53 - The Banana Split
Victoria Katherine Mera will be Victoria Katherine Gonzalez in two months. And our Luciana will come out next month. Dahil doon ay hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman ko.
Araw-araw masaya ako dahil sa tuwing gigising ako ay si Nixon ang bubungad sa akin. Sa tuwing magigising siya ay dadampian niya ako ng halik sa noo sabay sasabihan ng good morning. Hindi ko alam na ganito pala kaganda ang umaga. Hahaha!
"What do you want to do today, chestnut? I'm free today." Sabi niya. Ilang araw na kasi siyang busy dahil sumasama siya sa Dad niya sa mga lakad nito dahil nga malapit nang ipasa sa kaniya ang title as jefe of the North.
"I want to eat apples and kiwis in the garden today," sagot ko.
"Alright, let's do that." Sagot niya kaya napangiti ako. Gaya ng sinabi ko ay nagpunta kami sa gazebo at kumain ng apples at kiwi, pero nagdala din siya ng iba pang pagkain like we're in a picnic. Naglatag siya ng blanket sa damuhan at saka inalalayan akong maupo doon.
"I'll beat Suarez with my picnic idea," ismid niya saka nilabas isa-isa ang mga pagkain sa basket. Natawa na lang ako dahil hindi pa din siya maka get over doon sa picnic set up na ginawa ni Ivan sa akin non.
"I prepared all these foods just for you and our Luciana," sabi niya.
"Really?" Namamangha kong sabi.
"Yep."
"I didn't know that you can cook," sabi ko at tinikman na ang mga dala niyang pagkain.
"Like I said, I can do anything just for you." Sagot niya.
"Thanks, Nixon. You're the best." Sabi ko at binigyan siya ng ngiti.
"You deserve the best because you're the best I ever had in my life," sabi niya.
"Ay? Gumaganon? Hahaha!" Sagot ko na lang kasi deep inside kinikilig na talaga ako.
"Let me peel the apple for you." Sabi niya at agad kinuha ang mansanas na hawak ko para balatan. Pinanood ko na lang siya habang ginagawa iyon. Napapangiti na lang ako sa tuwing pinagmamasdan siya. Hindi ako makapaniwala na ang lalaking ayaw na ayaw ko noon ay ang lalaking gustong-gusto ko ngayon. Nung una kaya ayaw ko sa kaniya dahil siya ang pumatay sa totoong Victoria sa novel, pero magmula nang mas makilala ko siya ay nag-iba ang pananaw ko.
"Nixon?" Tawag ko.
"Hmm?"
"If there's a chance na hindi tayo nagkakilala at nag-iba ang landas ng tadhana natin, would you kill me?" I asked kaya napatigil siya sa pagbabalat ng mansanas at nagtataka na napatingin sa akin.
"Chestnut? Your questions are getting weird. Is that another cause of pregnancy?" He asked kaya natawa ako.
"No, naisip ko lang. So ano nga? Paano kung hindi mo ko nakilala at minahal, would you point your gun at me?" I asked again.
"No. Why would I do that? I'd rather kill myself than to kill you. You're my life, Victoria. And without you I am nothing." Sagot niya.
"Eh paano nga kung hindi mo ko nakilala at minahal?"
"Edi sisiguraduhin kong makikilala kita para mahalin." Sagot niya. Napapout naman ako.
"Stop pouting and eat this apples. Stop asking me questions like that. You're making me nervous," sabi niya at sinubuan ako ng apples na hiniwa at binalatan niya.
"Sorry naman, ang dami ko lang iniisip. Siguro nga epekto ng pagbubuntis ko. Hahaha!" Sabi ko at nilantakan na lang ang mansanas.
"By the way, I have to go out of the country with my Dad tomorrow. He wants me to accompany him para daw magkaroon ng concrete treaty of peace sa mga kalapit na bansa kapag ako na ang jefe." Sabi niya. Napatango naman ako.
