2: Courage

"Rosan, I love you. I will cherish you all my life." Sabi ni Benard sa akin kaya napangiti ako at dinama ang yakap niya.

"I love you, Benard." I smiled sweetly.

But little did I know, that love will be the one to kill me. That thing he called love made me miserable.

-

"J-Just kill me, Benard. Mas gusto ko pang mamatay kaysa makita ka!" Sigaw ko.

"You can't die unless I say so, Rosan. Remember. You're mine. Forever." Madiin na sabi ni Benard habang mahigpit na hawak ang leeg ko. Nang bitawan niya ako ay napaubo ako at naghabol ng aking hininga.

Nang magising ako ay napahawak ako sa leeg ko at naghabol ng hininga. Simula nang malaman kong bumalik ako sa nakaraan, kada gabi ay laging bumabalik sa akin ang naranasan ko mula kay Benard. Lagi kong napapanaginipan ang mga dinanas ko sa kaniya.

"Good morning, Miss. The jefe and jefa is waiting for you in the dining room." Bungad sa akin ng maid kaya nga nagsimula na akong mag-ayos saka dumiretso na sa dining room. I'm sure they'll ask me about what happened in the engagement party.

Nang makaupo ako sa upuan ay agad ng nagsalita si Dad. "Rosan, can you explain what happened in the party?" Kalmadong tanong ni Dad.

"There's nothing to explain, Dad. Malinaw naman ang mga sinabi ko sa party na iyon na hindi ako magpapakasal kay Benard." Sagot ko. Natahimik siya saglit kaya hinintay ko na ang mga sasabihin niya. Panigurado magagalit siya sa akin just like before.

"Fine, if that's what you want." Buntong hininga niya kaya napatigil ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya.

"Did I heard you right? You're not going to scold me for what happened?" Sabi ko.

"For what? Nangyari na ang nangyari ano pa ang magagawa ko? And besides, you're in the right age to decide for yourself, Rosan." Sagot niya. Is this it? I thought he'll be mad at me dahil gumawa ako ng komusyon. Kung ganito lang pala kadali sana noon pa man ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya ang saloobin ko. But Dad is not the type who wants to hear excuses. Kaya mas pinili kong manahimik noon dahil kilala ko siya. But what's this?

"If you're done then please sign the paper in my office." Sabi niya saka tumayo na. Kaya nga tumayo na din ako at sumunod sa kaniya sa office niya. Nang makarating kami sa office niya ay inabot niya na sa akin ang papel. Which is ang cancellation of engagement with the Fuentez.

Napatitig na lang ako nang makita na ang signature ni Dad. He already signed it like he was already prepared to do so. Napabuntong hininga na lang ako at saka pinirmahan na din ang papel. Signing this paper means that I will no longer repeat my past, I will no longer be the wife of that bastard. And signing this paper also means cutting ties with the Fuentez family. The family that has the biggest contribution in the South.

Napaangat ako ng tingin kay Dad na kalmadong sumisimsim ng tsaa sa harap ko. "Are you done?" He asked kaya nga tumango ako at inabot ang papel sa kaniya.

"Do you have a question?" He asked. Mukhang nasense niya na may gusto akong sabihin.

"You're calm, Dad. Why is that?"

"Is there no reason for me to be that way?" Nakangisi niyang sabi sa akin.

"Fuentez is a well-known family in our territory. Malaki ang naging kontribusyon nila sa mga Fuego. Once we pass this paper to the center, this means that we'll be cutting our ties with them. For you, it's a storm. And I'm the one who brought that storm. Dapat pinapagalitan niya ako ngayon." Sabi ko. Cancelling a marriage means cutting ties with the family. A marriage is not only a sacred ceremony between husband and wife. It's also a tie between the two families. Na once nag-agree na ang dalawang side sa magaganap na kasal ay hindi na dapat ito putulin pa. Dahil kapag pinutol ang koneksyon na iyon, it means betrayal.

