Twenty

Saktong nagpaalam na ang professor namin nang magtayuan ang mga kaklase ko. Lunch break na rin kasi. Pero imbes na tumayo, sumalumbaba ako at tumingin sa maaliwalas na paligid sa bintana. Nabalitaan ko kahapon na pinatawag si Vale sa guidance office dahil sa ginawa n'yang pangbubugbog doon sa 4th year student.

Ewan ko lang kung pupunta si Harry para makausap ng counsilor. Hindi ko rin alam kung papapuntahin ni Vale 'yun. Hindi ko naman na siya pinansin pagkatapos namin mag-usap sa likod ng building, e.

"Paige,"

I suddenly creased my forehead when I heard him calling me. Here we go again, like, he never gives up on bugging me everyday he sees me.

"Paige,"

Dahan-dahan akong pumikit. Hindi ako nagbabasa ngayon, pero sana pagpahingahin mo 'ko, Vale.

Ilang sandali siyang tumigil. Akala ko ay makakapagpahinga na 'ko pero bigla kong naramdaman na parang may humatak sa bag ko na nasa likuran ko lang. Dumilat ako at agad nilibot ang paningin, doon ko nakitang hawak-hawak na ni Vale ang bag ko.

"What the---"

"You want it back? Come and get it," I saw him smirked before running away leaving me with astounded look.

Ghad, nando'n ang mga notes at books ko! Baka kung saan n'ya mailagay ang bag ko.

Mabilis akong tumayo at lumabas ng room. Kaliwa't kanan ang tingin ko sa corridor, pero wala siya. Tumakbo ako palabas ng building at patuloy na nililibot ang mata. I swear if anything happens to my notes, I'll kill him!

Nakagat ko ang ibabang labi ko sa inis nang makita siyang nakasandal sa railings, nakababa ang isang kamay n'yang hawak ang bag ko at nakatingin siya sa direksyon ko.

"Vale!" Patakbo akong lumapit nang hindi siya gumalaw. Pero nang aabutin ko na ito ay umatras siya at nilagay sa likod ang kamay.

Nakakainis! Ginagawa n'ya akong bata!

"You're back ignoring me again, what was that?" Aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ba sabi ko magkaaway tayo."

"But you just saved me,"

"I did not,"

Nagkibit-balikat ito. "You did. And I clearly remember not agreeing the enemy thingy, am I?"

"Give me back my bag," sumeryoso ako ng tingin. Marami na ring tao ang napapatingin sa amin at ayoko ng ganito.

Lahat ng pagpapapansin ginagawa talaga n'ya. Ilang araw lang n'ya binigyan ng kapayapaan ang utak ko. Hindi ko na kaya ang kakulitan n'ya sa akin at pakiramdam ko nagsisisi talaga ako na pinabalik pa siya dito.

"Okay. You'll get it back but you need to come with me," Pinal n'yang sabi bago ako talikuran.

Kumunot ang noo ko't sinundan siya mula sa likod. "Ibalik mo muna 'yung bag ko. Ako na ang maghahawak." Tapos babalik na ako sa room. Asa ka namang sumama pa 'ko sa 'yo.

"Hoy, narinig mo 'ko, ako na ang maghahawak n'yan at susunod nalang ako." Pag-ulit ko nang hindi siya sumagot.

"Ibabalik ko 'to kung kailan ko gusto." Giit n'ya kaya naman lalong nangunot ang noo ko. Hindi na yata ako makakatakas.

Dahil sa kalokohang ginawa n'ya, nandito na kami ngayon sa labas ng school at naglalakad sa kung saan. Nasa likod lang ako at salubong ang kilay na sumusunod sa kan'ya habang siya naman ay prenteng naglalakad habang nasa balikat ang bag ko.

Wala rin akong ideya kung saan kami pupunta. Naiinis lang ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako makagawa ng paraan para layuan na n'ya ako. Hindi ko na alam ang sasabihin sa kan'ya.

Tumigil lang ako sa paglalakad nang makita ko ang paa n'yang huminto. Nang itaas ko ang paningin ko ay nasa tapat kami ng isang japanese restaurant. Bigla kong naalala 'yung alok n'ya last time...

"I have 2 tickets of eat-all-can in Tsukiji restaurant. Thanks to Zoren,"

Ugh! So he means kakain kami rito?! What the hell. I'm not a fan of japanese foods!

Bigla nalang pumasok si Vale sa loob kaya naman wala akong choice kung 'di ang pumasok nalang rin. Wala masyadong tao sa loob, tahimik at tanging japanese melow songs lang ang maririnig. Malamig at mabango rin.

Binati kami ng isang staff na nakasuot ng kimono dress ba 'yon? I don't know. Pagkatapos ay umupo si Vale sa isang dulo, malapit sa bintana.

Napabuga ako ng hangin nang makalapit. Tumayo lang ako sa harapan n'ya habang tinititigan ko siya ng masama. Hindi naman talaga ako nagugutom. All I want is to rest.

"Eat with me," usal n'ya saka napatingala sa akin. "If you really want to go back, go ahead but not with this bag."