"Hmm. Okay, kailan balik mo niyan?" I asked.
"I'll be back after five days." Sabi niya. Bigla tuloy akong nalungkot. Limang araw pala siyang mawawala.
"Hindi ba pwedeng dito ka na lang?" Nakapout kong sabi. Natawa naman siya at kinurot ang pisngi ko.
"I want to stay but my Dad is scolding me. Don't worry I'll try my best to be back after two days. Mamadaliin ko ang work para sa iyo." Sagot niya.
"Promise yan ha? Saka check up ko ulit after two days eh. I want you to be there." Sabi ko.
"Yes, yes. I'll be there chestnut." Sagot niya kaya napangiti ako.
"Okay, aasahan ka namin." Sagot ko saka hinaplos ang tiyan ko.
"Daddy will be there, baby. Don't worry." Sabi ni Nixon at hinaplos din ang tiyan ko. Napangiti na lang ako dahil doon.
-
Nang makaalis si Nixon kinabukasan ay nakaramdam ako ng lungkot. Nasanay ako sa presensya niya na laging nasa tabi ko kaya naninibago ako ngayon. Buti na lang at nandito sila Eloise, Heilee at Rosan para libangin ako kaya kahit papaano ay hindi ko naisip ang pagkamiss kay Nixon. Pero tumatawag naman siya sa akin every night dahil namimiss niya din daw ako. Naging mabilis ang araw hanggang sa dumating na ang araw ng visit ko ulit sa doktor ko.
"Let's go brothers, I'm gonna be late to my doctor's appointment." Sabi ko dahil sila ang nagsuggest na sasama sa akin para magpacheck-up. Si Nixon naman ay hindi pa nagrereply kaya medyo nalungkot ako kasi nangako siya na hindi siya mawawala sa check-up namin ni baby.
"Err, we can't go with you Tori." Sagot ni Vins kaya napakunot noo ako.
"Ha? Why? Akala ko ba sasamahan niyo ako? Tinokis na nga ako ni Nixon pati ba naman kayo?" Sabi ko kaya napakamot ulo siya.
"Gusto namin sumama talaga kaso--"
"Kaso?"
"Dad stopped us." Sagot ni Kuya Vigor.
"Ha bakit?" I asked. Sasagot na sana sila nang biglang dumating si Dad. Nakabihis siya at mukhang aalis din. Pero nagulat ako nang pagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan.
"Let's go at malalate ka na sa appointment mo." Sabi niya. Napatingin na lang ako sa dalawang kapatid ko na may halong pagtataka pero napakamot lang sila sa ulo. Mukhang alam ko na kung bakit. Hahaha!
Kaya without further ado ay sumakay na ako ng sasakyan. Pagkasakay ko ay sumakay na din si Dad sa kabilang side. Parehas kami ngayong nakaupo sa backseat. Nagtataka pa din ako kung bakit siya ang kasama ko ngayon pero hindi naman ako nagrereklamo. Actually, gusto ko siyang makasama kahit isang beses sa mga check up ko.
The car ride on the way to my doctor's clinic is very quiet. Hindi kami nag-usap ni Dad at nanatili lang na nakatingin sa labas ng bintana. Pero this time ay wala akong nararamdaman na kahit anong bigat unlike before. Actually masaya ako dahil finally sasamahan na ako ni Dad sa isa mga doctor's appointment ko.
Nang makarating kami sa doctor ko ay agad na akong chineck up. As usual she checked the condition of my baby and also my condition. Good thing dahil parehas naman daw kaming healthy at mukha wala naman daw magiging problema sa panganganak ko. Nang makalabas kaming clinic ang akala ko ay uuwi na kami agad ni Dad pero napatigil ako nang ipahinto niya ang sasakyan sa ice cream shop na paborito naming magkakapatid.
"Let's go, ayaw mo ba ng ice cream?" He asked pero poker face ang mukha niya.
"No, I love ice cream." I answered.
