Twenty eight

Nahinto ako sa pagbabasa ng libro nang may sunod-sunod na kumatok sa harapan ng gate namin. Binaba ko ang libro sa lamesa at nilapitan ang nandoon, isang delivery boy.

"Good morning, ma'am. Delivery po para kay miss Paige Danielle Abellana."

Hindi pa ako nakakapag salita nang ilabas n'ya ang isang bouqet ng rosas at iabot sa akin. "Para sa kan'ya po ito."

"Ako 'yon, kuya."

"Pa-sign nalang po dito," Saka n'ya inabot ang isang papel sa akin.

Kahit naguguluhan ay pumirma pa rin ako sa papel at pagkatapos ay tuluyan na n'yang inabot sa akin ang bulaklak.

"Kanino po galing 'to?" 'Di mapigilang tanong ko.

"Ah, kay sir Vale po, sige ma'am mauna na ako."

Tumango ako sa kan'ya hanggang sa nakaalis na ang sasakyang ginamit n'ya. Ilang segundo pa bago ko balingan ang bulaklak na hawak ko. Umaalingasaw kasi ang bango ng rosas na ito.

May nakita akong maliit na papel sa loob kaya naman agad ko 'yung kinuha at binuklat. Doon sumilay ang ngiting hindi ko na maitago.

"How nice it would be seeing you today. I can't wait to have you alone, love." - Vale.

Akala ko noon kapag sinubukan kong idikit ang sarili ko sa ibang tao, mawawala na sa akin ang pangarap ko. 'Yung pagiging rank number 1? Lahat gagawin ko para lang marating 'yun. Iyon ang dahilan kung bakit ayokong magkaro'n ng kaibigan dahil pakiramdam ko, nagbibigay distraksyon lang ito sa pag-aaral ko.

Wala akong interes sa kahit sino, except for my family. Mula elementary hanggang college, ginugol ko ang sarili sa pag-aaral. Pilit na inaabot ang rank 1 sa school-- pero nauuwi sa rank number 2. At 'yon ang naging daan para lalo akong magpursigi at ilayo ang sarili sa mga taong nakikita ang worth ko bilang tao.

But then he came...

"Ang ganda naman niyan. Sobrang deserved mo, Ate Paige."

Bigla akong napaharap sa likod ko at nakita ko nga si Hershey na nakatayo at nakangiti sa akin habang ang mga kamay ay nasa kan'yang likuran.

"Yeah, thanks."

Aalis na sana ako pero muli na naman siyang nagsalita.

"I envy you, a lot."

Tinignan ko lang siya. Mula sa pwesto ko, kitang-kita ko na kahit nakangiti siya sa akin, malungkot naman ang kan'yang mata.

"Balita ko magba-bakasyon kayong dalawa ah? Saan ba? Ngayon na 'yun, 'di ba?" Saka siya mapaklang natawa, kasabay nang pagtulo ng luha n'ya.

Bahagyang kumunot ang noo ko. And now she's crying?

"What's with the drama?" Diretsong tanong ko.

Umiiyak ba siya dahil nalaman n'yang mahal ko rin si Vale at heto, okay na kami? Iniisip n'ya na wala na siyang pag-asa rito na wala naman talaga?

"Grabe, na-luha lang ako." Kunwari'y natawa pa, "Kasi sa huli, alam kong ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin n'ya. Katulad kagabi, noong nasa likod mo si Vale, nakita ko 'yung sakit sa mata n'ya na dati ko pa naman nakikita. Pero iba noong nakaharap at narinig na n'ya ang nararamdaman mo. Pag-alis ko, doon ako inuntog ng sarili kong isip na... hanggang doon nalang talaga ako sa kan'ya."

Pinunasan n'ya ang luha sa kan'yang pisngi pero hindi pa rin n'ya inaalis ang ngiti sa labi. Gusto ko sana siyang kainisan dahil baka makita pa siya nila Papa na umiiyak sa harap ko. Pero alam ko sa sarili ko na naiintindihan ko siya.

