26 - The Truffles
"So? Remember now?" Nakangiting sabi ni Nixon pagkapakita niya sa akin ng phone niya. Fvck. Hindi ko masabi sa kaniya na napagkamalan ko siyang si Ivan kasi baka anong gawin niya kay Ivan. Napakaseloso pa naman nito.
"Well, what now? Can we start the training na?" Masungit na sabi ni Heilee. Kaya nga agad ng nagsimula si Ivan na magpaliwanag kung anong unang weapon ang gagamitin namin.
"The first weapon that you should learn is your fist, there are instances where weapons like guns or knives can't help you. Kaya ang pinaka magandang weapon ay ang sarili niyong mga kamay because you always have it,"
"Of course, hindi naman natatanggal ang kamay eh." Pilosopong sabi ni Nixon. Pero tinignan lang siya ni Ivan at hindi na pinatulan pa.
"So, the first thing na ituturo namin sa inyo ay fist fighting." Sabi ni Ivan.
"Martial arts?" Tanong ni Heilee.
"Yeah, parang ganon na nga. We'll teach you some stances, punches, blocks, and kicks." Sagot ni Ivan saka sinimulan na kaming turuang tatlo. Dinemonstrate niya muna isa-isa sa amin ang mga tamang stances, then punches, kicks, and blocks. After that ay naglabas na siya ng dummy na magsisilbing target namin.
"Remember the vital points to strike such as face, chin, throat, stomach, groin--"
"Blah, blah can we skip that part and just teach them?" Nakacrossed arms na sabi ni Nixon.
"Looks like you know everything, why don't you take the lead?" Sabi ni Ivan.
"Oh, my pleasure." Sabi ni Nixon at naglakad papunta sa harap namin.
"So, the most important thing in fist fighting is to read your opponent's movements. But it is not that easy to learn, actually you can't learn it by training. You can learn it by experience in the actual fight." Sabi niya.
"You mean we should pick a fight for real in order to learn that?" Sarkastikong tanong ni Heilee.
"No, you'll learn that yourself. I'm just telling you para matandaan niyo," sabi ni Nixon.
"Now, let's proceed on the training. Shall we?" Nakangiting sabi ni Nixon kaya nga sinimulan na nila kaming turuan ng mga tamang stances, punches, kicks at blocks.
Lalapit na sana si Ivan sa akin nang bigla siyang inunahan ni Nixon na lumapit sa akin.
"I'll take care of my chestnut, take care of those two since you're their trainor." Sabi ni Nixon. Hindi na lang sumagot si Ivan at saka lumapit na kay Heilee at Rosan.
"Why are you so rude to him?" Tanong ko nang makalapit siya sa akin.
"He's getting into my nerves, anong magagawa ko? Ayokong may umaaligid sa pag-aari ko." Sagot niya. Inirapan ko na lang siya.
"Just shut up and teach me, Gonzalez." Sagot ko.
"As you wish, my lady." Nakangiti niyang sabi saka hinawakan ang braso ko para iayos ang stance ko. Buti na lang nagseryoso na siya sa pagtuturo sa akin. Akala ko buong training niya lang akong bibwisitin eh.
"You should relax, chestnut. Too much tension on your body will cause difficulty on your movements." Sabi niya saka hinawakan ulit ang braso ko. Hindi ko alam pero lalo yata akong natense nang maramdaman ko ang init ng hininga niya sa leeg ko. He's too close!
"Relax so your movements will be smooth," sabi niya. I can smell his breath. It smells like mint. I can't focus you idiot! You're too damn close. Napapikit na lang akong mariin. Pinipigilan ang sarili ko na sapakin sa mukha ang lalaki na ito. Pero nagulat ako dahil bigla akong may naramdaman na dumampi sa pisngi ko. Nang dumilat ako ay nakita ko siyang nakangisi.
"What the fvck? Did you just kiss me?" Sigaw ko. Agad namang napatingin sa amin sila Rosan.
"Nixon! What the heck?" Bulong ko sa kaniya with gritting teeth para hindi maistorbo sila Rosan sa pagttraining nila.
"Sorry, can't help it. You're too cute." Nakangisi niyang sabi kaya nga sisipain ko na sana siya sa groin nang mablock niya ito agad.
"Nice kick, but still too slow. We'll work with that don't worry," nakangisi niyang sabi.
"Argh! I hate you!" Inis kong sabi.
"I know, but atleast may nararamdaman ka para sa akin di ba? Hate me or love me, as long as the feelings is from you I will accept it wholeheartedly, chestnut." Nakangiti niyang sabi sabay kindat.
"Whatever, let's proceed. Subukan mo lang ulitin iyon manda ka talaga sa akin," sabi ko saka inirapan siya. Tinaas niya na lang ang dalawa niyang kamay as an act of surrender.
-
After the training, balak ko sanang kausapin si Ivan to explain about the wrong text messages that I sent to him pero bigla akong hinarang ni Nixon.
"Chestnut, can we talk?" Seryoso niyang sabi.
"About what?" Taas kilay kong tanong.
"About the recent incident," seryoso niyang sabi. Kaya nga napabuntong hininga na lang ako at sumunod sa kaniya. Dito ulit kami nagtungo sa may lake.
"What do we need to talk--" hindi pa ako natatapos magsalita ay agad niya na akong niyakap. Ano ba ito ha? Hilig ba niya ito? Ang mangbigla?