"Then let's go," sabi niya saka nilahad ang kamay niya para alalayan ako sa pagbaba ng sasakyan. Napatingin ako sa kamay niya at saka ito hinawakan. Nang makababa ako ng sasakyan ay bibitaw na sana siya pero hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.
"C-Can I hold your hand a little longer, Dad? Ngayon ko lang u-ulit kayo nahawakan kaya c-can you please let me?" I asked at napayuko dahil nahihiya ako sa kung anong sasabihin niya. Baka sabihin niya masyado akong clingy at desperada sa atensyon niya kahit na iyon naman talaga ang totoo. My Dad is giving me his attention now, kaya hindi ko ito sasayangin. Matagal itong hinangad ni Victoria and now she's getting it.
"You don't need to ask for my permission. Do what you want." Sagot niya kaya napangiti ako at napahawak ng mahigpit sa kamay niya saka kami pumasok sa ice cream shop to order my favorite ice cream. Para akong bata na nakahawak sa kamay ng Dad niya habang umoorder ito sa counter but I don't care kung sabihin man nilang ang laki-laki ko na pero nakakapit pa din ako sa Dad ko. I don't care because I'm very happy right now. I can finally feel my Dad being close to me.
"Dad, I want banana split please, please!" Pangungulit ng batang Victoria sa Dad niya habang nakahawak sa kamay nito.
"Alright, if that's what my Ria wants." Nakangiting sagot ni Dad kaya napapalakpak sa tuwa ang batang Victoria.
"Dahan-dahan you'll get brain fr--"
"Ackkk! B-Brain freeze!" Tili ng batang Victoria at ngumiwi. Dad chuckled because of this.
"Hahaha! I told you to eat it slowly."
"It's so delicious that why I'm excited to eat it," sagot ni Victoria at pinagpatuloy ang pagkain ng ice-cream. Agad namang pinunasan ng Dad niya ang dungis sa kaniyang pisngi.
"You want another round?"
"Yes! Yes!" Excited na sagot ni Victoria nang matapos ubusin ang ice-cream niya.
"Alright, but let's keep this a secret. Your Mom will scold me for this." Sabi ni Dad.
"Yes, yes. Pinky promise, Dad!" Victoria answered and raised her pinky finger.
"Pinky promise." Dad answered at saka nakipag pinky promise. They both giggled as they ordered another bowl of banana split.
"Victoria, are you alright?" Dad asked kaya nabalik ako sa wisyo.
"Ahh, yes Dad. May naalala lang ako." Nakangiti kong sabi saka pinagpatuloy na ang pagkain ng banana split ko. Ang memory na pumasok sa isip ko ngayon ay parang parehas lang ng ngayon. We're both eating in this ice-cream shop eating my favorite banana split.
"Do you want another round?" He asked kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. Katatapos ko lang din kasi ubusin ang ice-cream ko.
"Yes, Dad. Please." I answered kaya nga agad siyang tumayo at umorder ulit sa counter. Napangiti na lang ulit ako.
-
After namin kumain ng ice-cream ay nagdecide na din kami agad na umuwi. Hindi kasi ako pwedeng abutin ng hapon at magpahamog.
We're now in the middle of our car ride pabalik sa mansion nang biglang napansin namin na parang nagpapanic ang driver namin.
"What's wrong?" Dad asked.
"Jefe, the b-brakes. It's not working." Sagot ng driver namin kaya nanlaki ang mata ko.
"What?! H-How the fvck--HEY! IN FRONT OF YOU!" Sigaw ni Dad.
"AAAHHHHH!" I screamed nang makitang babangga kami sa malaking truck na nasa harap namin. Bumusina ito sa amin pero dahil wala kaming preno ay nagdiretso kami papalapit dito. Agad akong napapikit at yumakap sa tiyan ko in order to protect Luciana, I heard a loud crash and something hard hit my head. I felt an extreme pain on my head and then everything went black.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top