Naigala ko ang dila ko sa loob ng aking bibig at umiwas ng tingin. Is this what you call scam?!

"I'm not hungry. Give me back---" naputol ang sasabihin ko dahil agad siyang nagsalita.

"Kahit kailan hindi mo pa ako napagbibigyan, Paige. Bakit ba kailangan nalang kitang pilitin para sumama sa 'kin. Pero kay Harry isang salita lang, nandiyan ka agad." Pormal n'yang ani habang nagtitingin sa menu na nasa lamesa.

Tumaas ang isang kilay ko sa kan'ya. So, now he's comparing himself to his brother? E, parehas lang naman sila. "Stop blabbering and just give back my bag,"

"No," mabilis n'yang sagot.

"Give it back,"

"No,"

Hindi ko na napigilan ang mamewang at inis na mapagakat sa ibabang labi ko. Gusto n'ya palagi siya ang nasusunod. Gusto n'ya palagi tinatangay ako sa kung saan, which is so irritating too much!

Tinaas n'ya ang isang kamay at tinawag ang waiter na kaagad namang lumapit. Gumilid ako habang nasa akin pa rin ang iritang nararamdaman.

"I want one plate of Anko, Yakitori, Tonkatsu, two bowls of Wagyu, Tabayaki, and one Hiyayakko. For drinks I want two bottles of Rice Wine."

"Okay, sir, I'll just repeat. One plate of Anko, Yakitori, Tonkatsu, two bowls of Wagyu, Tabayaki, and one Hiyayakko with two bottles of Rice Wine. Is that all, sir?"

"Yes, please,"

"Okay, sir, just sit and relax while waiting, thank you."

Dismayado akong napabuga sa hangin nang makaalis ang waiter. Sa dami ng inorder n'ya akala n'ya naman kakain ako. Kahit kailan hindi ko pa natitikman ang japanese foods dahil itsura palang wala na 'kong interes agad. Mas may interes pa 'kong mag-aral.

"C'mon, are you gonna stand there while waiting for me to finish?" Vale said.

Gumilid ang mata ko sa kan'ya. "I'm not interested. Give me back my bag,"

"Sit down," utos n'ya.

"Ayoko,"

"Eat with me, 'wag ka na ngang maarte."

Napangiwi ako. Pag-iinarte na ba ngayon kapag hindi ka talaga nagugutom at gusto mo lang makuha ang kinuhang bag mo?

Humarap ako sa kan'ya at pinakitang naiinis na talaga 'ko. "Hindi kita maintindihan. May mga choices ka naman kung sino ang gusto mong isama rito, 'di ba? Why not Hershey instead of me? Have you forgotten that she got bullied?"

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa 'kin. Dahil do'n ay nagsalita pa 'ko.

"Besides, even if you don't agree being my enemy, you're still the one and that won't change unless you leave and go to hawaii. I don't even consider you as a friend. I only see you as annoying, disturbing, civil classmate. That's all. Is it really hard to realize what I'm saying?" Kumunot ang noo ko matapos sabihin 'yun. I may sound mean but that's all I need to say for him to leave me.

Hindi ko naman hiniling na magkaroon ng kaibigan na kagaya n'ya. Ka-kumpitensya ko siya, kaaway. Hindi ako makakarating sa rank one kung nandiyan siya palagi.

Hate and bash me all you want. This is me. Being plastic and pabebe is not my line.

I saw how his fist clenched into a tight ball. Right there and then, he ease his fist as if he's now calm and relax without looking at me.

Hindi ko alam kung anong nasa isip n'ya, pero wala na akong pake kung anong isipin n'ya sa 'kin. Hindi ko naman masasabi ang mga 'yun kung hindi n'ya ako kinukulit ng ganito.

"Do you understand me now, Vale?" muli kong anas, "The idea of quitting school and going to hawaii is---"

"Quiet," malalim at madiin nitong tugon habang walang emosyon na nakatingin sa harapan n'ya.

Wala pang tatlong segundo nang ibagsak n'ya sa harapan ko ang bag. Nagulat ako ro'n at napansing napalingon sa amin ang ibang kumakain.

"Now leave," tugon n'ya pa.

Bahagyang bumuka ang bibig ko. Sa isang iglap, biglang umurong ang sistema ko sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko maiwasang isipin, naging sobrang talas ba ng dila ko? But anyway, it has been done.

Dahan-dahan ko pinulot ang bag ko at napakamot sa sintido ko. 'Yung nawalang tapang sa 'kin ay pilit kong binabalik.

"T-Thank you," taas noo kong sabi saka siya nilayasan.

Nararamdaman ko ang pagbubuhol-buhol ng damdamin ko. Ito ba 'yung konsensya? Pero lahat ng sinabi ko sa kan'ya ay pawang katotohanan lang ah?

Paglabas ko sa restaurant ay muli akong napalingon sa transparent window kung saan nakita kong tulala pa rin si Vale at walang emosyon. Ilang sandali lang ay nagtuloy na 'ko sa paglalakad.

Konsensya nga... nakakakonsensya pero 'yon ang totoo. Atleast I know I'm a human.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top