23 - The Endless Maze
The next day ay agad na kaming nagready nila Rosan at Heilee. Sabay-sabay kaming nagpunta sa training grounds kung saan naghihintay ngayon si Vigor. Ngayong araw na ang start ng training for combat skills. Inaamin kong kinakabahan ako kasi mas metikuloso si Vigor when it comes to training. Actually, siya ang dating commander dito sa training grounds. But the jefe demoted him dahil maraming sumusuko na trainees sa kaniya.
Nang makarating kami sa grounds ay nandoon na si Vigor kasama si Vins at Ivan. Walang mga trainees ngayon since kami ang gagamit ng training grounds ngayon.
"Good day, ladies." Bati ni Vigor saka ngumiti sa amin. Pero ewan ko ba bigla kaming kinilabutan dahil iba ang ngiti ni Vigor. Para bang winewelcome kami sa panibagong impyerno?
"Both of your brothers are totally insane, Tori." Bulong sa akin ni Heilee. Napalunok na lang ako.
"Here take this and wear it. You will need these," sabi niya saka abot sa amin ng mga protective gears. Nagtataka man kaming tatlo ay sinunod na lang namin siya at isinuot ito sa siko at tuhod tapos yung helmet.
"Are we going to skate?" Tanong ni Heilee sa akin.
"I-I hope so," sagot ko. Nakita ko naman sa mukha nila ni Rosan ang kaba kaya napalunok ulit ako. Sana nga mag-skating na lang kami. Huhu!
"I hope you ladies don't mind some bruises?" Sabi niya kaya nagkatinginan kaming tatlo.
"W-What do you mean?" I asked.
"You will enter the endless maze without any weapons, the one who will survive wins." Sabi niya. T-Teka endless maze? The fvck? That one?!
"W-Wait brother, that activity are for intermediate level trainees." Sagot ko. Base kasi sa nabasa ko sa novel, there are many traps and obstacles inside that maze. Sa sobrang dami hindi mo na mabibilang. That's why it is called 'endless maze'. Dahil parang walang katapusan ang mga traps don unless mahanap mo ang exit.
"Yeah, so?"
"But we're still beginners, you fvcker!" Sigaw ni Heilee. Alam niya din kasi ang tungkol sa obstacle maze since her family are the Mera's subordinates.
"Don't worry, we changed the obstacles to cedar woods," sabi ni Vigor.
"Ah so dapat na ba kaming magpasalamat niyan?" Mataray na sabi ni Heilee.
"You have 5 minutes to finish the maze," sabi ni Vigor totally ignoring Heilee's comment.
"Argh! I'll add him to my death list right next to your other brother's name!" Inis na sabi ni Heilee sa akin. Nang magbigay na si Vigor ng go signal ay agad na kaming pumasok na tatlo sa maze.
Sinalubong kami ng unang obstacle which is ang umiikot na pole na may malalaking kahoy na kapag inabot ka ay siguradong tutumba ka agad at hindi na makakalakad. Tingin ko isang bagsak mo pilay ka agad.
"Let's go! We only have 5 minutes!" Sigaw ni Heilee at agad tumakbo papalapit. Pipigilan ko sana siya kaso ang bilis ng takbo niya, nagulat na lang ako nang bigla siyang patirin ni Rosan. Dahilan para madapa si Heilee at magslide sa sahig pababa totally avoiding all the poles. Nagtataka naman akong napatingin kay Rosan.
"The secret to surpass that obstacle is not speed from running, Miss. But you need to have keen eyes to see that the ground is in a slope. All you need to do is slide all the way down there," sabi ni Rosan. Napanganga na lang ako. Hindi ko din nakita yung slope dahil sa mga gumagalaw na poles.
"Alright," sabi ko at agad na ding nagslide hanggang sa makababa na ako kung nasaan si Heilee. Ilang saglit pa ay sumunod na si Rosan.
"The fvck? Why did you trip me?!" Sigaw ni Heilee.
"No, Heilee! Rosan saved you. Kung nagtuloy tuloy ka sa poles ay panigurado nahagip ka na at lulumpo-lumpo ngayon," paliwanag ko. Doon lang narealize ni Heilee ang sinabi ko kaya nanahimik na lang siya.
Then agad na kaming tumuloy sa maze, si Rosan ang parang naging guide namin. She's so intelligent and observant. Sa sobrang dami ng obstacles at traps ay tumagaktak na agad ang pawis namin.
"W-Wait! Guys, look." Sabi ni Heilee kaya napahinto kami at napatingin sa obstacle na nasa harap namin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga metal poles na lumalabas mula sa sahig, dingding at ceiling.
"I thought they changed all of it into cedar woods?" Sabi ko. This fvcking obstacle in front of us is made up of hard metals na panigurado kapag natamaan kami ay hindi lang pasa ang aabutin namin.
"Sh*t! Look!" Sabi ni Heilee saka turo sa likod namin. Nanlaki ang mata namin nang makita ang isang wall na dahan-dahang lumalapit sa amin.
"There's no way back, we have no choice but to cross that." Sabi ko.
"This is not a training anymore, Tori! This is a trap! Someone sabotaged this maze!" Sabi ni Heilee. Fvck! After the kidnapping incident ito na naman?!
"We have no choice! Let's cross the poles," sigaw ko nang makitang papalapit na ang wall sa amin.
"Two, four, six, eight." Biglang sabi ni Rosan kaya napatingin kami sa kaniya.
