35 - The Horseback Riding

After matapos ni Heilee ang mga paper works niya ay nagpasya kaming bumisita kay Rosan the day after tomorrow. Hindi namin sinabi na bibisita kami dahil gusto namin siyang surpresahin kaya nga nagpunta kami ni Heilee sa South without informing her.

Napatingin na lang ako sa dala kong basket kung saan nakalagay ang binake namin ni Heilee na cupcakes. And yes, kagaya ito ng binigay niya kay Vins noon. Nagdecide kaming dalhan si Rosan at Nixon bilang pasalubong. Sana lang magustuhan nila hehe it's my first time to bake buti na lang pala marunong si Heilee kaya naturuan niya ako.

Nang tumigil na ang sasakyan namin sa tapat ng mansyon ng mga Fuego ay pinagbuksan na kami ng pinto ng driver namin kaya nga nauna na akong bumaba bitbit ang basket tapos saka sumunod si Heilee sa akin.

"Wow, malaki din pala itong mansyon nila Rosan huh?" Sabi ni Heilee. First time niya kasing pumunta dito sa South dahil nga hindi siya nakasama last time.

"Good day, Miss Mera. The young miss is in her room right now." Sabi ng butler sa amin.

"Oh? Wala siyang training ngayon?" Tanong ko.

"Half day ang training ni Miss Rosan ngayon, Miss Mera. Mamayang hapon pa ulit ang training niya with her trainor." Sagot nito. Napatango na lang ako.

"Where's her trainor? Nixon Gonzalez?" Tanong ko. Napangisi naman si Heilee kaya tinaasan ko lang siyang kilay.

"He's in his room too," sabi nito. Napatango na lang din ako at saka nagpahatid na kami sa kwarto ni Rosan. Alam naman na kasi ng jefe at jefa na bibisita kami ngayon para surpresahin si Rosan kaya nagdire-diretso na din kami. Nang makarating kami sa tapat ng pinto ay yung butler na ang kumatok para sa amin.

"Miss Rosan? You have some visitors," sabi nito. Ilang saglit pa ay binuksan na ni Rosan ang pinto. Nang makita niya kami ay napangiti agad siya at sinalubong kami ng yakap.

"You're here finally!" Natutuwa niyang sabi. Napangiti din naman kami ni Heilee.

"It's an honor to be here, Miss Rosan Fuego." Bati ni Heilee at nagbow pa para biruin si Rosan kaya natawa na lang kami.

"Come in please," sabi ni Rosan kaya nga pumasok na kami sa kwarto niya. Naamaze na lang kami sa ganda ng kwarto ni Rosan. Gaya ng kwento niya sa amin ay maganda nga ang kwarto na binigay sa kaniya. Napanatag na lang ako kasi maganda naman pala ang treatment sa kaniya dito.

"Wow, grabe. Ang ganda nga ng kwarto mo!" Sabi ni Heilee saka nagpatihulog sa kama ni Rosan. Nilapag ko na lang ang basket sa lamesa at saka naupo din sa kama ni Rosan habang ginagala ang mga mata ko sa bawat sulok ng kwarto niya.

"Yeah, maayos naman ang treatment nila sa akin kaya wala kayong dapat ipag-alala." Sabi niya.

"That's good, kamusta naman yung impostor?" Tanong ko.

"Well, iyon. Mabait naman siya. Kinakausap niya ako tapos inuusisa if paano ako napunta sa orphanage."

"Duh? Bait-baitan lang iyan Rosan, wag kang magpapaloko diyan. Tandaan mo, sinubukan niyang agawin sa iyo ang posisyon mo." Sabi ni Heilee. Napabuntong hininga naman si Rosan.

"Yes, alam ko naman. Kaso ang bait ng approach niya sa akin kaya parang nakakaano naman if susungitan ko siya di ba?"

"Wag mong ibigay buong tiwala mo diyan, Rosan. Malay ba natin kung anong binabalak niyan." Sagot ni Heilee.

"Heilee is right, Rosan. Hindi natin siya totoo'ng kilala kaya dapat na mag-ingat ka sa kaniya." Sabi ko. Napatango na lang si Rosan.

"By the way, how's your training with Nixon?" Tanong ko to change the topic.

"Okay naman, he's a good trainor. Naramdaman ko na may konti akong improvement because of him," nakangiti niyang sabi.

"Actually may training ulit kami mamaya, he will teach me how to ride a horse since hindi ko alam if paano. Hapon ang napag-usapan namin para hindi ganon kainit at tirik ang araw," dagdag ni Rosan. Ang duel kasi nila ay forest hunting at kailangan na nakasakay sila sa kabayo while hunting. Kaya tinetrain din siya ni Nixon sa paghawak at tamang pag-aim ng baril dahil nga iyon ang bagay na hindi ganon kagamay ni Rosan. Since fist fighting nga ang specialty niya.

"Ahhh, okay." Sagot ko na lang habang tumatango-tango.

