Twenty nine
Siguro kung isa lang akong robot, malamang lahat ng gumagana sa katawan ko ay tumigil na. Baka nga pwede pang tawagin na nasira. Dahil iyon ang saktong nararamdaman ko ngayon. 'Yung sistema sa buong katawan ko, huminto.
Dahan-dahan akong lumingon sa sala. Biglang nanginig ang katawan ko sa kaba. Pakiramdam ko talaga hinang-hina na 'ko... tapos ito pa ang maaabutan ko?
Ramdam ko 'yung luha ko na gusto nang bumagsak, pero tangina, 'wag muna... please.
"A-Ate,"
Hindi ko tinapunan ng tingin si Hershey. Doon lang ako nakatingin sa likuran niya. Gusto ko ipakita na kahit may narinig akong masakit sa tenga, matatag pa rin ako.
You are tough, Paige. you are, right?
Hindi ko na pinatagal pa, mabilis akong lumakad papunta sa pinto kahit ramdam ko at alam ko sa sarili na gusto ko nang bumagsak. Nahihirapan ako. Pero ayokong ipakita sa kanila 'yun.
"A-Ate, sa-saglit lang kumalma ka muna..." Naiiyak na pakiusap ni Hershey.
"Anak, saan ka pupunta?" Dagdag pa ni papa.
Pero kahit naririnig ko ang mga tawag nila, wala akong pinansin ni isa.
Tuluyan akong nakalabas at sa paglabas ko ay sumalubong sa akin ang isang malakas at malamig na hangin. Naninikip 'yung dibdib ko. Pero pilit ko pinapakita na matatag ako-- dahil 'yun naman ako in the first place, 'di ba?
"Putangina, Vale. Putangina..." Mahina at may halong sakit na litanya ko habang nakatingin sa itim na kalangitan.
Sinikap kong bilisan ang paglalakad ko para mabilis akong makarating sa paroroonan. Mayro'n akong gustong makita...
Salubong ang mga kilay ko habang tinatahak ng mabilis ang daan. Hindi na rin nawawala ang pagkuyom ng kamao ko. Sa kabila no'n, nasa loob ko ang panghihinang imposibleng ibalik ako sa normal.
Gusto ko siyang saktan, sampalin, sumbatan, murahin dahil pinaghintay n'ya ako ng ilang oras doon. Gusto kong magalit sa kan'ya. Gusto kong gantihan siya. Gano'n ang gusto ng isip ko.
Pero...
Hindi, e.
Tonight was way too different.
Nakarating ako ng bellmay st. at naabutang wala masyadong tao. Marahil ay gabi na at tapos na ang palabas. Nakakagulat nga ako e, hindi ko masyadong pamilyar ang lugar na 'to pero ang bilis kong nakarating. Pilit ko pang nililibot ang paningin ko para hanapin kung saan ba siya ayon sa nakita ko pero may isang bagay na nakapukol ng pansin ko.
Isang itim na bagpack.
Dahan-dahan ko 'yun nilapitan. Hanggang sa lumuhod ako at hawakan 'yon. Hindi ko sigurado kung pagmamay-ari niya ito pero may nag-uudyok sa akin na galawin ito.
Hinaplos ko 'yon hanggang sa makarating ang daliri ko sa zipper nito. Unti-unti ko 'tong binuksan nang may makita akong isang bagay sa loob na sobrang pamilyar sa mata ko...
Isang kulay grey na jacket.
Nang hawakan ko 'yon, hindi ko na mapigilang mapasinghap. Naaalala ko 'tong jacket na 'to... hindi ako pwedeng magkamali.
Naiiyak ako nang kunin ko 'yun at amuyin. Sobrang bango ng amoy n'ya... tila hindi ko na yata makakalimutan ang ganitong pabango n'ya.
Nanatili ako sa gano'ng posisyon ng ilang segundo. Hindi ko na kayang gumalaw. Hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili ko na humahagulgol habang nasa mukha ko pa rin ang jacket na iniwan n'ya.
