4 - The Necklace
After the commotion about Nixon ay nagtagumpay ako sa plano ko na maging personal bodyguard si Ivan. Hindi na naging mahirap since isa siya sa pinaka skilled and trusted na tauhan ni Viktor Mera--I mean ng tatay ko. My father was very mad kaya grounded ako ng isang buwan. I don't mind actually. After what happened ay wala na din akong balak lumabas dahil baka magkrus na naman ang landas namin ni Nixon.
Nang maging personal bodyguard ko na si Ivan ay lagi na siyang nagbabantay sa labas ng kwarto ko. But since preoccupied ako sa nangyari ay hindi ko pa naasikaso na ibigay sa kaniya ang kwintas. Kainis kasi nasira na ang plano ko na iwasan si Nixon. Good thing hindi na din siya nagpaparamdam after what happened last week. Dahil I don't have plans on concerning myself to him further. Kung anuman ang nangyari sa amin ay dapat nang kalimutan.
Inis ko namang tinignan ang repleksyon ko sa salamin at pilit na binubura ang konting bakas pa din ng mga marka ng Nixon na iyon. Ano ba siya linta? Isang linggo na bakit nandito pa din?! Ugh! Dahil dito naaalala ko na naman ang katangahan ko ng paulit-ulit.
Napabuntong hininga na lang ako saka pinakalma ang sarili ko. Okay, hinga. Ang isipin mo na lang ay hindi mo na siya makikita ulit. Unlucky encounter lang iyon. Tama! Think positive. Sa ngayon, I need to continue what I have planned. Ang plano na ibalik kay Ivan ang kwintas.
Agad kong binuksan ang pinto at sinilip si Ivan na nakatayo sa gilid ng pinto ko. Sinalubong niya ako ng ngiti. "Do you need anything, Miss?"
"Uhm, can you come in for a moment? I need to discuss something with you," sagot ko. Agad namang sumunod si Ivan sa akin.
"What is it that you need to discuss with me, miss?" He asked. Agad ko namang inabot sa kaniya ang kahon kung saan nakalagay ang kwintas. Tinignan niya ako na tila nagtatanong kung ano iyon. Pero para masagot na ang tanong niya ay binuksan niya din agad ang kahon. Nang bumungad sa kaniya ang emerald necklace na alam kong inaasam niya ay nawala ang ngiti niya at napatingin sa akin ng seryoso.
"Miss, may I know the reason why you're giving me a jewelry all of a sudden?" Tanong niya na may pilit na ngiti sa mga labi niya. Ano ba iyan? Wala man lang bang thank you muna? Duh? Iyan kaya ang pinakamahal na alahas ni Victoria.
"I believe that's not really mine so I'm giving it back to the rightful owner," sagot ko. Pero laking gulat ko nang bigla niya akong tutukan ng baril. Teka? Bakit may paganito? Binabalik ko na nga eh. Huhu!
"How much do you know, Mera?" Madiin niyang tanong. Hala! Oo nga pala naka disguise siya dito. Huhu. Since isa akong Mera at kilala si Victoria bilang isang spoiled brat na masama ang ugali ay talagang hindi siya agad magtitiwala sa akin.
"Don't worry I won't tell anyone about your real identity. I just want to return the necklace to you. That's all!"
"Why should I trust you?"
"Uh? Well, duh. Iyan ang pinakamahal na alahas na nabili ko sa auction but look I'm giving it to you for free," sagot ko. Dahan-dahan niya naman nang binaba ang baril niya kaya nakahinga na ako ng maluwag.
"How did you know about this?" He asked while intently looking at the necklace.
"I just know," kibit balikat ko at naupo sa higaan ko.
"Ngayong nakuha mo na ang pakay mo dito, you should go back Ivan. Once na malaman ng tatay ko or ng mga kapatid ko na isa kang Suarez, they will kill you on the spot."
"Why do you care that much?"
Well, duh? Iyang kwintas na iyan ang lifeline ko. Kaya please kunin mo na iyan at lumayas ka na dito nang wala nang maging kasabwat si Nixon sa pagpatay sa akin. Huhu!
"Stop asking too much questions at gawin mo na lang ang sinasabi ko," inis kong sabi.
"No," maotoridad niyang sabi.
"What?"
"Leaving is not that easy, miss. I need to stay for a while and do my duty as your guard. And also to make sure that you will not talk about this," sabi niya. Napabuntong hininga naman ako.
"Fine. Do what you want," sagot ko. Tapos lumabas na din agad siya. Napahilot na lang ako sa sintido ko. Ano ba iyan wala pang isang buwan, dalawang beses na agad ang near death experience ko. Huhu! Wala man lang pa-thank you? Bakit sa story napaka soft ng character ni Ivan when it comes to Rosan? Well, anyway I'm not Rosan. I'm Victoria Mera the antagonist of this story kaya understandable naman. Tsk!
