6 - The Mera Family
"Are you fvcking stupid?!" sigaw ni Victoria sabay hinila ang buhok ni Rosan. Napasigaw na lang si Rosan sa sakit pero wala siyang magawa dahil amo niya ang kaharap niya. Hindi pa nakuntento si Victoria at kinaladlad si Rosan hanggang sa may lake. Nilublob niya ang mukha ni Rosan doon.
"You stupid bitch! You deserve to die! Just die!" sigaw ni Victoria. Pinigilan naman siya ng iba pang mga maids. Hanggang sa dumating si Ivan at agad pinrotektahan si Rosan mula kay Victoria.
Napasampal na lang ako sa mukha ko nang maalala ang ilang scenes ni Victoria at Rosan. Kahit saan mo tignan ay talagang kontrabida itong si Victoria. Maski ako naawa kay Rosan sa scene na iyon. Kaloka!
Napatitig na lang ako kay Rosan na nakaupo sa harap ko ngayon. After I discovered that she already arrived here at the mansion ay agad ko siyang ginawang isa sa mga personal maids ko. Marami mang nagtaka dahil bago lang si Rosan ay wala na silang nagawa sa gusto ko. Nobody dares to question Victoria's orders after all. Which is a good thing. Ano naman kasing ieexplain ko sa kanila if ever? Hahaha!
"So, Rosan. Where did you come from?" I asked and sipped a tea.
"Uhm, lumaki po ako sa orphanage dito sa East. Isa po sa mga orphanage na iniisponsor ng jefe," sagot niya. Napatango na lang ako. Sa ngayon nasa sitwasyon si Rosan na hindi niya alam ang tunay na pinanggalingan niya. She didn't know that she came from the second most powerful clan, the Fuegos of the South. Hehe at ako ang nakakaalam sa ngayon. I'll make sure to befriend her. She'll be one of my greatest cards.
"Why did you apply here as a maid?" I asked. Isa din sa mga tanong na gusto ko malaman ever since binasa ko ang story na Roses and Thorns. Bakit siya nag-apply sa impyerno--este sa mansion ng mga Mera.
"Sa totoo lang po, naging curious ako sa mga Mera. Kasi sa orphanage po ay mataas ang tingin nila sa mga Mera. Lagi po nilang bukambibig ang mga Mera at ang pangarap nila na makapag trabaho dito sa mansion. A-Actually sobrang natuwa po ako nang kunin niyo akong isa sa mga maids niyo Miss Victoria kasi gusto ko din po kayong makilala at makita sa personal. Matagal ko na po kayong hinahangaan Miss," sagot niya at napayuko pero nakita ko ang mga ngiti na tumakas sa kaniyang labi bilang patunay na totoo ang mga sinasabi niya. Napatigil na lang ako. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot para kay Rosan.
So, nag-apply pala siya dito dahil may paghanga siya kay Victoria at mataas ang tingin niya sa mga Mera. She didn't even know na kung ang totoong Victoria ngayon ang nasa katawan na ito ay sasaktan lang siya nito at kakawawain. Even if the real Victoria discover this ay hindi niya ito tutuunan ng pansin. Pero iba ako. Because I'm not the real Victoria. I feel really bad for Rosan.
Agad kong binaba ang tea cup ko sa lamesa at tumitig kay Rosan na nasa harap ko ngayon. "Rosan, it's really nice to meet you. I hope we get along. I'll be in your care," I sweetly smiled at her sabay hinawakan ang kamay niya. Nagulat naman si Rosan sa ginawa ko pero napangiti na lang din siya pabalik.
"I'll do my best to tend all your needs, Miss. You won't regret making me one of your maids," sagot niya. Napatango na lang ako. I know Rosan. I know how good of a person you are. Kaya kahit ngayon lang kita nakilala in person ay alam kong isa ka sa mapagkakatiwalaan ko dito. You're the female lead after all.
-
"Ahhh! Thank you so much Tori! I love it!" Sabi ni Vins at niyakap ako ng mahigpit. Binigay ko na kasi sa kanila ni Vigor ang nabili kong necktie sa mall. Agad namang hinila ni Vigor si Vins palayo sa akin. Phew! Buti na lang. Feeling ko masasakal na ako sa pagkakayakap ni Vins sa akin. Hahaha!
"Stop hugging her too much. You're going to strangled her, stupid." Sagot ni Vigor. Napapout naman si Vins.
