43 - The Anonymous Letter

Nang ihinto na ni Nixon ang sasakyan sa tapat ng gate namin ay agad na kaming bumaba ng sasakyan. Hindi na daw siya papasok pa sa loob dahil kailangan niya na ding bumalik agad sa North to help.

"See you soon, chestnut." Sabi niya sa akin kaya nga naglakad na ako papasok ng gate pero napahinto din ako agad at tumakbo pabalik sa kaniya saka yumakap. Nabigla siya sa akin pero niyakap niya din ako agad pabalik.

"Please be careful, you should return here safe and sound without any wounds." Sabi ko habang nakakulong sa mga bisig niya.

"Yes, I will." Nakangiti niyang sagot saka hinalikan ako sa noo.

"Promise me that you will take care of yourself, Nixon. Kundi lagot ka talaga sa akin!" Nag-aalala kong sabi.

"I promise," he chuckled kaya nga kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya at tuluyan nang naglakad papasok ng gate namin. Nang lingunin ko siya ay umalis na agad ang sasakyan niya kaya bigla akong nakaramdam ng lungkot at pag-aalala. Kahit na pinangako niya sa akin na mag-iingat siya ay hindi pa din mawala sa akin ang mag-alala para sa kaniya.

Nang makapasok na ako sa mansion ay hindi na ako masyadong tinanong ng kambal since ang alam nga nila ay kila Rosan lang ako nakitulog. Si Heilee lang ang nagtatantrums dahil hindi ko daw siya sinama. Kaya nga para hindi siya magtampo pa sa akin ay sinabi ko sa kaniya ang totoo na kila Nixon ako nagpalipas ng gabi.

"Omg! How was it? Is he good?" Tanong niya kaya agad kong tinakpan ang bibig niya dahil baka may makarinig sa amin.

"Shhh, baka may makarinig sa atin. Tsk!" Sabi ko kaya natawa naman siya.

"So, how was it nga?" Kulit niya sa akin.

"Sorry I won't tell you. Because I don't kiss and tell, dear." Sabi ko kaya bigla siyang sumibangot.

"Argh! I hate you so much." Sagot niya kaya natawa na lang ako. Kinausap ko din si Heilee about sa war na nangyayari ngayon between Nixon and Ivan. Alam na nga din daw nila Dad at ng kambal dahil pinagmeetingan nila ang about dito kanina lang, tutulong daw sana sila Dad para i-back up ang North since we had a treaty of peace with them, but Nixon refused the offer. Ayaw niya daw madamay ang mga Mera sa gulo kaya niya ito tinanggihan. At since malakas naman ang force ng North ay hindi na din pinilit pa nila Dad na tumulong. Pero nag-aalala pa din talaga ako for Nixon and his family.

Kaya nga agad akong gumawa ng paraan to meet Ivan in person. After so much persuasion ay pumayag din siyang makipagkita sa akin the next day. Pero hindi ko sinabi ito kila Dad dahil paniguradong magagalit sila. Napagkasunduan naming magkita sa sentro, sinama ko na lang si Heilee para may maidahilan ako kila Dad at sa kambal. Dinahilan ko kasi na magshoshopping lang kami kaya pumayag silang umalis kami.

Kasalukuyan ako ngayong naghihintay dito sa may fountain. Pero dahil sinabi ko kay Ivan na ako lang ang makikipagkita sa kaniya ay sinabihan ko muna si Heilee na maglibot sa kung saan while I'm waiting for Ivan. Ilang saglit pa ay dumating na siya at lumapit sa akin. Pero his approach is different from before. Hindi niya ako sinalubong ng ngiti like what he always do. And I understand him dahil nga nireject ko siya at pinili si Nixon.

"Make it quick, Victoria. I don't have time for this." Sabi niya nang maupo sa bench sa tabi ko. Napabuntong hininga naman ako.

"Please stop the war, Ivan." Lakas loob kong sabi. Hindi siya sumagot.

"Walang mangyayaring maganda kapag tinuloy niyo ang war. Many people will die and the life of the innocent will be in danger too. Kaya please, Ivan. Stop the war." Sabi ko.

"Why would I?" Sabi niya at tumitig sa akin. "You're just doing this for that bastard, aren't you? Did he tell you to talk to me, Victoria? Did he tell you to pursuade me?" Tanong niya.

"No, Ivan. Hindi alam ni Nixon na nakipag-usap ako sa iyo ngayon. I'm talking to you right now with my own will. I don't want war Ivan, kaya kita kinakausap ngayon. Ayokong masaktan kayong dalawa," sabi ko. I truly mean it. Kahit na nireject ko siya, I still care for him dahil naging malapit na din siya sa akin. Ayokong may masaktan sa kanilang dalawa.

"You already did, Victoria. Nasaktan mo na ako simula nung piliin mo siya over me." Sabi niya na tila may pait sa tono ng kaniyang pananalita. Natahimik naman ako.

"If you really want me to stop the war, I have one condition." Sabi niya bigla.

"What is it?" I asked.

"Choose me, Victoria. Choose me now, and I'll stop the war immediately. Magpakalayo na tayo dito. Let's live far away from this place. Leave Nixon and come with me." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko pero umiling ako.

"No, Ivan. Sorry. I-I can't do that." Sagot ko at bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin. Tila napatigil naman siya.

"Then there's no other choice but to kill him," sagot niya at tumayo na.

"I-Ivan..."

"If I can't have you, I'll just kill him. That's my decision and you can't change my mind, Victoria." Sabi niya saka umalis na. I tried to stop him pero hindi na siya lumingon pa sa akin. Napabuntong hininga naman ako. Sakto namang bumalik na din si Heilee.

