8 - The Unexpected Savior

Kasalukuyan akong nagtsatsaa dito ngayon sa may gazebo sa may malapit sa lake. Nakaupo si Rosan sa tapat ko saka si Ivan. Pinilit ko kasi silang samahan ako magtsaa. I can't stop myself from smiling. Ack! I'm having a tea with the characters plus with this amazing view and delicious desserts.

"Thank you guys for joining me for tea," sabi ko.

"You ordered us, there's nothing we can do but to follow." Sagot ni Ivan. Inis ko naman siyang tinignan kaya napangisi na lang siya habang umiinom ng tsaa. Epal talaga. After ng naging pag-uusap namin sa may lake ay lagi na siyang umeepal sa akin. Nakakainis. Pero kung tutuusin mas okay na ito kumpara sa sinusungitan niya ako non. Atleast with this, alam kong may progress ang closeness namin hehe. Maganda kung magiging kaibigan ko din siya para hindi niya na tulungan si Nixon sa pagpatay sa akin sa dulo.

"Tch! Shut up, you're ruining the moment." Sagot ko pero ngumisi lang siya. Yes, I ordered them to join me. Kasi nung inaalok ko silang dalawa ay tumanggi sila. Bawal daw makijoin sa pagtsatsaa ang mga trabahador sa mansion. Kahit na sinasabi ko naman na ako ang bahala sa kanila. Jusme! Ako na ito. Si Victoria Katherine Mera.

"By the way, Rosan. Can you tell me about the orphanage where you came from?" Nakangiti kong tanong. Nakita ko naman sa mukha ni Rosan at Ivan ang gulat.

"Why? Bakit gulat na gulat kayo?"

"Wala miss, I didn't know that you have interest in the orphanage." Sagot ni Rosan.

"She's right. Nung nakaraang buwan na inaaya ka ng jefe na sumama sa kaniya sa charity event sa orphanage ay hindi ka sumama. I even remembered that you had a tantrum," sagot ni Ivan. Muntik ko na maibuga ang tsaa ko nang maalala ko ang isang scene na iyon sa libro. Mula nang dumating na si Rosan ay nagsimula na ang story sa novel. The things is, I only remember some important details in the story not the whole event. Sa sobrang haba ng story ng book ay tatlong araw ko yata bago ito natapos.

"That was before! I have different perspective now. Kaya gusto kong malaman ang about sa orphanage," sagot ko. Yeah, base sa knowledge ko about sa story, ang namamahala sa orphanage ay pasikretong kinukupit ang mga pera na dinodonate para sa mga bata. The evidence was hidden inside the office. Si Rosan ang makakatuklas non. Pero huli na nung natuklasan niya dahil nasunog na ang orphanage that time she discovered. Maraming bata ang namatay that time. Iyon yung time na nagkaroon bigla ng change kay Rosan. From being an innocent lamb to fearless wolf real quick. She discovered that the culprit behind the fire incident is Victoria, she used her power as the heir of the Fuego para maghiganti.

Actually, hindi intensyon ni Victoria ang nangyaring sunog. Pero since siya ang sinisisi ay pinanagutan niya ito. I don't know why she's so stupid. Ack! Maanong dinefend niya ang sarili niya. Ang nakakainis lang, hindi ko matandaan kung paano nga ba nagsimula ang sunog at kay Victoria napunta ang sisi. In order to avoid that, I need to investigate the orphanage. I need to meet the head of the orphanage. Baka kapag bumisita ako doon ay maalala ko kung anong nangyari.

"The orphanage is very lively, miss. If you go there, sasalubungin ka ng mga bata na nakangiti. Aayain ka nila maglaro at uusisasin ka nila hanggang sa maubusan sila ng tanong," nakangiting sagot ni Rosan. Dito pa lang ay ramdam ko na ang pagmamahal niya para sa mga bata.

"Do you miss them?" I asked. Tumango naman si Rosan as a response.

"Let's visit the orphanage tomorrow," sagot ko na ikinagulat ulit nila.

"P-Pardon miss?"

"I said we should visit the orphanage tomorrow," pag-uulit ko sa sinabi ko.

"R-Really miss? Can we go?"

"Yep, why not. Ivan will accompany us," sagot ko. Hindi na lang naman umapila si Ivan. Hindi mapigilan ni Rosan ang ngiti sa kaniyang labi dahil dito. Hindi ko alam pero hindi ko din mapigilang mapangiti while looking at Rosan. Maybe I'm just happy that she is happy.

-

The next day, we decided to go to the mall first para bumili ng mga ibibigay sa mga bata. Tapos right after that ay dumiretso na kami sa orphanage. Agad sinalubong si Rosan ng mga bata kaya napangiti ako.

"Ate Rosan, sino sila?" Tanong ng isang bata. Kaya nga napatingin na din yung iba pa sa amin.

"Mga kaibigan ko sila. Siya si Kuya Ivan at Ate Victoria," sagot ni Rosan.

