6: Presence

Nang makabalik ako sa mansyon ay nagulat ako nang makita si Ivan. Agad siyang lumapit sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"What the heck happened to you?" He asked. Naging madumi kasi ang suot kong dress dahil sa pakikipaglaban ko sa mga lalaki kanina. Tapos yung dala kong bulaklak ay lagas lagas na.

"What are you doing here?" I asked.

"Did you forgot? We're going to the West today." Sabi niya kaya napakunot noo naman ako.

"Oh, c'mon. Nakalimutan mo talaga? You promised me that you'll help me plan the festival." Sabi niya kaya doon ko naalala na humingi pala siya ng tulong sa akin nung nakaraan para i-organize ang festival sa West.

"Mag-asawa ka na kasi! Hays." Tukso ko. Kasi si Ivan lang mag-isa ang nag-mamanage ng West. Kasi usually, ang lalaki ang nag-mamanage ng territorial affairs and then yung babae ang namamahala sa mansyon.

"Then please marry me," natatawa niyang sabi sabay akbay sa akin.

"Tss, shut up." Sagot ko sabay alis ng braso niya at pumasok na sa loob ng mansyon para magpalit ng damit. Inutos ko na lang sa maid yung roses na ilagay sa isang vase tapos mabilisan na lang akong nagpalit ng damit ko.

"Let's go," sabi ko kay Ivan nang makababa na ako kaya sabay na kaming lumabas ng mansyon.

"After you," sabi niya saka pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Agad naman akong sumakay sa passenger seat tapos saka na siya umikot para umupo sa driver's seat.

-

Nang makarating kami sa West ay agad akong sinalubong ng mga tauhan ni Ivan at nagbow sa akin.

"Welcome back, Miss Rosan." Nakangiting bati ng butler at ng head maid. Napangiti na lang din ako tapos pumasok na kami sa loob ng mansyon at dumiretso na kami sa dining hall para kumain ng dinner since pa-gabi na din.

Nagulat ako nang makita ang isang hindi pamilyar na mukha. Pero kung titignan ko siya ay alam ko na agad na family-related sila ni Ivan dahil medyo may hawig sila sa isa't-isa.

"Ah, Rosan. I forgot to tell you na kasama ko na dito sa West ang kuya ko. I know you remember him because I've been telling you a lot about him." Sabi ni Ivan kaya bigla kong naalala na may kinukwento nga si Ivan na nakatatanda niyang kapatid. Dibale dalawa kasi silang magkapatid, at ang Kuya niya ay piniling manirahan sa ibang bansa simula nang mag-kolehiyo ito. Wala itong interes sa pagmamanage ng teritoryo kaya lumayas ito sa kanila at tinakwil ng tatay nila. Ngayon ko pa lang siya nakita. Kahit sa previous life ko ay hindi ko nameet itong kuya niya.

"Rosan, this is my older brother, Ivo. Brother, meet my friend, Rosan." Pagpapakilala ni Ivan sa amin kaya napatingin ito sa akin.

"Hmm. So, you're the princess of the South? Nice to finally meet you. I heard many stories about you." Nakangiti nitong bati sa akin.

"Ah, really? What kind of stories." I asked and also greeted him with a smile.

"Which story do you want to hear? The story from my peers or the story from my brother?" Nakangisi niyang sabi kaya biglang nagsalita si Ivan.

"Brother, stop teasing Rosan. Let's eat for sure gutom na si Rosan, tama na iyang kwento at need pa namin mag-usap about sa upcoming festival." Sagot ni Ivan.

"Alright, alright." His brother chuckled.

"Anyway, where's Aziz?"

"He's sleeping already, can't wake him up." Kibit balikat ng Kuya niya. Napakunot noo na lang ako. Who's Aziz?

-

Nang matapos ang dinner ay nag-excuse muna ako kila Ivan para sumaglit sa restroom. Sinamahan naman ako ng isa sa mga maid para ituro ang daan papunta sa restroom.

Habang naglalakad kami ay napahinto kami nang marinig ang ingay sa di kalayuan.