"Tori, I'm glad you're fine. After I heard what happened agad akong umuwi dito kahit na pinigilan ako ni Dad, mas mahalaga ka Tori. Mas mahalaga ka sa lahat, kaya please take care of yourself and be careful." Sabi niya sabay kumalas sa pagkakayakap sa akin at tumitig sa mga mata ko.
"But I thought umuwi ka dito dahil sa text ko?" Nagtataka kong tanong.
"Hmm. That's another reason. Nasa flight naman na ako pauwi that time when I received your messages, did you miss me?"
"As if," sagot ko.
"Don't worry, I'll take care of that incident. Sisiguraduhin kong mahahanap ko ang nasa likod ng mga pagbabanta na iyon," seryoso niyang sabi. "I will make sure to give him an unforgettable death," dagdag niya.
"Thanks for the help, iniimbestigahan na din naman nila Dad ang nangyari."
"Yeah, ang jefe ang nag-inform sa akin."
"Really? Dad told you?" Tanong ko. Wow ha? Ganito na din ba sila kaclose para balitaan siya directly ni Dad?
"Yep," nakangisi niyang sabi saka abot sa akin ng isang paperbag.
"What is this?" Tanong ko.
"Souvenir from States," sagot niya kaya nga kinuha ko ito at tinignan ang laman ng paperbag. Nang silipin ko ito ay nakita ko ang isang box ng kilalang brand ng truffles.
"Don't worry I made sure that there's no nuts in there," sagot niya. Agad ko naman itong binuksan saka excited na tinikman.
"Mmm! Sobrang sar--ahem! What I mean is...pwede na. Tss!" Sagot ko. Napangisi na lang siya at ginulo-gulo ang buhok ko.
"You're so cute, can I kiss you again?" Tanong niya sabay lapit ng mukha niya sa akin na halos isang dangkal na lang ang layo.
"Hell no, Gonzalez!" Agad kong sagot saka napatayo.
"Papasok na ako sa loob! Bye! And thanks for this," sabi ko at agad nagmadali na umalis.
"See you at training tomorrow chestnut!" Sigaw niya pero hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo palayo sa kaniya. Napahawak na lang ako sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hiningal yata ako sa pagtakbo kaya ganito. Bwisit na Nixon talaga yon!
-
"Rosan, you're very good at this. Ikaw na lang dapat personal maid ko," sabi ni Heilee. Kasalukuyan kasi siyang minamasahe ni Rosan sa likod. At nakadapa siya ngayon sa kama ko. Gabi-gabi nang dumadalaw dito si Heilee since bored daw siya sa kwarto niya at baka mabaliw daw siya kapag nag-stay pa siya doon ng mag-isa.
"You have a maid appointed to you, right? Bakit kay Rosan ka nagpapamasahe?" Sabi ko habang sinusuklayan ang buhok ko.
"Not my fault that Rosan is much better than my maid," sagot niya.
"Edi sana nagrequest ka na lang ng bagong maid," sabi ko.
"Nah, hassle pa para sa jefe iyon." Sabi niya. Napailing-iling na lang ako. Dumadagdag tuloy trabaho ni Rosan dahil sa kaniya.
"Ugh, I'm craving for something sweet--Oh, what is this? Truffles?" Sabi ni Heilee sabay binuksan ang kahon kung saan nakalagay ang truffles na bigay ni Nixon sa akin kanina.
"Hey! That's mine you b*tch!" Sabi ko saka hablot ng kahon sa kaniya.
"Pahingi akong isa!" Sabi niya pero umiling ako.
"No, this is mine." Sabi ko.
"Ang damot mo naman, Tori!" Reklamo niya.
"Sorry ka na lang dahil madamot talaga ako," sabi ko at kinain ang truffles.
"You're so mean, isa lang eh!"
"I said no! Nixon gave thi--" napatigil ako nang marealize ang nasabi ko. Parehas nang nakangisi si Heilee at Rosan.
"Kaya pala ayaw mamigay," sabi ni Heilee with matching tango-tango pa.
"That's not it! I just love truffles so much that I don't want to share," depensa ko.
"The truffles or the one who gave you that truffles?" Nakangising tanong ni Heilee.
"I said, the truffles!" Sigaw ko.
"Yeah, yeah right Tori. We believe you," sagot niya sabay natawa sila ni Rosan pero halata namang hindi sila naniniwala sa akin.
"You're just bitter because I didn't give you one. It's not my fault that you didn't receive any sweets ever since," irap ko.
"Hey! May nareceive kaya akong sweets sa mga suitors ko!"
"Oh yeah? Counted as sweets ba yung binigay sa iyong ponkan?" Sagot ko, reminding her the time when one of her suitor sent her a truck of ponkans as gift. May ari kasi ng farm yung manliligaw niyang iyon at halos every week nagpapadala sa kaniya ng isang truck ng iba't-ibang prutas. Pero iyon binusted niya kasi nangamoy prutas na siya. Hahaha! Iyan yung bagay na laging pinang-aasar sa kaniya ni Victoria sa novel every time na nagbabarahan silang dalawa.
"How dare you para ipaalala pa sa akin iyon! I'll kill you! Grr!" Sabi ni Heilee at agad bumangon para habulin ako. Natawa na lang ako habang tumatakbo palayo sa kaniya.
You dare to annoy me huh? Well, sorry ka na lang Heilee, because annoying someone is my specialty. Mwahaha!
***
(Victoria's photo on the gallery...)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top