39 - The Bracelet
"Victoria..."
"Chestnut..."
Napalingon ako sa kanilang dalawa at sa kamay nilang nakalahad sa harapan ko. Parehas nilang hinihintay kung kanino ako sasama kaya napalunok ako. Sh*t. Anyone? Help.
Tila dininig naman ng langit ang aking hiling nang biglang dumating si Vins at Vigor at lumapit sa amin.
"Oops, first dance belongs to the brothers!" Sabi ni Vinsky at inakay ako palayo kila Nixon at Ivan. Wala namang nagawa si Nixon at Ivan nang dalhin na ako sa dance floor ng kambal para isayaw. Natawa na lang ako sa mga kapatid ko while they're dancing with me. Phew! Buti na lang ay niligtas nila ako sa awkward situation na iyon.
"You should choose Nixon next time, alright?" Sabi ni Vins habang sinasayaw ako.
"No, you should choose Ivan." Sabi naman ni Vigor saka kinuha ako para agawin kay Vins at sinayaw.
"What? No! Nixon!" Apila ni Vins at inagaw naman ako mula kay Vigor.
"Ivan." Sagot ni Kuya Vigor saka inagaw ulit ako pabalik sa kaniya.
"Nixon!"
"Ivan!" Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa pagtatalo nung dalawa habang hinahatak ako sa magkabila kong braso. Ugh! Akala ko tapos na ang kalbaryo ko. Hindi pa pala.
-
A few days after the party ay naisipang bumisita ni Rosan dito sa Mera mansion. Dumating siya dito hatid ng isang magarang sasakyan, she's already wearing a luxurious outfit na lalong bumagay sa kaniya kaya lalong nag-radiate ang beauty niya.
Nandito kami ngayong tatlo sa gazebo while having tea, kasalukuyan niyang kinukwento ang totoong nangyari nung duel nila nung impostor. Ang sabi niya kinausap daw siya ni Gallante after ng nangyaring insidente. Humingi daw ito ng tawad sa kaniya for putting her in danger. Ang totoo daw pala ay nung time na nireveal ko ang totoong katauhan ni Rosan sa harap ng maraming tao ay alam na nilang si Rosan talaga ang totoo dahil nakita daw ang birthmark niya sa may wrist. Pero tinuloy pa din daw ni Gallante ang duel in order to see Rosan's skills and abilities. O di ba? Sira talaga ulo ng tatay niya. Hahaha!
"So, don't tell me planado na talaga ang pag-arrest niya sa impostor na iyon?" Tanong ni Heilee. Napatango naman si Rosan.
"Yes, pero hindi niya ineexpect na magkakaroon ng ambush sa forest. Dahil ang akala nga nila ay nahuli na nila lahat ng bandits, but it seems na sinadya ng mga ito ang magpahuli para akalain ng tatay ko na okay na ang lahat at wala nang magaganap na ambush," paliwanag ni Rosan.
"You are their target." Sagot ko.
"Yes, you're right. The impostor is one of them. She's also a bandit. Nagpakilala siyang Fuego in order to spy my family inside the mansion pero hindi nila ineexpect na lilitaw ako kaya iyon." Sabi ni Rosan.
"Kaya sa duel ka nila inabangan," sagot ni Heilee. Tumango ulit si Rosan.
"The forest is their hiding spot kaya sobrang daming bandido ang nakaharap natin that day, planado nila ang lahat."
"Pero malas nila marunong tayo lumaban," sabi ni Heilee.
"Yeah, and we almost died. Kung di pa dumating si Nixon baka namatay na tayo doon lahat." Sabi ko.
"Hindi na ako magtataka, he's always present naman when it comes to saving you." Nakangising sabi ni Heilee while sipping her tea.
"Ivan, also saved her that time. Ivan took the bullet for her." Sabi ni Rosan.
"Hahaha! Haba ng hair Tori huh? Anong shampoo mo sis? Makabili nga ng ilang kahon." Sabi ni Heilee sabay tumawa sila ni Rosan. Napairap na lang ako sa dalawa. Hanggang dito ba naman Nixon at Ivan pa din topic? Sumasakit na nga ulo ko. Jusme. Buti na lang nakaalis na si Ivan dito si mansion, bumalik na kasi muna siya sa West after his full recovery. Pero bumibisita din siya dito paminsan-minsan like Nixon. Buti na lang talaga at hindi sila nagkakasabay kasi di ko alam gagawin ko kung sakaling magkasabay sila. Hays!
While I'm sipping tea ay bigla kong napansin ang bracelet na suot ni Rosan na ngayon ko lang nakita. The color of the beads are red and violet kaya nagandahan din ako dito. Napansin naman ni Rosan na nakatingin ako doon kaya nagsimula siyang magsalita.