"Anong nangyayari?" Tanong ng maid na kasama ko sa maid na nakasalubong namin na mukhang nagpapanic.

"Y-Young sir--inaatake na naman siya." Sagot ng maid na tila hinihingal pa.

"Ano pa hinihintay mo? Tawagan mo na si Sir Ivo."

"Ngayon din!" Sagot nito at tumakbo na papalayo. Agad naman akong pumunta sa direksyon kung saan nanggagaling ang ingay.

"Miss! Wait!" Tawag sa akin ng maid na kasama ko pero hindi ko na lang pinansin ito at sumilip sa kwarto. Naabutan ko doon ang gulo-gulong mga gamit at ilang mga maid na pilit pinapakalma ang isang batang lalaki na kung tatantiyahin mo ang edad ay around 12 years old.

Nakatakip ang dalawang kamay niya sa tenga niya habang nagsisisigaw siya at pinagbabato ang mga gamit na mahablot niya sa kwarto. Hindi na ako nag-atubaling lumapit sa kaniya para sana tumulong kaso saktong papalapit na ako ay nabato niya ang isang vase malapit sa direksyon ko. Napadaing ako sa sakit kaya natahimik ang paligid. Pati ang batang nagwawala ay napatingin sa akin.

"Please leave the room, all of you." Sabi ko.

"B-But Miss, your arm--"

"Just please leave us for a moment." I sighed kaya nga agad silang lumabas ng kwarto kahit na labag sa loob nila.

Nang makalabas sila ay napatingin ulit ako sa bata na nakatingin ngayon sa nagdudugo kong sugat sa braso. He looks horrified kaya agad kong pinunasan ito gamit ang panyo ko.

"Is your name, Aziz?" I asked at lumuhod sa harap niya saka hinawakan ang kamay niya pero hindi siya sumagot at nag-iwas lang ng tingin sa akin. Nung una napansin ko na medyo nagulat pa siya sa hawak ko pero hinayaan niya lang ako. Nang tignan ko ang kamay niya ay puro galos ito.

Nang obserbahan ko muli ang buong kwarto, nakita ko na lahat ng bagay na binabato niya ay sa iisang direksyon lang nakatuon.

Ilang saglit pa ay dumating na si Ivo kasama si Ivan. Napatigil sila nang maabutan akong nakahawak kay Aziz. Tila ba hindi sila makapaniwala na nagawa ko ito.

"Aziz, are you fine now?" Nag-aalalang tanong ni Ivo saka chineck ang anak niya. Hinayaan ko na lang sila saka lumabas na ng kwarto.

"Shall we go, Ivan?" I asked dahil nga kailangan pa namin mag-meeting para sa festival dahil iyon naman talaga ang pinunta ko dito. Gusto ko man magtanong about kay Aziz ay pinigilan ko. Dahil ayokong mangialam o mang-himasok sa family affairs nila.

Napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko. Nakita ko na lang na umaagos na pala ang dugo mula sa braso ko at nagmantsa na sa dress na suot ko. Naalala ko na nasugatan nga pala ako kanina nang ibato ni Aziz ang vase.

"Seriously, Rosan? You're bleeding right now and then you want to proceed with the meething? We need to treat you first." Sabi niya saka dinala ako sa office niya at doon sinimulan na gamutin ang sugat ko.

"I can do it on my own, Ivan." Sabi ko pero parang wala siyang narinig.

"Ivan..." Tawag ko ulit kaya nga doon na siya nag-angat ng tingin sa akin.

"Just let me do it for you, Rosan. It's the least I could do since my nephew is the one who hurt you." Sabi niya kaya nga napabuntong hininga na lang ako.

"Fine then," sagot ko. Ilang saglit pa ay dumating si Ivo kaya nga napaayos kami ng upo ni Ivan.

"Sorry to disturb your moment," he chuckled saka naupo sa tabi ni Ivan which is katapat ko.

"I want to apologize for my son's behavior Miss Rosan." Simula niya.

