36 - The Ex-Villainess

Nang makauwi na ang kambal ay napagpasyahan namin na sabay-sabay magbreakfast dito sa gazebo kasama si Heilee. Actually pinilit ko lang si Heilee na sumabay sa amin kasi ayaw niya daw makita ang pagmumukha ni Vins at saka marami daw siyang gagawin sa office niya. Pero ito buti napapayag ko din. Pero ito dapat pala hindi ko na lang pinilit si Heilee kasi umagang-umaga ay naririndi agad kami sa pagtatalo nitong dalawa.

"Oh, fvck you! I got it first!" Sabi ni Heilee.

"No, this is our house and this is mine! Doon ka magpaluto sa inyo!" Sagot ni Vins. Kasalukuyan kasi nilang pinag-aagawan ngayon ang natirang fried egg sa plato.

"Be a gentleman for once, assh*le! Give this to me!" Sigaw ni Heilee.

"No! I'm a gentleman kwera sa iyo!" Sabi ni Vins sabay naagaw ang itlog kay Heilee saka sinubo ito lahat sa bibig niya sabay humalakhak to tease Heilee more.

"Y-You! Argh! I hate you so much!" Sabi ni Heilee saka padabog na tumayo at umalis.

"Vins, you're so childish. Heilee is a guest here," sabi ni Kuya Vigor while sipping his coffee.

"I dyownt kyer!" Sagot ni Vins habang may laman ang bibig. Ilang saglit pa ay bumalik si Heilee. Nanlaki ang mata ko nang makitang may bitbit siyang tray ng itlog.

"Motherfvcking assh*le! Ito! Isaksak mo sa baga mo lahat ng itlog!" Sigaw niya saka binato si Vins ng itlog agad namang napaiwas si Vins. At dahil nga beastmode na si Heilee ay agad kaming napatayo ni Kuya Vigor para hindi madamay sa umuulan na itlog. Hinabol ni Heilee si Vins at pinagbabato ng itlog. Natawa na lang kami ni Kuya Vigor sa kawawang si Vins na tumatakbo palayo kay Heilee habang umiiwas sa binabato nitong itlog.

"That's what he got for making her mad," sabi ko at nagkibit balikat. Napangisi na lang si Kuya Vigor at napailing-iling.

-

Balak namin ngayong pumuntang tatlo sa sentro para magbonding, kaming tatlo nila Kuya Vins at Kuya Vigor. Sinubukan kong isama si Heilee pero tumanggi siya dahil nabbwisit pa daw siya kay Vinsky kaya hinayaan ko na lang siya.

Saktong palabas ang sasakyan namin ng gate nang biglang may humarang na sasakyan sa amin. Napakunot noo naman ako nang biglang ilabas nila Vins at Vigor ang baril nila.

"Who's that?" I asked them.

"Stay here, Tori." Sabi ni Kuya Vigor saka sila lumabas na dalawa ni Vins. Nang bumaba ang sakay ng sasakyang nangharang sa amin ay nagulat ako nang makita si Ivan. Pero lalong nanlaki ang mata ko nang tutukan siya ng baril ng dalawa kong kapatid kaya agad akong bumaba ng sasakyan para pigilan sila.

"Tori! I told you to stay inside the car." Giit ni Kuya Vigor.

"Get back inside, Victoria Katherine." Seryosong sabi ni Vins. Hindi pa din nila inaalis ang pagkakatutok ng baril nila kay Ivan. Si Ivan naman ay nakatingin lang sa akin habang nakataas ang dalawa niyang kamay. Ano bang ginagawa niya dito? Bakit bumalik pa siya dito? Gusto niya ba talagang magpakamatay?

"Victoria..." Tawag sa akin ni Ivan habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam pero nasasaktan pa din ako dahil sa nagawa niya, but I have my 'maybes'. That maybe may rason siya kung bakit niya nagawa iyon.

"Put down your guns, brothers." Buntong hininga kong sabi.

"What? No. He's an enemy and he betrayed us!" Sabi ni Vins habang nakatutok pa din ang baril niya kay Ivan.

"Please, just this once." Pakiusap ko. Nagkatinginan naman sila ni Kuya Vigor bago nila binaba ng sabay ang baril nila.

"What are you doing here in the East, Suarez? Don't tell me you're lost?" Nakangising sabi ni Kuya Vins.

"We'll give you a chance to leave now Ivan while we have mercy, magpapanggap na lang kaming hindi ka nakita. Now, leave!" Sabi naman ni Kuya Vigor.

"No," sagot ni Ivan.

"What? Do you want to die?!" Inis na sagot ni Kuya Vins.

"I'm here because of Victoria, I came back for her." Sagot niya at tumingin ulit sa akin.

