Last.
"I want to know more about you,"
'Yan iyong unang sinabi n'ya sa 'kin nang minsang masugatan siya sa ulo dahil sa mga batang may galit sa kan'ya noon. Nasa arcade zone kami no'n, umiinom ng milk shake at softdrinks sa kan'ya. I can't believe his going to do everything, para lang mapunan n'ya ang linyang 'yan.
"Here, I know your wound still hurts, so that's why I bought this, hoping it'll lessen the pain once you take and read this book."
It sucks to remember how he showed his effort on making me feel good after accidentally hit me with a piece of glass. Ito 'yung time na siniga n'ya 'yung mga naglalaro ng baseball tapos aksidenteng tumama sa bintana at sakto sa 'kin.
I'll surely missed him being a self-willed guy.
"I'm damn lazy to do that. I just want to sit around and watch you,"
Ito naman 'yung pinipilit n'ya ako na i-tutor si Hershey noon. Nagre-review ako pagkatapos ay babanatan n'ya ako no'n. Syempre hindi ako pumayag. Hindi ako mahilig magturo, e.
Iniisip ko no'ng sinabi n'ya 'yan, 'ano nalang iisipin ng mga makakarinig diyan?' ewan ko ba sa pagiging vocal n'ya masyado.
"I don't want to be your enemy, I want to stick beside you. I want you, Paige."
Noong nalaman kong napaka consistent n'ya sa pagiging rank 1 kahit wala siyang effort makarating do'n, hindi na napigilan ng loob kong mainis sa kan'ya. Imagine, him being my ultimate competitor since highschool without knowing that he, himself is Huxley, befriended me and hide his own identity. I don't even see him taking time to study. Kaya naman pala chill lang, siya pala 'yong Huxley.
Sobrang selfish ko, 'no?
Dahil lang sa rank, nagawa ko siyang gan'yanin. Ituring na kaaway kahit sobrang bait n'ya sa 'kin.
"I think I love you,"
That's when he bought one of my favorite book. Hindi ako makapaniwala na sasabihan n'ya ako niyan. Iniisip ko no'n, trip lang 'to dahil masyadong mabilis kung mai-inlove siya sa akin.
"Deny it all you want but you're going to be looking for me when I'm gone. You're going to miss this handsome face, woman!"
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa naramdamang kirot sa puso ko. Pakiramdam ko, literal na sumasakit ang puso ko dahil sa naalalang 'yun. Iyan 'yung sinabi n'ya sa 'kin noong may ginulpi siyang senior sa school at hinatak ko siya bago pa siya mahuli.
Ang sarap balikan noong hinaplos n'ya 'yung noo kong may peklat no'n pero... hanggang alaala na nga lang.
I made it clear to myself that I would only focus to my study and family. No one should ever distract me. I don't want friends. I don't like serious relationship with other guys.
But, Vale changed my point of view in life.
Gusto ko ngang magulat sa sarili ko e. Hindi naman ako ganito. Hindi ako madaling magtiwala sa iba. Hindi ako mabilis makuha. Pero para n'ya akong ginamitan ng kakaibang mahika.
Kung kailang na-realize ko na mahal ko na siya, na alam kong may pagkakataon na 'kong makabawi sa kan'ya pero wala, e. Hindi pala 'yon ang naka-plano para sa amin.
Hindi pala kami para sa isa't-isa.
Namalayan ko nalang na sunod-sunod na palang tumutulo ang luha ko nang may makita akong pumapatak diretso sa pangalan ni Vale na nakaguhit sa isang stombstone. Umayos ako ng upo at pinunasan ang luha ko.
November 6 na ngayon, it's been a month after he dies and here I am visiting my one and only man.
"You leave me too early, love." napangiti ako sa gitna ng mga luha ko. "I'm going to be a sophomore and you know what, I've reached the rank 1 in school. Finally, I experienced it, it was such a pleasure to achieved that."
