52 - The Wedding Preparation
Nagising ako sa sinag ng araw na galing sa bintana na tumatama sa mata ko kaya agad akong bumangon at nag-inat. Nang makita kong mahimbing pa ang tulog ni Nixon ay napangisi ako at nakaisip ng kademonyohan.
Dali-dali akong tumayo at dahan-dahan na humakbang sa kaniya. Hahaha! Sorry Nixon, just do this for me.
Saktong pagkahakbang ko ay nagising si Nixon. "Chestnut? What are you doing?" He asked sabay naghikab pa.
"Ahh, wala wala. Nagsstretching lang. Hehehe!" Sabi ko at umakto pang nag-sstretching.
"Oh, that's nice. It's good for our baby," sabi niya at saka tumayo na din at dinampian ako ng halik sa pisngi. Kaso bigla siyang napatakip sa bibig niya.
"Why? What happened?" I asked.
"I suddenly want to vomit, I don't know why. I suddenly feel nauseous." Sabi niya at napatakip ulit ng bibig niya at agad na pumunta ng cr para sumuka. Napangisi na lang ako.
"Mwahaha! Mission success!" Natatawa kong sabi saka napapalakpak sa tuwa. Effective pala talaga na kapag humakbang ka sa partner mo ay maipapasa mo sa kaniya ang paglilihi mo at ang pagseselan mo. Hehe! Must try guys.
-
Nixon and I decided na saka na kami magpapakasal after kong manganak. Kaya nga ilang buwan na kaming busy sa pagpprepare ng wedding.
Ayaw nila Dad at ng Dad ni Nixon ng simpleng wedding lang dahil daw parehas kaming noble blood ay dapat maging wedding of the century daw ang kasal namin. Hahaha! Kaya ito, dahil engrande ang gusto nilang kasal ay super busy namin.
"You're tired, you should rest." Sabi ni Ivan nang makita niyang naupo na ako sa isang upuan. Malaki na din kasi ang tiyan ko dahil I'm already on my 8th month of pregnancy. Talaga ngang ang bilis lumipas ng mga araw. Parang kailan lang nung nalaman ko na buntis ako tapos next month kabuwanan ko na. We discovered that we're going to have our little Luciana after we visited the obstetrician for my second ultrasound. Kaya iyon halos magdiwang ang team baby girl na si Eloise at Heilee. Hahaha!
"Do you want some water?" He asked. Kasalukuyan na kasi kaming nagtitingin ng mga wedding venues at kausap ni Nixon ngayon yung wedding planner.
"Yes, please." Sagot ko kaya nga agad kumuha si Ivan ng tubig. After ng incident sa may barko ay ilang buwan nang natahimik ang buhay namin. Mukhang namatay na nga talaga ang tatay ni Ivan doon sa barko. Pero hindi ko alam bakit hindi pa din ako makampante. Para akong nappraning.
"Here," sabi ni Ivan saka inabot sa akin ang tubig kaya nga agad ko itong ininom.
"Suarez," tawag ni Nixon nang makalapit sa amin. Agad akong inakbayan ni Nixon.
"I just gave her some water, alright?" Ivan chuckled saka tinaas ang dalawang kamay niya.
"You still have some work to do," sabi ni Nixon.
"Hahaha! Yes. I'll leave you two." Sabi ni Ivan saka umalis na. After Ivan signed a treaty of peace ay naging medyo malapit na din sila ni Nixon sa isa't-isa. Tipong kada may importanteng lakad si Nixon ay laging kasama si Ivan na parang sidekick niya. Ang dahilan ni Nixon kaya niya daw sinasama si Ivan ay para hindi umaligid sa akin kada aalis siya. Hahaha! Ayaw niyang aminin na halos magkaibigan na din ang turingan nila sa isa't-isa. In denial friendship kumbaga.
"Do you want to go home already?" Nixon asked.
"Hmm. Hindi ba gusto ng parents mo na bumisita tayo sa kanila ngayon?" Sabi ko. Nag-message kasi sa akin ang Mom ni Nixon na pumunta kaming North pagsamantala para bumisita.
