37 - The Duel

WARNING!

This chapter contains violence if you don't like imagining bloods or people dying, skip the fighting scene.

***

Vinsky told me na hindi pumirma si Dad sa treaty of peace na pinoprose ni Ivan dahil hindi pa din nagtitiwala si Dad after ng ginawa niya. Sinabihan daw ni Dad si Ivan na kailangan muna nitong patunayan ulit ang sarili niya na mapagkakatiwalaan ulit namin siya if gusto niya talagang makipag treaty of peace. At dahil nga pursigido si Ivan ay pumayag siya sa mga kondisyon ni Dad. He can't talk to me alone kaya sa tuwing makikipagkita siya sa akin or makikipag-usap ay nakabantay dapat ang isa sa kambal. Kaya everytime na gusto niya akong makita ay nakabuntot sa amin si Vins o kaya si Vigor. Nandito kami ngayon sa gazebo, at si Vinsky ang nakaatas ngayon na magbantay sa amin.

"Victoria, I brought flowers for you." Sabi ni Ivan at lalapit sana sa akin para iabot ang bulaklak nang harangin siya ni Vins.

"Hep, hep. You should be 1 meter away from my sister," sabi ni Vins at naglabas pa ng tape measure para sukatin ang distansya ni Ivan. "Atras pa konti. Konti pa. Yan! Very good, Suarez." Sabi ni Vins. Napailing-iling na lang ako pero walang nagawa si Ivan. Kinuha niya din ang bulaklak sa kamay ni Ivan at saka inabot sa akin.

"My sister loves red roses not white roses," sabi ni Vins while sipping tea.

"Ah, okay. I'll take note of that." Sagot ni Ivan at saka uminom na lang din ng tsaa.

Everytime na magkikita kami ni Ivan ay hindi kami nakakapag-usap ng maayos since may bantay nga kami lagi. I don't mind naman kasi hindi ko din alam if anong sasabihin ko sa kaniya kung kami lang. Hindi ko din siya maintindihan. After niya akong lokohin ay babalik siya dito para ligawan ako? Tss. Boys.

-

Nang dumating na ang araw ng duel ni Rosan ay agad na kaming pumunta ni Heilee sa South para suportahan siya. Sumama si Ivan sa amin kaya nga sumama naman si Vigor since it's his turn already. Salitan kasi sila ni Vins sa pagbabantay. But unlike Vins, mas maluwag si Kuya Vigor kaya nakakausap ako ni Ivan. Pero dahil may doubt pa ako sa kaniya ay hindi ko siya masyadong ineentertain. Ramdam niya naman iyon kaya minsan natatahimik na lang siya kapag hindi ako masyadong sumasagot sa kaniya.

"Ang daming tao pala, akala mo tournament." Sabi ni Heilee nang makapasok kami sa lugar kung saan gaganapin ang duel. Since forest hunt ang duel nila ay nandito kami sa entrance na papasok sa forest. May mga nakatayo ng tents at watchtowers kung saan makikita mo ang view ng forest mula sa itaas. Since we're nobles ay isang watchtower ang nireserve para sa amin. At dahil Suarez si Ivan ay nakahiwalay siya ng watchtower sa amin. Then another watchtower for the Gonzalez kung saan prenteng nakaupo si Nixon. When he saw Ivan sa kabilang tower ay napatingin siya sa direksyon ko na para bang nagtatanong kung bakit kasabay namin si Ivan na pumunta dito. Pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Of course, since this duel is about the next heiress of the South." Sagot ko kay Heilee tapos umakyat na kami papunta sa watchtower namin. Isa-isa na ding nagsidatingan ang iba pang bisita hanggang sa mapuno ang bawat upuan na nasa tents sa baba.

"Good morning, ladies and gentleman. Today is a special day! Dahil ngayon natin malalaman kung sino nga ba ang karapat-dapat na maging Fuego." Sabi ng announcer. Napairap na lang ako. Ano ito game show? Tss.

"There are two Adriah Fuego, but only one should be the heiress. Let's welcome the first Fuego!" Pagkasabi ng announcer ay lumabas na sa isang tent yung impostor. Nakasakay siya sa kabayo habang kumakaway sa mga tao na may malaking ngiti sa kaniyang labi. Tila ba ineexpect niya na siya na ang mananalo sa duel na ito.

