Fourteen
Saktong tapos na ang activity na ginagawa namin sa P.E. nang abutan ako ng bottled water ni Milca kahit hindi ko naman hinihiling. Ngumiti nalang ako at nagpasalamat. Hindi ko alam kung bakit ang bait-bait niya sa 'kin kahit na madalas ko siyang nasusungitan.
Umupo ako sa bench at ininom ang binigay niya. Ramdam na ramdam ko ang pawis sa katawan ko. Sobrang nakakapagod ang pagba-basketball. Kung bakit naman kasi pati babae kailangan maglaro no'n.
Tumabi sa akin si Milca. "Uhm... okay na ba 'yang sugat mo?"
2 days has been passed since it happened and Vale kept disturbing me a lot, more than before. Ika niya, "Hindi ko naman sinasadya, e! Saka malay ko ba na tatamaan ka? Kung alam ko lang e 'di sana pinalipat kita ng pwesto."
"Nagiging okay naman na," simpleng sagot ko na tinanguan naman niya.
Pagkatapos ng ilang minuto ay napagpasyahan namin na magpalit na ng damit dahil sobrang init na talaga lalo at nakakasilaw pa ang araw. Tipong gusto mo nalang tumalon sa yelo o parang gusto ko nalang yayain si Milca na mag 'Ice bucket challenge' kami.
But of course, I'm not that kind of person.
We we're about to go when someone called my name, "Paige!"
Narinig kong bahagyang nagulat ang kasama ko since siya ang unang napatingin sa tumawag. "Akala ko hindi siya papasok."
Nakita ko si Vale na naka-uniform at naka-grey na jacket. Palapit ito sa 'min ngayon.
"Can we talk?" Seryoso niyang sabi.
I can't help but to frowned, "Now?"
"Yes,"
"I'm going to change so can't be."
"Talk to me,"
Napahalukipkip ako. He's starting to nag again. "Palibhasa hindi ka pumasok ng dalawang subject kaya kung makapag demand ka eh---"
Bigla nalang niya akong hinatak sa kamay, bagay na kinagulat ko pero agad din napalitan ng inis. This is the second time he held my wrist and I'm not liking it!
Dahil mabilis siyang maglakad ay naiwan ko si Milca sa court nang hindi nakakapag-paalam. Ni hindi ko man lang nasabi o nadala 'yung bag ko! Baka mamaya mawalan pa ako ng wala sa oras dahil dito, e!
"Get your hands off me!" Dahil marahas kong binawi ang kamay ko, nabitawan niya 'yon agad sabay ng paghinto namin. Tinitigan ko siya ng masama. "Gaano ba ka-importante 'yang sasabihin mo? Hindi ba makakapag-hintay 'yan at kailangan mo pa akong hatakin?!"
Nanatili siyang nakatayo pero nakikita ko ang itim na mata niya na gumigilid ang tingin.
"Sorry na kasi,"
And I'm like... "What the hell?!" Bulalas ko. Napatingin siya sa akin ng nagtatanong. "You grabbed me here just to say sorry?"
"Tch. Does it matter?" Aniya.
Hindi ako makapaniwala sa kanya. He could say sorry right there pero dinala pa talaga ako dito?! Isa pa, papatawarin ko naman talaga siya dahil sa tingin ko sapat na ang dalawang araw na pag-iwas ko sa kanya.
Napabuga ako sa hangin. Vale is really unpredictable. "Fine. Now let's go," aalis na sana ako dahil kailangan ko na rin makabalik. Baka nawawala na 'yung bag ko.
"Wait,"
Kinuha niya ang bag niya na nakasukbit sa balikat at may dinukot. Hindi pa nangangalahati sa paglabas si Vale ay nanlaki na ang mata ko. Pagkatapos no'n, inabot niya ito sa akin.
"Here, I know your wound still hurts, so that's why I bought this. Hoping it'll lessen the pain once you take and read this book."