"Yung totoo... umaasa talaga ako na mahalin n'ya rin ako. Kasi ang swerte ng babaeng mamahalin talaga n'ya e. Umasa ako kahit kaunti noong panahong pinapalayo mo siya. Umasa ako. Kasi sobrang bait n'ya... pero sobrang mahal ka n'ya."

Umiwas ako ng tingin at nawalan ng ekspresyon sa mukha. Nararamdaman ko siya. Gan'yan din naman ako noong nakaraan. Nasasaktan ako kasi akala ko sila na at tinatago lang nila. Umaasa ako na ako pa rin ang mahal n'ya. Kaya naiintindihan ko si Hershey.

"But I'm happy for you, I'm happy for the both of you."

Napabuntong hininga ako bago ko siya muling tignan sa mata. "Hershey," Pagtawag ko sa pangalan n'ya. "I guess that's just part of loving people. You have to give things up. Sometimes you even have to give them up."

Tumango-tango siya sa akin habang nagpupunas ng pisngi. "I do,"

"You deserve someone who is sure about you, remember that." Pinal kong sabi.

Nagulat nalang ako nang bigla n'ya akong yakapin. Hindi ko alam kung yayakapin ko rin ba siya o hindi dahil hindi naman ako sanay sa mga ganitong eksena.

"Yes, I do."

Habang yakap n'ya ako ay nararamdaman ko pa rin ang luhang pumapatak sa balikat ko. Hinahayaan ko lang siya sa gano'ng posisyon. Iniisip ko na... kung hindi ba nangyari 'yung kagabi at totoong wala nang pagmamahal sa akin si Vale ay magiging ganito rin ako?

Iiyak din ba ako kay Hershey at sasabihin ang mga bagay na 'to?

Pinilig ko ang ulo ko sa mga naiisip. Hindi ko kayang matagalan ang gano'ng sitwasyon sa isip ko. Mas okay na ako sa ganito.

"Apple juice para sa umiiyak na si Hershey,"

Napakalas ng yakap sa akin si Hershey at sabay dumako ang paningin namin sa kapatid kong nakasandal sa dingding at may hawak na isang baso ng apple juice.

Tinaas n'ya 'yun na parang pinapakita kay Hershey, "Pampagaan ng loob o,"

Napangiti si Hershey at napapailing nalang habang nagpupunas ng pisngi. Sa huli ay kinuha rin n'ya ang alok ni Prince. "Salamat, prinsipe."

"Break na kayo ni Vale?" Biglang tanong ni Prince. "Oo nga pala, hindi pala naging kayo."

"Prince," pagtawag ko sa pangalan n'ya.

Bahagya siyang natawa, "Mukhang seryoso pinag-uusapan niyo e. Teka, galing ba 'yan kay Vale? Big time talaga." Pagpansin n'ya sa hawak kong rosas.

"Oo big time talaga 'yun. Gano'n talaga pag nagmamahal, Prinsipe." Nakangiting sagot naman ng isa.

"Well, I can see that even before."

"And you'll continuesly see that,"

Iniwan ko na sila ro'n at binalikan ang libro ko sa mesa. Nakita ko namang umilaw ang phone ko na katabi lang nito kaya agad ko 'yong kinuha.

Nagtext sa akin si Vale. Naalala ko tuloy na pasalamatan siya sa pinadala n'ya.

"Let's meet at Tsukiji restaurant at 3pm later, love. Can't wait to see you."

Napangiti ako. Ngayon palang nae-excite na 'ko kung saan talaga kami magba-bakasyon. Gusto kong makabawi sa kan'ya.

"Okay. 3pm at Tsukiji. Thanks also for the bouqet of flowers!"

###

2:45 ng hapon nang makarating ako sa Tsukiji restaurant kung saan nagkaroon kami ng usapan ni Vale na dito magkita. Pahabol n'ya pa kanina, kumain daw muna kami dahil gusto daw n'yang makasama ako kumain rito dati pa.

Kahit hindi ako fan ng japanese foods, I guess I'll need to give it a try for the sake of him.

Dahil pakiramdam ko medyo maaga ako sa oras ng usapan namin, nilabas ko nalang muna ang libro ko at nagbasa. Sa tingin ko kasi minsan ko nalang magagawa 'to sa bakasyon namin ni Vale.

