3: Casino
After kong masettle ang cancellation of marriage namin ni Benard ay itinuon ko na ang sarili ko sa pagtulong sa pagmamanage ng South. Hinayaan lang ako ni Dad at nanatili silang tahimik ni Mom. I'm at that age to marry and settle down pero wala pa iyon sa isip ko ngayon.
Tori is already married and already had two children. Eloise is also married with one child at ganon din si Heilee. Ako na lang sa aming apat ang hindi pa kasal kaya pinepressure ako ng tatlo. Hahaha!
"Hello, miss. I have received a report sa magdedeliver sana ng mga ubas na naani natin sa West. Hinarang daw po sila ng mga armadong lalaki kaya hindi po namin naidala sa West ang mga ubas na gagawin sanang wine para sa dadating na celebration." Report sa akin ng butler. Napabuntong hininga naman ako. This is not the first time. Actually pangatlong beses na itong nangyari. Nung una hindi namin ito pinansin dahil akala namin threat lang ang gusto nila. But they keep on doing it kaya sa tingin ko ang intensyon talaga nila ay ang sirain ang negosyo namin ng tuluyan. Haha! So petty.
"They're at it again huh?" I sighed. Ever since the wedding was called off. The Fuentez did everything to get revenge since hindi nga sila makakapag simula basta-basta ng war ay sa ganitong paraan sila gumaganti. They're sabotaging all our business!
"Meron bang nasaktan?" I asked.
"No, miss. Wala po. Ligtas po ang mga tauhan natin. Tanging mga ubas lang po talaga ang puntirya nila para siguro idelay ang production ng wine."
"What did Father say about this?" I asked.
"Uhm. Actually, wala miss eh. He told me to let you manage all of them since it's your wish daw po." Sagot ng butler kaya napahilot ako sa sentido ko. Really, Dad? Alam kong hiniling ko na tumulong sa pagmamanage ng business pero you're letting me alone in this storm? I thought you will help me? Tsk.
"He's enjoying this much huh?" I smirked saka binasa ang report na dala sa akin ng butler. Since I'm restarting my life, maraming pangyayari ang nangyari na hindi naganap sa previous life ko. Nagsimula itong magbago nang tanggihan ko ang kasal kay Benard. Ineexpect ko naman ito. Hindi ito katulad ng mga reincarnation stories na nababasa ko na may advantage sila since alam nila ang mga mangyayari. Natatandaan ko nga ang mga ibang pangyayari pero hindi lahat.
"Should I just go to their mansion and point a gun on his head?" I mumbled.
"M-Miss?" He asked nervously.
"Hehe. Nothing." Nakangisi kong sabi sa butler.
Since the ties with the Fuentez has been cut, wala ng rason para makipag negosasyon pa kami sa kanila. Kung gusto nila ng ganitong gulo, pagbibigyan ko sila. They can't start a war with us, but it doesn't mean I can't start a war with them.
"Butler, what's your name?" I asked.
"Po?" He asked.
"Your family has been serving the Fuego for as long as I know. Since we'll be working together for a long time, I want to know your name. I can't keep calling you 'butler' right?"
"U-Uhh, my name is Rodrigo, Miss." Sagot niya na tila hindi makatingin sa akin ng ayos.
"Hmm. Rodrigo. So, you're the son of Sir Frederik right?" I asked kaya tumango naman siya. Si Sir Fred kasi ang butler nila Dad and now it's time to teach his son to serve the next in line to the throne, which is me. Si Rodrigo ang naging kanang kamay ko sa past life ko. He remained loyal to me kahit na sapilitang inagaw ng mga Fuentez ang trono ko noon. Pero dahil sa loyalty na iyon, namatay si Rodrigo in the most brutal way. Inakusahan siya ni Benard na kabit ko kaya tinorture siya hanggang mamatay siya. The most saddest thing is, ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya. I never had the courage to ask before since walang ibang nasa isip ko noon kung hindi ang makaalis sa puder ni Benard.
"Is it alright if I just call you Rod?" I asked kaya tumango ulit siya.
"Okay, Rod. Please tell the driver to ready the car. I have a special appointment with someone. And please call the maids to my room so that they can help me prepare." Sabi ko. Nag-aalanganin man si Rod ay sinunod niya na lang din ang gusto ko.
Agad akong inassist ng mga maids sa pag-aayos. After non ay pinalabas ko na sila, kaya kinuha ko na ang baril ko sa drawer saka ito nilagay sa gun pocket na nakakabit sa hita ko. If hindi sila makukuha sa pakiusap, I'll show them how crazy I am in this life.
"Miss, are you sure about this?" Nag-aalalang tanong sa akin ng driver.
"Don't worry manong, I'll be fine. I'll just need to scare the rats away because they're pestering our business." Nakangiti kong sabi habang nililinis ang baril ko.
Nang makababa ako ng sasakyan ay napatingin na lang ako sa labas ng casino nang makita ko ang sasakyan ng mga Fuentez. The number one business of the Fuentez are casinos. Nung una, sa South lang laganap ang casino nila pero mula nang magkaroon na ng peace treaty ay unti-unti na silang nag-eestablish ng mga casino nila sa ibang teritoryo.