Masakit e. Gusto kong murahin ang mundo at sisihin sila. Sobrang unfair. Napaka unfair.
'Yung kanina ko pang kinikimkim na luha, dito lang pala lalabas. Sobrang hirap pala magpigil ng luha lalo kapag sobrang sakit na sa loob mo. Parang pinipilipit ang puso mo, literally.
"I guess I can't blame you,"
Dahan-dahan kong nilayo ang jacket sa mukha ko at napatingala sa nagsalita. Nakita ko ang isang lalaking nasa gilid ko at nakasandal sa poste habang humihithit ng sigarilyo.
Sunod-sunod ang tulo ng luha ko kahit nakatingin ako sa kan'ya. Hindi ko kayang magsalita o sumagot sa kan'ya sa mga oras na 'to dahil nararamdaman ko pa rin na kumikirot ang puso ko.
Pagbuga n'ya ng usok ay tinignan ako nito nang walang bahid ng emosyon sa kan'yang mata. "You won't see that stubborn anymore, Paige."
Tahimik lang akong humahagulgol habang nakatingin sa kan'ya. Pakiramdam ko nga, mabilis na namaga ang mga mata ko. Gusto ko siyang kontrahin, e. Pero mukhang mahirap 'yon.
Dahil totoo naman... hindi ko na siya makikita.
"He's dead," aniya, "Fucking dead,"
Dahil do'n, nagsalubong ang kilay ko at tumayo sa harap n'ya. "How can you say that nonchalantly?! Don't you have any feelings for your brother?! How can you be so relaxed while you know your brother is now dead!"
I couldn't care less if people around here is watching us like this is some kind of drama. This is a different matter. This is a serious case. This is so heartbreaking.
"Vale got stabbed on his chest more than three times, Harry. The fucking killer in this town got him killed! Yet, you're showing so insouciant!?" Marahas kong pinunasan ang pisngi ko bago tignan ng masama, "Wala kang kwentang kapatid,"
Samantala, tinapon n'ya ang sigarilyo at dahan-dahan lumapit sa akin nang walang emosyong pinapakita. Walang nagbago simula kanina, gano'n pa rin.
"What do you want me to do, then? Cry like a baby? Like you?" Aniya nang makahinto sa harapan ko at mamulsa.
"Atleast show some sympathy!"
Huminga lang ito ng malalim at tumingin sa ibang direksyon na parang nako-kornihan siya sa sinasabi ko-- bagay na lalo kong kinagalit sa kan'ya.
Akala ko ba mahal niya si Vale? Naaalala ko pa 'yan nang sinabi n'ya sa akin 'yan noon. Pero bakit ngayon... ngayon na sobrang sakit ng nangyari e, parang wala lang sa kan'ya?
I don't understand...
"Nangyari na ang nangyari, Paige. Masakit din naman sa akin. Kasi 'di ba, if he just only follow me and fly to hawaii, this wouldn't happen. But, he's so damn crazy for you... and die."
Doon ako napahinto. Namilog ang mata ko at automatic itong nagbaba ng tingin. So, kasalanan ko pala?
Tumingin ako kay Harry na gano'n pa rin ang itsura. Habang nakatitig ako sa kan'ya, doon ko lang napagtanto ang lahat.
Kung hindi sana namin binalak na magkita kanina... siguro buhay pa si Vale. Kung hindi ko lang siya pinigilan pumunta ng hawaii, e 'di sana walang ganitong eksena.
Now I know... it is my fault.
"But that's how stubborn my brother. When it comes to you, he tend to discard everything just for your happiness. So, I won't blame you." Aniya sa walang emosyong salita.
Napatakip nalang ako ng bibig at napailing sa sinabi n'ya. Harry gave me a big hint about Vale's death. If it isn't me, he would've still be alive.