"Let me guess, hindi siya pumayag." Sabi ni Heilee kaya tumango ako.

"There's nothing we can do, Tori. You did your part already. Nasa sa kanila na lang iyon." Sabi ni Heilee.

"But what if may mangyari na hindi maganda sa isa sa kanila? Hindi kakayanin ng konsensya ko, Lee. I will blame myself forever." Sabi ko kaya napabuntong hininga din si Heilee.

"Alam mo, pumunta na lang tayo kila Rosan nang mawala sa isip mo iyan. Tutal nandito na din naman tayo sa labas," sabi niya.

"Mabuti pa nga," sagot ko at sumakay na sa kotse namin at nagpahatid sa South para bisitahin si Rosan.

Nang makarating kami sa mansion nila Rosan ay nagkwentuhan kami sa kwarto niya. I also told her what happened. Na kinausap ko si Ivan kanina about sa war sa pagitan nila ni Nixon. At parehas lang din sila ng sinabi ni Heilee. Na hindi ko daw dapat sisihin ang sarili ko dahil desisyon daw ni Ivan iyon.

"By the way, I forgot some of my stuffs in the Mera mansion. Pwede ba akong sumabay sa inyo pabalik? Kukunin ko lang siya." Sabi ni Rosan.

"Akala ko ayaw na ipakuha ng tatay mo dahil may mga bago ka ng gamit dito na binili niya?" Heilee asked.

"Yeah, but mga stuffs ko iyon from the orphanage. Nandoon yung mga regalo sa akin ng mga bata na mahalaga sa akin kaya hindi ko pwedeng basta-basta itapon." Sabi niya.

"Oh, you're referring to the box that you left in your room? Tinabi ko muna siya sa kwarto ko nung binigay sa akin ni Sally. Alam ko kasing babalikan mo pa iyon." Sabi ko kaya tila lumiwanag naman ang mukha niya.

"Really? Thank you! I'll get it right away." Sabi niya. Kaya nga nang bumalik na kami papuntang East ay sumama si Rosan kasama ang escort niya. Dumiretso kami paakyat sa kwarto ko at inabot sa kaniya ang box na tinutukoy niya.

"Ano ba kasing laman niyan." Sabi ni Heilee kaya nga sumilip kami sa laman ng box nang buksan ni Rosan ang box. Bumungad sa amin ang ilang mga laruang basahan, mga tuyong bulaklak, at mga papel na may drawing ng mga bata.

"They gave me these things nung umalis ako sa orphanage para mag-work dito sa mansion ng mga Mera," nakangiting sabi ni Rosan kaya napangiti din kami ni Heilee nang makita ang masayang mukha ni Rosan.

"Binisita mo ba ulit sila magmula nang lumipat ka sa South?" I asked kaya biglang napalitan ng lungkot ang mukha niya.

"No, not yet. My father won't let me. Ang sabi niya sa orphanage daw sa South dapat ako mas bumibisita kasi iyon ang sponsored ng pamilya namin." Sagot niya.

"What? Pero sa orphanage sa East ka lumaki at alam niya naman iyon." Sabi ko kaya napabuntong hininga naman siya.

"Wala akong magagawa, it's an order from my father. I can't disobey him." Sabi niya.

"Nakakabwisit talaga iyang tatay mo, to be honest." Sabi ko.

"True, I agree. He's so strict to you Rosan." Sabi ni Heilee.

"Well, my mother told me na strikto si Dad kasi natatakot na ito na may mangyari ulit na masama sa akin. Kaya iyon, iniintindi ko na lang." Sabi ni Rosan. Nagkatinginan na lang kami ni Heilee at hindi na nakasagot pa. Kaya iniba na lang namin ang usapan at inusisa si Rosan about sa mga regalo sa kaniya ng mga bata para gumaan ulit ang mood niya.

Habang kinakalkal nila ang kahon ay biglang nahulog ang isang envelope kaya agad ko itong pinulot. Nang tignan ko ang sobre ay tila napakunot noo ako. Ito na naman yung deja vu feeling sa loob-loob ko. Ngayon ko lang nakita ang letter na ito pero iba ang pakiramdam ko.

Mukhang hindi naman napansin nila Rosan ang nahulog na envelope kasi busy pa din sila sa pagtingin ng ibang laman ng kahon. At dahil nga bigla akong nacurious sa letter dahil nagkaroon ako bigla ng deja vu feeling ay binuksan ko ito. Tila lalong lumakas ang deja vu feeling deep inside me nang makita ang pamilyar na hand written at ang petsa na nakalagay sa sulat. Ang petsa na ito, ito yung time na naaksidente ako at ang time na namatay din si Victoria!

Dear Rosan,

  I have something important to tell you. I can't say it through this letter so please meet me at the coffee shop in the center at exactly 10am in the morning. I will wait you there.

I know you don't know me and you don't trust me yet, but I can't reveal my identity to you for now because of some important reason. I'll just reveal myself when we meet.

Sincerely,
V.K.

After reading the letter ay bigla akong nakaramdam ng pagsakit ng ulo ko, some memories are suddenly flashing into my mind. Na para bang pinipilit nitong pumasok sa utak ko.

"Ahh!" Sigaw ko nang maramdaman ang sobrang sakit ng ulo ko kaya nabitawan ko ang sulat.

"Tori!" Sigaw ni Heilee at Rosan saka agad lumapit sa akin.

"What happened?!" Nag-aalalang tanong ni Heilee.

"Your n-nose...It's bleeding!" Sabi ni Rosan kaya napahawak ako sa ilong ko, doon ko lang nakita sa daliri ko na may bakas nga ng dugo galing sa ilong ko. Biglang umikot ang paningin ko, and then everything went black.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top