"I really hate that b*tch." Ismid ni Heilee.

"You're not alone," sagot ko. Nang tawagin na ng announcer si Rosan ay doon kami nagcheer ni Heilee. Nakasakay din siya sa kabayo nang lumabas siya sa tent niya. Napangiti siya nang makita kami.

Agad inexplain ng announcer ang mechanics ng duel. Kung sino ang unang makakasampung puntos at unang makakalabas ng forest within 5 minutes ay siya ang tatanghalin na panalo.

Ang forest ng South ang may pinakamalaking forest out of the four territories. May iba't-ibang klase ng hayop ang mga naninirahan dito. Merong wild boars, bears at iba pang mga hayop na karaniwang hinahunt. Kaya nga parte na ng kultura sa South ang mangaso. 'You're not from the South if you can't hunt a boar.' Yan ang kasabihan nila. Pero since hindi naman lumaki si Rosan dito sa South ay nag-aalala ako para sa kaniya. Pero malaki ang tiwala ko sa kaniya kaya sure akong kaya niyang ipanalo ito.

Nang pumutok na ang baril as go signal ay parehas ng pumasok si Rosan at yung impostor sakay ng kanilang kabayo. Napapalakpak na lang kami sa tuwa ni Heilee nang manguna si Rosan na makakuha ng puntos sa unang minuto ng laro. Paunahan kasi silang makakuha ng sampung puntos. Once na makuha na nila ang sampung puntos ay kailangan na nilang lumabas agad ng forest at bumalik dito.

May scoreboard kasi sa entrance ng forest para ipakita sa mga nanonood kung sino ang nakakalamang. May nakaantabay yata kila Rosan para ireport kung sino ang nakakapuntos tapos itatawag ito sa walkie talkie ng scorer.

Nang maunang makasampung puntos si Rosan ay napahiyaw kami ni Heilee at nagtatalon sa tuwa. I know Rosan can win this duel! We never doubted her for a second.

Kaso nagtaka kami nang biglang makasampung puntos din yung impostor at ang unang nakalabas ng forest ay yung impostor din mismo. Nagtataka kaming nagkatinginan ni Heilee. Pati ang mga nanonood ay nagulat. Tila hindi nila ineexpect na mananalo ang impostor dahil si Rosan nga ang unang nakakuha ng sampung puntos. Lalabas na lang sana siya ng forest at babalik dito para siya na ang tanghaling panalo pero hindi siya nakalabas agad kaya nakahabol itong impostor na ito na tuwang-tuwa pang kumakaway sa mga nanonood.

"Where's Rosan?!" Sabi ni Heilee pero hindi pa din talaga lumalabas si Rosan. Bigla akong kinutuban ng masama.

"Heilee, Rosan is in danger." Giit ko at agad nagmadaling bumaba ng watchtower. Narinig ko naman na sumunod din si Heilee sa likod ko. Agad akong nanguha ng kabayo sa may tent at pinatakbo ito papasok ng forest, I heard their voices calling me out pero hindi ko ito pinansin. Rosan is in danger and she needs help! I can sense it.

Nilibot ko ang forest para hanapin siya. Nang makarinig ako ng putok ng baril sa malapit ay agad akong nagtungo papunta doon.

"Hey, wag mo nga akong iwan! I want to help too." Sigaw ni Heilee na nasa likod ko na pala sakay din ng kabayo na kinuha niya.

"I heard gunshots over there, I think nandoon si Rosan." Sigaw ko.

"Yes, got it. Let's go! Hiya!" Sigaw ni Heilee at mas pinabilis pa ang takbo ng kabayo niya. Ganon din ang ginawa ko. On our way there ay nakita namin na nakahandusay na sa sahig ang scorer ni Rosan at ang iba pang mga lalaki na nakatakip ang mukha kaya lalong lumakas ang kutob namin na nasa panganib nga si Rosan.

"Over there, Tori!" Sigaw ni Heilee nang makakita kami ng bakas ng dugo. Agad kaming nagtungo doon. At nang makita namin si Rosan na kasalukuyang nakikipaglaban sa limang lalaki na may hawak na mga armas at  may mga takip sa mukha ay hindi na kami nagdalawang isip pa ni Heilee na tulungan si Rosan.

"Heilee, on the count of three." Sabi ko sa kaniya at tumingin sa malaking branch ng puno, tumango naman siya at mukhang nagets ang gusto kong mangyari.