"Ano namang kailangan mo sa kapatid namin?" Tanong ni Kuya Vigor. Hindi sumagot si Ivan at saka inabot ang isang papel sa kambal. Nang basahin ito ng kambal ay napakunot noo silang bumaling kay Ivan.

"This is a treaty of peace contract," sabi ni Kuya Vigor kaya napakunot noo ako.

"What the fvck? Does this mean you want to court our sister too?!" Bulalas ni Vins.

"Yes, if Victoria will let me." Sabi ni Ivan at tumitig ulit sa akin. Ako naman ay tila nanigas sa kinatatayuan ko. What? Treaty of peace? Court me? Si Ivan? But why? H-He likes me too?

"Are you crazy? After you betrayed us ang lakas ng loob mong bumalik dito para ligawan kapatid namin?! Para ano? Para maloko mo ulit siya?" Sagot ni Vins.

"Is this another plan of your damn Father, Suarez?" Sabi ni Vigor.

"No, that treaty of peace is solely mine. My father is not aware of it," sagot ni Ivan. Nagkatinginan naman ulit yung kambal na para bang nag-uusap sila sa isip nila.

"You're aware that a Gonzalez is courting our sister, right?" nakangising sabi ni Vins.

"Yes, I'm well aware of it." Sagot ni Ivan.

"Ha! Tapos may lakas ka pa din ng loob para ligawan ang kapatid ko? You're really crazy," sabi ni Vins.

"Since hindi pa sinasagot ni Victoria si Nixon, I think there's nothing wrong with Ivan courting our sister too, Vins." Sabi ni Vigor. Gulat namang napatingin si Vins sa kaniya.

"What?! You're siding with him? After what he did?!" Sagot ni Vins.

"I'm sure Ivan has his reasons," buntong hiningang sabi ni Kuya Vigor.

"You're being bias, brother. Just because he used to be your comrade? I still don't trust him yet!" Sagot ni Vins.

"Ganiyan din naman turing mo kay Nixon before, but look at you now. You're siding with him." Sagot ni Kuya Vigor.

"Aba't talagang--It's because he proved his self already! Pinatunayan niya na mapagkakatiwalaan siya. He earned our trust. Hindi katulad ng isang ito na after makuha ang tiwala natin ay saka tayo tatraydurin. What if ulitin niya iyon ha?! What will you do?"

"Then, I'll make sure to kill him with my own hands." Sagot ni Vigor.

"Oh really? Easy as that huh?" Sabi ni Vins kaya nga pumagitna na ako sa dalawa dahil mukhang mag-aaway pa about kay Nixon at Ivan itong dalawa kong kapatid.

"Brothers, this is not the best time to argue. Please let's just go back home, nawalan na ako ng gana gumala." Sabi ko saka napatingin kay Ivan. Nakita ko naman ang lungkot sa mata niya nang masense niyang siya ang pinaparinggan ko.

"Ivan, you should come with us. If you're really serious on courting our sister, you should talk with our Father about that treaty of peace. Since siya din naman ang mag-aapprove non at hindi kami." Sabi ni Kuya Vigor. Napatango naman si Ivan. Kaya nga sumakay na ulit kaming tatlo sa sasakyan at nagdrive pabalik sa mansion habang nakasunod sa likod namin ang kotse ni Ivan.

Nang makabalik kami sa mansion ay dumiretso nga si Ivan sa office ni Dad, I heard a gun clicking kaya for sure tinutukan din siya ng baril ni Dad. Pero nandoon naman ang kambal kaya for sure ayos naman siguro ang lahat. Naging normal na lang yata sa akin yung tutukan ng baril na iyan, hindi na ako nagugulat. Tss! Kaya nga bumalik na ako sa kwarto ko para magpahinga. Since wala na si Rosan ay binigyan ako ng panibagong maid. Pero naninibago pa din ako dahil nasanay ako sa presensya ni Rosan.

"Is there anything you need, Miss?" Tanong sa akin ng maid. Umiling naman ako.

"Ah, wala na. Thank you." Sagot ko at tumingin sa maid. Napakunot noo ako nang makitang parang pamilyar ang mukha niya.

"Are you new here?" I asked. Umiling naman siya.

"Uhm, miss. I'm S-Sally your first maid. I'm the one who served you before Miss Rosan," sabi niya. Hmm. Mukhang nakarating na din sa mga tauhan sa mansion na isang Fuego si Rosan kaya miss na din ang tawag niya. Bigla ko naman inalala ang sinasabi niya.

"Miss? Miss! Okay lang po ba kayo? Gising na si Miss Victoria! Please call the doctor."

"Miss, I'm so sorry. Dapat ako na lang ang nabangga hindi ikaw. I'm very sorry. Hindi sana mangyayari sa iyo ito kungdi dahil sa akin."

