7 - The Handkerchief

"TORI!!!" sigaw ng isang babae sa panaginip ko at agad akong tinulak kaya nga napadapa ako sa gilid ng kalsada. Nakarinig na lang ako ng malakas na kalabog saka ang mabilis na pagharurot ng sasakyan paalis. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko na lang ang babae na nakahandusay sa daan at duguan. Agad akong lumapit sa kaniya.

"Tori, my d-daughter. Mom loves you. Don't forget that," sagot niya saka umubo ng dugo. Hinawakan ko ang kamay niya hanggang sa unti-unti niya nang ipinikit ang mga mata niya.

"M-Mom? Mom," I cried but she didn't budge. Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin ang duguan niyang katawan. I cried and cried to wake her up, but she didn't open her eyes.

Agad akong napabangon at naghabol ng hininga nang bigla akong magising sa panaginip. What is that dream? Is that Victoria's memory? If hindi ako nagkakamali, that's the scene when her Mom died. But why am I having this kind of dreams? Ang bigat ng dibdib ko.

Since hindi ko na alam paano pa ako makakatulog dahil sa panaginip ko ay naisipan kong maglakad muna sa tabi ng lake to clear my mind. Naupo ako sa isang malaking bato at inilapag ang ilaw na dala ko sa gilid ko. Namulot ako ng ilang pebbles at binato ito sa lake.

Hindi ko alam pero nastock na sa isip ko yung itsura ng Mom ni Victoria na walang buhay at duguan. Hindi dapat ako naaapektuhan eh, since I'm not the real Victoria. Bakit ganito? I feel like crying. Ang pinipigilan kong luha ay nagtuloy na sa pag-agos hanggang sa maging hikbi na. I don't know why I'm being like this. But somehow I feel like this is the right thing to do in order to lessen the heavy feeling in my chest.

Napatigil ako nang biglang may kamay na nag-abot ng panyo sa akin. Sisigaw na sana ako kasi bigla na lang may sumulpot sa harap ko pero agad kong nakita ang mukha ni Ivan kaya napigilan ko ang sarili ko. Biglang nawala ang takot ko nang makita ang gwapo niyang mukha. Ack! Second male lead's blessing.

I accepted the handkerchief saka pinunasan ang luha ko. Agad naman siyang naupo sa tabi ko at tumingin na lang din sa lake. We're both silent at tanging kuliglig lang ang maririnig but it doesn't feel awkward. Parang feeling ko nga gumaan pa ang pakiramdam ko sa presence niya.

"You should not go outside alone, miss. Although we're still inside the mansion's territory hindi natin alam kung anong pwede mangyari," sagot niya.

"I'm sorry," sagot ko. "You should go back Ivan, di ba may sparring kayo tomorrow?" I asked. Narinig ko kasi kanina sa kambal na may sparring ang mga personnel. Ginagawa nila ito twice a week. But since Ivan became my bodyguard ay once na lang siya nakakajoin every week. Since mas priority niya na mabantayan ako.

"Yeah, but miss is here. And it's my duty as the miss' bodyguard to watch her and keep her safe wherever or whenever she goes," sagot niya saka nanguha ng pebbles at binato din ito sa lake gaya ng ginagawa ko kanina.

"Why are you doing this Ivan? I know being my bodyguard is not on your plan. Pumasok ka dito sa mansion to get the necklace right? But I already gave it back to you. Kaya bakit? Bakit ka pa nananatili dito?" I asked.

"Gaya ng sabi ko sa iyo, I can't leave immediately. Your brothers will be suspicious," he answered.

"Ano naman if malaman nila na Suarez ka at nag undercover ka bilang isa sa mga tauhan namin? By that time na malaman nila eh nakaalis ka na at nakabalik sa West."

"You're right, I don't even know why I'm still staying here now that I got my mother's necklace back." Tama, tama Ivan dapat umalis ka na. Para wala nang maging possible na kasabwat si Nixon. Hehehe!

"The miss still needs me as her bodyguard so I will stay for a bit longer," he answered. Nagulat na lang ako sa sagot niya.

"Why? Bakit mo pa gagampanan ang tungkulin mo na protektahan ako? I'm a Mera," sagot ko. Alam kong pagpapanggap lang ang pagiging tauhan niya dito para sa kwintas pero bakit niya gagampanan ang tungkulin niya bilang bodyguard ko? Kahit na pwede namang magpretend na lang siya.

"I'm in the East now, miss. Inside the Mera's territory and also one of the Mera's personnel. I'm just doing what I'm suppose to do. I'm not in the West right now, that's why I'm not Ivanoff Suarez. Don't worry I will not kill you just because you're my clan's enemy," he chuckled.

