57 - The Love of a Father
Hello, guys may dinagdag lang po ako. Revised version po ito!
***
After I recovered ay pinayagan na din akong umuwi ng doktor ko. Pagkabalik na pagkabalik namin sa mansyon ay sinamahan agad ako nila Nixon sa grave ni Dad. Katabi niya din mismo ang grave ni Mom. Hindi ko alam na nandito lang din pala sa premises ng mansyon ang puntod ng nanay ko. My brother told me na ayaw daw ipasabi ni Dad sa akin for some reason. Hindi ko alam kung anong rason niya kung bakit niya tinago sa akin pero ang iniisip ko na lang ngayon ay ang pagkawala niya. I cried and cried in front of his grave. Akala ko naubos na ang luha ko, pero hindi pa pala.
Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala niya. He saved us, he saved Luciana and I. Binuwis niya ang buhay niya para sa amin. At ako, wala man lang akong nagawa para sa kaniya. I fvcking hate myself for that!
I stayed there until the sun sets saka na bumalik sa mansyon. I'm still grieving kaya nagtungo ako sa kwarto ni Dad. Ang kwarto na ngayon ko lang mapapasukan dahil lagi niyang pinagbabawal ang pagpunta ko doon. Dahil wala na si Dad na magbabawal sa akin ay hinayaan na lang ako ng mga kapatid ko. I told them to leave me for a while dahil gusto kong mapag-isa. Gusto ko lang tignan ang kwarto na huling ginalaw ni Dad.
Nang makapasok ako ng kwarto ay kumalabog ang dibdib ko. Bumungad sa akin ang mga papel na nagkalat sa table niya, ang mga libro na hindi pa naibabalik sa bookshelf, ang kama niya na hindi pa naaayos at ang mga damit niya na nakalatag sa higaan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak ulit. Ito ang huling lugar na pinuntahan niya bago siya mawala, and I can still feel him. Mukhang nag-effort talaga siyang mamili ng isusuot niya para lang samahan ako sa doctor's appointment ko dahil sa mga damit na nakabalandra sa higaan.
Nang maglibot pa ako sa kwarto ay napatigil ako bigla nang makita ang isang malaking portrait. Nang narealize ko kung ano ito ay napahagulgol ulit ako. The portrait. The portrait that they've been telling me. It's the portrait of our family. Ito ang sinasabi nila na portrait na lubos niyang tinetreasure. All along akala ko portrait lang ni Mom ang nasa kwarto niya. Iyon pala, portrait ng family namin. Why, Dad? Why are you hiding this? Bakit ayaw mong ipakita na you also care for our family? Bakit puro cold shoulder ang binibigay mo sa akin?
Natahimik ako nang mapansin ang isang box sa baba ng painting. It has lock on it. Kaya lalo akong nacurious kung anong laman nito. The lock doesn't have a keyhole or any buttons to unlock it. Kaya doon na pumasok sa isip ko ang isang ideya. Agad kong kinuha ang letter opener ni Dad sa table niya at sinugatan ang braso ko saka pinatak ang dugo ko sa lock. Nabuksan ang lock dahil doon. It's a blood lock gaya ng inaasahan ko. Good thing that we share the same type of blood. Yung dalawang kapatid ko kasi ay ang kabloodtype ni Mom. Ako lang ang kabloodtype ni Dad. So it means na wala nang iba pang makakabukas ng box na ito bukod sa akin.
Nang buksan ko ang box ay napakunot noo ako nang makita ang bracelet. Ang bracelet na kagaya kay Rosan at ang bracelet na binigay sa akin ng nanay ko from my other life. This bracelet is the reason why I came back here kaya nagtataka ako nang magising ako sa ospital ay hindi ko na ito suot, and then all along it's here? Ang pinagtataka ko ay bakit dalawa ang bracelet? Bakit tig-isa kami ni Rosan? Nang bumisita kasi siya sa ospital ay nakita ko pa ding suot niya ang bracelet na iyon. Ano bang meron sa bracelet na ito? Wait--does it mean that I'm Rosan's childhood friend? Ako ba ang sinasabi niya na kinukwento ng nanay niya sa kaniya? B-But how? I-I can't even remember anything about it. Wala pa ding pumapasok na memorya sa akin tungkol dito.