It's me...
It's me afterall.
Dala ng napagtanto, napaluhod ako sa lupa at humagulgol sa sariling palad. Sobrang sakit ng nangyayari. Maalala ko palang na ako ang dahilan, parang sinasaksak na ang puso ko. Tila dumagdag ito sa bigat na nararamdaman ko sa pagkawala ni Vale.
"Yo-You're right... you're right." Paulit-ulit kong saad habang humahagulgol sa lupa.
Wala na 'kong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao o kinukunan ng litrato o video. Wala na akong natitirang lakas para suwayin pa sila. Wala na... wala na akong lakas.
Kahit namamaga na ang mga mata ko, nakita ko pa rin si Harry na umupo sa harapan ko gamit ang isang tuhod at pinantayan ako ng tingin. Katulad kanina, wala pa ring bahid ng emosyon ang mukha n'ya.
"Stop making a scene," mahinang usal nito saka ako hinaplos sa buhok at marahang inalalayan patayo.
Pero hindi ko kaya tumayo kaya naman hindi siya nagtagumpay na patayuin ako.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Harry nang makatayo siya ng diretso. Mukha na siyang naiinis sa akin, pero wala akong pakialam.
"The leadman is dead, now the show is fucking over. Get lost, scumbags!"
Nagulat ako nang biglang bumulalas si Harry no'n. Napansin kong ang mga taong nanunuod sa 'kin, ay biglang nagsi-atras hanggang sa unti-unti na silang umalis sa paningin namin.
Yumuko nalang ako at niyakap ang jacket ni Vale. Hindi pa rin matigil-tigil ang pag-iyak ko. Tila hindi na yata ako mahihinto pa sa bigat ng nararamdaman ko.
I feel responsible... this is my fault. If I managed to control my feelings... this won't happen. Isn't it?
I'm sorry, Vale.
"Come on,"
Nilahad ni Harry ang isang kamay sa harapan ko at tila inaalok akong hawakan 'yon pero napatitig lang ako sa kan'ya habang agos ng agos ang luha sa pisngi ko.
"I'm... I'm sorry," umiling ako ng paulit-ulit, "I'm sorry, sorry, sorry, sorry, sorry, sorry, sor---"
Bigla na lamang siyang umupo sa harapan ko at muli akong pinantayan ng tingin. Hindi kagaya kanina, nakikita ko na sa mga mata n'ya ang awa at sakit.
"Enought with that. This isn't your fault. Vale loves you so much that he's willing to sacrifice everything, including his beloved arcade. Don't you remember about that? The fact that he didn't leave, it's because he wants to be with you."
Pero pinagpatuloy ko ang pag-iling. Hindi ako kumbinsido. Masakit sa loob ko. "No... If only---"
"Paige, stop." Pagpigil n'ya sa sinasabi ko.
"T-This is so sudden. I'm not expecting this to happen... it hurts me so much that even my own world is falling into pieces..."
Sobrang sakit...
Nakita ko naman na tinanguan ako nito, "That's right. Because everything happened unexpectedly. Sure, it will hurt you so much. But remember, Vale wouldn't like it to see you breaking down." Aniya, "He loves you, Paige. He loves you so much. He didn't even wanted to leave you. But we cannot do anything because this has been done. Vale is dead. Vale wouldn't return." matigas nitong ani.
Hindi na 'ko sumagot at nanatiling nakatingin nalang sa kan'ya habang lumuluha. Ang sakit, e. Kapag naaalala ko 'yung mga nangyari, para akong tino-torture ng sarili ko.
Wala pa tayong napapatunayan sa isa't-isa. Wala pa akong napapatunayan sa 'yo, Vale. Pero bakit pinutol agad ng tadhana 'to? Bakit hindi man lang tayo binigyan ng kaunting panahon pa?
Ito ba talaga dapat ang mangyari? Will I be happy? Does he deserve this? Do I deserve this?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top