Eighteen

"I need that troublemaker to quit school this sem and send him to hawaii,"

"Don't worry, this is the last time you'll convince him. Since he's into you, baka may chance na makinig. Saka, malay mo, ito ang maging daan para mag rank 1 ka. What do you think?"

Hindi ko alam kung gaano katagal 'yang mga linya na 'yan ni Harry sa isip ko. Sa totoo lang, medyo nainis ako dahil pagkatapos nila akong utusan na pabalikin sa pag-aaral si Vale, saka naman mag-iiba ang ihip ng hangin.

I can't deny that part of me is agreeing to that decision. Bakit hindi? Since Vale has always been a threath for me, maybe that idea may lead my name into rank number 1.

Pero... Vale, going far away?

Hindi ko akalain na darating 'yon sa puntong 'yon. Masyadong mabilis ang mga naging desisyon ng tatay nila.

Nawala ako sa iniisip nang huminto kami ni Vale sa kan'yang mabilis na paglalakad. Doon ko napagtanto na nakahawak pa siya sa kamay ko kaya naman agad ko 'tong binawi at tinitigan siya ng masama.

Huminga siya malalim, bago ako harapin. "Don't go near to Harry again,"

Tumaas ang isang kilay ko. Commanding me again?

"If you see him again, runaway. I can never tell what he was thinking."

Naikot ko ang mata ko sa sinabi n'ya. As if naman susundin ko siya? I can do whatever I want. "Sinabi lang n'ya sa akin 'yung sinabi n'ya sa 'yo kanina. And I think, that's a great decision."

Kumunot ang noo n'ya sa 'kin. "What?"

Ako naman ay napahalukipkip, "Come on, you need a good image from new people. Being here, you're always the bad guy. Saka, I hate to say this but you're intelligent as I am so I know you can reach up to new environment." Kaswal kong litanya. Sa isip-isip ay sana pumayag nalang siya.

Hindi siya nagsalita. Ni hindi gumalaw sa kinatatayuan. Nanatili lang itong kunot noong nakatingin sa 'kin.

"Isa pa, malaking arcadan ang naghihintay sa 'yo do'n. Isn't it what you want?" Bahagya akong natawa sa muli ko pang pangungumbinsi.

Pero bigo na naman ako makatanggap ng salita mula sa kan'ya. Hindi ko alam kung anong nasa isip n'ya. Knowing he's an asshole, malamang magmamatigas ito.

"Huy, Vale. What do you think?" Nakangisi kong tanong.

Akala ko hindi na naman niya ako papansinin. Pero sa huli ay umiwas ito ng tingin at namulsa. "Damn you for hurting me," halos pabulong niyang usal.

"Huh?" Bahagya akong nainis. Ano namang nakakasakit sa pag-iisip ng mas nakakabuti sa kan'ya? Tss.

"Tch. Ano bang problema mo, Paige? After ignoring for 48 hours then this is how you treat me? Makikita ko magkasama kayo ng lalaking 'yun?! Are you mocking me?!" Naiinis nitong tugon sa akin. "Tapos ngayon sasabihin mo sa 'kin na good idea 'yang sinasabi ni Harry? Oh, please."

Inis 'tong napakamot sa ulo habang magkasalubong ang dalawang kilay. Napanganga ako sa kan'ya. Hindi n'ya ba talaga alam na naiinis ako sa presensya n'ya lalo at karibal ko siya sa rank 1?!

"Hah!" Napasinghal ako, dahilan para lumingon siya sa 'kin, "You dummy. Didn't I told you before that we're now enemies?! You're nothing but a distraction. You are my rival on that spot. Can't you get it?!"

Ngayon ay hindi ko na maipagkaila ang inis na nararamdaman ko. Sinabi ko na sa kan'ya 'yan dalawang araw ang nakakalipas, pagkatapos heto siya at magmamaang-maangan?

"Whaaat?!" He exclaimed, "Rival?! On what spot?! Are you nuts?"

Lalo akong nainis. "Your name is serving the rank number 1 in overall average in our year. Kaya nga ako nag-aaral ng mabuti para makarating do'n. But then, you, my rival since high school got it again. You're annoying."

"Hey, wait, how come? Hindi nga kita kilala no'ng high school."

"It doesn't matter,"

"Okay. For your information, Paige, I don't mind being on rank 1. Just like you, I'm just doing my obligation as a student. I'm not your competitor nor a rival. I'm your friend,"

"Quit it, we're not friends."

