7: Western Festival
After a week of planning the festival of the West with Ivan ay dumating na mismo ang araw na pinakahihintay namin. Which is ang festival. Naging busy ang buong mansyon sa pag-aayos ng mga dekorasyon.
Sa umaga hanggang hapon kasi nasa downtown ng West ang kasiyahan. May iba't-ibang mga stall ng pagkain at mga produkto, may mga performer sa gitna ng kalsada at parade. Kaya bata man o matatanda ay nagpunta doon para magsaya at ipagdiwang ang araw ng kanilang teritoryo.
Kasalukuyan akong nakatanaw ngayon dito sa bintana dahil tanaw mula dito sa office ni Ivan ang downtown. Napangiti na lang ako sa makukulay na dekorasyon na natatanaw ko.
"Want to go there?" Bulong ni Ivan na nasa likod ko na pala at nakatanaw na din sa bintana gaya ko.
"Aren't we busy, Suarez?" Sabi ko dahil marami pa kaming ipprepare para sa closing banquet mamayang gabi. After kasi ng sunrise festival, meroon namang sunset festival. Ang sunrise festival ang nangyayari ngayon sa downtown. Pero pag pumatak na ang dilim ay dito naman sa mansyon magpupuntahan ang mga tao para sa sunset festival. Which is also known as the closing banquet. Hanggang alas dose ito ng hatinggabi. Sa tuwing festival ng kada teritoryo ay sinasalubong ito sa pagsinag ng araw (sunrise festival) hanggang sa magdilim (sunset festival) at matapos ang araw pagpatak ng alas dose.
"We're allowed to have a break don't worry," he chuckled saka hinatak ako palabas ng office. Saktong pagkalabas namin ay nakasalubong namin ang butler at si Ivo na may dala pang mga papeles para sa amin.
"Jefe, we need to review the list of the guests." Sabi ng butler pero biglang tumakbo si Ivan habang hatak pa din ako kaya napatakbo din ako.
"Jefe! Wait! Saan kayo pupunta?" Sigaw ng butler.
"We're taking a break!" Sigaw ni Ivan at humalakhak.
"What the heck, Suarez?" I sighed pero natawa lang ulit siya habang tumatakbo kami sa hallway. Nang makalabas na kami ng mansyon ay agad kaming nagtungo sa downtown. At dahil kilala ko ito si Ivan, alam kong hindi siya magpapatinag ay nagpadala na lang ako sa hila niya. Since gusto ko din naman mag-ikot.
Lahat ng tao ay nahawi nang mamukhaan kami. Binigyan nila kami ng daan at kusa silang aalis kapag lalapit kami sa isang stall.
"This is awkward," sabi ko habang si Ivan naman ay kain ng kain ng barbecue. Nakatingin lang kasi ang mga tao sa amin na para ba kaming artista.
"That's the jefe, right?"
"Oo, at kasama niya ang prinsesa ng South."
"Hala, sila ba?"
"Hindi, they're best friends. At kaibigan din nila ang jefe ng North at jefa ng East. They're all close."
"Oh? They're the four knights who lead the war?"
"Oo, oo! Sila nga. Hihi!"
Napapikit na lang ako sa hiya. Nagbubulungan nga sila pero rinig na rinig ko naman. Itong si Ivan naman parang walang naririnig dahil busy kakatikim ng mga panindang pagkain kada stall na madaanan namin.
Nang mahinto na naman kami sa isang stall na nagtitinda ng mga sumbrero na may wig ay nagtataka akong napatingin kay Ivan nang magsuot siya ng cap na may nakatirintas na wig. Tapos sinuot niya naman sa akin yung cap na blonde ang wig.
"We'll buy this, thanks!" Sabi ni Ivan saka nagbayad na sa tindera.
"What is this for?" I asked.
"A disguise. Ayaw mo ng tinutuon sayo ang atensyon hindi ba? This is the answer." Sabi niya saka hinatak ulit ako para mag-ikot muli. Mukhang umepekto naman ang disguise namin dahil wala na ngang tao ang nakakilala sa amin. Kaya nga naenjoy na namin ulit ang festival. Dinala kami ng mga paa naman sa mga performer na sumasayaw sa gitna habang nagpapakita ng mga tricks. Napapalakpak na lang kaming dalawa sa tuwa kasabay ng ibang tao.