Suot ko ang isang wig at isang shades para itago ang identity ko. Hindi na ako hinarang ng mga gwardya nang ipakita ko sa kanila ang family crest ko. Kahit na hindi okay ang Fuentez at Fuego, hindi pa din nila kami pwedeng limitahan sa mga establishments dahil nasa lupain sila ng mga Fuego.
Nang makapasok ako sa casino ay bumungad sa akin ang mga nagsisiyahang mga tao habang nagsusugal at umiinom ng mga wine. Maaamoy mo din sa paligid ang usok ng mga sigarilyo.
In order to get a private audience with the owner, I need to caught their eye. And that means winning one of their games.
I scanned the whole room at namili kung saan ako maglalaro. Nang makita ko ang poker table ay lumapit ako doon at naupo sa isang bakanteng upuan. Napatingin naman sa akin ang mga taong nanonood at yung mga kalalakihang nakaupo din sa table.
"Miss, are you lost? This is not a game for a little girl like you." Nakangising sabi sa akin ng panot na katabi ko. Binaba ko ang shades ko at mas nilakihan ang ngisi ko.
"I'm not lost bald head, thank you for the concern but this little girl can play." Sagot ko. Nakita ko naman ang inis sa mukha niya pero hindi na kami nagsalita dahil nagsimula na ang laro.
Sa simula ng laro ay hinayaan ko muna silang manalo para maging kampante sila at ibaba ang depensa nila.
"HAHAHA! I told you, this game is not for you." Halakhak ng panot sabay hakot ng mga chips na napanalunan niya. Napangiti naman ako at inilagay lahat ng chips ko sa table bilang pusta.
"50 million." Sabi ko kaya nanlaki ang mata ng lahat. Pero mas lalong lumaki ang ngiti ng panot na katabi ko.
"Hahaha! It seems that you're here to spend and waste your Daddy's money huh? Okay then, I'll gladly take them all. Oh boy, it's my lucky day today!" Halakhak niya saka nagsimula na ulit ang panibagong round ng laro.
-
Napangisi ako nang silipin ni panot ang dalawang baraha niya. Mukhang naghehesitate siya kaya napangiti ako.
"Card open." Sabi ng croupier sabay pakita ng dalawang baraha sa mesa. Napahiyaw naman si panot sa tuwa at hinakot ang mga chips sa mesa.
"Ahhh! I'm getting bored, I'll raise the bid!" Sigaw niya. Unti-unti naman nang nagbulungan ang mga taong nakapaligid at nanonood. Pero nanatili kaming nakafocus sa laro. Taimtim ko lang na pinapanood ang bawat reaksyon ni panot habang umiinom ako ng wine. It's really fun to watch these greedy people bago ang sakuna. Haha!
"Call."
"Call."
"Fold. Raise."
"Flop."
"Raise."
"Call."
"Raise."
"Raise."
"River."
Agad kong tinago ang isang chip at saka tinulak lahat ng chips ko sa mesa as a sign na ibebet ko lahat. Lahat sila ay napanganga at napasinghap. Pero si panot ay tila lalong nagningning ang mata.
"All in."
Nakita kong lalong lumaki ang ngiti ni panot at tila naging confident siya nang masilip niya ang baraha niya kaya nga tinulak niya din lahat sa gitna ng table ang lahat ng chips na meron siya.
"All in."
"Card open."
Nang buksan ni panot ang baraha niya ay lumantad ang Ace at 10 of diamonds.
"Ace. Full house."
Agad ko naman pinakita ang una kong baraha na 8 of spades. Napaismid si panot, pero biglang nawala ang ngiti niya nang ipakita ang pangalawa kong baraha which is isang 8 of hearts.
"Four of a kind of 8s." Sabi ng coupier. Kaya lahat ng tao ay nagulat at napapalakpak. Si panot naman ay mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Hindiiiiii! Isa itong pandadaya! Pandadaya!!!" Sigaw niya kaya nga agad na siyang inilabas ng dalawang guard ng casino.
"Excuse me, miss. The manager is requesting for an audience." Bulong sa akin ng isa pang staff. Napangisi naman ako. Finally, the prey took the bait. Agad kong inubos ang wine na nasa baso ko saka ito iniwan sa table.
"Okay, lead the way." Sabi ko at sinundan na siya papunta sa opisina ni Mr. Fuentez.
Nang huminto kami sa isang pintuan ay agad akong pinagbuksan ng staff ng pinto kaya nga pumasok na ako doon sa loob. Bumungad sa akin ang malaki at madilim na opisina. Pero nang pagkasara ng staff ng pinto ay agad nang humarap sa akin ang tatay ni Benard na si Benedict Fuentez.
Inilagay niya ang tobacco niya sa ashtray saka nakangiti akong binati.
"Greetings my dear miss. Napanood ko sa cctv kung paano mo tinalo ang isa sa mga vip guest namin. Inaamin kong pinahanga mo ako sa galing mo. But this is my first time seeing you here. What family are you from? Baka kilala ko ang pamilya mo hija."