-
Another week passed. Naging mabilis na lang ang lahat. I also discovered na walang tigil sa pagpapadala ng mga bulaklak at iba pang regalo si Nixon simula ng araw na ihatid niya ako dito. Pero pinapatapon ito agad ng tatay ko kaya ngayon ko lang din nalaman. Not that I care since wala naman na akong balak na i-associate pa ang sarili ko kay Nixon. Hangga't maaari ayoko na siyang makita. Ayokong mamatay ng maaga. Huhu!
Kasalukuyan ako ngayong kumakain ng agahan dito sa may gazebo sa may garden. Maaliwalas kasi ang panahon kaya naisipan kong lumabas sa garden. Good thing pumayag ang tatay ko as long as hindi daw lalabas ng mansion. Mygosh! Ilang taon na ba si Victoria para i-grounded pa? Gaano ba siya ka-spoiled para maging ganito parusa niya?
Napangiti na lang ako sa ganda ng lake na tanaw ko mula dito sa gazebo. Since tapos na ako kumain ay tumayo na ako at nagpasyang maglakad lakad sa gilid ng lake. Ramdam ko naman na nakasunod lang sa akin si Ivan kaya hindi ko na lang siya pinansin at tinuon na lang ang atensyon ko sa napakagandang atmosphere.
Ever since ibalik ko na sa kaniya ang necklace ay hindi na kami nakapag-usap pa ulit. Dahil hindi naman kami ganon ka-close para mapunta sa talking stage. Sa sobrang focus ko sa ganda ng lake ay hindi ko napansin na may bato pala sa lalakaran ko. Kaya iyon ano pa nga ba, natapilok ako. Agad naman akong nilapitan ni Ivan.
"Are you alright, miss?" Mukha ba akong okay Ivan? Natapilok ako oh? Mygosh! Hinawakan niya ang paa kong natapilok kaya napasinghap ako sa sakit. Napabuntong hininga na lang siya.
"Excuse me for what I'm going to do," sabi niya saka bigla akong binuhat sa mga bisig niya nang walang kahirap-hirap. Napahawak na lang ako bigla sa batok niya dahil doon.
Naglakad na siya pabalik sa mansion habang karga ako. Samantalang ako ay hindi magkanda mayaw kakatitig sa kaniya. Lalo na't ngayon ko lang napagmasdan nang malapitan ang mukha niya. Hindi ko maipagkakaila na gwapo din itong si Ivan. Like duh? Second male lead eh ano pa bang aasahan ko? Pero compared to Nixon ay mas soft ang features ni Ivan. Mala boy next door ang peg ganon.
"Are you done observing my face?" He asked kaya napalunok ako at agad iniwas ang tingin ko. Bakit ba? First time ko makakita ng ganito kagwapo. Kasalanan ko bang karamihan ng manliligaw ko ay hindi ganito kagwapo? Hays, kung ako papipiliin mas bet ko itong si Ivan kaysa kay Nixon eh. Kung ako kay Rosan mag-isip isip na siya. Bakit niya ba nagustuhan ang Nixon na iyon?
Nang madala na ako ni Ivan sa kwarto ko ay agad siyang nagpatawag ng doktor sa maid. Dumating naman agad yung family doctor kaya ginamot agad yung paa ko. For now ay kailangang ipahinga muna ang paa ko. Ugh! Kung kailan first time ko lumabas ngayon pa nangyari ito. Napakamalas ko naman talaga!
Kinabukasan ay bumisita ulit yung kambal sa akin after nilang malaman ang nangyari sa akin. Halos lagi kasi silang wala dito dahil lagi silang nagbabantay ng ilang parte ng teritoryo. Pero hindi ko naman sila madalang makita. I appreciate na kahit gaano sila kabusy ay naglalaan silang oras para sa kapatid nilang si Victoria.
"Tori, bakit naman every time na bibisita ako eh laging may masakit sa iyo huhu," saad ni Vins.
"Edi bumisita ka kapag walang masakit sa akin," sarcastic kong sagot. Napapout naman si Vins tapos natawa na lang si Vigor.
"By the way, that Gonzalez stopped sending gifts." Biglang sabi ni Vigor sa akin na tila tinitignan anong magiging reaksyon ko.
"That's good," agad kong sagot. He seem satisfied with my answer. Ano bang ineexpect nila? Na malulungkot ako? Eh ito nga ang gusto ko mangyari. Ang kalimutan na ako ng Nixon na iyon.
"That's a relief Tori. Akala namin may relasyon kayo ng Nixon na iyon," sagot ni Vins.
"No. Gaya ng sabi ko lasing ako that time at hindi ko alam. If I know that's Nixon, I won't spend the night with him. Kaya kung anuman ang nangyari sa amin ay pagkakamali. I want to forget it already can you please stop reminding me that name?" Ugh! Because everytime I heard his name ay nagkakaroon akong chills. Feeling ko malapit na kumatok si kamatayan sa pintuan ko.
I hope that Nixon will stop pursuing me for good. Dahil for sure Rosan will be arriving here anytime. The story will soon begins.
***
(Ivan's photo on the gallery...)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top