Thirteen

Just like Milca, Vale kept following and distracting me wherever I go. Panay salita kahit hindi naman ako nagtatanong. Most of the time, kapag pinipili ko pang magbasa. Kahit magpakita ako ng inis, para bang immune na sila.

Its's been three days since he's back. Hindi nga ako makapaniwala na naka-perfect score pa ako sa macro quiz kahapon kahit na hindi ako makapag focus kay Vale.

Napabuga ako ng hangin at napapikit. Nararamdaman ko ang hangin na nanggagaling sa bintana dito sa library. Nakakarelax... pero hindi pa rin nawawala ang inis at kuryosidad ko.

"Oy, how about... let's eat together later?"

Dumilat ako at saktong tumama ito sa mukha ni Vale. Nakayuko siya sa mesa at nasa harapan ko. Nakatingin siya sa akin at naghihintay ng sagot.

Kanina niya pa ako kinukulit tungkol diyan. Gusto niyang kumain kami sa japanese restaurant. Pero syempre mas kailangan kong mag-aral para sa darating na midterm. Isa pa, why would I join him?

"I wonder... paano ka naka-perfect score kahapon?" Kumunot ang noo ko. Kanina ko pa gusto itanong 'yan.

Ang tagal niyang absent. Pagkatapos dalawa kaming naka-perfect sa quiz? Impossible.

Umayos siya ng upo at nag-cross arm, "E, 'di nagbasa ako. Hindi mo lang alam pero may alam din ako 'no!" ngumisi siya, "Are you underestimating me, Paige?"

"It's unbelievable. You're out for a long period of time and then you got perfect score? Did you cheat?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko.

Mukha namang napahiya siya. "Cheat? I'm not a cheater!"

"Sshh!" Sabay kaming napatingin sa katabing mesa namin na sinuway kami dahil sa boses ni Vale.

"I don't mind if you cheat." Usal ko.

Afterall, mas pinagpapala pa rin ang nagsusumikap ng walang daya. Hindi ko sinasabi na perfect at wala akong pagkakamali sa buong buhay ko, pero I'm proud to say na nakakasama ako sa top at ranks ng walang cheats.

"I'm not a cheater," ulit niya.

Nagkibit-balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Pero ilang segundo palang ang nakakalipas nang bigla na naman siyang magsalita.

"Let's make a deal,"

Gumalaw ang mata ko papunta sa seryoso niyang mukha.

"If you got a perfect score on midterms, I'll treat you whatever books you want."

Bigla ay sumilay ang kaunting saya sa loob ko. Books? Kahit ano? Great.

"But if I beat you, you'll have to eat together with me in a japanese restaurant-- with no books you have." then he smirked.

"Paano kapag parehas tayo ng score gaya kahapon?" Matapang na tanong ko.

"E, 'di..." Sumalumbaba siya at tumingin sa bintana. "I'll still treat you books and you'll still go out with me, fine with you?" Saka siya lumingon sa akin.

I guess, having a deal with this guy is not that bad. Afterall, maganda naman ang consequence kapag nataasan ko siya.

I suddenly felt excite.

Napangiti ako. "Right, it's a deal."

###

Habang nandito ako sa room, naging malaya ako sumagot ng mga questionaire at reviewer na hiningi ko sa prof namin. Kailangan ko kasi hasain lalo ang utak ko, lalo at complicated ang subject na una naming i-e-exam sa midterm.

Halos 30 minutes din akong malaya. Wala si Milca, wala si Vale. Wala rin akong ideya kung nasaan sila. Ang importante makapag-aral ako ng matiwasay ngayon.

Napangiti ako nang masagutan ko ng tama ang huling tanong sa questionaire. I'm confident with it without looking at the reviewer. Nang tignan ko kung tama nga ako, lalo akong napangiti.

Lalo yata akong ginanahan dahil sa alok ni Vale sa 'kin. Wala pang nakakapagsabi sa akin na ililibre ako ng kahit anong libro. I know to myself that I have to not waste the chance.

Sa isang iglap, biglang may malakas na ingay akong narinig at bago pa ako makatingin sa bintana ay may sumalpok na sa akin dahilan para matumba ako sa upuan at humiga sa sahig.

