9 - The Suitor
"Are you alright, miss?" Tanong sa akin ni Ivan nang makabalik kami sa playground. Sakto namang nandoon na din pala si Rosan at nakikipaglaro sa mga bata.
"Yes, I'm alright." Sagot ko at inalagay sa bulsa ko ang panyo na binigay ni Nixon.
"Miss!" Tawag ni Rosan at kumaway sa amin kaya nga lumapit kami sa kanila.
"Bakit ka umiyak? Sinaktan ka na naman ba ng tiyuhin mo?" Tanong ni Rosan sa bata. Tumango naman ito bilang sagot. So, uncle pala ng bata ang hayup na iyon? But still, wala siyang karapatan na saktan ang bata. How dare him. Pero napaisip din ako, ano kayang ginawa ni Nixon sa lalaki na iyon?
"P-Pero po may dumating na lalaki, n-niligtas niya kami ni ate Victoria." Sagot ng bata.
"Lalaki?" Rosan asked. That's when I realized na hindi pa pala nagkkrus ang landas nila ni Nixon. Sa pagkakaalam ko dito sila magkakakilala eh at ililigtas ni Nixon si Rosan sa isang lalaki--Teka?! Yung lalaki! Yung lalaki kanina! Yung nangyari kanina, si Rosan dapat ang nasa posisyon ko dahil iyon ang magiging unang encounter nila ni Nixon ayon sa novel. Pero bakit ganito?! Bakit ako imbes na si Rosan?! What's happening?
"May mga taga-norte dito, Rosan. Do you know why they're here?" I asked pero umiling si Rosan.
"Hindi ko alam, miss. Pero baka nandito sila para mag-sponsor sa orphanage." Sagot ni Rosan.
"But we're in the East, is that possible?"
"Uhm, sa pagkakaalam ko pwede. As long as it's not about starting a war or conquering a territory they can do that." Sagot ni Rosan. Pero sa pagkakaalam ko kasi, once na gumawa ng mga tulong ang isang teritoryo sa hindi nila teritoryo it means a treaty of peace. Bagay na ginagawa if you want to stop the conflict between the two territories. Pero bakit dito sa East? Hindi ba dapat sa South nakikipag treaty of peace si Nixon kasi nandoon ang female lead niyang si Rosan? Pero hindi pa sila nagkikita ni Rosan at hindi pa narereveal ang tunay na pinanggalingan ni Rosan. In short, hindi pa dapat ito nangyayari ngayon. Nag-iba na ba talaga ang flow ng story?
Bago kami umuwi ay lumabas ang namamahala ng orphanage to see us off. Since hindi ako nakapag imbestiga dahil sa nangyaring commotion kanina ay minabuti ko na lang na batiin ito.
"Thank you for your hospitality," sagot ko saka kinamayan ito. Ngumiti ito sa akin at kinamayan din ako pabalik.
"No, I should be the one to thank you, miss. Thank you for helping the orphanage," sagot nito. Pero hindi ko alam parang may ibang meaning ang sinasabi niya.
"We should meet soon," sagot ko. She nodded. "As you wish, miss."
Nang makaalis na kami ay agad na kaming dumiretso pauwi. Hindi na kami nagkita ni Nixon after ng nangyari kanina. Siguro nauna na silang umalis kaysa sa amin. But oh well, who cares? Tch!
Nang makauwi kami ay saktong nakasalubong ko si Dad. Mukhang paalis siya kasama ang ibang tauhan niya. He looked at me kaya agad akong bumati.
"Goodevening, jefe." Sagot ko at saka nilagpasan na siya. Tila nagulat naman ang mga tauhan niya dahil dito. Pero hindi ko na lang ito pinansin. The Victoria in the novel craves for her Dad's attention. Kaya ginagawa niya ang lahat para mapansin siya nito. Every morning Victoria will go to his office to greet him. She always call him 'Dad' even though hindi niya naman ginampanan masyado ang pagiging ama niya kay Victoria. I realized na hindi ko dapat pag-aksayahan pa ng oras ang mga tao'ng wala namang pakialam sa akin. Ang paghahangad ni Victoria ng pagmamahal ang nag-udyok sa kaniya para maging masama siya. It's his fault that Victoria became like that.
-
A month has passed, hindi ko alam pero naging tahimik ang buhay ko. O baka dahil hindi nagkkrus ang landas namin ni Nixon? Hmm. Tama baka ganon nga. Once a week ay pumupunta din kami ni Rosan para bumisita sa orphanage at kamustahin ang mga bata.
Taimtim akong nagtsatsaa ulit dito sa garden nang biglang dumating si Vins at Vigor patakbo sa akin.
"T-Tori! Is it true?" Vins asked while catching his breath. Napakunot noo naman ako.
"What?" I asked.
"That Gonzalez! Balak ka ba talaga niyang ligawan?!" Tanong ni Vins. Muntik ko na maibuga ang iniinom kong tsaa dahil doon. What the heck? Ano bang sinasabi niya?
"What? I don't know what you're saying Vins." Sagot ko.
"Tori, did you know that Dad signed the treaty of peace with the North?" Vigor asked. Nanlaki naman ang mata ko.
"What?! Why?" Hindi naman sa ayaw kong magkasundo ang mga Mera sa mga Gonzalez pero nagtataka ako kung bakit nangyayari ito dahil IT DIDN'T HAPPENED ON THE NOVEL!
"Long time no see, chestnut." Sabi ng isang pamilyar na boses. Nang lingunin namin kung sino ay nakita namin si Nixon na naglalakad palapit sa amin. Meron siyang hawak na bulaklak sa kamay niya. What is he planning?