Dahil naghahanap ako ng kasagutan ay kinalkal ko pa ulit ang laman ng box ni Dad. Nakita ko pa ang ibang mga pictures ko nung bata at ang pictures kasama si Mom. Sa sobrang dami nito ay natabunan na ang mga laman ng box sa ilalim. Hindi ko alam pero habang tinitignan ko ang bawat picture ay nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko. But I need to continue para masagot ang mga katanungan ko.
After kong tignan ang mga pictures ay nakita ko ang isang notebook. Medyo makapal siya at may kalumaan na. Nang tignan ko ang laman nito ay doon ko lang napagtanto na diary pala ito ni Dad kaya nga sinimulan ko itong basahin.
July 9, 1998
It's been a beautiful day today, our baby girl has been born. We decided to name her Victoria as a feminine version of my name 'Viktor'. Kasi sabi nila ay kamukha ko ito. Sa sobrang saya ko ay napupuyat ako gabi-gabi sa kakatitig sa kaniya matulog. I'm very thankful for Senna, for giving me such a beautiful daughter.
April 7, 1999
Our little Tori has learned to walk already. Senna and I trained her and we're so happy that she's a fast learner. After that, we always bring her to the garden because she loves to play outside.
July 9, 1999
It was our Tori's first birthday, I made it grand and invited all the nobles and well-known families. Dahil gusto kong ipagmalaki sa kanila ang kaisa-isa kong prinsesa. Gaya ko ay natuwa din sila sa anak ko. Sabi nila iba daw ang saya ko magmula nang ipanganak si Victoria, pero ang hindi nila alam ay ang main source talaga ng kasiyahan kong ito ay si Victoria.
I cried habang binabasa ang bawat pahina ng diary ni Dad, lahat ito ay halos tungkol sa akin. Lahat ng mga memories ko nung bata pa ako at lahat ng masasayang memories ng pamilya namin kasama si Mom. Sa kada pahina na binabasa ko ay lalong sumasakit ang ulo ko dahil nagfflashback din sa akin ang ilang memories na mukhang nakalimutan na ng utak ko. I scanned all the pages hanggang sa mapadpad ako sa isang pahina na nakapagpatigil sa akin.
August 8, 2003
After Senna's funeral ay hindi makatulog halos si Victoria kakahanap sa Mom niya. She's having bad dreams about the incident kaya nalulungkot ako para sa kaniya. She's too young to witness her mother's death. I always stay by her side while singing her lullabies para makatulog siya, lullabies na laging kinakanta sa kaniya ni Senna, by that she'll be calm and fall asleep.
September 12, 2003
It's been a month after Senna's death. Victoria's situation has worsen. She's having nightmares everynight kaya hindi ako umaalis sa tabi niya. I don't mind kahit ilang gabi na akong walang maayos na tulog, as long as my daughter is safe. I hope she'll be okay soon dahil we're worried for her sake.
November 24, 2003
Nakaramdam ako ng konting ginhawa nitong nakaraang buwan dahil hindi na hinahanap ni Victoria ang Mom niya. Pero nag-alala ulit ako nang dalawang beses nang himatayin si Victoria and her nose also bleeds bago siya himatayin. She's also having headaches kaya iyak siya ng iyak. Lubos ako nag-alala sa nangyari kaya agad kong pinatawag ang doktor. Ang sabi niya ay nagkaroon ng trauma si Victoria dahil sa nasaksihan nito ang pagkamatay ni Senna. She has a dissociative amnesia that's why she can't recall the accident that happened. The doctor explained that this happens in order to block the traumatic events for Victoria. It's like her brain's defense mechanism. Hindi pa masabi ng doktor kung ano ang mga naaalala niya at hindi niya na naaalala kaya they need to monitor her condition for a while.
December 5, 2003,
The doctor discovered that Victoria can't recall all the memories before the accident. The only thing she remembers are the events that happened after the accident. Pero ang lubos pa din naming pinagtataka ay ang constant headaches niya at ang nosebleeds niya. Napapadalas na din ang pagkawala ng malay niya kaya naaalarm na ako sa nangyayari. Ang sabi ng doktor ay maaaring konektado ito sa trauma ni Victoria.