"We can resched, chestnut. Ayokong mapagod kayo ni baby. Sasabihin ko na lang kila Dad." Sabi niya saka hinaplos ang baby bump ko.
"No, it's okay. Nag-expect na ang parents mo na pupunta tayo kaya tumuloy na tayo." Sabi ko.
"But--"
"I insist," sabi ko kaya napabuntong hininga naman siya.
"Okay fine. Pero sasaglit lang tayo. After non uuwi na tayo," sabi niya. Tumango-tango na lang ako bilang sagot. Nang mabuntis kasi ako ay pagsamantalang tumira muna si Nixon sa amin sa East. Gusto sana ng parents niya na sa North muna kami tumira pero hindi pumayag ang Dad ko dahil hindi pa daw kami kasal, kaya nga ito si Nixon na lang ang tumira muna sa Mera mansion kasi gusto niyang mabantayan at maalagaan daw ako.
Nang makarating kami sa mansion ng mga Gonzalez ay agad akong sinalubong ni Eloise.
"Eeek! Next month lalabas na si baby Luciana! I can't wait!" Irit ni Eloise sabay haplos din sa baby bump ko. Napangiti na lang ako.
"Eloise, you're so noisy." Sabi ng Mom ni Nixon na kadarating lang. Agad naman akong bumati dito.
"Hehe, sorry Auntie naexcite lang ako." Sabi ni Eloise at napakamot ulo na lang.
"It's nice to see you hija, how are you?" Bungad sa akin ng Mom ni Nixon.
"I'm doing fine po," sagot ko.
"Can I also touch it?" Tanong niya referring to my baby bump.
"Of course po," sabi ko kaya nga agad siyang lumapit at hinawakan din ang tiyan ko. Nagulat na lang kami parehas nang biglang sumipa ulit si Luciana.
"Oh, she kicked me." Sabi ng Mom ni Nixon.
"What? Really?" Tanong ni Eloise at nakihawak na din sa tiyan ko. At nang sumipa ulit si baby ay nagulat din siya.
"Waaah! Oo nga! Ang lakas naman sumipa ng baby Luciana namin. Mukhang fighter din huhu," sabi ni Eloise. Napangiti na lang ako saka tumingin kay Nixon. Napangiti na lang din siya dahil doon. Nung first time kasing sumipa si Luciana ay nandon si Nixon, tipong magdamag yata eh nakayakap lang siya sa tiyan ko sa sobrang tuwa.
"Let's go, the food is waiting." Sabi ng Mom ni Nixon kaya nga agad na kaming pumunta sa dining area to eat our dinner.
"So, next month na pala ang kabuwanan ni Victoria. And then next next month na ang wedding niyo, tama?" Nixon's Dad asked while we're in the middle of eating our dinner.
"Yes, Dad." Nixon answered kaya napatango-tango ito.
"So, what are your plans? Dito ba kayo titira?" His Dad asked again kaya nagkatinginan kami ni Nixon.
"Actually, hindi pa po kami nakapag decide Dad dahil iniisip po muna namin ang wedding at ang paglabas ni Luciana," sagot ni Nixon.
"Oh, yeah. You're right. Dapat na asikasuhin niyo muna ang mas importante. But I hope you consider on living here in the North since you're going to be the next jefe, Nixon."
"We'll think about it, Dad. I want to decide with Victoria about that since she's going to be my wife," sagot ni Nixon.
"Alright then," sagot na lang ng Dad ni Nixon tapos nagpatuloy na kami sa pagkain.
"Eww, cousin. Why are you dipping those apples in soy sauce?!" Sabi ni Eloise nang mapansin niya na kinakain ni Nixon ang mansanas habang nagsasawsaw sa toyo.
"What? It's delicious. You should try it too," sagot ni Nixon kaya napangiwi naman si Eloise.
"Eww, no! Ano ka ba naglilihi? Ikaw ba yung buntis ha?" Sabi ni Eloise.
