30 - The Fuegos
Gaganapin na ang title ceremony ni Heilee ngayon at kasalukuyan na kaming nagpapa-ayos na tatlo nila Rosan at Heilee. Pinilit kong isama si Rosan at magbihis din since kaibigan naman din ang halos turing namin sa kaniya ni Heilee imbes na maid. Dahil kami nga ang magkakasamang tatlo sa training ay mas lalo kaming napalapit sa isa't-isa. Mas nakilala ko silang dalawa ni Rosan within those months of training.
Si Heilee wala talagang filter ang bibig niya, she loves cursing kapag naiinis siya or kahit kapag masaya siya. Masasanay ka na lang talaga sa kaniya. Hindi naging maganda ang samahan namin since ang totoong Victoria ang una niyang pinakasamahan, but I'm different kaya kinilala ko talaga siya. Bagay na hindi nagawa ng totoong Victoria. Hindi niya kinilala ng maigi si Heilee, maybe kung nagawa niya iyon ay naging maayos ang pagkakaibigan nila at hindi sila hahantong na dalawa na makipag kuntsaba sa tatay ni Heilee.
In the original novel, Heilee also died. She was killed by Nixon's people dahil nga magkasabwat sila ni Victoria. Parehas silang namatay at pinagbayaran ang kasalanan na nagawa nila. Now that nakilala ko na nang lubusan itong si Heilee, I won't let her die in this story too.
Napatingin na lang ako kay Rosan na kasalukuyang inaayusan ngayon ng make-up artist gaya ko. Hindi ko maiwasang mapatulala sa ganda niya. Yes, Victoria is pretty pero kakaiba din kasi ang ganda ni Rosan. Since she's the female lead here. She has a jet black hair, and the hairstylist put it in a messy bun. Her skin is fair and smooth, hindi mo mahahalata na sa ampunan siya lumaki. At ngayong naayusan siya ay mas lalong lumitaw ang kagandahan niya.
Rosan on the other hand is very quiet, hindi siya talkative like Heilee. Pero maaasahan mo siya all the time. Siya yung tipo ng tao na hindi magdadalawang isip na tulungan ka. She's also intelligent and good at fist fighting. Sa aming tatlo nila Heilee siya ang may pinaka matibay na lakas. Her strength is incomparable to us. Maybe because she's the female lead and a Fuego at the same time.
"Are you ready, Lee?" I asked. Katatapos lang namin ayusan at palabas na kami ng kwarto. Hinihintay na kasi kami ng mga escort namin sa labas.
"Ready, I guess?" Sagot niya. Natawa na lang ako. Tapos nagpasya na kaming lumabas na tatlo. Pare-parehas kaming tatlo na nakasuot ng long gowns. Pagkalabas naming tatlo ay napatingin sa amin yung mga naghihintay naming escort. Nixon is my escort, Heilee's escort is Vinsky and Rosan's escort is Vigor. Kung sino ang nagtrain sa amin ay iyon na din ang ginawang escort namin.
"Your beauty is different tonight," bulong sa akin ni Nixon habang nakahawak ako sa braso niya. I-aannounce kasi ang name namin bago kami pumasok.
"Different? Do I look weird?" Kunot noo kong tanong. Natawa naman siya.
"No, you look dazzling tonight. Your beauty is shining so much, I think I'm gonna be blind, Ack!" Sabi niya at umakto pang nasisilaw. Hinampas ko nga siya sa braso nang matigil.
"Stop it, you're so cheesy!" I chuckled. Natawa na lang din siya. Parehas na lang kaming natahimik nang kami na pala ang sunod na eentra.
"Representing the North, the proximo jefe. Mister Nixon Gonzalez and Miss Victoria Katherine Mera of the East," tawag sa amin kaya nga sabay na kaming naglakad ni Nixon papasok ng entrance. Sinalubong kami ng mga palakpakan ng mga tao habang naglalakad kami sa red carpet. Napakapit na lang ako ng mahigpit kay Nixon dahil na-overwhelm ako sa mga taong nakatingin lahat sa amin. This is not my first time na humarap sa maraming tao but it feels different now that I'm with him. Napatingin na lang ako kay Nixon nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. He showed me his reassuring smile kaya napangiti na lang din ako at medyo kumalma.
Nang makarating na kami sa upuan namin ay agad na ding nagsimula ang ceremony. Nagsimula ito sa opening remarks kung saan magsasalita ang jefe, tapos saka na nagproceed sa main event which is ang pag-atas ng title kay Heilee as the new head of the Diaz clan. Since naprove niya naman ang worth niya kay Dad.
"I, Viktor Mera, Jefe of the East, appoint you Heilee Diaz as the new head of the Diaz clan," sabi ng Jefe saka kinabit na ang title pin kay Heilee. Ang title pin ay medyo malaki compared sa ruby pin na sinusuot ng ibang tao. Every person in a territory kasi have their own stone pins. For example you're a citizen from North, meron ka dapat sapphire pin. Kapag East ay ruby pin, West ay emerald pin at amethyst pin naman sa South. Sa mundo nila para siyang identification card na kapag wala kang mapapakitang stone pin ay icoconsider kang illegal immigrant dito sa bansa nila.
Gaya ng sabi ko before, if you're a direct bloodline of the nobles ay family crest ang pin mo at hindi stones. Gaya ko at ni Nixon, since I am a Mera and he's a Gonzalez na isa sa apat na noble families ay family crest ang pin na suot namin. Ginagamit kasi ang pins kapag may events bilang pagkakakilanlan.