"Me? I'm sure you know my family very well." Nakangisi kong sagot saka agad kong tinanggal ang shades at wig ko saka agad mabilis na kinuha ang baril ko at tinutok sa kaniya.
"F-Fuego." Madiin na bigkas niya saka tinaas ang dalawang kamay niya.
"What? You didn't expect me to point a gun in your head like this?" I smirked.
"What do you want?"
"I don't need anything from you, Fuentez. This is a warning. If you--" naputol ang sasabihin ko nang makarinig kami ng sunod sunod na putok ng baril sa labas kaya napatingin ako sa direksyon ng pinto dahilan para mawala ako sa focus. Agad akong pinaputukan ng baril ni Benedict kaya nga gumulong ako sa sahig at pumunta sa likod ng bookshelf. Napasinghap ako nang makita ang daplis ng bala ng baril sa braso ko.
"Hahaha! How dare you invade my territory and brought your army here. Hindi ko alam na ganito ka pala katapang, Fuego." Halakhak niya. Nang matanaw ko ang cctv ay nakita kong may mga tauhan nga na nagraid sa loob ng hall ng casino. Pero napakunot noo ako dahil hindi naman ako tumawag ng back up.
Agad kong pinaputukan ng baril si Fuentez kaya siya naman ang nagtago sa likod ng desk niya. Umaagos na ang dugo sa braso ko pero ininda ko na lang ito at nakipagpalitan pa ng putok ng baril kay Benedict.
Nang maubusan akong bala ay napamura ako sa isip-isip ko. Hindi ako nagdala ng extra bullets dahil unang-una wala naman akong balak gamitin itong baril. Ginamit ko lang ito para maintimidate si Benedict.
"Ano Fuego? Buhay ka pa ba? Hahaha!" Halakhak ni Benedict saka dahan dahan kong narinig ang mga yapak niya na papalapit sa akin.
Nagulat ako nang biglang may nagtakip ng bibig ko. Akto ko na sana siyang sisipain nang makita ko ang mukha ni Benard. Nanlaki ang mata ko dahil wala na akong bala. Pero imbes na itulak niya ako sa ama niya ay nagulat ako nang mag-quiet sign siya sa akin.
Tapos agad niyang nilabas ang baril niya at nagpaulan ng putok ng baril dahilan para mapadapa si Benedict sa sahig.
"Follow me." Bulong ni Benard sa akin saka binuksan ang isang parang secret door sa likod ng isa pang bookshelf. Nagdalawang isip pa akong sumunod sa kaniya nung una pero agad niyang tinago ang baril niya.
"Rosan, let's go. He'll definitely kill you." Madiin niyang sabi kaya hindi na ako nakaimik at sumunod sa kaniya.
Pagkapasok namin sa loob ay agad kong inagaw sa kaniya ang baril niya at tinutok sa ulo niya. "Saan mo ko dadalhin, Fuentez?" Madiin kong tanong. Tinaas naman niya ang dalawa niyang kamay.
"Just trust me, Rosan. I'll get you out of here." Sabi niya.
"How the hell should I trust you?! You're a Fuentez and your father almost killed me!" Sigaw ko.
"Then just point the gun in my head hanggang sa makarating tayo sa labas kung diyan ka mapapanatag, Rosan." Sabi niya. Natahimik na lang ako at ginawa nga ang sinabi niya. Nakatutok lang ang baril sa ulo niya habang naglalakad kami.
Nang makalabas kami na sa tingin ko ay labas mismo ng casino ay doon ko napagtanto na nagsasabi nga siya ng totoo. Pero bakit? Bakit niya ako tinulungan?
"Why? Why did you help me, Benard?!" Tanong ko.
"Rosan--" pero bago pa niya matuloy ang sasabihin niya ay biglang may nagpaputok ng baril dahilan para bumagsak sa sahig si Benard at indahin ang tama ng baril sa binti niya. Nang lingunin ko kung sino ang bumaril kay Benard ay nakita ko si Ivan.
"Where do you think you'll take her, Fuentez!" Tanong ni Ivan na nakatutok pa din ang baril kay Benard.
"Ivan. No. He saved me believe it or not. Don't kill him...for now." Sabi ko. Umigting naman ang panga niya saka ibinaba ang baril niya na nakatutok kay Benard.
"Let's go, Rosan." Sabi ni Ivan. Kaya kahit nagtataka man ako kung bakit biglang nandito si Ivan ay wala na lang akong nagawa at sumunod na lang sa kaniya. Hinayaan na lang namin si Benard doon na umiinda sa sakit.
Why? Why did he saved me from his father? The Benard I know will never do that. Siya na nagtorture sa akin at ang dahilan kung bakit kinitil ko ang sarili kong buhay sa previous life ko.
At bakit biglang dumating si Ivan? I didn't also expect him to be here. Siya ba ang may dala ng mga tauhan na nagraid sa casino ng mga Fuentez? What the heck is happening right now?!
***
(Rosan's photo on the gallery...)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top