54 - The Fear of Loss

(Nixon's Point of View)

I was about to call Victoria and tell her that I already landed on the airport and I'm already on my way to follow her in the doctor's clinic when I heard some gunshots. Agad kong binulsa ang phone ko at kinuha ang baril ko.

"What the fvck is happening?!" Sigaw ko sa mga tauhan ko.

"Sir, they're from the West." Sagot ng tauhan ko kaya napamura ako sa isip-isip ko. Sakto namang nagring ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Ivan sa screen kaya agad ko itong sinagot. I also heard gunshots on his background.

"What the fvck is happening Suarez?" I asked sabay binaril ang mga kalaban na aatake sa amin.

[My Dad is alive. His people are starting to attack the Mera mansion, Eloise and Rosan also called me. North and South is also under attack.] Sagot niya.

"Where's Victoria?!" I asked pero hindi agad nakasagot si Ivan.

"Where the fvck is my fiancée right now, Suarez!" I shouted and then killed all the five men in front of me with just one shot on their foreheads.

[Hindi pa sila nakakabalik. Kasama niya ang jefe na pumunta sa sentro kanina pa. We're trying to contact them but we can't reach any of them, even their driver.] Sagot ni Ivan kaya I gritted my teeth in anger and ended the call.

"Fvck." Sigaw ko at agad na kinuha pa ang isa kong baril. Agad kong binaril lahat ng kalaban na haharang sa dadaanan ko, sinigurado kong lahat ng bala ng baril ko ay bumaon sa katawan nila. At nang maubos ang mga ito ay agad na akong sumakay sa isang kotse at pinaharurot ito papuntang sentro kung saan nagtungo sila Victoria.

Fvck. Fvck. Chestnut, please wait for me. Please be alright.

Napahinto ako sa pagddrive nang makita ang isang ambulansya at ang isang kotse na yuping-yupi ang harapan na bumangga sa malaking truck. Nang makita ko ang family crest ng mga Mera sa plate ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis pa sa alas kwatro akong bumaba ng kotse ko at tumakbo doon. Sinubukan akong pigilan ng mga pulis pero buong lakas akong pumalag sa pagkakahawak nila sa akin at lumapit sa yuping sasakyan nila Victoria. Nang makalapit ako doon ay nakita ko ang duguan na driver nila na wala nang buhay. Ang sumunod kong nakita ay ang jefe na buhat-buhat sa stretcher, duguan din ito at walang malay.

"W-Where's the woman with them? She's my fiancée and she's pregnant. Where is she!" Sigaw ko sa medic kaya agad naman nitong tinuro ang isang ambulansya. Agad akong tumakbo doon at halos pagpawisan ako ng malamig nang masulyapan ang asul na singsing sa daliri nito. Nang tuluyan ko nang masulyapan ang mukha nito ay doon ko nga nakumpirma na si Victoria ito. Duguan din siya at walang malay.

Agad akong sumakay sa loob ng ambulansya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

"N-No. No. No. Chestnut, please. No..." I cried and kissed her hand. Tila nabawasan ang kaba ko nang maramdaman na may pulso pa siya.

"Drive faster! If something bad happens to her and our baby I'll fvcking kill all of you!" Sigaw ko sa driver at sa medic kaya mas binilisan ng driver ang pagmamaneho habang ang isang medic naman ay inayos ang pagkakakabit ng oxygen kay Victoria. Nang makarating kaming ospital ay agad pinasok si Victoria sa emergency room. Hindi nila ako hinayaang pumasok kaya naghintay na lang ako sa labas ng emergency room. Hindi ako mapakali kaya naupo na lang ako habang naghihintay.

Ilang saglit pa ay dumating na din sila Ivan at ang mga kapatid ni Victoria. Lahat sila ay may mga bahid ng dugo din ang mga damit galing sa pakikipaglaban at mukhang nagmadali din sila papunta dito. I told them that Victoria and the jefe is currently on the emergency room at hanggang ngayon ay wala pa ding balita sa mga ito. We all waited outside the emergency room, and every minute feels like an eternity.

Nang makalabas ang doktor ay napatayo kaming lahat. "Doc, how's my Dad and my sister?" Vigor asked. Tila hindi naman maipinta ang mukha ng doktor bago ito sumagot.