What the heck?!

Ramdam ko ang pagkirot ng ulo ko. Pero mas ramdam ko ang hilo na parang umiikot ang paligid mo. Hanggang sa umingay at may mga yapak ng sapatos akong marinig.

Dahan-dahan akong umupo habang hawak ang ulo. Nahihilo ako at parang matutumba ako agad pero buti nalang, may umalalay sa akin.

"Paige! Ma-May dugo ka sa ulo..."

Tumingin ako sa nanlalaking mata ni Milca. Hinawakan ko ang ulo ko at nakitang may likido na pula sa aking kamay. Napamura ako sa isip.

"Da-Dadalhin kita sa clinic," inalalayan akong tumayo ni Milca habang kita ko naman ang ibang estudyante na gulat na nakatingin sa akin.

Malamang ay dahil sa dugo mula sa ulo ko.

Bago pa kami makalabas, humahangos na nakarating sa harapan namin si Vale. Yumuko siya at napahawak sa dalawang tuhod niya.

"Nakabasag ako... dito 'yon 'di b---"

Nang makita niya ako sa kundisyon ko, natigil siya at nabitawan niya ang hawak na baseball bat. Now I know who the hell did this...

"I-Ikaw ang nakabasag ng bintana at nakatama ng bola kay Paige?" 'Di makapaniwalang tanong ni Milca.

"I... I didn't mean it," usal nito habang nasa akin pa rin ang tingin. Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ako pero kusa akong umatras. "I'm sorry, hindi ko alam na mapapalakas, e."

"Fool,"

'Yun nalang ang nasabi ko at tinalikuran siya. Nakailang hakbang pa ako bago mapagtanto ni Milca na dadalhin pala niya ako sa clinic.

Tss.

I swear I'm gonna kill him after my wound heal. Hindi ko 'to mapapalagpas.

Agad akong inasikaso ng nurse nang makita ang lagay ko. Medyo nataranta pa nga siya dahil tumutulo ang dugo na nanggagaling sa ulo ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit. Biruin mo, bola na, may salamin pang tumama sa akin.

How unfortunate.

"Matanong ko lang kung sino ang may gawa sa 'yo nito?" Tanong ng nurse matapos linisin ang sugat ko.

"May nagba-baseball sa labas, aksidenteng tumama sa bintana sa classroom ang bola at saktong natamaan po siya." sagot ni Milca kahit hindi naman siya ang tinanong.

"Kung gano'n kailangan niya managot, hindi biro ang nangyari sa kanya."

Yumuko nalang si Milca at hindi na sumagot. Alam kasi niya na si Vale ang may kasalanan nito.

Nang umalis ang nurse ay kaming dalawa nalang ni Milca ang nandito. Hindi ko nga alam kung ano pang ginagawa niya dito, e. Samantalang pwede naman na akong umalis maya-maya.

"Salamat sa pagdala sa akin dito, pero pwede ka nang mauna." Bulalas ko habang nakatingin sa kanya.

Ngumiti siya sa 'kin. Pero hindi umabot sa mga mata niya. "Gusto ko palang magsorry sa 'yo. Kung 'di dahil sa akin hindi ka naman pag-iinitan nila April."

Argh. Sa ganitong lagay ko nagawa niya pang buksan ang usapan na 'yon? Hindi niya ba nakikita na masama ang lagay ko tapos sasabihin niya sa akin ang pangalan na 'yun?!

"Kumpara sa 'yo, mas kaya ko silang pag buhol-buholin. Kaya 'wag ka na magsorry and don't ever say that name," sumandal ako sa dingding at napahinga ng maluwag.

"Si April?"

So stupid...

Tinignan ko siya ng matalim, mukha namang na-gets na niya. "A-Ah, okay, sorry."

Sinabihan ko siya na manahimik na muna o na pwede na siyang umalis pero sabi niya, sabay na daw kami. Kaya naman naisipan kong matulog muna dahil ramdam ko pa rin ang hilo hanggang ngayon.

Pero fuck. Pagpikit ko palang rumehistro na agad ang nakakainis na mukha ni Vale. Hindi ko tuloy siya mapigilang sapakin sa isip ko.

Anyway, I'm going to kill him. Argh!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top