But my forehead suddenly creased by the thought that came in, "Such a pleasure... but never had a pure happiness."
"Gano'n pala 'yon, kahit na makuha mo 'yung gusto mo, kung alam mong mas may importante pa sa 'yo, pakiramdam mo kulang pa rin. Masaya ako noong nabalitaan kong rank 1 ako. Pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, kulang na kulang ako." Agad kong pinunasan ang nakatakas na luha at bahagyang natawa, "I always feel incomplete, even though I have reached my dream, I still always feel incomplete. It is because of you, asshole."
Nakakainis. Sumasama na naman pakiramdam ko dahil sa kakaiyak. Ilang buwan na mula no'n pero hindi pa rin nababawasan ang sakit sa 'kin.
Pakiramdam ko, kahapon lang nangyari ang lahat.
May naamoy akong usok ng sigarilyo kaya naman napaayos ako ng upo at mabilis na pinunasan ang pisngi ko. Nilapag ko ng maayos ang bulaklak sa tombstone ni Vale bago mapangiti.
"Feel okay?"
Tumango ako sa tanong n'ya bago siya tingalain. Nakita ko ang maliit na ngiting gumuhit sa labi n'ya.
"Good," aniya pa.
Tumingin muli ako sa batong 'yon at sinimulang haplusin. Bibisitahin ulit kita sa lalong madaling panahon, Vale Theron.
"I love you so much, love." Mahinang bulalas ko rito.
Gusto ko sana marinig o makita sa kan'ya ang salitang 'I love you too,' pero... imposible naman 'yon. Hindi n'ya pa kasi nasagot 'yan dahil 'yan 'yung oras na na-aksidente siya.
Sa isang banda, mabuti nalang at nahuli na ang kriminal na 'yon-- siya 'yung nagtangka sa akin manghalay.
Narinig ko ang buntong hininga ni Harry kaya naman tumayo na ako at nagpaalam kay Vale. T'wing bibisita ako rito, palagi ko itong kasama. Aniya, ito nalang ang magagawa n'ya para sa kapatid n'ya. Ang masigurong palagi akong nasa ayos.
Hinarap ko siya, "Salamat, Harry."
Tinanguan naman n'ya ako, "For my brother, I'll be your personal body guard."
Bahagya akong natawa. Alam ko namang hindi seryoso 'yung part na 'bodyguard'. Madalas lang n'ya akong niyayaya kumain, samahan saan man ako pumunta-- pero syempre hindi sa school. Tanungin kung anong lagay ko at syempre samahan ako rito kapag gusto ko.
Gano'n lang naman. Hindi naman n'ya ako 24/7 kasama and I don't want that. Siguro kung si Vale ito, ayos lang.
Totoo nga talaga 'yung sinabi n'ya na hahanap-hanapin ko siya pag nawala na siya. I can't believe I would totally do that.
Nagsimula kaming maglakad palayo, "Anong gusto mo ngayong araw? Milktea o frappe?" tanong nito matapos ihagis sa basurahan ang sigarilyong hindi n'ya naubos.
"Uhm..."
"I can buy you both if you want,"
"I want to eat japanese foods," sagot ko na kinalingon n'ya sa akin. "Let's eat in tsukiji?" tanong ko.
Napangisi siya at namulsa, "Sure, mademoiselle,"
Habang naglalakad palayo ay muli kong tinapunan ng tingin ang tombstone ni Vale. Napangiti ako. Sayang at hindi kaming dalawa ang magkasamang kakain ro'n. Pero 'wag ka mag-alala, love, we will meet in the next life at kakain tayo saan mo man gustuhin.
I promise.
Vale's not mine bacause we never talk about being a couple. Maybe we were about to open that, but things went wrong. Even still, he moved me in such a way that I lose all control.
I lost something I never had, yet it hurts, just as bad.
But if tomorrow brings new hope...
I hope it brings you.
###
"終わり"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top