Nilayasan ko siya bago pa siya maka-react. Narinig ko pang tinawag n'ya ako pero binilisan ko ang lakad ko para hindi na siya makahabol. Ewan ko, nararamdaman ko na naman 'yung sakit sa loob ko. Same feeling over and over again. Ganitong-ganito kapag nadidismaya ako sa ranking.

Lalo na nang sabihin niyang wala siyang pakialam sa ranking. Paano naman ako na may pake sa posisyon na 'yon? Nanliliit ako sa sinasabi niya at hindi ko 'yun gusto.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan kong nanunuod ng tv si Hershey habang hindi ko namataan sina Papa at Prince. Tinignan ako nito pero hindi ko siya pinansin. Masyado akong badtrip.

"A-Ate Paige,"

Huminto lang ako nang tawagin niya ako. Labag man sa loob ko, pumihit ako paharap sa kan'ya.

Lumapit ito sa 'kin at bahagyang yumuko. "So-Sorry about last time. 'Yung... ano,"

"What?" Inip kong tanong.

"'Yung sagutan niyo ni Vale. I-I'm sorry," Sumilip ito sa akin pero agad din yumuko. "Tama ka naman, e. Kung may hindi ako alam, dapat nagsusumikap akong alamin 'yun at aralin. Something I learned from you."

Ah. So ngayon lang niya na-realize?

"Okay. Good to hear that." Lumingon ako sa paligid, "Saan sila Prince? Si Papa, nakauwi na ba?" Tumalikod ako at kinaway ang kamay ko sa kan'ya, "Ah, nevermind. Magpapahinga lang ako."

Nakakailang hakbang palang ako nang magsalita siya, "Pe-Pero may gusto akong malaman... okay lang ba?"

Marahan akong napapikit. Gusto ko nang humiga sa kama...

"Anong... anong relasyon niyo ni Vale?"

Bigla akong napadilat at mabilis na kumunot ang noo ko. Hinarap ko siya nang gano'n kaya naman mukhang nagsisi siya sa tanong n'ya.

"Kasi... this past few days hindi mo daw siya pinapansin. Mukhang nag-aalala siya kung bakit. He really seemed concern about how you feel." Mababang sabi nito.

Gaano ba sila ka-close para sabihin pa ni Vale ang sitwasyon namin?! Naglalagay lang siya ng question mark sa iba e!

"We're nothing but a civil. If you like that guy, go get him. He's annoying, e." Saka ko siya tinalikuran at dumiretso na sa kwarto.

Kaagad akong humilata sa kama ko at tumulala sa kisame. Hindi ko maintindihan 'yung nararamdaman ko. Naiinis ako kay Vale, hindi lang dahil makulit siya sa 'kin, kung 'di dahil siya 'yung Huxley na ka-kumpitensya ko noon pa. Gusto ko siyang pumunta ng hawaii. Pero hindi ko alam kung papaano ko siya mapipilit.

But more importantly, when he's out of my sight, I can put my name to that spot. 'Yun lang ang gusto ko at wala nang iba.

###

Sa mga sumunod na araw ay patuloy ako sa pag-aaral. Every lesson, tinatatak ko sa utak ko. Nagre-review kaagad ako. Kung dati, madalas ako sa library magbasa, ngayon ay halos hindi na ako umalis doon lalo kapag bakanteng oras.

Hindi ko rin pinapansin si Vale kahit ilang ulit pa siyang lumapit sa akin. Nagtataka na rin si Milca, pero wala akong pakialam sa iniisip niya.

Ilang araw naging malaya ang isip ko sa pag-aaral. Kailangan ko siyang malamangan this finals. Kahit pa pupunta siya ng hawaii, walang kasiguraduhan na tutuloy siya do'n.

"Pst,"

Nilipat ko sa kabilang pahina ang binabasa ko. Nasa pahina 176 na 'ko. Conciseness and Brevity...

"Psst,"

Conciseness and Brevity is in course of writing, you are faced with incomprehensible, unclear, and wordy constructions as well as the jargon of specialist. Ah, so that's what it is.

Nagsimula akong magsulat at ilagay sa notes ko ang importanteng bahagi ng Conciseness and Brevity. Ito ang panghahawakan ko pagdating ng finals ng subject na 'to.

"Pssst, pssst!"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Kanina pa 'to...

"Oy! Paige!" Mahinang tawag sa akin ng katabi ko. Pero imbes na lingunin, nagpatuloy ako sa pagsusulat.

Napahinto ako saglit. I remembered in one book, we only remember 10% of what we read, 20% of what we hear, 30% of what we see and 50% of what we see and hear in the message.

"PSSST! Damn it!" Pabulong ang huling linyang sinabi n'ya. Kaya naman gumalaw ang mata ko papunta sa kan'ya.