"3..."

"Hey! Assh*les over here!" Sigaw ni Heilee kaya napalingon sa amin ang mga lalaking nakapaligid kay Rosan.

"2..."

"Hiya!" Sigaw naming dalawa saka binilisan ang takbo ng kabayo namin.

"1!" Pagkasigaw ko ng count of 1 ay sabay kaming tumalon doon at kumapit sa malaking branch ng puno saka nagswing papunta sa mga lalaki at sinipa sila. Sabay kaming gumulong ni Heilee palapit kay Rosan at saka koro na lumuhod sa isang tuhod namin habang nakaharap sa mga lalaki na kakatayo lang. At since parehas kaming naka-dress ni Heilee ay pinunit namin ito hanggang tuhod para makagalaw kami ng ayos.

"You're wearing biker shorts right?" Nakangisi kong tanong kay Heilee.

"Of course, b*tch." Sagot niya.

"I'm just making sure that your panty won't show while we're killing these assh*les." Natatawa kong sabi. Napairap naman siya.

"Let's just get this done, Mera." Sagot niya saka hinugot ang dalawa niyang daggers.

Agad ko ding hinugot ang baril ko sa may holster belt na nakakabit sa hita ko nang makitang may hawak din silang mga baril. Good thing that I brought my gun with me. Una pa lang alam ko nang may binabalak silang hindi maganda sa duel na ito kaya dinala ko talaga ang baril ko. They killed the scorer pero hindi narinig ang putok ng baril dahil may gamit silang silencer para hindi makuha ang atensyon ng mga taong nanonood sa labas ng forest.

"Heilee, be careful. They have guns." Sabi ko kay Heilee since dalawang dagger lang ang dala niyang armas.

"Don't worry, I got it." Nakangising sabi ni Heilee sabay walang kahirap-hirap na binato ng dagger ang isa sa mga lalaki. Sapul ito sa leeg kaya sumirit ang dugo nito bago bumagsak sa lupa. Agad hinugot ni Heilee pabalik sa kaniya ang dagger niya at sinaksak pa ang isang lalaki na papalapit sa kaniya.

At dahil wala akong dalang silencer ay umalingawngaw ang putok ng baril na gamit ko. Binaril ko ang dalawang lalaki kaya humandusay ito agad sa sahig. Mauubos na sana namin ni Heilee ang lima kaso may dumating pang walong lalaki na armado din. Sabay kaming tatlo na gumulong sa lupa para maiwasan ang mga bala at saka nagtago sa mga bushes.

"Rosan, are you alright?" I asked nang makitang may dugo ang braso niya.

"Don't worry, nadaplisan lang ako ng kutsilyo kanina while I'm fighting with them. But I can manage." Sabi ni Rosan.

"Dammit, may dumating pang lima." Giit ni Heilee nang sumilip siya.

"They're bandits," sagot ni Rosan. Napakunot noo naman ako.

"Bandits? Akala ko ba nahuli na sila ng tatay mo?" Tanong ko.

"Iyan din ang akala ko," sagot ni Rosan.

"We will die here if hindi natin sila lalabanan, we don't have a choice. It's either sila ang mamamatay o tayo." Sabi ni Heilee.

"I only have my gun with me," sabi ko para sabihin na isang baril lang ang dala ko.

"I have my daggers here, how about you Rosan?"

"I have my gun from the hunt pero tatlong bala na lang ito. Nagamit ko na kanina yung iba kanina sa hunt at sa mga bandits na sumugod sa akin kanina," paliwanag niya. Siya pala ang nakapatay doon sa mga naabutan namin ni Heilee na nakahandusay sa lupa. At mukhang sa kaniya din galing ang putok ng baril na narinig namin kanina.

"Rosan, are you sure you can still fight?" I asked dahil nag-aalala ako sa sugat niya sa braso.

"Yes, I will help you guys." Sabi niya. Napatango na lang kami ni Heilee at agad nang lumabas para sumugod. I took care of the bandits who have guns habang si Heilee at Rosan naman ang lumaban doon sa iba.