"My mother gave it to me. Sabi niya lagi ko daw itong suot nung bata pa ako. Tipong umiiyak daw ako kapag hinuhubad ito sa akin." Kwento niya.
"Really? It's beautiful." Sabi ko. Hindi ko alam pero parang kahit ngayon ko lang ito nakita ay parang may deja vu feeling ako ako deep inside me. I don't know why.
"Well, hindi ko din alam pero somehow it feels really special to me. Parang espesyal na tao din ang nagbigay sa akin nito." Sabi niya kaya napakunot noo naman ako.
"Hindi ba ang mother mo ang nagbigay niyan?" Tanong ko.
"Uhm, hindi daw siya eh. Hindi niya daw matandaan kung sino eh. Pero sabi niya kababata ko daw. Kaibigan ko." Sagot niya kaya napatango-tango naman ako. Sino naman kaya iyon? Wala yata akong nabasa na ganon sa story? O baka meron pero nakalimutan ko lang? Ay ewan.
"Oh my, is that ruby stone with amethyst?" Sabi ni Heilee nang titigan maigi ang bracelet ni Rosan.
"Seems like it," nakangiting sabi ni Rosan.
"Hindi kaya taga East ang childhood friend mo na iyon? Kasi look oh, ruby stones and amethyst. When someone gave you a gift that includes both of your family stones, it means a promised love. Pwede siya sa magkaibigan or sa couples. Pwede din kapag nagcoconfess ka sa crush mo, ganon." Sabi ni Heilee.
"Oh, really?" Naaamaze na tanong ni Rosan.
"Yes, yes. Amazing, right?"
"Hindi mo ba talaga maalala kung sino yung friend mo na iyon?" Tanong ko since nacucurious din ako.
"Hindi eh, medyo blurry na kasi sa memory ko ang childhood ko bago ako mapunta sa orphanage. Ang natatandaan ko lang talaga ay yung childhood ko sa orphanage hanggang sa lumaki na ako." Sabi ni Rosan. Napatango na lang ako.
"Miss, sir Nixon is here." Biglang sabi ni Sally. Sakto namang pagkasabi niya non ay nakita ko si Nixon na naglalakad papalapit sa amin. Tila nasamid naman ako sa iniinom kong tsaa. The last time we saw each other is nung celebration party pa ni Rosan sa South.
"Should we leave the two of you here?" Nakangising sabi ni Heilee. Pinanlakihan ko naman sila ng mata pero hindi nila ako pinansin at tumayo na sa kinauupuan nila.
Kaso saktong paalis na sila nang tuluyang makalapit si Nixon. Binati siya ni Heilee at Rosan. Pero napansin kong biglang kumunot ang noo niya nang mapatingin sa braso ni Rosan. Nagulat na lang kami nang bigla niyang pigilan si Rosan.
"Wait." Sabi niya at hinawakan ang braso ni Rosan at tinignan ang bracelet na suot ni Rosan.
"Y-Yes?" Tanong ni Rosan. Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko dahil doon. What is he doing?
"Why do you have this?" Seryosong tanong ni Nixon kay Rosan. Napatingin naman si Rosan sa akin na parang nagtatanong sa akin kung anong ibig sabihin ni Nixon pero maski ako din ay hindi aware sa kinikilos ni Nixon ngayon. We're both confuse.
"What do you mean?" Rosan asked.
"This bracelet. Why do you have it?" Sabi ni Nixon.
"B-Because it's mine." Sagot ni Rosan. Natigilan naman si Nixon at binitawan ang braso ni Rosan.
"D-Don't tell me you are that kid?" Tanong ni Nixon. Pero napakunot noo lang si Rosan. Pati ako ay naguguluhan sa pinagsasabi niya ngayon. Ano bang ibig sabihin nitong si Nixon? What kid?
"What? Who?" Rosan asked. Pero hindi sumagot si Nixon.
"Nixon? What's the problem?" I asked kaya napabaling siya sa akin at tumitig sa mga mata ko.
"No, it's nothing. Maybe I'm just mistaken." Sabi na lang ni Nixon at nag-iwas ng tingin kay Rosan saka lumapit sa akin.
"Let's have a walk, chestnut." Nakangiti niyang sabi na para bang walang nangyari saka hinawakan ang kamay ko at inakay ako palayo kila Rosan. Nang tignan ko sila Rosan, they look dumbfounded. We're all dumbfounded. Maski ako ay nagtaka sa sudden behavior ni Nixon when he suddenly saw the bracelet that Rosan is wearing. Hindi ko alam pero para akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko dahil sa naiisip ko ngayon.
Hindi kaya si Nixon ang childhood friend na sinasabi ni Rosan na nagbigay ng bracelet niya? Siya ba ang ang espesyal na tao na iyon? But how? Wala akong naaalala na ganito sa novel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top