"Naaksidente po kayo Miss, nabangga po kayo ng sasakyan. Pero sa paniniwala ng lahat, hindi iyon aksidente. Kaya hanggang ngayon iniimbestigihan pa din po ng jefe ang lahat. Halos mag-iisang buwan na po kayong walang malay Miss kaya talagang nagpapasalamat po kami na nagising na kayo. Hindi niyo alam kung gaano kami nag-alala."

"Kayo po si Miss Victoria. Victoria Katherine Mera. Ang unica hija po ng jefe."

Ahh, she's that maid. Ang maid na talagang nag-aalaga sa totoong Victoria. Siya din ang maid na nag-asikaso sa akin pagkagising ko dito sa mundo na ito. So, the name of Victoria's personal maid is Sally. Hindi naman kasi sinabi ng writer sa novel iyon dahil nga hindi naman siya importanteng karakter sa novel.

"Wait, can I ask you something?" Sabi ko. Bigla kong naalala na siya nga pala ang kasama ni Victoria nung time na naaksidente ito, kung hindi dahil sa aksidente na iyon ay hindi ako mapupunta dito.

"Yes, miss?"

"That day, nung naaksidente ako. Anong nangyari sa akin? Bakit ako naaksidente? Can you tell me?" Tanong ko. Tumango naman siya.

"Kasi miss nasa sentro tayo non, ang sabi mo sa akin that time ay may imemeet ka lang na tao sa may coffee shop tapos inutusan mo ko saglit na kunin yung bag mo na naiwan mo sa kotse kaya kinuha ko. Pero nang balikan kita miss, nakahandusay ka na sa  kalsada, d-duguan." Paliwanag niya.

"Did you saw the plate number of the car?" I asked.

"No, miss. Nagpanic na kasi ako nung makita kitang wala nang malay kaya tumawag agad akong tulong. A-Akala ko po talaga mamamatay na kayo kasi sobrang daming dugo ang nawala sa inyo, kaya sobrang laking pasasalamat ko talaga miss nung nagkamalay ka po non," sabi niya. Hays, kung alam mo lang Sally. That time, talagang namatay na ang totoong Victoria. At nalipat lang ako sa katawan niya. We died the same way. Parehas kaming nabangga ng sasakyan. Pero ang hindi ko alam ay anong connect ko sa story na ito? Bakit dito ako napunta?

"Kilala mo ba kung sinong tao yung imemeet ko that day sa coffee shop? May nasabi ba ako sa iyo non kung sino?" Tanong ko dahil nacucurious ako kung sino ang taong imemeet ni Victoria that day sa coffee shop.

"Hindi po miss eh, wala kayong nasabi sa akin." Sagot niya. Napatango naman ako. So, it means ayaw ipaalam ni Victoria sa kung sino ang taong imemeet niya sa coffee shop. Lalo tuloy akong nacurious kung sino iyon. Dahil yung nangyari na iyon ay bago pa magsimula yung sa novel kaya pakiramdam ko ay may koneksyon iyon sa mga nangyayari ngayon.

I should investigate that incident, since sabi nga nila hindi iyon basta aksidente lang. I'm sure there's also someone behind that. At yung taong imemeet sana ni Victoria that day, kailangan kong malaman kung sino iyon. Dahil sigurado ako na konektado din siya sa nangyaring aksidente non kay Victoria.

I need to know everything dahil hindi na ako pwedeng mag-rely sa nalalaman ko sa novel dahil nga tuluyan ko nang nabago ang plot. Para bang sa akin na nagiging sentro itong storya dahil sa akin na halos may nangyayaring masama, para bang ako na ang nagiging bida at hindi na si Rosan. Wait--hindi kaya napalitan ko na si Rosan as the female lead of this story since sa akin na nagkainteres si Nixon, ang male lead? At saka hindi ko na ginampanan ang role ko bilang main antagonist ng istoryang ito gaya ng naatas na role kay Victoria kaya baka naiba na ang role ko at ni Rosan at nagkaroon ng bagong kontrabida.

Rosan became a supporting character, and me the female lead. At since hindi ko na ginampanan ang original role ko as the villainess ay may umusbong na bagong villain na hindi talaga kasama sa original novel. Dahil hindi mabubuo ang isang nobela kung walang kontrabida. At since sa akin na nakasentro itong storya ay nagiging konektado lahat sa past ni Victoria ang mga nangyayari ngayon. Dahil ako nga si Victoria sa storyang ito. Kaya din siguro nagkakaroon ako ng access sa previous memories ni Victoria!

Sh*t. I'm no longer the villainess of this story. Naiwasan ko na din ang possible death ending ko from the original novel. Pero ako naman ang naging sentro o bida sa storyang ito. Ang bida na dadanas ng mga pagsubok hanggang sa makamit ang kaniyang happy ending. Ahhh! Bakit ba kasi sa storya na ito pa ako nabuhay! Jusme author!

***
(Victoria's photo on the gallery...)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top