"It's fine, malayo naman sa bituka ito." Biro ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Ivan.

"Hmm. My brother says otherwise." Sagot ni Ivo kaya sinamaan din siyang tingin ni Ivan.

"What are you doing here, brother?" Ivan asked.

"I just want to apologize to the Miss. Kaya paumanhin talaga sa nagawa ng anak ko, Miss Rosan."

"--Aziz started to act like that after her mother left us. Left means gone. Dead. Just to make it clear for you." Sabi ni Ivo saka nagsimula nang magkwento kung paano namatay ang asawa niya.

Sinundan daw sila ng mga tauhan ng tatay nila ni Ivan. In order to bring back Ivo, sinubukang kidnappin ng mga ito ang mag-ina niya. Nanlaban daw ang asawa niya para lang hindi nila makuha si Aziz. Nasa trabaho non si Ivo at ang tanging naabutan niya na lang pag-uwi niya ay ang duguang katawan ng asawa niya at ang anak nilang si Aziz na nasa loob ng isang closet na mukhang pinagtaguan ng asawa niya. Nasaksihan daw ni Aziz ang nangyaring pagpatay sa ina niya sa loob ng aparador na iyon, at after daw non ay hindi na muling nagsalita pa si Aziz. He was traumatized. And now that Romero Suarez, their father, is already gone ay nagdesisyon si Ivo na bumalik dito para din sa recovery ni Aziz. A new environment kumbaga.

Pero naputol ang pag-uusap namin nang dumating na naman ang ilang maid para tawagin si Ivo. Kaya nga agad din kaming napapunta sa kwarto ni Aziz. He's crying again while throwing away his pillows.

Habang pinapakalma siya ni Ivo ay bigla kong napagtanto kung ano ang nagcacause ng pagwawala ni Aziz.

"Can you please remove the closet from this room?" I asked sa mga tauhan. Nagtataka naman silang napatingin sa akin.

"Do what she says," utos ni Ivan kaya nga inilabas na nila ang closet. Ilang saglit pa ay nagsimula na ngang tumahan si Aziz. Napatingin na lang sila sa akin with amazement in their eyes pero nagpasya na din kami ni Ivan na umalis doon nang simulan na muli ni Ivo na patulugin ang anak niya.

"Paano mo naisip iyon, Rosan?" Ivan asked.

"Napansin ko nung una na yung mga binabato ni Aziz na mga bagay ay naka-aim lagi doon sa closet. Nung una hindi pa ako sigurado, pero nang magkwento si Ivo ay doon ko lang napagtagpi lahat. May fear si Aziz sa mga closet dahil sa witness niyang pagkamatay ng ina niya. Kaya hindi ko mapigilang malungkot para sa bata. He was too young at that time. And now, because of that past, he carried and embraced the fear more than himself. If only I could do something to help him," sagot ko.

"I feel you, Rosan. When I heard the story from my brother and witnessed my nephew's situation in person, I felt helpless. I can't do anything to help my brother or my nephew." Sabi ni Ivan.

"No, Ivan. You helped a lot. Being by their side and showing your sincerity to help them is already enough. Hindi mo alam kung gaano kalaking tulong para kay Ivo at Aziz ang presensya mo. Your presence is enough to make them feel loved and secured." Sagot ko at binigyan siya ng reassuring smile.

It's indeed very helpful talaga para sa isang tao ang presensya. Minsan kahit walang yakap or words of affirmation basta nandiyan ka sa tabi niya para makinig ay okay na para maramdaman ng tao na iyon na hindi siya nag-iisa.

Being present for someone is already enough to battle those fears.

***
(Ivan's photo on the gallery...)

Note: Hello, guys; I apologize for the late updates for this story. Busy lang po as a working student. Please bear with me. :<

But I'll try my best to update every week, kahit hindi na everyday gaya ng sa You Should Hate Me before.

Thank you for the unending support kahit mabagal ang update. I'll make sure this story will satisfy you. The plot is already structured in my mind.

Abangan ang mga plot twists! 😁👌

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top