"Just wondering, what if mag-perform ka later for the opening remarks of the closing banquet? What do you think? Good idea, right?" Sabi niya habang ngumunguya ng mansanas. Napakunot noo naman ako.
"What?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"What?" He asked. Tinaasan ko naman siyang kilay.
"Alam mo naman na wala akong balak magperform kahit kailan sa harap ng maraming tao. Playing a cello is just my hobby, I'm not that talented at it." Sabi ko.
"You don't call that talent? I don't even know how to play that damn thing." He chuckled.
"I'm not confident playing in front of many people. I don't think I'm that good," I answered.
"Rosan, the first time I heard you are playing, I thought I was in heaven for a moment. You play so heavenly that even angels can agree with me."
"Stop it, kahit ano pang sabihin mo hindi mo ako makukumbinsi."
"Really? What if I did something so embarassing to the point you would say 'yes'?" Nakangisi niyang sabi, napakunot noo naman ako.
"What are you planning to do?"
"Watch me," sagot niya kaya napakunot noo na lang ako habang nakatingin sa kaniya.
"Ahem, ahem--GOOD DAY EVERYONE! I WANT YOU ALL TO KNOW THAT MISS ROSAN FUEGO AND I ARE--" bago niya pa matuloy ang sasabihin niya ay agad ko nang tinakpan ang bibig niya at hinila siya palayo doon.
"Oo na, oo na! Tutugtog na ako mamaya. Argh! You won!" I sighed in defeat kaya napasuntok na lang siya sa ere dahil sa tuwa.
"I hate you, you know that?" Sabi ko.
"That's fine, atleast I won." He winked at me.
Biglang natuon ang pansin namin sa matandang sumigaw dahil may nanghablot ng bag nito. Sakto namang napadaan sa direksyon namin ang magnanakaw kaya agad ko itong pinatid tapos si Ivan naman ang humawak sa braso nito para irestrain. Kaya nga kinuha ko na ang bag ng matanda at ibinalik ito sa kaniya. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa ginawa namin.
Agad namang kinuha ng mga bantay ang magnanakaw kaya nga lumapit na si Ivan sa akin.
"Nako, maraming maraming salamat sa inyo hijo at hija. Nasa bag na ito ang pambili ng gamot ng asawa ko kaya malaki ang utang na loob ko talaga sa inyo. Please accept this as my token of appreciation." Sabi ng matanda sabay abot sa amin ng isang hugis puso na tinapay.
"Nakuha ko ito ng libre sa stall ng aking kaibigan, pero dahil gusto ko magpasalamat sa inyo ay tanggapin niyo itong dalawa," nakangiting sabi ng matanda sabay abot ng dalawang tinapay sa amin.
"Uh, hindi na po lola. Para sa inyo po iyan kaya--"
"No, I insist. Please accept this." Pilit ng matanda kaya nga no choice si Ivan kung hindi tanggapin ito at magpasalamat sa matanda. Natawa na lang ako nang kunot noo niyang tinignan ang tinapay na hawak niya.
Ang tinapay kasi na inabot sa amin ng matanda ay ang love bread. Na kapag hinati mo ito sa gitna ay doon lalabas ang kulay ng isang fondue. Kada kulay kasi ay may iba't-ibang meaning. Kumbaga parang sinasabi nito ang magiging kapalaran mo sa pag-ibig, may kasintahan ka man o wala.
Kapag kulay pink ang fondue, ang meaning non ay everlasting love. Kapag blue ay blossoming love. Kapag green ay growing love. At kapag purple ay resilient love.
"This one is yours." Sabi ni Ivan sabay bigay sa akin ng isang tinapay na agad kong sinalo.
"We should go back, we have a lot of things left to do." Nakangiti niyang sabi kaya tumango na lang ako at sinabayan siya sa paglalakad pabalik ng mansyon.
-
Nang matapos ang pagpprepare namin sa mansyon ay nagpaalam na muna ako kay Ivan para umuwi sa South at mag-ayos para sa closing banquet. Invited din sila Tori kaya paniguradong magkikita-kita kaming apat mamaya doon sa banquet.