"Is it really that good? Ngayon lang kita nakitang magana kumain ng ganiyan, son." Curious na sabi ng Dad ni Nixon.
"Yes, Dad. It's really good. You should try it too." Sabi ni Nixon sabay abot sa Dad niya ng apple na sinawsaw niya sa toyo. Nang matikman ito ng Dad niya ay napangiwi ito kaya natawa kami.
"What do you think, Dad?" Nixon asked.
"Mmm. Y-Yeah, you have an exquisite taste son." Sagot nito saka napainom ng tubig.
Napangisi na lang ako dahil doon. Hahaha! Pero napatigil din ako nang makita na pasikreto ding tumatawa ang Mom ni Nixon habang umiiling-iling. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay binigyan niya ako ng thumbs up. Mukhang alam niya na ipinasa ko Nixon ang paglilihi ko.
Nang matapos na kami kumain ay dumiretso na kami sa kwarto ni Nixon. Since gabi na din ay sinabihan kami ng parents niya na dito na lang muna magpalipas ng gabi. Pumayag na lang din si Nixon dahil ayaw niyang ibyahe pa ako ng gabi na dahil mahamog na daw. Hahaha! Kaya iyon nagsabi na lang ako kay Heilee para masabihan sila Dad.
After kong magpalit ng damit ay agad na akong nahiga sa kama ni Nixon. Buti na lang magkasing katawan kami ni Eloise kaya pinahiram niya ako ng damit niya. Agad kong inunat ang paa ko dahil medyo sumakit ito sa kakalakad ko kanina, feeling ko nagmanas na naman ito. Hays.
Sakto namang lumabas na si Nixon galing sa cr, kakatapos lang maligo. Agad siyang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko habang nagpupunas siya ng tuwalya sa ulo niya.
"Your feet is swelling again," nag-aalala niyang sabi while looking at my feet. "Let me massage it for you, chestnut." Sabi niya at agad na sinimulang i-massage ang paa ko.
"Hays, I told you na maupo ka na lang at wag nang tatayo ng matagal. Now, look what happened. You're so stubborn," sabi niya habang nakafocus sa paghihilot sa paa ko. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siyang gawin iyon.
"Sorry po," I chuckled. Napailing-iling na lang siya.
"Nixon?"
"Hmm?"
"Should we live here after the wedding?" I asked kaya napatigil siya at tumingin sa akin.
"Why? Do you want here or napilitan ka lang dahil sa sinabi ni Dad kanina?"
"Well, you're going to be the next jefe. Dapat lang naman talaga na mag-istay ka dito di ba?" I answered.
"How about you? Ayos lang ba sa iyo na iwan ang Mera mansion and live here instead?" He asked. Napaisip naman ako. Inaamin kong mamimiss ko ang family ko, pero Nixon and I should live together since we're going to be a family. Idagdag pa si Luciana.
"If kailangan, bakit hindi? To be honest mamimiss ko ang family ko, pero if kailangan na sumama ako sa iyo dito dahil ikaw ang magiging jefe ay gagawin ko. Ayokong malayo sa magiging asawa ko," nakangiti kong sagot. Napangiti din naman siya at agad akong niyakap.
"Alright, if that's what you want. Don't worry we're going to visit your family every weekends para hindi mo sila masyadong mamiss," sabi niya.
"Yes, let's do that. Baka umiyak yung dalawa kong Kuya eh." I chuckled kaya natawa din siya.
"I can't wait to see our baby and live my life with the two of you, chestnut." Sabi niya at hinawakan ang tiyan ko.
"Me too," I answered saka hinawakan ko din ang tiyan ko. Sakto namang naramdaman ulit namin ang pagsipa ni baby kaya natawa kami ni Nixon.
"Looks like she's excited to see us too," sabi ni Nixon. Napangiti na lang ako.
I can't wait, Luciana. Next month mahahawakan at mahahagkan ka na din namin. I can't wait to hear your cries, and see your smile. Sana nga magtuloy-tuloy na ang ganito. Yung masaya at tahimik, yung walang gulo. Dahil I want the best life for you, our daughter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top