Nang marinig kong nagamit na ni Rosan ang tatlong bala niya ay napalingon ako sa kaniya. Nakikipaglaban na siya ngayon sa mga bandits through fist fighting. Kinuha niya din ang kutsilyo sa isa sa mga napatay niya at iyon ang ginamit niya panlaban sa mga ito. Heilee is also struggling with the two bandits since dalawang dagger lang ang armas niya pero agad niyo itong sinipa sa panga dahilan para mapaatras ito. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa at binaon ang dagger niya sa leeg ng mga ito.

Akto na sanang lalapit ang isang bandit sa akin kaso agad ko siyang sinipa sa mukha at binaril naman ang isa pang bandit na lalapit sa akin mula sa kanan ko. Pagkasipa ko sa isa ay agad ko din itong binaril para mamatay. Hindi pa natatapos ang laban ay may dumating pang mga lalaki na sa tingin ko ay nasa sampo. Agad kaming lumapit na tatlo sa isa't-isa while our backs are on each other. Parehas na kaming tatlo na naghahabol ng hininga after patumbahin ang mga nauna.

"Fvck this, bakit hindi sila maubos?" Sabi ni Heilee.

"They're coming everywhere," sabi ko nang may dumating pang iba. This is planned. And we're trapped!

"Kailangan na nating itodo ito," sabi ni Heilee sabay sumugod ulit kaming tatlo. Yumuko ako to give Rosan a hand, kaya agad sumampa si Rosan sa likod ko para makatalon ng mas mataas saka sinipa yung dalawang lalaki sa harap namin then Heilee stabbed them in the neck. Rosan also kicked the bandits na nasa likod ko saka binalibag ito sa lupa kaya agad ko namang binaril yung dalawa pang papalapit sana sa kaniya. We protected each other dahil kapag naghiwa-hiwalay pa kami on this state ay malulugi kami. Napasinghap na lang ako nang mahagip ako sa tagiliran ng kutsilyo. But Rosan kicked him in the face and in the stomach dahilan para mabitawan nito ang kutsilyo niya saka ito sinaksak ni Rosan sa leeg.

"Tori, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Rosan.

"Y-Yes," sagot ko na lang habang hawak ang sugat ko sa tagiliran. I saw blood on my hands at nararamdaman ko na din ang sakit pero ininda ko na lang dahil hindi pa namin nauubos ang mga kalaban.

"Heilee! Watch your back!" Sigaw ni Rosan pero pagkalingon ni Heilee ay agad siyang sinipa nito sa sikmura dahilan para tumama si Heilee sa puno.

"Heilee!" Sigaw namin ni Rosan. Agad sumugod si Rosan at sinipa ang lalaki na lalapit sana kay Heilee pero nilapitan pa siya ng dalawa pang lalaki. Agad ko namang binaril yung dalawang lalaki in order to help Rosan. Nang may papalapit din sa aking dalawang lalaki ay agad kong tinutok ang baril ko sa kanila pero wala nang lumabas na bala sa baril ko kaya wala na akong naging choice kundi ang labanan sila ng pisikal. Pero dahil dalawang lalaki sila at nahihirapan na ako kumilos dahil sa sugat ko sa tagiliran ay napuruhan ako at napahiga na lang sa sahig habang namimilipit sa sakit.

"You're dead, Mera." Sabi ng lalaki at tinutok ang baril nila sa akin. Nang lingunin ko sila Rosan ay napaligiran na din sila. Napakagat na lang ako sa labi ko sa inis. Fvck this! Ang dami nila.

"Victoria!" Pagkasigaw ng isang pamilyar na boses ay agad siyang yumakap sa akin at iniwas ako sa tama ng baril.

"Ivan?" Kunot noo kong tanong. I didn't expect to see him here.

"V-Victoria, a-are you alright?" Tanong niya. Pero napatingin ako sa tiyan niya nang makitang natamaan pala siya ng bala. He took the bullet to save me! Dammit!

"I-Ivan you're bleeding!" Sigaw ko kaya napahawak si Ivan sa sugat sa tiyan niya na dumudugo.

"Ack..." Daing niya.

"Ivan!" Sigaw ko.

"Hahaha! Knight in shining armor huh? Sad to say, the damsel in distress will die too." Sabi ng lalaki saka tinutukan ulit ako ng baril. Fvck! If only I'm not wounded ay makakalaban pa ako. But everytime I move, my fvcking wound hurts as hell.

This is the second time na nalalagay ang buhay ko sa peligro, ganito ba ako kamahal ni kamatayan at atat na atat na siyang sunduin ako?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top