"N-Nixon? What are you doing here?" I asked. Lalapit na sana siya sa akin nang biglang sa isang iglap ay nakalabas na ang mga baril nila at nakatutok sa isa't-isa. Vins and Vigor are pointing their gun towards Nixon. While Ivan is pointing his gun towards Nixon's people. Tapos yung mga tauhan ni Nixon ay nakatutok ang baril sa kambal at kay Ivan. Bigla akong napalunok. Ang bibilis ng kamay nila humugot ng baril. Ack!
Napangisi si Nixon. Pero hindi man lang siya natinag sa dalawang baril na nakatutok sa kaniya ngayon.
"Is this how you treat your future brother-in-law?" He smirked.
"Shut up kung ayaw mong sumabog ulo mo," madiin na sabi ni Vins. Ibang-iba ang Vins na nasa harap ko ngayon kumpara sa Vins na laging sumasalubong sa akin.
"Chill, I'm not here to kill anybody. I just want to see my future wife," sagot ni Nixon. Feeling ko ay nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi niya.
"Wife? We won't let you take Tori." Sagot naman ni Vigor at hinila ako papunta sa likod nila ni Vins.
"Did you forget? We signed a treaty of peace with your father. We're no longer enemies," nakangiting sabi ni Nixon. Is that the reason why? Does he like me that much to sign a treaty of peace? Bakit ako? Dapat si Rosan. Wait! Rosan!
Agad akong napalingon sa gawi ni Rosan. Nanginginig din siya sa takot ngayon while looking towards Nixon. Teka? Hindi! Hindi dapat ganito ang first impression niya kay Nixon! The story will be ruined kapag hindi sila ang nagkatuluyan.
"Nixon, I told you that I don't like you. Why are you doing this?" I asked with a serious tone.
"That's why I'm courting you, chestnut. I will make you like me. Iyon naman ang purpose ng panliligaw hindi ba?" he answered confidently at inabot sa akin ang bulaklak na para bang walang nakatutok na baril sa kaniya. Bakit parang sure na sure na siya na magkakagusto ako sa kaniya? Hindi porque gwapo siya eh maiinlove ako sa kaniya. Tch!
"Put down your guns, now!" Sigaw ng isang boses. Nang makita namin ang jefe ay agad nilang binaba ang mga baril nila.
"Vinsky! Vigor! What's the meaning of this?!" Galit na sigaw ng jefe. Napayuko lang yung dalawa.
"I apologize for their behavior, they're just overprotective when it comes to their sister," paliwanag ng jefe kay Nixon.
"I understand jefe," sagot ni Nixon.
"Can you please leave us for a while?" Bigla kong sabi.
"But Tori--"
"I'm okay brother, don't mind me. I just need to talk to him," Sabi ko. Wala na silang nagawa kaya umalis na sila at kaming dalawa na lang ni Nixon ang natira dito sa gazebo. Naupo na ulit ako sa pwesto ko kanina at uminom ng tsaa.
"Have a seat please," sabi ko kaya nga naupo siya sa tapat ko. Ipinagsalin ko siya ng tsaa without looking at him. Ayokong mag-angat ng tingin dahil I can feel his gaze towards me.
"Please stop staring at me, it's rude." Sabi ko.
"I'm sorry, after a month of not seeing you I realized that you became more beautiful, chestnut. That's why I can't stop myself from staring at you." he answered saka uminom ng tsaa. Hindi ko alam pero feeling ko uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Nahiya ako dahil hindi ako sanay sa compliments. But oh well, ganda ni Victoria ang pinupuri niya hindi naman ako. I can't blame him. Maganda naman talaga si Victoria. Hmph!
"Do you need anything from me that's why you're doing this?" I asked. Right, maybe he needs something from me. Gaya ng kaso sa necklace ng mother ni Ivan. Baka nakalimutan ko lang ang exact details na nakasaad sa story.
"If I tell you, will you give it?" He asked. Agad naman akong napatango. If iyon ang sagot para tigilan niya na ako bakit hindi?
"Yeah, just tell me. Maybe I can give it to you so that you can stop--"
"You. Victoria. You're the one I want. Can you give yourself to me then?" He asked with a smile on his face.
Napapikit na lang ako ng mariin at uminom ng tsaa. I changed my mind. I can't give what he's asking after all. Narinig ko naman ang pagtawa niya kaya agad ko siyang tinaasan ng kilay.
"What's funny?"
"Your reaction is so cute, sorry I can't help it." Sabi niya at nagpatuloy sa pagtawa. Baliw ba siya?
"I know you don't like me, Victoria. But I like you. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin after that night. But I can't forget you kahit na anong gawin ko. You made me like this. You made me crazy for you, so take the responsibility." He smirked at saka tumayo na at napamulsa. Iyan na naman sa responsibility na iyan! Ack!
"You will regret liking me!"
"I won't. Kahit ano pang sabihin mo, I won't change my mind chestnut." Sagot niya sabay kinindatan ako at naglakad na paalis. Napatingin na lang ako sa bulaklak na iniwan niya sa lamesa.
"I am Victoria Katherine Mera! I am the villainess of this story, you should hate me!" Inis kong sigaw kahit alam kong di niya naman na maririnig dahil malayo na siya. Ack! He should hate me, not like me! That fvcking Nixon Gonzalez is so hard-headed!
What should I do?! Paano na si Rosan! She's the female lead not me. Did I really ruined the plot of this novel?
***
(Nixon's photo on the gallery...)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top