyon 'yung nambugbog ng 4th year noong nakaraan e. Grabe, siya pala 'yung hulog ng langit natin." Sagot naman ni Prince. Napa 'tsk' nalang ako sa sinabi n'ya.

"Oo mabait 'yun si Vale kapag nakilala." Nakangiting tugon naman ni Hershey.

Tumayo ako at kumuha ng sitsirya sa kusina. Nako-kornihan ako sa pinag-uusapan nila kaya papasok nalang ako sa kwarto. Naalala kong mayro'n pa pala akong ire-review.

"Ate..."

Natigil ako sa pagtuloy sa kwarto at hinarap si Hershey na siyang sumunod pala sa akin. Hinintay ko ang sasabihin n'ya.

"Uh... pasensya na sa itatanong ko pero... ayos lang ba kayo ni Vale?" Nahihiyang tanong nito.

Saglit akong natahimik. Hindi dahil sa wala akong masagot, kung 'di dahil sa tanong n'yang walang saysay.

"We're civil. We're good." Litanya ko.

"Galit siya sa 'yo, ate. Kapag magkasama kami, mabanggit ko lang ang pangalan mo nanggagalaiti na siya. He's really hurt by what happened between the two of you. Sakit at galit ang nararamdaman n'ya."

Tinaasan ko siya ng isang kilay, "And so what?"

She was taken aback, but managed to composed herself. "Haven't you really know?" nakagat n'ya ang ibabang labi n'ya, "He loves you, ate. Can't you really see his effort? He's doing his best to win you yet you're pushing him away?"

Wow. I'm stunned. Bakit ba sa tuwing lalapit siya si Vale nalang ang pinag-uusapan palagi? Is he hypnotising this little girl?!

"Here," May inabot siya sa 'kin, hindi ko napansing may bitbit pala siyang paperbag. "Despite of your obstinacy, he still keep his promise to you."

Naguguluhan kong tinignan ang inaabot n'ya sa akin. Promise? Kailan nangyari 'yon?

Dahil tinititigan ko lang 'yon at hindi inaabot, binaba ni Hershey 'yun sa harapan ko. "I hope you'd atleast consider him a human, before it's too late."

Umalis siya at iniwan akong naguguluhan. Hindi ko alam kung anong mga sinabi ni Vale sa kan'ya para umarte siya ng ganito sa akin. Nando'n na 'yung fact na sinabi n'yang... mahal n'ya ako, err. Pero bukod doon ano pa?

Pagkatapos ng ilang segundo, kinuha ko 'yon at tinangay sa kwarto ko. Binuksan ko 'yon at nang makita, lalo akong naguluhan.

Sa harapan ko ay may tatlong nagkakapalan na libro. Balot ng cover at bagong-bago pa. Hinawakan ko ang isang libro at binasa... Titans of history by Simon sebag montefiore. Isang history book. Hindi ko alam pero nang mabasa ko palang ang title, nanindig na ang balahibo ko. I can feel the excitement flowing within me.

Saglit akong nag-isip. Did I mention to him that I'm into history books? Bakit n'ya ako binigyan nito? Kahit sila Prince, hindi alam na mahilig at interesado ako sa history book.

Either way, I let it slipped off my mind and took the other two. The brightest sun by Adrienne Benson and Do not open this math book by Danica Mckellar.

Napangisi ako. Lalo akong nakaramdam ng saya at excitement sa loob ko. Ngayon ko lang 'to nakita pero parang gusto kong magtatatalon sa tuwa. Walang paglagyan ang galak ko.

"Despite of your obstinacy, he still keep his promise to you."

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Hershey... Naalala ko na kung anong promise 'yun. Iyon 'yung tungkol sa deal naming dalawa. Kumunot ang noo ko, hindi naman ako kumain kasama siya ah? Bakit binigyan n'ya pa rin ako?

Sa isang banda, nakaramdam ako ng kaunting konsensya. Naging matalas ang dila ko sa kan'ya at palagi siyang pinapalayo. But still, he gave this to me.

One of these days I'm gonna simply thank him.

###

Sinara ko ang reviewer na binabasa ko kasabay ng aking pag buntong hininga. Mula sa upuan ko, kitang-kita ko ang malinaw na repleksyon ng araw. Mainit at mahangin sa labas, ito ang pinaka magandang oras ng araw para mag-aral sa tahimik na lugar, pero...

Pa-simple akong lumingon sa katabi ko na si Vale. Tahimik siya habang kinakalikot ang phone n'ya. Saglit kong naigala ang paningin ko at nakitang lumalabas na ang ilan sa mga kaklase ko dahil sa lunch break. Hanggang sa may isang kaklase naming babae ang nakangiting lumapit kay Vale.

"Vale! Salamat pala sa pag-tutor sa 'kin kahapon ah? Bilang kapalit... gusto mo ilibre kita ng lunch?" Anito habang ang mga kamay ay nasa likod.

So, nag-tututor na siya ngayon?

Nakita ko ang bahagyang pagngiti ni Vale, "No, thanks. Ibili mo nalang 'yan para sa sarili mo."

"Kung gano'n... salamat ng marami."

"Sure, no problem."

Ngumiti ng malapad ang babae sa harapan n'ya saka ito kumaway, "Okay! Next time ulit! Thank you, Vale!" saka ito patakbong lumabas ng kwarto.

I see. Sabi ko no'ng una baka natatakot lang ang mga 'to kaya nagbabait-baitan sa kan'ya. Pero sa mga patuloy kong nakikita, mukhang unti-unti na siyang nagiging maayos sa mga ito.

Nitong mga nakaraan, napapansin kong nagiging close siya sa mga babae. Para bang nakukuha na nila ang loob ni Vale. Minsan ko pa no'n nakitang may tumawag sa kan'yang ibang babae at kinawayan siya, gano'n din ang ginawa n'ya. It's like a sudden popularity-- in a positive way.

Well, good for him. Atleast hindi na siya aarte ng desperado sa akin.

Naramdaman ko na patayo na siya kaya naman agad akong nagsalita ng hindi lumilingon sa kan'ya. "The books..." mula sa gilid ko, nakita kong huminto siya at bahagyang lumingon sa 'kin, "I didn't expect it but... thank you anyway,"

"Yeah,"

Akala ko may idadagdag pa siya pero kusa na 'kong napalingon sa kan'ya nang makita na umalis na ito. Hindi man lang nag 'you're welcome', e?

Napa-cross arm ako habang nakatingin sa pintong pinaglabasan n'ya. And now he's acting cold, After that present? Tss.

Anyway, I don't really care. Baka nakahanap na siya ng bago n'yang guguluhin and that's fine. Afterall, we're enemies.

Lumabas ako ng silid bitbit ang bag ko. Papunta na ako sa locker room para palitan ang mga libro at notes na dala ko pero may nahagip ang mata ko sa isang banda... and they look familiar.

It's Hershey and Vale, nagtatawanan habang naglalakad. They looked close together, as if they made a deep connection.

Napangiwi nalang ako. Gan'yan nga, Cousin. If you want him, make him that way and let me live peacefully.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top