Napanganga ako. Huli kong pagkakaalala ay wala naman akong hinihiling sa kanyang libro. Hindi ba nga't nasa pustahan lang namin 'to? Isa pa, masyado akong humanga sa binibigay niya.
Dahan-dahan ko 'yon inabot at tinitigan. "W-Why...?" saka ko siya tinignan.
Napangisi lang siya at namulsa. "That's Radical Candor by Kim Scott. It's about entrepreneurship by it's says how to get what you want by saying what you mean. That will help you more for studying." Aniya, "I hope you like it, it's expensive anyway."
Damn. This book is what I needed right now... naalala ko no'ng high school gustong-gusto ko na 'to bilhin pero dahil wala kaming perang sobra, binalak ko na pag-ipunan nalang. It cost P1,599.00 and that's too much to have.
Pero ngayon... hawak ko na.
"Thank you," mababang sabi ko.
Speechless ako. Pero sa kabila no'n gusto ko siyang kaltukan dahil gumastos pa siya para lang sa akin. Pakiramdam ko tuloy may utang na loob ako sa kanya and as I've said, ayoko nang may utang na loob sa iba.
"That's my peace offering,"
"Pero paano 'yung deal natin?" Agad kong tanong.
"Don't worry, deal is a deal." He said with assurance. Gano'n ba talaga siya kayaman?
Oh, well, whatever. I have this already and that's enough reason to be happy. So I smiled, wholeheartedly while staring at the book.
This is the first time that someone gave me something valueble. Wala akong mga kaibigan, kaya naman wala akong natatanggap na regalo kahit goma sa iba. Puro sa pamilya ko lang din nanggagaling palagi. Hindi naman ako nagrereklamo doon dahil pinili ko ang gano'ng buhay-- ang hindi magka-interes sa iba.
Pero tignan mo, I just met someone who's proclaiming he is my friend and buy me something nice like this. Damn, I want to say 'I love you' to the book.
"I think I love you."
Sa isang iglap, nawala ang ngiti ko sa labi at napahinto ako. Lumipat ang tingin ko kay Vale na seryosong nakatingin sa akin.
"Anong... anong sabi mo?" Kinakabahang tanong ko.
"That's right, I love you, Paige." Aniya na parang wala lang sa kanya. Para lang siyang nagsabi ng, 'Nagugutom ako. Gusto ko kumain ng lechon.' What the...
Maya-maya ay bigla akong natawa, no way he's gonna fall for that short span of time. "Relax, Vale. You're only saying that because you didn't have nice friends before," litanya ko, "I bet I'm nicer than them, do I?"
He did a mental pout, "But my heart is beating faster earlier when I saw you smiling," tapos humawak siya sa dibdib niya, "And now it came back to normal. I think it's love."
Napaatras ang isa kong paa. Hindi ako makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig niya. Kailan lang kami nagkita, nag-usap, nagkasama, tapos ngayon mahal niya na ako?! Also, I don't prefer being in a relationship!
"I-In a romantic way?!"
"I would totally do you," He said nonchalantly.
Tss! Napakapit ako ng mahigpit sa librong hawak ko at umiwas ng tingin. What's that supposed to mean?
"Whatever. I'm sure that feelings of yours will fade away in no time. Don't rush, please."
He then groaned, "Why you have to be so bluntly," locking his eyes on me, "It won't change, I'll prove you."
Kakainis! Saan niya ba napupulot 'tong pinagsasabi niya?! Hindi ko ba nasabi sa kan'ya noon na hindi ako interesado sa iba? Not on him. Kinukulit niya na nga ako araw-araw pati ba naman tungkol sa pag-ibig dinamay pa. Tsk!
Naglakad na ako para bumalik sa court pero bigla siyang sumabay sa akin sa paglalakad. Nginigian niya ako, nawala tuloy ang mata niya. "Yeah, let's go!"
Kahit hindi ko naman siya niyaya?
