Five
Sa puntong 'to ay hindi ko talaga alam ang gagawin. I mean, ngayon lang ako nakakita ng duguan at ang malala pa do'n ay walang tigil ang pagtulo nito pababa sa puti niyang jacket.
Isa pa, deserving naman siya dahil sa mga ginawa niya.
Pinihit ko ang ulo ko at mariing napapikit. Wala akong kasalanan... why would I bother help him?
Dumilat lang ako nang marinig ko na tumatayo na si Vale. Kunot ang noo niya habang kinakalma ang sarili. Kahit pinagtitinginan siya ng mga tao, walang naglalakas loob para tulungan siya. By the way, mga estudyante rin naman ng school namin ang mga nakakita sa kanya ngayon.
Lumakad siya at umalis ng walang pasabi. Tipong hindi niya iniinda ang sakit at sugat na natamo.
"Sino kayang gumawa kay Vale niyan? Hindi makatarungan. Pero dapat lang sa kanya 'yan, leksyon ba."
"Sana naman matapos niyan magbago na siya. Nakakatakot kasi mga tinginan niya, parang papatayin ka."
"Karma tawag diyan,"
"H'wag ka maingay, baka marinig ka at ikaw ang targetin niyan."
Tumayo ako at hinabol siya ng tingin. Kung pagmamasdan, para siyang walang tinamong malalang sugat. Parang sanay na siya, parang manhid na.
Huminga ako ng malalim at tinalikuran siya. Mag-aaral pa ako...
Kinuha ko ang gamit ko sa sahig at tumakbo hanggang sa nakita ko nalang ang sarili na nakahawak sa likod ng puting jacket... ni Vale.
Hindi ko alam kung tama ba 'tong desisyon ko. Hindi ko alam kung bakit nang marinig ko ang mga sinasabi ng mga tao sa kanya at parang nagbibingi-bingihan lang siya ay nakakaramdam ako ng awa.
Hindi ka naman mabilis maawa, 'di ba?
"I'm not feeling good so leave me alone," malalim na usal nito.
Nakagat ko ang ibabang labi ko at kumunot ang noo. Huminga ako ng malalim bago siya harapin. Walang emosyon ang kanyang mukha, hindi kagaya kanina na nakikita ko kung gaano siya kaasar sa 'kin.
"Dadalhin muna kita sa clinic, then I'll leave." Sagot ko.
Hahatakin ko na sana siya sa kamay nang umatras siya, "No,"
Ilang saglit kami nagkatitigan. Clinic kasi, ayaw niya talagang pumasok literally sa loob ng school.
Bumuga ako ng hangin at napahalukipkip, "I just feel responsible for what happened. Hindi biro ang tinamo mo,"
Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa 'kin. Hanggang sa hindi ko na natiis, ako na ang kusang umiwas.
"Fine, papasok na 'ko."
Bago pa 'ko tuluyang tumalikod ay naramdaman ko nalang na hinawakan niya ako sa aking pulsuhan, bagay na kinagulat ko.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa 'kin at may bahid ng dugo.
No one even dares to hold me.
Pakiramdam ko kasi, kinokontrol ako at ayoko ng gano'n. Kaya magmula bata hanggang ngayon ay iniiwasan kong hawakan ako ng ganito.
"If you really feel responsible, then treat me somewhere,"
###
Maingay ang mga naglalaro ng arcade. Kung magsigawan akala mo wala nang bukas. Masyado rin malamig ang aircondition nila dito, bagay na hindi ko napansin no'ng una kong dalaw dito. Ngayon ko lang din napansin na may malaking vending machine sila, iba't-ibang inumin ang nando'n. Mayro'n ding basketball at baseball shooter kung saan tatlong tao ang pwedeng maglaro.
Hm, siguro nga talagang mayaman siya. Masyado namang obvious.
"You see, this is my own gaming zone. I live here with Zoren, my caretaker."
See? Hindi na kailangan pang itanong dahil kusa na niyang pinagyayabang.