Saka, pagbalik namin kailangan maintain pa rin ang scores at grades ko. Siguro kahit isang puntos ng score ang bumaba, hindi ko matatanggap. Kaya kahit magbabakasyon kami, paninindigan ko pa rin ang pagiging consistent ko.

Hindi pa ako nakakalipat sa kabilang pahina ng libro nang makita kong umilaw ang phone ko na nasa harapan ko lang. Nakita ko ang text message ng himihintay ko.

From: Vale

"You there? I'm on my way."

Napangiti ako at nireplayan siya agad.

"Yes, I'm here waiting."

Bigla ko tuloy naisip, si Vale lang ang taong nagkakataong hintayin ko. Simula noong kakausapin ko siya dahil sa utang ko kay Harry, pinuntahan ko siya sa apartment n'ya para lang magpasalamat at magsorry, hanggang ngayon na hinihintay ko siya sa paborito n'yang restaurant.

From: Vale

"Finally, we're going to eat together there. Can't wait."

Yeah. This is like his dream. 'Yung kumain kaming dalawa rito na ngayon na mangyayari.

"Be safe, I love you. Dito lang ako."

Matapos ko siyang replayan ay pinagpatuloy ko na ang pagbabasa at hindi na tinignan pa ang phone ko. For sure malapit na siyang dumating kaya no point on texting him.

Hindi ko na 'to magagawa mamaya dahil gusto ko, makabawi sa time na hinihingi n'ya ngayon.

###

Sinara ko ang librong binabasa ko nang may lalaking tumayo sa gilid ko. Tinignan ko ito at saka naman n'ya ako nginitian.

"Would you like anything to order, ma'am?" Tanong sa akin ng waiter.

Umiling ako bilang sagot. Sa tingin ko at apat na beses na 'tong lumalapit at nagtatanong sa akin. Kahit kasi kanina pa 'ko rito, hindi ako umoorder ng kahit ano. Wala kasi akong alam sa ganito at gusto ko si Vale ang magsabi kung anong masarap kainin dito.

But...

It's 5:55 in the afternoon.

No sign of him.

Umalis ang waiter sa harapan ko at doon ako napabuntong hininga. Paulit-ulit kong tinitignan ang phone ko kung nagtext na ba siya or what. Nakailan na rin akong tawag at text, pero hindi talaga siya nagpaparamdam.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko si Hershey...

Hindi kaya nakipag-kita si Hershey kay Vale dahilan para maudlot ang pagkikita namin?

Pero bakit n'ya naman gagawin 'yon? Hindi ba nga't tanggap na n'ya na hindi na n'ya makukuha si Vale? Nag-usap na kami, e.

O baka naman hinarang siya ni Harry? Kaninang umaga pa dapat ang alis ni Vale papuntang hawaii. Nagpaalam ba siya o hindi?

Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko. Nakaramdam ako ng inis. Hindi ko alam kung nasaan na si Vale. Hindi ko alam kung nagkita sila ni Hershey, o naudlot dahil sa kapatid n'yang si Harry. I have no fucking idea.

Hinablot ko ang bagpack ko at inis na tumayo. Aalis na ako. Ito 'yung pinaka ayoko sa lahat-- 'yung pinaghihintay ako sa wala.

Nakarating ako sa bahay dala-dala ang sobrang inis na nararamdaman ko. Gabi na rin. Sigurado tatanungin nila ako kung bakit umuwi ako gayong alam nila na magbabakasyon kami ni Vale.

Sobrang galing n'ya, damn!

"Anak, bakit umuwi ka? Akala ko ba ay magbabakasyon kayo ni Vale?" Iyan agad ang bungad sa akin ni papa nang makasalubong ko siya sa kusina.

"Tinatamad na po 'ko," Walang emosyon kong sagot.

Lalagpasan ko na sana si papa at didiretso paakyat nang may marinig ako dahilan para mapahinto ako at mapatitig sa dingding.

Nagsimulang tumibok ng malakas ang puso ko... sobrang lakas hanggang sa unti-unti itong bumagal at tila... gusto nang tumigil-- kasabay ng biglang paghinto ng sistema at ng mundo ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top