###
Napaunat ako matapos ko basahin ang kalahati sa binigay sa 'kin ni Vale na libro. Ibig sabihin, may 10% na akong nalalaman tungkol sa pinasok kong kurso. Bukod pa ro'n ang mga diskusyon ng mga professor namin. Sa tingin ko kaunting tulak pa ay aabot din ako sa tagumpay.
This 1st sem... I'm aiming for the rank number 1.
Kinuha ko ang notebook ko at sinulat doon ang mga nalalaman ko about entreprenuer. Magiging gabay ko 'to bilang reviewer lalo at kaunting tulog nalang, midterms na.
Hindi na kami dapat pang magpantay ng score ni Vale.
"Sabi ko na nga ba nandito ka lang,"
Hindi ko na kailangan pang lumingon dahil mabilis na nakaupo si Vale sa harapan ko. Napansin kong may nilapag siyang plastic sa lamesa, agad na umalingasaw ang bango ng pagkaing dala n'ya.
"Kalahating araw ka na nandito. Pwedeng kumain." Saka niya nilapit sa akin ang plastic.
Pa-simple akong napalingon sa gilid ko. Nasa library kami at bukod sa bawal ang maingay, bawal din ang pagkain.
"You idiot. Foods are not allowed here," Mahinang sita ko sa kanya.
He frowned, "But you haven't eaten yet,"
"I'm not really hungry."
Bigla itong yumuko sa lamesa at tinignan ako na parang nagpapa-cute. The hell?! "How can you study without anything on your stomach. Is that your technique?"
Napakurap ako ng ilang beses sa kan'ya. Pero maya-maya ay napabuntong hininga nalang. "Look, I'm busy studying. So, if you don't mind..." Sinenyasan ko itong umalis muna, pero nangunot lang ang noo niya.
Mukhang hindi n'ya pa yata na-gets. Hays!
"Paige,"
Sabay kaming napatingin sa tumawag sa akin. Nakatayo si Milca bitbit ang mga notes niya. Nang mamataan niyang kasama ko si Vale, pilit niya itong nginitian.
Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy nalang sa pagsusulat. Hinihiling ko nalang na sana ay makapag-focus pa ako ngayong nandito silang dalawa.
Naramdaman ko namang tumabi sa akin si Milca. "Paige... meron akong... ano, request." nag-aalinlangan niyang sabi.
"O?" Sabi ko nang hindi tumitingin.
"Gu-Gusto ko kasing umabot 'yung score ko kahit 25 man lang sa mi-midterm... baka naman pwede mo 'kong---"
Hindi niya pa natatapos ang sinasabi niya nang tignan ko siya at sagutin. "Nope. I have my own business,"
Halata naman na nagulat siya pero agad din nakabawi. "Just as I thought." Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga saka sumandal sa upuan. "Mapapagalitan na naman ako nito..." bulong niya.
Binalik ko na ang atensyon ko sa notes. Nasa'n na nga ba ako sa sinusulat ko?!
"Si-Sige. Una na muna ako."
Naramdaman ko nalang na umalis na si Milca sa upuan niya habang ako naman ay patuloy sa pagsusulat. Mabuti naman at nabawasan ng isa ang kasama ko. Hindi ko talaga magagawang mag-focus kung dalawa silang nasa tabi ko.
Ilang sandali lang ay medyo naiilang na ako. Ayoko sanang tumingin kay Vale, pero automatic na napadako ang mata ko sa kan'ya. Sabi ko na nga ba, nakatitig siya sa akin.
I glanced at him, "Quit staring,"
"Hm," tugon niya, "Is she your friend?"
"Pinagsasabi mo?"
"Wala. Palagi ko nalang siyang nakikita na kasama mo or susulpot sa tabi mo. Then the other day after the accident---"
"You made," pagdidiin ko.