"Ate Victoria? Isa ka po bang Mera?" Tanong ng isa pang bata. Tumango naman ako kaya napanganga sila at nagsilapitan sa akin. Isa-isa nila akong pinagmasdan ng malapitan at sunod-sunod na inusisa. Napangiti na lang ako dahil dito at saka inentertain sila. Pinamigay ko na din ang mga pinamili naming mga laruan sa mall kaya tuwang-tuwa ang mga bata. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil dito. Nang mag-angat ako ng tingin ay nagkatinginan kami ni Ivan pero agad niya ding iniwas ang tingin niya kaya napakunot noo na lang ako at tinuon ulit ang atensyon ko sa mga bata na inaaya ako papunta sa playground nila. Wala na lang akong nagawa at nagpatianod sa hila nila.

Nang makarating kami sa playground ay naupo kami sa damuhan ng mga bata at naglaro. Nagpaalam muna sa akin si Rosan na kakamustahin ang mga kaibigan niya sa loob ng orphanage kaya nga ako ang naiwan dito sa mga bata kasama si Ivan. Sa sobrang pag-eenjoy ko ay nakalimutan ko ang isa sa mga pakay ko.

"Saan dito ang cr niyo?" tanong ko sa mga bata.

"Doon po! Papasok po kayo doon tapos diretso, tapos tingin po kayo sa kaliwa." sabi ng isang bata sabay turo sa isang direksyon. Napatango na lang ako at nagpaalam muna saglit sa kanila.

"Ate samahan na kita baka maligaw ka po," sabi ng isang batang babae. Tatanggi sana ako kasi hindi naman talaga sa cr ang punta ko pero napa-oo na lang ako dahil sa puppy eyes niya. Hahaha!

"Okay, let's go." Sabi ko kaya nga humawak siya sa kamay ko. Sinenyasan ko na lang si Ivan na wag nang sumunod sa akin kaya nga napatango na lang siya. Ayoko kasing malaman niya na may iba akong balak. Baka tanungin niya na naman ako at wala akong maisagot. Mas mabuti nang sa akin muna ito.

At dahil nga cr ang nasabi ko sa bata ay pumasok ako sa cr habang naghihintay sa labas ang bata. Sakto naiiihi din pala ako. Hahaha! Kasalukuyan akong naghuhugas ng kamay nang makarinig ako ng batang umiiyak sa labas kaya nga agad akong napalabas ng cr. Nanlaki ang mata ko nang makita ang bata na nakaupo sa sahig. Agad ko itong nilapitan.

"What are you doing!" Sigaw ko sa lalaki na nanakit sa bata. Nakita ko ang namumula'ng pisngi ng bata kaya bigla akong nainis. Tinitigan ako nito.

"Sino ka? Wag ka ngang makialam dito." Sabi nito pero hindi ko ito pinansin dahil nasa bata ang atensyon ko. Iyak kasi siya ng iyak kaya pilit ko itong pinapatahan.

"Aba, bastos ka ah? Kinakausap kita!" Sigaw nito saka hinigitan ako sa braso. Napadaing naman ako sa sakit ng pagkakahawak niya sa akin.

"Do you have a death wish?" Sabi ng isang pamilyar na boses. Nang mapatingin kami sa lalaking nagsalita ay nagulat ako nang makita si Nixon. Agad naman akong binitawan ng lalaki. His jaw clenched nang mapatingin siya sa braso ko.

"S-Sorry, I didn't know that she's with you sir! P-Please forgive me!" pakiusap nung lalaki kay Nixon at lumuhod sa harap nito. Mukhang kilala niya si Nixon kaya agad siyang nanginig sa takot nang makita ito.

Sinenyasan naman ni Nixon ang mga tauhan niya kaya agad nitong kinaladkad yung lalaki palayo. Agad namang lumapit sa akin si Nixon at hinawakan ang braso ko na hinawakan ng lalaki, doon ko lang nakita na bumaon pala yung kuko ng lalaki sa braso ko. Bwisit na iyon! Sinugatan niya ang napakagandang kutis ni Victoria. Huhu!

Nagulat na lang ako nang kumuha ng panyo si Nixon sa bulsa niya at agad pinunasan ang kaonting dugo mula sa maliit na sugat. Is this the reason why he's mad? Nang tignan ko ang reaksyon niya ay seryoso siya habang pinupunasan ng panyo ang braso ko.

"I'll make sure to torture him before killing him," he muttered. Napalunok na lang ako. Siyang-siya talaga ang Nixon na nasa story. Madali lang sa kaniya para sabihin ang salitang pumatay. But--why is he being like this?

"T-Thanks, I can manage." Sabi ko at agad kinuha ang panyo sa kaniya.

"Miss!" Rinig kong tawag ni Ivan at agad lumapit sa amin. Tinitigan niya ng masama si Nixon pero bago pa mapunta sa away ay agad ko nang hinila si Ivan.

"L-Let's go, Ivan." Sabi ko. Tumango na lang siya saka kinarga yung bata na kasama ko. Buti na lang at tumahan na ito sa pag-iyak.

Nang maglakad na kami palayo ni Ivan ay nilingon ko si Nixon. Ang akala ko nakaalis na siya, pero mali pala ako. Nandoon pa din siya habang nakatanaw sa amin. Our eyes met. Agad akong napaiwas ng tingin at nagtuloy na sa paglalakad.

What is he doing here? And what's with these handkerchiefs?! First, Ivan. Then now, Nixon!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top