Three

"I'm sorry, big sister but... I'm not coming with you."

Ilang beses ko nang pinipilit si Prince na samahan ako na ibalik ang pakwan ng lalaking nakaiwan nito doon sa tindahan. Pero sabi niya, may laro pa daw siya.

"So, okay lang sa 'yo na mapahamak ang kapatid mo?" Malamig na tanong ko pero tinaasan lang ako nito ng kilay.

"Hindi ka mapapahamak, ate. 'Di ba nga ginagabayan ka ni lolo?"

What?!

"Matagal nang patay si lolo kaya 'wag mo na siyang idamay,"

"That's the thing!" Tumalon ito mula sa pagkakaupo sa bleacher at hinarap ako. "Sinabi n'ya na gagabayan daw n'ya tayo kapag namatay na siya. Naniniwala ako do'n,"

Walang emosyon ko siyang tinignan. Hindi ko alam na sa ganitong edad niya eh naniniwala pa siya sa gan'yan. Parang tanga.

Tinap ako nito sa likod saka niya sinuot ang baseball cup nya, "Go on, baka hanapin 'yan at ikaw pa pagbayarin."

"Kung sasamaha---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang tumakbo na siya paalis.

Minsan talaga hindi ko maisip kung kapatid ko ba talaga 'to o ano. Hindi man lang ako paboran sa mga hinihiling ko sa kanya. Palagi nalang siyang nakatutok sa sports niya.

Well, same goes for me.

Aalis na sana ako nang bigla akong tawagin ni ma'am Angelita. Major subject namin sa finance.

"Good day, Abellana." Inabot niya sa akin ang isang papel na tinignan ko lang mula sa kamay niya. "Mayro'n sana akong favor sa 'yo, pakibigay naman ito kay Vale, almost one week na kasi siyang hindi pumapasok at tapos na rin ang suspension niya. Baka kung ipagpapatuloy niya 'yan, eh tuluyan na siyang ma-suspend."

Bahagya akong natawa, hindi dahil sa request niya, kundi dahil sa taong tinutukoy niya.

"May importante pa po akong gagawin, ma'am. I'm sorry,"

"Abellana, naaawa ako kay Vale. Kung hindi siya papasok, malamang ay babalik siya ng 1st year next year. Ayoko naman mangyari 'yun bilang alam ko namang magaling siya sa academics." Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay doon ang papel. "Sinubukan ko na siyang puntahan pero wala siya. Ilang beses ko na siyang sinubukan kausapin pero ayaw niya. Kaya please, ito lang naman ang pinapagawa ko sa 'yo."

Napatitig ako sa maamong mukha ni ma'am Angelita. Napaka gaan ng boses niya at mala-anghel ang itsura. Tipong kahit may ginawa siya sa 'yong hindi mo gusto eh hindi ka pa rin magagalit.

Nginitian ako nito nang hindi ako sumagot. "Isa ka sa pinaka magaling kong estudyante, kaya pinagkakatiwalaan kita. Gusto ko lang namang bumalik na si Vale dahil para sa kanya rin 'yun."

Sa huli ay napabuntong hininga nalang ako. Gusto ko umuwi ng maaga at naisip ko rin bigla na isoli nalang 'yung pakwan sa tindahan.

Hindi ko responsibilidad ang lalaki na 'yun.

"I'm really sorry, but I refuse."

###

"Hi, what can I do for you?"

"Nandito ba si Vale?"

"Vale?"

Naikot ko ang mata ko. Sinabi ko na ngang Vale itatanong pa ulit.

"Anyway nevermind. Pakibigay nalang 'tong naiwan niya sa tindahan kahapon. Saka itong papel na pinabibigay sa kanya ng professor namin."

Nilapag ko sa lamesa niya ang mga bitbit. Wala naman akong balak magtagal dito at wala din akong balak kausapin 'yung Vale. Hindi ko siya responsibilidad.

"Aalis na---"

"Vale! May naghahanap sa 'yo," Tawag ng lalaking kausap ko.