Baka kasi by the means of the word 'accident' he said, e, parang nakalimutan na niya na siya ang may kagagawan no'n. Kung bakit naman kasi naglalaro ng baseball hindi naman pala marunong. Ang malala pa ro'n, siniga lang pala n'ya 'yung mga naglalaro para makahawak siya.
"Yeah, yeah, accident I made." Bigla siyang huminto at kumunot ang noo, "Wait, I already said sorry ah? Bakit parang galit ka pa?"
"Hindi ako galit." Kaswal na sagot ko sa kan'ya. Baka mag-umpisa na naman siyang mangulit at doon pa ako magalit.
"So as I was saying, that girl must be really concern to you."
Kinunutan ko siya ng noo, "Like I care."
Tumawa naman ito. "Of course, sa akin ka lang dapat may care." Then he gave me a winked.
"Stop it,"
Dahil pakiramdam ko wala nang saysay ang pagsusulat ko, inayos ko nalang ang gamit ko at binalik sa bag. Siguro ay maaga nalang ako uuwi sa ngayon. Doon ko nalang muna ipagpapatuloy ang gawa ko.
Tumayo na ako at handa nang umalis nang mabilis naman na humarang si Vale sa harapan ko. Ngiting-ngiti siya na parang ewan.
"Going home already? I'll walk you home."
Nakaramdam ako ng kaunting inis. Hindi ako sanay na may naghahatid sa akin pauwi. Hindi rin ako sanay na nauulit ang mga ginagawa niya sa 'kin, tulad nito, naihatid niya na ako last time at ayoko na sanang maulit 'yon.
"I reject. Go home." Walang emosyon kong salita bago siya lagpasan.
Pero dahil si Vale ito, sumunod ito kaagad sa akin. "Ang sungit mo naman. Samantalang ako hindi naman nagsusungit sa 'yo,"
"Wala akong pakialam,"
"Hayaan mo na kasi ako." Pangungulit niya pa.
"Go home,"
"I mean, let me walk you home. As if naman I'll rape you, not until you'd like me too, no, but I think that's not rape anymore, it's already called romance."
Huminto ako at mariin na napapikit. It's been a week and yeah, umamin man siya ng nararamdaman niya o hindi ay walang nagbabago sa pakikitungo niya sa akin.
Kinukulit niya ako. Palagi rin siyang may nasasabing hindi maganda sa pandinig ko. Napaka careless niyang magsalita.
"Paige?"
Tinignan ko siya ng matalim. Kung nakakatusok nga lang e, baka kanina pa siya ngumangawa diyan. "Vale..." nagbabantang tugon ko sa pangalan niya.
Ilang sandali lang ay naging seryoso ang mukha niya. Siguro ay natauhan na. "Gusto ko lang makasiguro na safe makakauwi ang pinaka iniingatan kong kaibigan. Above all, your the most precious person that I have."
Nagkatitigan kami, seryoso siya, samantalang matalim pa rin ang tingin ko. Gusto ko sanang ma-flatter sa sinabi niya, but sadly, I don't feel anything at all.
Sa huli ay ako rin ang sumuko. "Do whatever you want,"
I surrender. Ilang beses na ba kaming nagtalo at kailan ba ako nanalo sa kan'ya? Kapag may gusto siyang gawin, ginagawa niya kahit labag sa loob ko. Hindi man gano'n ka-bigdeal pero nakakainis pa rin, 'di ba? I'm not used to this.
At the end of the day, we ended up walking the same path. I never imagine na papayag ako sa mga ganitong lalaki. Makulit, pala-away, bastos. Knowing that I know nothing about him.
Vale Theron lang ang alam ko sa kan'ya, may-ari siya ng gaming zone na siyang inuuwian n'ya ngayon, kapatid n'ya si Harry, at kaunting impormasyon na sinabi sa akin ng kuya n'ya.
Yet I'm with him everyday, every second.
Kaya siguro siya iniiwan ng mga kaibigan niya dahil napaka clingy niyang lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top