Nakayuko ng patagilid at nakatingin sa akin-- salubong pa ang kilay.

"What?" Walang emosyon kong tanong.

"You're ignoring me again for pete's sake! Ilang araw na ah!" Mahinang singhal nito.

"Oh, isn't obvious?"

Bigla siyang ngumuso, "Devil,"

Inirapan ko lang ito at nagpatuloy na. Kailangan kong tapusin kung anong sinimulan ko. Isa pa, we're enemies.

Limang araw nagpatuloy ang ganyang set up namin ni Vale. Kapag hinaharangan niya ako, umaalis ako. Kapag hinahabol niya 'ko, nagtatago ako. Nakakainis man pero hindi kasi siya madala sa salita.

Someway, somehow, I felt ease because of this. Atleast nakakapag-aral na ako ng medyo payapa. Kaysa naman dati na panay daldal n'ya sa harap ko at 'yon pa ang nagca-cause ng distraction. Ngayon, natuto na siyang manahimik pag hindi ko siya pinapansin. Though bawat oras, nangungulit pa rin.

###

Dumating ako sa bahay nang nagtataka. Nilibot ko ang paningin ko. Sobrang bango, sobrang ganda sa mata ng paligid ngayon.

Kahit saan ako tumingin, nagkalat ang mga bulaklak sa loob at labas namin. Mayroon sa lamesa, sa pintuan, sa kusina at kahit sa hagdanan. Para akong nasa isang hardin.

"Ate! Kain naaa!"

Narinig ko si Prince at nakaupo na silang tatlo nila Papa at Hershey sa tapat ng mesa. Lumapit ako at umupo doon.

"Marami tayong pagkain ngayon at sa mga susunod pang araw. Saka good news, tataas ang baon niyong tatlo!" Masiglang bulalas ni Papa.

"Yes!" Excited na tugon ng kapatid ko.

"Teka, bakit ang daming bulaklak?" Hindi ko na napigilang magtanong.

"Ah, 'yan? Galing sa shop natin 'yan." Sagot ni Papa.

Nanlaki ang mata ko. "Bakit? Ibig kong sabihin, 'di ba binibenta natin 'yan?"

"Hindi mo ba gusto ang ganito, Paige?"

"Huuuh?" Nagtataka kong sagot. Ang alam ko, may utang pa si Papa sa mismong delivery pero bakit kailangan iuwi ang mga 'to?

Hindi ba nga't mas dapat pang ibenta?!

Napatingin ako kay Prince nang hawakan ako nito sa balikat. "Chill ka lang, Ate. Ganito kasi 'yan," Umayos siya ng upo paharap sa 'kin. "May isang tao ang nakipag-deal kay Papsi. Bayad na 'tong mga bulaklak, isang buwang bayad. Isang bagsakan. Nagpa-sobra pa nga e. Alam mo kung magkano nauiwi ni Papa?"

Hindi ako sumagot. Pero bumungisngis siya, "150,000 pesos, ate!"

150,000?! Sinong tao naman ang gagawa no'n para magbayad ng gano'n kalaki?! Tss.

"Baka naman scam 'yan," Sagot ko.

"Korni mo," Tumutok nalang ulit siya sa pagkain. "Sabi n'ya kaibigan mo daw siya at gusto lang n'yang makabawi sa 'yo." Natawa ito, "Ang swerte mo sa kaibigan. Ang yayaman e!"

Parang alam ko na kung sino ang may kagagawan nito...

Narinig ko ang mahinhin na tawa ni Hershey, "Ang bait talaga n'ya, kaya ang swerte mo, ate."

"O siya, kumain na kayo. Anong gusto n'yo bukas? O gusto n'yo mamasyal kayo." Suhestiyon ni Papa na kinatuwa no'ng dalawa.

"Yeheey! Pero bayad na utang mo, Paps?"

"H'wag mo na 'yon isipin. Okay na ako do'n."

"Yosh! Tara sa Japan!"

Binatukan ko si Prince. "150,000 pesos is not enough. Pagbalik mo dito sigurado puro utang na naman si Papa. Itigil mo 'yan."

Sumimangot ito habang nakahawak sa ulo. "It supposed to be a joke!"

Natawa naman sila Papa at Hershey. Samantalang napasandal nalang ako sa upuan at tumitig sa mga pagkain. I'm sure of it, Vale is the one behind everything. Paano niya nalaman na may flower shop kami? Bakit binayaran niya ng isang buwan ang mga binibenta namin?

It's obvious that he's up to something again...

Kainis. Papansin talaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top