"Duh? Masisisi mo ba ako after mong tutukan ako ng baril nung ibinalik ko sa iyo ang necklace?"

"Well, hindi mo ako masisisi. The miss I knew in the last few months is very different from the miss that I'm talking right now. It's like someone has possessed you," sabi niya. Napalunok naman ako dahil totoo ang sinasabi niya. Ganon ba talaga ka-obvious? Well sabagay, ang isang Victoria Mera na kilalang spoiled brat at mapang-api ay bigla na lang magiging affectionate sa mga taong nakapaligid sa kaniya. I can't blame him for pointing his gun at my head that time.

"So, you will continue being my bodyguard?" I asked.

"Seems like it," kibit balikat niya.

"Okay then, please take care of me in the future while you're here in the East mister Ivanoff," pormal kong sabi. Natawa naman siya.

"May I ask how did you know about me and the necklace?" He asked. Bigla naman akong napalunok. Ack! Sa sobrang atat ko maibalik ang kwintas sa kaniya ay hindi ako nakapag prepare ng excuse ko.

"It's okay if you don't want to tell me, we have our own secrets anyway." Nakangiti niyang sabi. Feeling ko ay nakahinga ako nang maluwag doon. Mag-iisip nga ako next time ng excuse.

"Why are you smiling at me now? The first weeks na naging bodyguard kita eh laging nakabusangot mukha mo tapos hindi ka man lang tumitingin sa akin. Tapos hindi mo ako masyadong kinakausap, kapag kakausapin kita ang sagot mo laging tipid," explain ko. He just chuckled kaya napakunot noo ako.

"Should I look at you, talk to you often and answer you with long responses?" He asked pero it seems like he's teasing me.

"U-Uhh, ikaw bahala. I'm just saying na ang cold mo sa akin nung una pero ngayon you're acting warm to me."

"Binalik mo sa akin ang necklace na kailangan ko, it's the least I could do to say 'thank you' to you,"

"Ha! Oo nga! Hindi ka man lang nagpasalamat sa akin! How dare you. Hindi mo ba alam na ang kwintas na iyon ang pinakamahal sa koleksyon ko. It costs an island!" Paliwanag ko pero tinawanan niya lang ulit ako.

"Pffft! Okay then, thank you miss." Sabi niya saka nagbow sa akin.

"Sorry if hindi agad ako nakapag pasalamat sa iyo nung una. Nagdududa pa kasi ako nung una sa intensyon mo. Ang akala ko meron kang kailangan sa aking kapalit kaya mo binigay sa akin ang kwintas pero ngayon after observing you for a while, napagtanto ko na wala kang balak iblackmail ako or what," he answered.

"Hmph!" Nanatili ulit kaming tahimik at pinagmasdan na lang ang buwan na nagrereflect sa lake.

"That necklace is very important to me. Iyon na lang ang naiwan na alaala ng Mom ko, I got mad after I discovered that my Dad sold it,"

"Why did he sell it? Hindi niya ba mahal ang Mom mo?"

"No. He loves Mom more than us. Binenta niya lang iyon dahil ayaw niya nang maalala pa si Mom. I also love Mom so much, I can feel her with that necklace kaya salamat talaga for giving it back to me. Although I'm still wondering why you gave it to me without expecting anything in return. Gaya nga ng sabi mo kasing presyo na ito ng isang island. Hahaha!"

"Well, I knew how it feels to miss your Mom. Because I miss my Mom too. I wish I had something like that necklace to remind me of her," sagot ko. Pero somehow ay nagulat ako dahil parang bigla na lang itong lumabas sa bibig ko.

"Is that the reason why you're crying?" Tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot.

"I heard the chief is keeping something that reminds him of your Mom, should I get it for you in return for giving back the necklace?" He asked. Maybe he's talking about my Mom's portrait in my Dad's bedroom. Paano niya naman nanakawin iyon? Hahaha!

"Hahaha! Are you serious? Gusto mo yatang ma-grounded ako ng isang taon." Natawa na lang din siya.

"It's alright. Thank you for your concern but no thanks. Ayokong ma-grounded." Sagot ko. After that ay nag-usap pa kami bago ko napagdesisyunan na bumalik na sa kwarto ko. Nang makabalik na ako sa kwarto ko ay bumalik na din si Ivan sa quarters nila.

Naupo na lang ako sa higaan ko nang biglang maalala ko na hawak ko nga pala ang handkerchief na binigay sa akin ni Ivan.

"I'll just return this to him after labhan." Inilagay ko na lang muna ito sa drawer ko at saka nahiga na sa kama ko para bumalik na ulit sa pagtulog.

Somehow ay nawala na ang bigat sa dibdib na nararamdaman ko kanina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top