Napatitig na lang ako sa repleksyon ko ngayon sa salamin. Suot ko ngayon ang isang white gown tapos inayusan lang ako ng maid ng light make up.
Napabuntong hininga na lang ako saka nagpasya nang umalis at bumalik sa West dahil magtatakip silim na.
Nang makarating ako sa West ay naabutan kong marami ng sasakyan sa labas ng mansyon. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil magpeperform ako mamaya sa harap ng maraming tao. Alam kasi ni Ivan na tumutugtog ako ng cello kaya pinakiusapan niya ako na magperform for the opening remarks.
Sa totoo lang, hindi niya sinasadyang malaman na marunong ako tumugtog dahil tinatago ko ito sa iba noon. Hobby ko lang kasi ang tumugtog nito lalo na kapag nasa greenhouse ako. Hindi ako ganon kaconfident magperform sa harap ng maraming tao. Napilitan lang ako ngayon dahil kay Ivan. Tsk.
"Rosan! Here you are!" Excited na sabi ni Tori sa akin nang makalapit siya kaya napangiti ako. Sa likod niya ay si Nixon na tinanguan lang ako.
"Alam mo hindi na tayo masyado nagkikita, namimiss na kita hays! Lagi ka na lang nandito sa West in the past few days. We should have tea in the South or East next time."
"Sure, no problem with that." I smiled.
"By the way, nakita mo ba si Ivan?" I asked.
"Hmm. Nope. Not yet. Why? Miss him already?" Tori teased.
"Yup, he'll miss his life if hindi siya magpapakita sa akin ngayon." Sagot ko kaya natawa na lang si Tori. She didn't ask me about my upcoming performance kaya mukhang wala siyang ideya na magpeperform ako in a few minutes.
-
"This way, Miss Rosan." Sabi ng butler saka nilead ang way papunta sa backstage. I tried finding the culprit who's the reason why I'm in this situation in the first place pero hindi ko pa din mahagilap kung nasaan siya.
"Do you know where Ivan is?" Tanong ko sa butler. Pero umiling lang ito kaya napabuntong hininga na lang ako.
"Ready, Miss Rosan?" The butler asked. Napatango na lang ako at pinilit ngumiti kahit na kabang kaba na ako habang hawak ang cello.
"Now, let's give a round of applause to Miss Adriah Rosan Fuego." Nang marinig ko ang pangalan ko ay agad na akong humakbang palabas ng backstage at naglakad papunta sa gitna at naupo sa upuan hawak ang cello. Napabuntong hininga na lang ako saka tumango at sinabi ko sa sarili ko na kaya ko ito. Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na ako dahil sa sobrang kaba. Pero nang magsimula nang tumugtog ang piano ay napatingin ako doon, nagulat ako nang makita si Ivan na nakaupo doon at tumutugtog. Dahil sa sobrang shookt ko ay hindi ko namalayan na cue ko na pala para tumugtog kaya nagsimula na ako.
Ramdam ko lahat ng mata na nakatingin sa akin kaya lalong kumalabog ng malakas ang puso ko sa kaba. This is my first time kaya natatakot ako na magkamali, pero sumunod lang ako sa flow ng pagtugtog ng piano ni Ivan at dinama ang musika. Hanggang sa tuluyan nang nawala ang kaba sa dibdib ko at inenjoy ko na lang ang pagtugtog hanggang sa matapos ang piece.
Nabalik na lang ako sa wisyo nang marinig ang masigabong palakpakan ng audience at ang kamay ni Ivan na nakalahad sa akin. I stared at his face looking at me with a smile, saying that I did it. Napangiti na lang ako saka humawak sa kamay niya at tumayo.
We took a step forward saka sabay na nagbow sa harap ng audience at pinakinggan ang palakpakan at cheer ng mga tao.
"You didn't tell me that you can play the piano," I whispered in his ear para marinig niya.
"Well, pumayag kang ipakita ang secret talent mo, it's only fair if I can also show my hidden talent together with yours." Bulong niya sa akin pabalik.
And by that, my heart skipped a beat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top