If you have relations with the noble families like Gonzalez, Mera, Suarez and Fuego ay magkakaroon ka ng title pin. Pero usually ang meron lang nito ay ang head or leader ng isang pamilyang nagseserve sa mga noble families. Ang dating may-ari ng title pin ng Diaz ay ang tatay ni Heilee na si Guztav. But since he already died ay kay Heilee na ito ipapasa ngayon since siya na ang bagong head.
"I, Heilee Diaz, accept this title and swore that I will serve and protect the name of the Meras and the Diaz with all my heart until I die," sagot ni Heilee habang naka-bow sa harap ng Jefe. Then they proceed to the blood sealing. The jefe took the knife first at saka sinugatan ang braso niya para papatakin ang dugo sa paper, then Heilee did the same. Ang tawag doon ay blood oath. It symbolizes a forever loyalty to the noble family. Na kapag nilabag mo ay buhay ang kapalit. Kaya nga hindi din nagdalawang isip na patayin ni Nixon non si Gustav since he broke the oath to the Meras. Ang mali lang ni Nixon ay hindi dapat siya ang pumatay, it suppose to be a Mera that will kill Gustav. Kaya pinagalitan din siya ni Dad non. But since walang choice si Nixon that time ay hinayaan na lang nila Dad.
Nang matapos ang oath taking ni Heilee ay napapalakpak ang mga tao as the jefe declared Heilee's new title. Napangiti na lang ako nang makita ang ngiti ni Heilee sa labi niya. I'm so proud of her. She deserved it.
-
Kasalukuyan kaming umiinom ng wine ngayon nila Rosan at Heilee. Nagpaalam muna ang mga escort namin dahil mga nag-entertain ng mga bisita.
"Cheers for Heilee for being the new head of the Diaz!" Sabi ko saka tinaas ang wine glass ko.
"Cheers!" Nakangiting sabi nila ni Rosan saka tinaas din ang wine glass nila then sabay naming tatlo ininom ang wine. Sakto namang biglang lumapit sa amin si Khloe at ang boyfriend niyang si Jaime. It's been a long time since we last saw them. After kasing mahuli si Heilee as a suspect for the nut incident ay bigla silang nag-out of the country para hindi sila madamay sa nangyari kay Heilee.
"Lee, after poisoning the miss and your father's death you're here having a toast with her? You have the nerve?" Nakangising tanong ni Jaime. Jaime is Heilee's cousin. Hindi ko alam if anong issue nilang dalawa since hindi naman nasaad sa novel.
"Jaime, just shut the fvck up and get out of my face okay?" Mataray na sabi ni Heilee.
"Oo nga, she didn't poison me. Guztav is the one who did it," pagtatanggol ko kay Heilee.
"Oh, really? Do you really trust this b*tch after what she did to you? Are you that naive miss?" What?! Is he mocking me? Parang gusto ko tuloy basagin sa pagmumukha niya ang wine glass na hawak ko.
"How dare you call her--" hindi pa ako natatapos magsalita ay biglang sumingit si Vins.
"Did I heard you right? Did you just call the new head of the Diaz a b*tch? Nakalimutan mo na ba ang status mo or you just want to die?" Seryosong tanong ni Vins. Bigla namang napatigil si Jaime.
"I-I'm sorry, I'll take my leave." Sabi ni Jaime at umalis na kasama si Khloe.
"Nice one, brother." Sabi ko at nagthumbs up. Napangisi naman siya saka bumaling kay Heilee.
"And you, don't let people call you something like that. You're a leader now. They should respect you," sabi ni Vins.
"Alam ko! You don't need to lecture me. That assh*le is just jealous because I'm the new head not him." Sagot ni Heilee.
"Kaya nga sinasabihan kita para alam mo na sa susunod," sagot ni Vins.
"Alam ko nga sabi!"
"Uhm, Rosan and I will just get a refill." Sabi ko at inaya na si Rosan since nasesense namin na mag-aaway na naman ang dalawa ay nagpasya kami ni Rosan na iwan muna sila doon at kumuha ng panibagong wine.
Pagkakuha namin ng wine ay nagpasya na din kaming bumalik agad kung nasaan si Heilee dahil natanaw namin na tinadyakan niya si Vins sa tuhod at inis na nag-walk out. Susundan sana namin si Heilee nang biglang may nakabangga si Rosan. Nakita kong tumapon ang wine niya sa babae kaya agad akong napalapit dahil baka kung anong mangyari kay Rosan lalo na't mga kilalang tao ang mga bisita dito. Baka kasi ipahiya siya or what.
"I'm sorry madam, I'm very sorry." Sabi ni Rosan while the woman is wiping the wine stain on her gown. Nang tignan ko ang babae ay nasa 40s ang edad nito if tatantiyahin mo.
"It's okay hija, it's an accident." Nakangiting sabi nito. Nanlaki ang mata ko nang makita ang pin nila. Ilang saglit pa ay may sumunod ding lalaki na dinaluhan siya with the same pin.
"Are you okay?" Tanong niya sa babae.
"Yes, dear I'm fine. It's just an accident." Sagot ng babae.
"I'm very sorry po talaga, madam and sir. Please forgive me." Patuloy na sabi ni Rosan while bowing her head in front of the two. Pero ako hindi pa din makapaniwala sa dalawang taong nasa harapan ko ngayon.
That pin they're wearing. It's the family crest of the Fuegos! The noble family of the South. This two person in front of us is Rosan's biological parents!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top