"What do you mean, Rosan?"
"2 seconds before the poles in the ground appears, 4 seconds before the poles in the ceiling appear, 6 seconds for the left wall, and 8 seconds on the right. So, make sure to cross in the count of 1, 3, 5 and 7. There are three moving poles, so we need to count to 24." Sabi niya.
"Alright! Let's go! We can do this!" Sigaw ko at agad nang nauna. I immediately started counting until I reach the count of 24 in my mind. At kapag dadating na ako sa bilang ng even numbers ay agad akong iiwas sa location ng pole. Napatalon ako sa tuwa nang malagpasan ko ang mga ito. Si Rosan ang sumunod sa akin na agad naman niyang nalagpasan. Then kung kailan malapit na din si Heilee ay bigla siyang napahinto sa count of 22, mukhang nawala siya sa bilang dahil sa sobrang kaba.
"Heilee!" Sigaw ko dahil mukhang tatamaan siya ng pole. Pero nagulat na lang kami nang biglang may humablot kay Heilee dahilan para ito ang mahagip ng pole. Dumausdos sila sa sahig dahil doon.
"Heilee! Are you alright?!" Nag-aalala kong tanong. Napatango-tango naman siya. Konting galos lang ang nakuha ni Heilee dahil sa pagkakadausdos nila sa sahig. Nang tignan ko kung sinong sumagip kay Heilee ay nakita ko si Vinsky. Agad akong napalapit sa kaniya.
"Brother! Your arm!" Sigaw ko nang makitang dinadaing niya ang braso niya na natamaan ng pole.
"His arm are broken, Miss!" Sabi ni Rosan kaya nga agad kong pinunit ang suot kong shirt at ginawa itong arm sling. Hindi nakasagot si Heilee at tila natulala sa nangyari kay Vins. Mukhang sinisisi niya na naman ang sarili niya kaya agad siyang nicomfort ni Rosan while I'm treating Vins.
"What happened here brother? I thought you changed all the obstacles to cedar woods?" Tanong ko.
"Someone change the obstacles in the middle, Tori. Dumating ang surveillance team at binalaan kami but we're too late, nakapasok na kayong tatlo. Kaya agad kaming pumasok na tatlo nila Vigor at Ivan to find the three of you. We separated ways in order to find you easily. I'm glad I'm not late," sagot ni Vins.
"Bakit late nang sinabi ng surveillance team? At bakit hindi na lang nila inoff ang power?" Naiiyak kong sabi.
"We tried to turn it off, pero hindi gumagana ang switch. Someone broke it," sagot ni Vins.
"--and someone saw half of the cedar woods in the storage area, it should be exact in number kaya wala dapat matitira sa storage area. And that's when we realize na hindi pinalitan ang mga obstacles na gawa sa hard metals. We're sorry for putting you three in danger," sabi ni Vins sabay daing sa braso niya.
"DON'T SAY SORRY YOU ASSH*LE! WALANG MAY KASALANAN! SOMEONE PLANNED THIS! AND FOR FVCK'S SAKE YOU'RE HURT!" Sigaw ni Heilee. Napangisi naman si Vins.
"Still annoying," tukso ni Vins pero hindi na sumagot si Heilee.
"We need to get out of here," sabi bigla ni Rosan nang makitang papalapit na ulit ang gumagalaw na wall sa amin. Agad naman naming pinagtulungan ni Heilee na alalayan si Vins while Rosan is the one leading the way. Since alam ni Vins ang obstacles at traps sa loob ng maze ay madali kaming nakalabas.
Nang makalabas kami ay agad kaming sinalubong ni Vigor at Ivan. Parehas silang hinihingal na lumapit sa amin. Pagkalabas din namin ay marami na ding tauhan ni Dad ang nagkalat at sumalubong sa amin. Mukhang umabot na hanggang kay Dad ang issue.
Agad nilang dinala si Vins papasok ng mansion para magamot ito ng doktor namin. Sinundan ko na lang siyang tingin hanggang sa makalayo na siya. Hindi ko maiwasang mag-alala since this is the first time I saw him being hurt. Sa Vins na nakilala ko sa novel, wala sa bokabularyo nito ang salitang 'masaktan'. But since the plot has change, many unexpected things are happening. He got hurt in order to save Heilee. Which is not also stated in the novel.
"I'm very sorry, this is my fault." Sabi ni Vigor. Napayakap na lang ako sa kaniya dahil doon para sabihin na hindi ko siya sinisisi at wala siyang kasalanan. I am also speechless because of what happened to Vins kaya pinaramdam ko na lang sa kaniya na he's not the one to blame. I want to comfort him pero ano namang sasabihin ko? Should I say that I'm sorry for coming into this novel and ruining the plot?
After another unexpected incident, doon ko lang naalala na nasa loob nga pala ako ng hindi basta-bastang novel. Because I'm inside the novel, "Roses and Thorns". Where roses symbolizes 'love' and thorns symbolizes 'war'. Bakit pa kasi dito pa ako nabuhay? Hindi ba pwedeng sa romance novel na harem na lang? Huhu!
'If there are roses, there are thorns.'
That's the author's message from the novel. And the thorns of this novel are already showing. Pero isa lang ang natutunan ko magmula nang mapunta ako sa loob ng storyang ito:
Not all roses have thorns in them.
At kung meron man, I'll make sure to cut it before someone gets hurt again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top