February 18, 2004
After the doctors observe and monitor Victoria's situation. They discovered that I'm one of the reason that triggers her trauma. The doctors explained to me na dahil daw kasama ako sa masasayang memories ni Victoria with her mother, Senna. Dahil nagkaroon ako ng malaking parte dito. Inooppose ko daw ang pagbblock ng brain ni Victoria ng mga past memories. Her brain is trying to forget and I'm the one who's making her remember it. Kaya daw hindi kinakaya ng katawan niya ang ganito which causes her to have a headache and lose consciousness. Her body is fragile. They advised me to distance myself for a while para maobserba kung totoo nga bang isa ako sa nagttrigger ng trauma ni Victoria. Masakit man para sa akin ay ginawa ko ang gusto nila. Because I want her to be well, ayokong nakikita na siyang nasasaktan at dumadaing tapos wala man lang akong magawa.
April 18, 2004
After two months of observing Victoria's situation, napatunayan nga nila na isa ako sa nagttrigger ng trauma ni Victoria. They advised me to distance myself from her. I got mad at them, sinabi ko sa kanila na wala na bang ibang paraan para magamot ang anak ko. They're fvcking professionals pero iyon lang ang naipropose nila sa aking lunas? Ang layuan ko ang anak ko? What the fvck is that?! Hindi ko kayang idistansya ang sarili ko sa anak ko. She needs me, I'm the only family she had. And I also need her. I need my daughter.
April 25, 2004
We're currently having fun in the garden with her brothers when Victoria suddenly lose her consciousness again. Medyo madami na ang dugong lumabas sa ilong niya this time kaya agad namin siya sinugod sa ospital. The doctor explains that things like this will happen when I keep on pushing myself to her. Sinabihan niya akong idistansya ang sarili ko kay Victoria pagsamantala hanggang sa makarecover ito kaya nga pumayag na lang ako kahit na labag sa loob ko. I can't lose her too.
May 25, 2004
I keep ignoring Victoria, and it fvcking hurts sa tuwing makikita ko ang lungkot sa mata niya. I want to hug her so bad and apologize for giving her a cold a shoulder pero pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi siya agad makakarecover kung mas susundin ko ang pagiging makasarili ko. In order not to trigger her trauma, lahat ng bagay na makakapagpaalala sa kaniya kay Senna ay tinabi ko. I decided to keep it all in my room and prohibited Victoria from entering my room.
July 9, 2004
It was her birthday today, she's so happy playing with her friends. At natuwa ako nang magustuhan niya ang regalo na bigay ko. I started to give her new toys and things dahil tinago ko na ang ibang mga gamit at laruan niya na makakapag-trigger ng trauma niya. She hugged me and thank me for the gift pero hindi ko siya niyakap pabalik at iniwan na lang doon. I heard her cry but I ignored it. I also cried when I came back to my room. I'm very sorry my Ria. I'm sorry. I love you so much but I can't show it to you yet. I'm scared to lose you, too. And I hope you will understand me in the future. Sana gumaling ka na dahil gustong-gusto na kitang mayakap ulit.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa hanggang sa recent niyang naisulat.
Victoria gave me a beautiful necktie, I like it but I can't wear it in front of her. So, I decided to wear it during bedtime. Hahaha! I felt bad for ignoring her. And not showing my true emotions on her, but I'm still worried na baka sa konting galaw ko ay may mangyari sa kaniya.
...
I was very worried for Victoria because of her nut allergy. Hindi ako nakatulog magdamag sa pagbabantay sa kaniya. I took care of her since dito ko lang magagampanan ang pagiging ama ko sa kaniya. I hope she'll be fine soon. Sa lahat pa ng pwede niyang manahin sa akin, bakit ang nut allergy pa?
...
Victoria was kidnapped and I panicked. Muntik na akong sumugod sa mansyon ng mga Diaz without an army. The twins stopped me for doing so. Good thing that Nixon has a plan at nailigtas nila si Victoria. I stayed at the mansion kahit na labag sa loob ko, pinaubaya ko na lang kay Nixon at sa kambal ang pagrescue sa kaniya. And when she got home ay wala siyang malay, kaya agad ko siyang inasikaso.
