Seven
Simula nang magkakilala kami ni Milca ay hindi na siya lumayo sa 'kin. I mean, we're classmates pero hindi ko talaga alam kahit apilyido niya. Kilala ko lang sila sa mukha, pero sa pangalan wala akong tinatandaan. Sabi ko nga, hindi ako interesado sa kahit sino.
Naiirita na nga 'ko eh. Saan man ako pumunta, nando'n siya. Minsan bigla nalang susulpot. Kahit pinapakita ko sa kanya na wala akong pakialam sa kanya, nginingitian pa rin niya ako at iyon ang nakakaasar.
Tulad ngayon, hindi ako makapagbasa ng maayos dahil nagku-kwento siya tungkol sa talambuhay niya.
"Could you please be quiet. Can't you see I'm reading?"
Walang emosyon kong litanya sa kanya. Huminto naman siya sa pagsasalita at napangiti. "Sorry... Akala ko kasi nag s-scan ka lang,"
"What?"
Imbes na sumagot, nagpeace sign nalang ito. Napailing nalang ako at umayos ng upo. Palibahasa'y malaki-laki ang library ng school kaya hindi agad mapapansin ang ingay.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa, akala ko this time tuluyan na siyang mananahimik pero bigla na naman siya nagsalita.
"Paige, magkaibigan ba kayo ni Vale?"
Nagsalubong ang kilay ko at binaba ang libro. Tinignan ka siya sa mata.
"None of your business. Shut your mouth or leave me alone, I'm trying to focus." Walang paligoy-ligoy kong sabi na kinagulat niya.
Tama 'yan. Para naman lubayan mo 'ko kahit ngayon lang.
"A-Ah... sorry. Narinig ko lang kasi kahapon na kinakausap ka ni ma'am about doon. Pe-Pero sige 'wag mo nang sagutin." Napayuko nalang siya. Napansin na siguro niya na kanina niya pa ako iniistorbo.
"We're not friends. I don't have friends, and I don't want friends."
Pagkatapos ko bitawan 'yan ay tinalikuran ko siya. Gusto ko nang magbasa ng mapayapa kaya sana intindihin niya.
Kahapon, nakasalubong ko si ma'am Angelita sa cafeteria at katulad ng iniisip ko, sa t'wing magkikita kami sa labas ng room ay palagi niya pa rin akong pinipilit. Ika niya, ako lang daw ang nakapunta sa lugar ni Vale. Pero syempre, ayoko nang bumalik doon at makita pa ang lalaking 'yon. Kaya paulit-ulit ko ring tinatanggihan si ma'am.
Siguro naman walang sino sa ating mga babae na gugustuhin pang makita ang lalaking namahiya sa atin physically? Pagkatapos niya akong tapunan ng softdrinks sa ulo? Sabihan ng kung anu-ano?
Not anymore...
Naramdaman kong nagvi-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko. Agad ko 'yung kinuha at nakitang si Prince ang tumatawag.
"Ate, si Papa! Nasa ospital kami ngayon!"
Napatayo ako sa narinig. "A-Anong ginagawa niyo diyan?!"
"H'wag ka mabibigla, pero ate hinoldap ang shop natin at nasaksak si Papa sa tagiliran. Pumunta ka na dito!"
Bigla akong nanghina. Napatakip ako sa bibig habang nakatingin ng diretso. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa biglang pagbabago ng nararamdaman ko.
"Ate! Nasa Sutter Coast Hospital kami ngayon. Dalian mo ka-kailangan kita dito..." Narinig ko siyang naiyak. Kaya naman doon lang ako nabalik sa wisyo.
"Wait for me, Prince. Five minutes!"
Binaba ko agad ang phone at dali-daling nilagay ang mga gamit ko sa bag. Naririnig kong nagtatanong sa akin si Milca pero hindi ko siya masagot. Pakiramdam ko maiiyak ako sa harapan niya kapag nagsalita ako.
I left her without uttering a single word. Bahala na. Kailangan kong makarating agad sa ospital.
Halos takbo-lakad ang ginagawa ko. Kahit may nabubunggo na akong tao at naririnig na nagagalit sila, hindi ko na pinagpapapansin. Mas importante si Papa.
Ramdam ko 'yung panghihina ko habang tinatahak ang ospital. Walking distant lang naman siya galing ng school pero para akong nalalayuan. Para akong nababagalan sa sarili ko at para akong madadapa any minute from now.
Nagdadasal din ako sa loob ko na sana hindi gano'n kalala ang nangyari sa kanya. Dahil kung hindi, hindi ko alam ang gagawin ko.
Habol hininga ako ng makarating sa ospital. Walang tigil-tigil, dumiretso agad ako sa front desk ng nurse at nagtanong.
"Edmund Abellana. Saan ang room---"
"Ate,"
Nakita ko sa gilid si Prince. Naka-baseball uniform pa siya. Mukhang nasa kalagitnaan siya ng training nang sumugod dito. Pansin ko rin ang pamumugto ng mata niya, bagay na ngayon ko lang nakita sa kapatid ko.
Patakbo ko siyang nilapitan at hinawakan sa dalawang balikat, "Nasaan si Papa?! Anong nangyari?!"
"Na-Nasa emergency room. A-Ate... ayokong mawala si---"
"Don't fucking say it, he's not gonna die!"