"You know it well pero pinili mo ang sitwasyon na ito. You have a reason to do that. I know you're smart, Rosan. Hindi mo basta-basta gagawin ito nang walang dahilan kaya pinili kong pagkatiwalaan ang naging desisyon mo. I have no rights to force you just because I'm your father, your parent. You have your own autonomy."

"D-Dad..."

"Yes, you created a storm." He chuckled. "But as your father, I should help you prepare for that storm. Even though we can't avoid the damages, I will do my best to lessen the damage it will create." Nakangisi niyang sabi.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Natahimik lang ako hanggang sa maubos ko ang tsaa at nagpasya ng umalis sa office niya. His words left me speechless. Is that really my Dad? Ganito ba talaga siya kahit dati pa? But the Dad that I know is strict and cold. Kilala ko na nga ba talaga siya?

After we signed the papers, agad pinasa ni Dad iyon sa center. The Fuentez started doing what they can to get revenge because of the humiliation. They pulled out all their assets from the Fuego. Lahat ng staffs na galing sa pamilyang Fuentez ay nag-resign at lahat ng lupain sa South na pag-aari ng mga Fuentez ay naging restricted area.

Inaasahan ko naman na mangyayari ito. Pero hindi sila pwedeng magsimula ng war dahil kami pa din ang namumuno ng South. Makapangyarihan man ang pamilya nila, kami naman ang direct bloodline ng mga Fuego. Ang Fuego lang ang may kakayahang mamuno sa South wala ng iba. Pero hindi ko dapat sila maliitin. Nagawa na nila one time pabagsakin ang pamilya ko before. Pero this time, I won't sit still. I'll do my best to protect my family and the South.

"It's really that messed up huh?" Sabi ni Tori. Nandito ako ngayon sa mansyon nila Tori para bumisita. Nandito din ngayon si Heilee at Eloise dahil tinawagan din sila ni Tori. Hindi kasama ni Heilee ang anak niya dahil si Vins daw ang nakatoka ngayon mag-alaga. Ang anak naman ni Tori na si Luci ay na kay Nixon at yung 2 years old niyang anak na si Lucien ay nasa loob ng mansyon dahil tulog ito. Lumabas daw ang mag-ama para mamasyal. Kaya kaming apat lang ang nandito ngayon sa garden nila para magtsaa.

Hmm. At this time, her daughter Luciana is only 7 years old and his son Lucien is only 2 this time.

"Sus, wala na iyan. Mas magiging mess up ang buhay ni Rosan kung natuloy ang kasal niya doon sa Benard na iyon." Sagot ni Heilee.

"Yep, and expected naman na ganiyan na ang mangyayari after they signed the cancellation of marriage." Kibit balikat ni Eloise.

"So, what are you planning now, Rosan?" Tori asked. Maybe she's asking anong plano ko ngayong nakalaya na ako sa engagement kay Benard.

"I want to help, Father. I don't want to be married yet. I want to devote myself to the South first." Sabi ko.

"So, you're planning to continue managing the territorial affairs?" Tanong ni Heilee kaya tumango ako bilang sagot.

"It's good that we're friends you know? Although nag-back out man ang mga Fuentez ay nandito pa naman ang mga Mera, Suarez at Gonzalez." Sabi ni Heilee.

"Yes, the girl is right. The Fuentez can't start a war that easily. Dahil aware silang hindi lang mga Fuego ang mababangga nila once na magstart sila ng war." Sagot ni Tori.

"Hahaha! Ang tanga nila kung gawin nila iyon. Why even start a war kung una pa lang talo na kayo? What a joke!" Eloise chuckled kaya natawa na lang din sila Tori.

They're right. Imposibleng magkaroon ng war dahil lang sa cancellation of marriage namin ni Benard. I know they can all help me if the inevitable happens. I know my friends will be there for me.

I wish I had this courage in my past life. If only I had this courage to speak out at ipaglaban ang gusto ko hindi ko mararanasan ang trahedyang naranasan ko before.

But yeah, it happens for a reason. Hindi ako magigising ng ganito kung hindi ko naranasan ang mga iyon. Pero isa lang ang alam ko, I will never repeat the same mistake twice. Once is enough.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top