Hinigop ko nalang ang milk shake na nasa harapan ko. Matapos ko siyang gamutin sa abot ng aking makakakaya, pinilit niya akong uminom muna dito ng kahit anong gusto ko, nagpa-take out pa siya para lang may maipakain sa 'kin, of course, as a token of gratitude.
Honestly, gustong-gusto ko na umalis dahil may klase pa 'ko. Pero hindi niya ako hinahayaan dahil---
"Hey, I want to know more about you."
Nakangiti niyang sabi.
Kanina niya pa sa 'kin sinasabi 'yan. Kahit barahin ko siya, hindi ko alam pero biglang hindi na siya nagpapaapekto. Iniisip ko nalang na dahil siguro 'yon sa tulong ko.
O baka naman naalog lang 'yung utak niya?
"Hindi naman ikauunlad ng buhay mo kung makikilala mo pa 'ko. Hindi ako interesado sa 'yo," Diretsa kong usal sa kanya.
Tinawanan niya ako sabay sinandal ang kaliwang braso sa sandalan niya, "Interesado ako sa 'yo," Aniya, "You saved my life. Kung hindi mo ginawa 'yun malamang hinimatay na 'ko sa daan. I now consider you as a good friend."
"Tss,"
"Right, I'm Vale Theron but you can call me Vale. Pangalan mo?"
Kaklase at seatmate ko siya pero hindi niya rin alam ang pangalan ko? Kung sa bagay, mabilis nga pala siyang nawala dahil sa mga kalokohan niya.
"Paige," Kaswal kong sagot.
"Wow," Bahagya itong natawa na akala mo 'yun ang pinaka magandang pangalan na narinig niya. "I've never heard such a name, very unique."
Kinuha ko ang bag ko, "Can I leave?"
Kinuha niya ang softdrinks niya at sinipsip ito habang nakatingin sa 'kin. Hindi niya ako pinansin.
Nakakaramdam na naman ako ng inis. Parang dapat yata hindi ko nalang talaga siya tinulungan.
"I have classes. You already know my name so can I go?" Saad ko pa.
"I'm not satisfied,"
Nagsalubong ang kilay ko. Iyang noo niyang may bulak paduduguin ko talaga ulit 'yan pag hindi niya pa ako pinaalis.
Napatingin ako sa likod ko. Automatic na bumubukas ang sliding glass door pag may lalabas at papasok. Bakit hindi ko nalang siya takbuhan? Well.
Akmang tatayo na 'ko nang muli siyang magsalita.
"Fine, go ahead. But I have one more condition." Sumeryoso ang kanyang pananalita.
"Condition, huh? Look, we're not---"
"Eyy, Vale! Buti naman at naabutan ka namin,"
"Natalo ako sa pustahan. Right timing si Vale!"
"Mukhang napaaway na naman ang loko. Hahaha!"
Natahimik ako nang may dumating na tatlong lalaki. Kung titignan ay para silang mga gangster na hihilain ka nalang at gagawin kang katulong.
Tropa 'to ni Vale? Kaya pala.
"Istorbo kayo kahit kailan," May halong inis na saad ni Vale sa mga ito na tinawanan lang siya.
"Uy! Girlfriend mo? Tangina may nagkamali! Hahahaha!"
"Tangina niyo talaga,"
Napahawak nalang ako ng mahigpit sa bag ko habang nakatingin sa mesang nasa harap namin. Ayoko ng ganito. 'Yung pinapaligiran ka ng mga lalaki. To think na hindi ko sila kilala, at hindi katiwa-tiwala ang mga itsura.
"Siya nga pala, pahingi naman ako ng 3k, puta kasi natalo ako sa pustahan!"
Walang pagdadalawang isip na inabutan ni Vale ng pera ang lalaking nanghingi. "Umalis na kayo,"
"Yon oh! Maaasahan talaga 'tong kupal na 'to eh!"
"Buti nalang na-tiyempuhan natin. Hahaha!"
Nagulat ako nang may humampas ng mesa namin. Napatingin muna ako sa kamay ng lalaki na 'yun na nasa mesa pa rin, hanggang sa nakita kong bahagya siyang nakayuko sa 'kin.