"Argh nakakainis naman!"

Nagulat ako nang may sumigaw mula sa loob sa isa pang pinto at iniluwal no'n ang lalaking mukhang badtrip-- si Vale.

Pero agad din siyang nahinto nang makita ako. Mukhang napagkamalan pa 'ko...

"Hehe, relax. Hindi 'yan si Harry," Usal ng lalaking nasa harapan ko.

Walang emosyon kong tinignan ang lalaki. Nakajacket siya na itim at bukas ang harapan. Kitang-kita ang kulay maroon niyang sando. Bagsak rin ang itim niyang buhok, at pansin kong may itim na hikaw ito sa magkabilang tenga.

Magsasalita na sana ako para sabihin ang mga iniwan ko pero bigla nalang itong umatras at tumakbo palabas.

He did it again?!

Tss! Nakakainsulto na ah.

Umalis na ako nang hindi nagpapaalam sa lalaking kausap ko. May halong inis ang nararamdaman ko. No'ng una sa tindahan, pangalawa ngayon. Naiinsulto ako sa kung paano siya umarte.

Habang naglalakad ay binuksan ko ang cellphone ko. Nagtext kasi ang kapatid ko na mala-late siya ng uwi dahil sa training. Hindi ko nalang 'yun nireplayan at binulsa nalang ulit ang phone.

Pero bago pa ako tuluyan makalayo sa building na pinanggalingan ko ay nagulat nalang ako nang may magtakip ng bibig ko at hatakin ako papasok ng madilim na eskinita.

Shit!

"Make one wrong move and I'll rape you,"

Nanlaki ang mata ko. 'Yung tibok ng puso ko parang lalabas na dahil sa kaba. Hindi ko maiwasang mapamura sa isip.

Nang bitawan ako nito ay mabilis akong humarap sa kanya para sana bayagan siya pero napahinto ako.

Seryosong nakatingin sa 'kin... si Vale.

"A-Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Bulyaw ko rito.

"Sshh, sinabi ko bang sumigaw ka?"

Nagsalubong ang kilay ko. Aaminin ko medyo natatakot ako sa kanya dahil muntik na 'kong atakihin sa puso dahil sa ginawa niya. Isa pa, malay mo totohanin niya nga?!

Nag-cross arm ito at mataman tumingin sa mata ko. "Tell me the truth, isa ka sa mga sinabihan ng prof na 'yon para manmanan ako?"

"Really, huh? Bakit kita mamanmanan?"

"Kasi inutusan ka? At hindi nila kayang ma-afford na mawala ako. That's how important I am,"

Sarkastiko akong natawa. "Hindi ka lang maangas, ubod ka pa ng yabang."

"Kahapon at ngayon... gaano kataas na grades ba ang binigay sa 'yo para pabalikin ako?"

Nagtangis ang ngipin ko sa sinabi niya. Did he just underestimate my intelligence?!

"Pumunta ako do'n para ibalik 'yung naiwan mo sa tindahan kahapon at may pinabibigay sa 'yo na letter si ma'am. Puntahan mo kaya nang malaman mo," Sagot ko sa kanya. "Isa pa, 'wag mo idadamay dito ang grades ko. Hindi ako kagaya mo!"

"Hm, really?" Inalis niya ang tingin sa 'kin at lumingon sa gilid. "Whatever, pakisabi wala na akong balak bumalik sa school."

Matapos no'n ay bigla nalang niya akong iniwan mag-isa habang ako naman ay salubong pa rin ang kilay na nakatingin sa likod niya.

"Tss!" Inis akong sumandal sa dingding at inisip ang mga sinabi niya.

Wala pang kahit na sino ang nakakapagsalita sa 'kin ng gano'n. Iba ang dating sa 'kin ng sinabi niya at hindi talaga ako natutuwa. Masyado siyang hambog.

Siguro nga dapat lang na 'wag na siyang bumalik ng school.

How I wish...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top