Napaupo nalang ako sa upuan. Kahit pigilan ko ang sarili ko, hindi ko na makayanan pa. Doon na nagsimulang magbagsakan ang luha ko. Habang naririnig ko naman si Prince na umuungol ng iyak.
Damn it. Bakit kailangan saktan si Papa kung pera lang naman ang kailangan?!
###
Hindi ko alam kung paano ko pa na-manage na makapasok ng school kinabukasan. Si Prince, nagbantay muna kay Papa at lumiban sa training at klase, habang ako nandito sa loob ng classroom, nakaupo at nakatulala.
Naiinis ako sa sarili ko. Ilang libong beses kong sinubukan makipagtalo sa sarili ko kung papasok ba ako o babantayan si Papa. Knowing na dapat, hindi talaga pwedeng lumiban si Prince dahil may long quiz sila ngayon, nagpaubaya siya dahil lang sa 'kin.
Ugh, Paige...
Napapikit ako habang nararamdaman ko ang hangin na pumapasok sa bintana ng classroom. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Tantiya ko nasa limang oras lang ang tulog ko dahil sa pag-aalala.
"Miss Abellana. Are you sleeping in my class?"
Dumilat ako at napatingin sa professor namin sa Entrep. Nakapamewang siya at nakataas ang kilay sa akin.
Umayos ako ng upo. "Hindi po,"
"Kung gano'n sagutin mo 'yung tanong ko kani-kanina lang."
Palihim akong napabuga sa hangin. Kahit hindi ko ilibot ang mata ko, lahat ng kaklase ko ay nasa akin ang atensyon. Para bang kabang-kaba sila dahil sa bagay, kapag hindi ka nakasagot ay mapapahiya ka. Plus, magtatawag ng bago hanggang sa masagot ang tanong.
Gan'yan si ma'am.
"Give me a complete statement of 'Is entrepreneurship a profession?'. Sinabi ko 'yan kani-kanina lang," Tinungkod niya ang isang kamay sa desk niya at nginisian ako.
Tumayo ako at nag-isip. Sa loob-loob ko ay nababanas ako dahil kung kailan wala ako sa wisyo, doon ako tatanungin.
"Eh 'di napahiya ka din," Rinig kong bulong ng dating kaibigan ni Milca. Natawa 'to sa akin at inirapan ako.
Wow.
Napalunok ako bago magsalita. "It's not a profession. Entrepreneurship is a process of identifying a business, opportunity, sourcing, and obtaining the necessary resources, starting up and managing a business venture, and taking both the rewards and risk that accompany it."
Nakita kong napangiti si ma'am. Pero sa kabila no'n ay nagsimulang magbulong-bulungan. Tinignan ko 'yung dating kaibigan ni Milca na bumulong kanina. Nakataas ang kilay niya sa 'kin.
"Eh, ikaw? Can I ask you what are the traits that will help you be a entrepreneur?"
Hindi ko mapigilang mapangisi nang mapanganga siya. See? Kung gaga ka 'wag mo nang gagahan pa.
Pumalakpak ang professor namin kaya naman lahat kami ay napatingin sa kanya. "Very good, Miss Abellana. O, sagutin mo na Miss Quintos tutal 'yon naman ang sunod na tanong ko."
"Ma-Ma'am?"
Nagtawanan ang mga kaklase namin. Isa ako sa lihim na natawa bago naupo. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay, bagay na mas kinagigil niya sa akin.
Way to go, bitch.
Oh, wait, I'm the bitch here.
"Scum," mahinang usal ko sa kanya dahilan para mapatayo siya sa upuan niya at panlisikan ako ng mata.
"Miss Quintos! Anong problema mo? Don't waste my time and answer the question." Bulalas ni ma'am kaya napatingin siya ro'n.
"Ma-Ma'am, can you give me time? Babasahin ko lang po sa note---"
"Wala 'yan sa notebook. Hindi ako nagpapasulat sa board, 'di ba? Tenga lang ang gagamitin sa klase ko, nakalimutan mo na?"
"So-Sorry..."
"Sorry? Out."
Nanlaki ang mata no'ng girl, "P-Po?!"
"Get out. Hindi ko na uulitin ang mga diniscuss ko. Ngayon kung nalimutan niyo, gumawa kayo ng paraan para maalala niyo ulit. As per you, you get out and search for the answer. Papasok ka lang dito pag alam mo na ang sagot."
Napasandal ako sa upuan ko. Gusto ko pa ngang itaas ang paa ko sa mesa dahil ang ganda ng pinapanuod ko eh. Pero syempre, naka-skirt ako. Sayang!
Lumingon sa akin 'yung babae at pinanlisikan ako ng mata sa abot ng kanyang makakakaya. Bilang mabait ako, matamis ko siyang nginitian. Gusto kong iparamdam na masaya ako sa nangyari sa kanya.
Padabog niyang kinuha ang bag niya at lumakad papunta sa pinto. Bago siya makalabas, tinignan muli ako nito at tinaasan ng isang kilay.
Wala akong pake, girl.
"You don't wanna mess with her, so if I were you, apologize later." Bulong ng nasa harapan kong babae at nakatalikod mula sa akin. ah, isa 'to sa mga kasama niya sa cr noong pinagtulungan nila si Milca.
Niyakap ko siya sa leeg gamit ang isang braso ko, halatang nagulat pa siya.
"You mess with me and I'll murder you all, retard."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top