"Oh? Horse riding? Omg! Tori ang favorite nating hobby! Can we join too, Rosan? Please?" Excited na sabi ni Heilee. Nanlaki naman ang mata ko kasi hindi ako marunong sumakay ng kabayo. Ang totoong Victoria ang magaling doon dahil iyon nga ang hobby nila ni Heilee pero hindi naman ako si Victoria! Waaah!

"W-Wait Heilee I--" tatanggi sana ako kaso agad nang sumagot si Rosan.

"Sure, sure. I'll tell them to arrange a horse for the both of you." Sagot ni Rosan kaya napapikit na lang ako. Napapalakpak naman sa tuwa si Heilee samantalang ako ay nagdadasal na sa isip-isip ko.

Oh gosh, sana wag akong mahulog sa kabayo mamaya. Tsk!

-

Nang sumapit ang hapon ay nagpunta na kami sa open field kung saan kami mangangabayo. Nang dumating si Nixon ay binati niya kami. Hindi ko alam pero para akong nasaktan nang batiin niya ako gaya lang ng pagbati niya kila Heilee at Rosan. Gusto ko siyang kausapin at tanungin kung anong nagawa kong mali at bakit siya nagkakaganito pero I can't find a courage to talk to him.

Since si Rosan lang ang alam nila na hindi marunong mangabayo ay siya lang ang inaalalayan ni Nixon. Kasi kilala nga naman si Victoria na magaling mangabayo dahil she used to join horse racing as her hobby. Kaya ito sobrang higpit ng hawak ko sa tali habang paulit-ulit na nagdadasal na sana wag akong mahulog. Buti na lang maamo ang kabayo ko at wala namang nangyari na aberya. Huhu!

"Are you guys hungry? Tori and I baked some cupcakes. We should eat it," sabi ni Heilee at saka tumingin sa akin. "Tori, since you're much closer to the horse ranch pwede bang ikaw na lang ang kumuha ng basket?" Tanong ni Heilee. Aangal pa sana ako kaso nakatingin na silang tatlo sa akin pati si Nixon kaya napalunok ako at napilitang umoo.

"Fine," sagot ko saka ginalaw na ang kabayo ko pabalik doon sa horse ranch kung saan iniwan ni Heilee ang basket. Napatigil na lang ako bigla nang marinig ang sigaw ni Rosan. Nang mapalingon ako ay nakita ko siyang muntik nang mahulog sa kabayo pero agad siyang nasalo ni Nixon.

"Are you alright?" Nixon asked. Tumango-tango na lang si Rosan.

"Yes, thanks." Sabi ni Rosan at saka agad nang umayos ng pwesto niya. Napakagat na lang ako sa labi ko at nag-iwas ng tingin sa kanilang dalawa saka pinatakbo na ang kabayo ko palayo doon para kunin ang basket. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kung anong kirot sa dibdib ko nang tumatak sa isip ko kung paano sinalo ni Nixon si Rosan sa pagkakahulog sa kabayo.

Wala lang sa kanila iyon, pero para sa akin nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi sila naman talaga ang nakatadhana sa isa't-isa. Pero bakit? Bakit nasasaktan ako? Di ba dapat matuwa pa ako kasi possible na magkagusto si Nixon sa totoong female lead niya? Di ba iyon naman talaga ang plano ko, ang iset up silang dalawa. Pero kung kailan yung tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkalapit sila ay doon ako nasasaktan bigla. Just why?

After the horse riding ay saktong dumating na din agad ang sundo namin pauwi kaya nagpaalam na kami kay Rosan. Good thing walang nangyaring masama sa kaniya kasi apat na araw na lang bago ang duel.

"Goodbye, we'll come back on the day of the duel." Sabi ni Heilee.

"Yes, yes. See you," sabi ni Rosan at niyakap kaming dalawa ni Heilee. Pagkakalas ng yakap ni Rosan ay agad na kaming naglakad ni Heileee papunta sa kotse.

"L.Q. ba kayo ng Gonzalez na iyon? Bakit hindi man lang magpaalam sa iyo?" Bulong sa akin ni Heilee habang nakatingin kay Nixon na busy'ng kausap ang isa sa mga tauhan nila Heilee.

"Ewan ko sa kaniya," sabi ko at saka dumiretso nang sumakay sa loob ng kotse kaya sumakay na din si Heilee. Nang magsimula nang umandar ang sasakyan ay napatingin na lang ulit ako sa labas ng bintana kung saan tanaw ko si Nixon. Saktong pagkatingin ko sa direksyon niya ay nakatingin din pala siya sa akin. Pero imbes na tignan ko siya pabalik ay nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

"What's wrong?" Heilee asked.

"Nothing," sagot ko.

I hate you, Nixon. I hate you so much! I hate that I'm hurting right now and you're not aware of it.

***
Note:

Update ko po ng new chapter is daily, every 12 midnight! (Kapag hindi busy sa school works) ☺️👌

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top