Kulay kayumanggi ang buhok nito, bagsak, at may silver na hikaw sa isang tenga. Walang emosyon ang kanyang mata.
"Mag-ingat ka sa lalaking kasama mo, baka ikapahamak mo 'yan." Ngumisi siya matapos sabihin 'yun.
"Hoy, hoy, anong sinasabi mo diyan?!" Bulalas ni Vale.
Tinanguan lang ng lalaki na 'yung ang dalawa pang kasama saka siya nauna sa paglalakad. Doon naman nagsimulang sumunod ang dalawa pa.
Siya 'yung lalaki na kanina pa walang imik habang nagdadaldal ang mga kasama niya. Well, talk about weirdos.
"So, sabi ko nga may condition ako. Gusto pa kitang makilala, Paige." Litanya ni Vale matapos makaalis ng mga lalaki.
Napatitig ako sa kanya. Sa mga hindi inaasahang encounters namin, ay doon ko siya unti-unti nakikilala. I mean, hindi ko naman sinasadya na malaman ang personality niya. Like I always say, hindi ako interesado sa iba. Wala akong pakialam. Gayunpaman, unti-unti ko nakikilala ang pagkatao ng lalaki na 'to kahit hindi ko pa alam ang pangalan niya.
He's a total badass. A jerk. A big asshole. Pero alam ko sa mga pinapakita niyang 'to, sobrang natural siya.
"You're friends with them, aren't you?" Tanong ko.
"Well, yes. They've been there ever---"
"You're not their friends," Pagputol ko sa sinasabi niya.
Hindi siya nagsalita kaya tinuloy ko nalang ang sinasabi. "Kung kaibigan ka nila bakit kailangan hingan ka ng pera sa gano'n kadaling paraan? Hindi ba't pang-uuto na ang tawag do'n?"
Bahagya siyang nabigla sa sinabi ko. Pero agad din siyang nakabawi. "You don't know them,"
"Of course I don't. Hindi ako expert pagdating sa kaibigan-kaibigan na 'yan pero if it hurts you, I guess truth really hurts."
Hindi ako palakaibigan. Hindi rin ako mahilig sa kaibigan. Pero masasabi ko na napaka observant ko pagdating sa tao. Sure, wala akong pakialam sa kanila. Pero kung talagang may talent ka sa pagmamasid, unang tingin palang alam mo na 'yon.
Gano'n din ang mga kaibigan ng babaeng lumapit sa 'kin kanina. Plastik. Backstubber. Basura. Walang kwenta.
"Kaibigan ko sila. Kahit wala silang kailangan sa 'kin, kaibigan nila ako at kaibigan ko sila. So don't fuckin' judge," Seryosong usal nito.
Hindi ko napigilang matawa ng sarkastiko. Kagayang-kagaya siya ng babae kanina. Bulag-bulagan.
"Dummy. Well, goodluck. Anyway, sinabi ko lang naman ang nakita ko."
Tatayo na sana ako nang unahan niya ako at ang kinagulat ko pa, ay 'yung itapon niya sa ulo ko ang softdrinks na iniinom niya kanina lang. Napanganga ako habang patuloy na bumabagsak ang malagkit na inumin sa katawan ko.
Padabog niyang binaba ang lata sa lamesa. "I thought you were kind, nagkamali pala ako. You're so judgemental."
Hanggang sa nawala na siya sa aking paningin. Ilang segundo akong natulala sa ginawa niya. Tila umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko para makaramdam ng kakaibang panggigigil.
Tumayo ako at inis na kinuha ang milk shake sa harapan ko. Mabilis akong lumabas sa gaming zone na 'yon. Narinig ko pang tinawag ako ng lalaki sa entrance pero hindi ko na 'yun pinansin. Masyado akong nagpupulos sa inis ngayon.
Nakita kong prente siyang bumababa ng hagdan kaya naman malakas kong binato sa ulo niya ang milk shake na hawak ko.
What goes around, comes around.
Huminto siya. Hanggang sa dahan-dahan siyang humarap sa akin ng salubong ang kilay at nanlilisik ang mata.
"Bitch,"
"Asshole,"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top