"The miss had a traumatic head injury that's why she's in a coma but the jefe..."

"W-Why, what happened to our Dad?"

"I-I'm sorry but the jefe didn't make it. We tried our best to save him but he loss too much blood." Sabi ng doktor. Bigla namang napaluhod si Vins when they heard it. Lahat kami ay natahimik at nabigla. Walang nakapagsalita sa amin kahit isa. Vins cried and Vigor comforted him. The doctor told us that the medic who brought the jefe in the hospital told him that the jefe hugged Victoria in order to protect her and the baby. He acted as Victoria's shield during the crash kaya ang jefe ang mas napuruhan kaysa kay Victoria. He chose to save his own daughter's and granddaughter's life over his life.

The doctor also told us that the baby's condition is alright because Victoria's hormones and metabolism is still functioning well. Her body is not that damaged so our baby is safe. But since Victoria is under a coma, it's up to Victoria's body if she can protect both herself and our baby that long until our baby is fully developed. If hindi daw agad magigising si Victoria sa pagka-coma ay pwedeng manganib ang buhay nila parehas ng anak namin. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa when I heard what the doctor told us. Hindi ko alam kung kakayanin ko kapag nawala parehas ang mag-ina ko. Iniisip ko pa lang feeling ko mamamatay na ako. I can't fvcking live without them. They're my life.

Nang madala na si Victoria sa ICU ay agad na akong nagpunta doon habang sila Vins naman ay inasikaso na ang funeral ng jefe. I told them na ako na muna ang bahalang magbantay kay Victoria kaya pumayag naman sila. Si Heilee at Ivan naman ay bumalik muna sa mansyon para kumuha ng ilang gamit at para kamustahin na din ang sitwasyon sa North at South na inatake din kanina.

Agad kong hinawakan ang kamay ni Victoria at hinaplos-haplos ang baby bump niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak ulit nang pagmasdan siya na may mga aparatong nakakabit sa kaniya.

"I'm sorry chestnut, hindi ko natupad ang pangako ko na protektahan kayo. I-I'm sorry kung wala ako sa tabi niyo. I'm fvcking sorry. This is my fault. This is my fvcking fault. But please, don't leave me. I-I can't live without you. P-Please...Just--don't. I'm begging you." I cried as I held her hand. I will fvcking blame myself if something bad happens to the both of them. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

(Ciara's Point of View)

Nang maalimpungatan ako ay agad kong idinilat ang mata ko. Bumungad sa akin ang puting kwarto at ang mga aparatong nakakabit sa akin. Nang bigla kong maalala ang huling nangyari ay agad akong napabangon sa pagkakahiga at hinawakan ang tiyan ko. Pero nanlaki ang mata ko nang hindi ko nakapa ang baby bump ko. Agad kong inalis ang mga nakakabit na mga aparato sa akin. Fvck. Where's my baby! And Dad! Where's Dad?! What happened to them? Ang huling natatandaan ko lang ay nawalan ng preno ang kotseng sinasakyan namin at bumangga kami sa truck.

"Ahh! Gising na ang pasyente! Dok!" Sigaw ng nurse na kakapasok lang ng kwarto ko. Agad naman akong lumabas ng kwarto ko at hinanap sila Nixon, or ang mga kapatid ko. For sure nandito sila. I need to find them and ask what happened to my baby and Dad.

"Miss! Saglit! Hindi ka pa pwedeng tumayo agad! Kagagaling mo lang sa coma!" Sigaw ng nurse at hinabol ako kasama ang iba pang nurse at doktor. Kaya nga agad akong tumakbo at tinakasan sila. Nakita ko ang restroom kaya agad akong pumasok doon para magtago. Pero napahinto ako nang makita ang mukha ko. Dahan-dahan akong lumapit sa salamin at hindi makapaniwalang tinitigan ang repleksyon ko sa salamin.

This is not Victoria's body anymore. This is my previous body as Ciara. W-What happened? Why am I Ciara again? I thought I already died that's why I transmigrated into Victoria's body. But why am I back here in my previous life? What the fvck is this?!

No. No. It can't be.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top