...
I discovered Victoria's talent for using a gun. I'm so proud of her although I'm a little bit sad dahil hindi ako ang nagturo sa kaniya kung paano. I should be the one to teach her first, but since I'm a useless father for her, I can't do it. So I just watch and support her from afar. I hope she likes the gun I gave her as a gift.
...
There was an incident in the endless maze, Victoria and her friends almost died and Vins is hurt. I punished Vigor although I knew it's not his fault. I need to lecture him because his siblings almost died. I hope he understands me. Victoria is mad at me for punishing her innocent brother. Ang hindi niya alam, ginawa ko iyon for Vigor's sake. I know Vigor, he will blame his self again and again hangga't hindi siya napaparusahan kaya ko ginawa iyon. His conscience is very strong na tipong hindi siya nakakatulog sa gabi. Kaya I gave him a punishment like he wanted. He's the one who pleaded me to punish him. My son is so weird but I understand him. I admire Victoria for defending his brother. I hope she continues being like that.
...
Nixon asked my permission to marry Victoria. I almost had a heart attack for his sudden proposal to my daughter. Hahaha! Well, you can't blame me. Parang kailan lang nung tinuturuan namin siya ni Senna maglakad, and now maglalakad na siya sa altar. Nalungkot ako bigla at the same time natuwa para sa kaniya. Nalungkot ako kasi dahil soon, aalis na ang prinsesa ko dito sa mansyon. Natutuwa naman ako dahil nakahanap siya ng lalaking magmamahal sa kaniya. Pagmamahal na hindi ko nafulfill as her father. Nixon has prove himself to me, kaya naniniwala ako na tunay ang intensyon niya sa anak ko. I hated his family at first after they invade one of my territory but he decided to return it to me because he wants to be on my good graces. Doon pa lang napatunayan ko na mahal niya talaga si Ria.
...
I discovered that Victoria is pregnant. I got mad at Nixon for impregnating my daughter because they're not married yet. But he explained himself and told me how much he loves my daughter so I forgave him. I think he's a good man after all. And my Victoria is happy with him kaya wala akong karapatan para mamagitan sa kanila. Subukan niya lang paiyakin ang prinsesa ko, I will really kill him.
...
Tomorrow is Victoria's visit to the clinic. I stopped Vins and Vigor, and I volunteered to accompany her instead. I really want to come with her during her doctor visits pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob. She's being moody these days sabi ng mga kapatid niya at ni Nixon kaya balak ko siyang dalhin bukas sa favorite niyang ice cream shop. I hope her favorite banana split will make her day happy and memorable.
Napatigil ako doon nang makita kong pumapatak na ang luha ko sa pahina na binabasa ko. So, that's the reason why Dad is giving me a cold shoulder? Because of my trauma? All along akala ko wala siyang pakialam sa akin, na hindi niya ako mahal. Pero mali pala ako dahil mahal niya ako. At dahil sa pagmamahal na iyon ay tiniis niyang iwasan ako para lang hindi matrigger ang trauma ko. Kahit na labag sa loob niyang iwasan ako ay ginawa niya. Halata sa bawat sinusulat niya sa diary na ito na masakit para sa kaniya ang ginagawa niya pero kailangan para sa kapakanan ko. All these years he's struggling habang ako ang akala ko all these years ay hindi niya ako mahal.
Napahagulgol na lang ako habang yakap ang diary niya at lalong naiyak nang makita ang necktie na bigay ko sa kaniya. He kept it inside the box together with the drawings and letters that the young Victoria gave her.
Dad, I'm really sorry. I'm really sorry for questioning you. For doubting your love for me. I'm sorry this is my fault. Please come back. Hindi pa ako nakakabawi sa iyo. I still have plans for the both of us. Marami pa tayong kailangang i-catch up. Marami pa akong plano kasama ka. Paano naman na yung mga pangarap ko para sa iyo? Paano pa ako magpapatuloy nito kung wala ka na? Hindi ko pa din nasasabi sa iyo kung gaano kita kamahal. Kaya please...sana panaginip na lang ito dahil hindi ko kaya. H-Hindi ko kayang tanggapin na wala ka na din.
I-I just fvcking can't.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top