3 - The Male Lead

Nang makapag ayos na ako at tahimik na ang buong paligid ay hinintay ko na ang message ni Heilee. Saktong natanaw ko na ang isang sasakyan sa hindi kalayuan kaya agad na akong dumaan sa balcony at inayos sa pagkakatali ang mga kumot na pinagbuhol-buhol ko. Tamang-tama wala masyadong nag-iikot na mga bantay ngayon dahil isinama nila Vigor. Mukhang may lakad yata sila. Napangisi na lang ako nang makita ang tulog na maid sa sahig. Hehe nilagyan kong pangpatulog yung pinainom ko sa kaniyang tsaa para makatakas ako.

Nang makababa na ako ay agad na akong lumabas ng gate at sumakay sa kotse ni Heilee. Nasa loob non si Heilee na siyang nagddrive at si Khloe na kasama ang boyfriend niya sa likod na si Jaime.

"Let's go runaway princess," Heilee laughed bago pinaandar ang sasakyan. Napangisi na lang din ako. So sorry for sneaking out. Gagamitin ko lang sa ngayon ang kilala niyong ugali ni Victoria in order to create a mess. Para matupad ang plano ko na maging bodyguard si Ivan at maibigay ko na ang kwintas.

Nang makadating kami sa night club na mukhang puro mga vip lang ang pwedeng makapasok ay lumapit na si Heilee sa bouncer at sumingit sa pila. May binulong lang si Heilee sa bouncer tapos ay pinapasok na kami. Sumalubong sa akin ang amoy ng naghalong alak at usok ng sigarilyo. Isabay mo pa ang ingay ng tugtog at ng mga taong nagsasayawan sa dance floor.

Nagtungo kami ni Heilee sa bar counter at umorder na ng booze. Nahiwalay na sa amin si Khloe at Jaime dahil nagpunta ang dalawa sa dance floor para magsayaw. Hindi kami makapag usap ni Heilee dahil sa lakas ng tugtog kaya nag-inom na lang kami ng nag-inom sa bar. Tutal nandito na din naman ako para gumawa ng mess ay magpapakalasing na lang ako. Nandito naman sila Heilee para iuwi ako. Hindi ko alam kung anong inorder ni Heilee pero ilang shots palang yata ang nainom namin ay tila nakakaramdam na ako nang pagkahilo. Pero sige, bahala na!

-

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mata ko kaya nga dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at inilibot ng tingin ang kwarto ko--Teka! Hindi ko na naman kwarto ito! Namatay na naman ba ako? Waaah! Namatay yata ako sa sobrang kalasingan o baka naaksidente kami habang pauwi? Ano ito? Nareincarnate na naman ako sa ibang kwento?

Agad akong napaupo at chineck ang sarili ko. Pero nanlaki ang mata ko nang makitang wala akong saplot sa katawan at kumot lang ang tumatakip sa akin. Nang mapadako ang tingin ko sa gilid ko ay napasinghap ako sa gulat nang makita ang isang lalaki na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Wala din siyang damit pang-itaas at tanging kumot lang na pinag-sheshare'an namin ang saplot niya. Siguro naman naka underwear siya di ba?

Dahan-dahan akong sumilip sa ilalim ng kumot pero napasigaw ako kasi wala din siyang saplot kahit isa. Ahhh! Yung mata ko! Yung mata ko! Ano yung nakita ko!

Nang mapansin kong bigla siyang gumalaw at mukhang magigising na yata ay agad ko ng hinanap ang underwear ko at damit ko para magbihis at tumakas na sana dito kaso nang makita ko ang underwear ko ay punit ito. Seryoso ba ito ha?! Talaga bang may cases na ganito sa one night stand? Mygosh! Sige bwisit lalabas na lang akong walang panty. Grr!

Aalis na sana ako ng kama para magbihis nang biglang may humatak sa akin dahilan para mapasigaw ako sa gulat. Dahil sa hatak niya ay napahiga ulit ako sa kama. He pinned me down on the bed. Hawak niya ang dalawang braso ko.

"Where do you think you're going, little chestnut?" Tanong niya na may bahid na ngisi sa kaniyang mga labi. Napatitig naman ako bigla sa mukha niya. Pakshet ang gwapo! Hahaha! Di mo naman sinabi agad na gwapo ka edi sana di na ako tatakas.

"U-Uhh, ano. Uuwi na sana ako kasi baka hinahanap na ako. Hehe," sagot ko.

"And what? You'll escape without letting me know your name and wherebouts?"

"Bakit? Hindi ba ganon ang mga one night stand?"

"Do you think that I only want a one night stand after marking you?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Eh ano gusto niya? Panagutan ko siya? Well, pwede naman. Pasok naman siya sa standards ko. Hehe.

"Okay, okay. Fine. Hindi na tatakas. Ihatid mo na lang ako pauwi sa amin," sagot ko. Kaya nga dahan-dahan niya nang inalis ang pagkakahawak niya sa dalawang braso ko. Sumandal siya sa headboard ng kama at saka nagsindi ng sigarilyo niya. Inalok niya ako pero umiling ako.

"Bakit mo pinunit ang panty ko ha?! Anong isusuot ko nito pauwi?" Tanong ko na tinawanan niya. Kumunot naman ang noo ko. Anong nakakatawa sa panty kong napunit? Punitin ko kaya bayag nito tignan natin if makatawa pa ito. Tss.