"Tori please put the tie on me, pretty please?" Nakapout na sabi ni Vins. Napabuntong hininga na lang ako saka kinuha ang necktie niya at tinie ito sa kaniya.
"M-Me too, please." Nahihiyang sabi ni Vigor. Napangiti na lang ako saka sinuot din ang tie sa kaniya.
"Bagay sa inyo!" I exclaimed at napapalakpak na lang.
"Yeah, thanks. But please next time choose a different style for me. I know this stupid and I are twins. But please no to matching ones. I hate it." Nahihiyang sabi ni Vigor. Parehas kasi silang necktie ni Vins, magkaiba lang ng color.
"What? Who's stupid? Me?"
"Who else? Stupid."
"How dare you!"
Natawa na lang ako habang nagtatalo yung dalawa. Kaso bigla kaming natahimik nang dumating si Dad. Para kaming sundalo na nakita ang commander nila at agad napatuwid sa kinatatayuan.
"What's this commotion all about?" He asked.
"Tori gave us a gift, Dad look!" Proud na sabi ni Vins at pinakita pa ang necktie na suot niya kay Dad na parang bata. Napatingin naman sa akin si Dad kaya napayuko ako. Hindi ko alam pero I feel intimidated in his presence. I wonder if ganito din ba ang nararamdaman ni Victoria.
"Tori, you have one for Dad too right?" Sagot ni Vins. Agad naman siyang siniko ni Vigor. Napalunok na lang ako nang mapatingin sa akin si Dad. Nakalimutan ko na binilhan ko nga din pala siya. Buti na lang pinaalala ni Vins. Pero bakit ganito ang atmosphere? Agad ko namang kinuha ang isa pang necktie at akto na sanang lalapit kay Dad nang bigla siyang mag-iwas ng tingin sa akin at binaling ang atensyon niya kila Vins at Vigor.
"Vigor, Vinsky go to my office after this. We need to talk about business," Dad answered. Napatango na lang yung dalawa bilang sagot. Umalis na lang si Dad kahit alam niyang palapit ako sa kaniya. Tila natulala na lang ako sa nangyari. Napakuyom na lang ang mga palad ko.
"T-Tori, Dad is just not in the mood. Sorry for that," paliwanag ni Vins.
"I-It's okay, hindi mo kasalanan that Dad hated me. P-Please excuse me," I answered at agad na ding umalis at naglakad pabalik sa kwarto ko. Hindi ko alam pero nasaktan ako sa nangyari. Even though he's not really my Dad ay may bigat akong nararamdaman sa dibdib ko. Ito ba ang nararamdaman ni Victoria? Am I starting to feel her emotions too? Why do it hurts like this?
Nagulat na lang ako nang maramdaman ang mga luha na umaagos mula sa pisngi ko. I didn't even want to cry, why am I crying now? Is this what you feel Victoria? Okay then. I'll cry if that's what you want.
Somehow ay naiintindihan ko si Victoria. Kung bakit siya naging kontrabida. No one is born a villain after all. Her Dad hates her after what happened to her Mom. Victoria's Mom died after protecting Victoria from an accident. That's the only information that was given in the story. Since hindi naman bida si Victoria ay walang naging masyadong flashback about her past. May nabasa lang akong isa sa mga chapter about the confrontation between her and Viktor Mera.
"If only...if only she didn't save you that time. Sana buhay pa siya ngayon. This is your fault! Senna died because of you!"
"Then shall I die too, Dad? In order to stop your grief," sagot ni Victoria habang umiiyak.
"Then die," her Dad answered coldly saka iniwan ang gulat na si Victoria. Victoria froze after hearing her Dad's answer. Her tears falling non stop.
After ng confrontation na iyon between her and her Dad ay kinidnapped si Victoria ng mga tauhan ni Nixon saka siya pinatay ni Nixon. Hindi sila nagkaayos ng Dad niya. And in the end, sobrang nagsisi si Viktor Mera sa mga nasabi niya sa anak niya that time. Narealize niyang mahalaga si Victoria sa kaniya kung kailan huli na ang lahat. Kaya tinaya niya ang lahat mapatay lang at maubos ang Gonzalez clan. But they didn't succeed. They all died with Victoria. At doon nagtapos ang reign ng mga Mera. That's where the story ended. Pero sa huling pagkakaalam ko ay may balak din sanang mag release ang author ng side story about naman kay Victoria. But since I died, wala nang chance para mabasa ko pa iyon. Tsk! And now I'm here inside the fvcking novel where Victoria is destined to die.
***
(Victoria's photo on the gallery...)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top