"You're wearing a dress, right? Then wear the dress without an underwear. Problem solved," sagot niya na akala mo eh naresolba na agad. Inis naman akong tumayo para sana magbihis kaso napahinto ako kasi nandiyan pa siya.

"What? Don't tell me you're shy? Don't worry I already saw all of it last night," he chuckled. Feeling ko nahiya ako bigla doon kaya agad ko ng sinuot ang dress.

Nang makapag bihis ako akala ko ay diretso niya na akong ihahatid papunta sa amin pero dinala niya muna ako sa dining area nila para pakainin ng agahan. Hindi niya daw ako ihahatid kapag hindi muna ako kumain kaya nga umoo na lang ako. Tutal gutom na din ako.

Habang kumakain kami ay napapatingin na lang ang mga maid sa pag-aasikaso na ginagawa sa akin ng lalaki.

"I can manage," bulong ko sa kaniya. Pero ngumisi lang siya.

"I know," sagot niya pero hindi pa din tinigil ang pag-aasikaso sa akin. Napairap na lang ako at hinayaan siya. May pinainom siya sa akin para sa hangover kaya medyo nawala na din ang sakit ng ulo ko. After namin kumain ay sumakay na kami sa kotse niya at nagmaneho na paalis. Sobrang laki din pala ng bahay nila parang sa amin. Pero mas malaki pa ng konti. Tapos napansin ko madami ding mga guards na nag-iikot. Ganito ba talaga kapag mayaman?

"So, may I know your name chestnut?" He asked. Bakit ba chestnut tawag nito? Dahil ba sa kulay ng buhok ko?

"Victoria," maikli kong sagot.

"Don't tell me you're that Victoria?"

"What Victoria?" I asked.

"One of the Meras," sagot niya.

"Yes. I am Victoria Mera after all," confident kong sagot. Bigla naman siyang napangisi.

"Interesting," sabi niya kaya napakunot noo na lang ako.

"Ikaw anong pangalan mo?" Tanong ko. Hindi ko alam pero parang kinakabahan na ako.

"You'll know soon," sagot niya. Nagtaka ako dahil ang ruta na tinatahak namin ay pauwi nga sa amin. Teka? Paano niya nalaman ang pauwi sa amin samantalang hindi ko pa naman sinasabi ang address? Talaga bang kalat kung saan ang mansion ng mga Mera?

Nang ihinto niya na ang sasakyan sa labas ng gate ay agad niya na akong pinagbuksan ng pinto. Nang makababa ako ay nagulat ako nang biglang bumukas ang gate namin at naglabasan ang mga tauhan namin at tinutok ang baril nila sa lalaking kasama ko. Ilang saglit pa ay lumabas na ang kambal. Nakita ko ang gulat sa mga mata nila. Tapos lumabas din ang isang lalaki na halos may katandaan na sa tingin ko ay si Viktor Mera.

"Victoria Katherine Mera, come here this instant!" madiin nitong sabi sa akin. Hindi ko alam ang nangyayari. Nang tignan ko ang lalaking naghatid sa akin ay parang hindi man lang siya natatakot sa mga baril na nakatutok sa kaniya. Teka ano ba ang ibig sabihin nito?

Agad naman akong hinatak ng dalawa kong kapatid. Hinubad ni Vins ang coat niya saka inilagay sa akin.

"Vins, what's the meaning of this?" I asked.

"Tori, that man is dangerous," seryoso niyang sagot. Lalo tuloy akong naintriga kung sino ang lalaking naka one night stand ko.

"You may leave now. This is not your territory, Gonzalez," sagot ng ama ni Victoria. Teka? Tama ba rinig ko? Gonzalez? Gonzalez apelyido niya?

"Chill, hinatid ko lang ang prinsesa sa kastilyo niya. Nothing else. You're so tense jefe," he chuckled.

"Leave while I'm still having mercy on you."

"Okay then. Bye, chestnut. See you soon," sagot nito sa akin at ngumiti bago tuluyang umalis. Nang makaalis na yung lalaki ay sa akin naman bumaling ng tingin si Viktor Mera. I saw anger on his eyes. Sinenyasan niya ang mga tauhan niya kaya nagsipasok na ang mga ito. Pumasok na din naman kami habang inaalalayan ako ni Vins.

"Vins, can you please tell me what's the name of that man?" I asked pleadingly.

"What? Sumama ka sa kaniya without knowing his true identity?"

"I'm sorry okay? Sino ba kasi siya at bakit ganito kayo ka-tense?" Tanong ko.

"Did you really forget Victoria? That's Nixon Gonzalez. The heir of the North and Gonzalez clan," sagot ni Vins. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng panginginig sa buong katawan ko na para bang binuhusan ako ng malamig na tubig. Biglang nanlambot ang tuhod ko at muntik nang mawala sa balanse buti na lang ay agad akong sinapo ni Vins.

"Are you alright, Tori?"

Mukha ba akong okay? Waaah! Ang lalaking naka-one night stand ko at ang lalaking dapat ay iiwasan ko! Si Nixon Gonzalez! Ang male lead na siyang papatay kay Victoria sa dulo! Nooo! It can't be! I'm doomed!

***
(Nixon's photo on the gallery...)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top