20 - The Heavy Training
Nang makabalik na kami sa mansion ay hinayaan muna si Heilee na manatili dito para makarecover. Balak din siyang turuan nila Dad kung paano mamahala since siya na ang papalit sa posisyon nang namatay niyang ama. Ilang days ding nagkulong si Heilee sa kwarto na pinag-iistay'an niya after she heard that her father died. She's blaming herself kung bakit namatay ang tatay niya. Kahit na wala naman talaga siyang kasalanan. Gustav will end up dead anyway. Since iyon ang kapalaran niya sa storyang ito.
When I asked Nixon and the twins kung paano nila kami nahanap at paano nila nalaman ang pagtataksil ni Gustav ay doon lang nila sinabi sa akin na meron pala silang spy inside the Diaz. Nagpadala pala si Nixon ng spy sa mga Diaz simula nung nangyaring insidente sa party. And that spy is Heilee. Nixon sent her home on purpose as bait. They had a deal kaya nakipag-cooperate si Heilee sa kaniya. A deal that Nixon will just catch her Dad not kill him. Pero in the end, hindi ito natupad ni Nixon. Dahil hindi niya din napigilan ang sarili niyang patayin si Gustav when he saw me in the brink of death. Kaya sinisisi ni Heilee ang sarili niya for trusting Nixon.
At yung time na tumakas daw pala kami ni Rosan ay kasalukuyan na silang nagmemeeting kung paano huhulihin si Gustav without making it suspicious. The original plan was to catch him, but he ended up dead. Pinagalitan ni Dad si Nixon for not following the original plan, pero agad naman nila itong naintindihan dahil ang hangad lang ni Nixon ay protektahan ako. Kinausap at pinaliwanagan na lang nila si Heilee dahil doon. Pero hindi ko alam if naunawaan niya. But I hope she did.
Nang tanungin nila si Heilee kung bakit kami nito nilagay sa isang trap para makidnap ni Gustav, pinaliwanag niya na wala siyang ibang choice kung hindi ang sumunod sa utos ng tatay niya that time na lokohin kami ni Rosan. Dahil ayaw niya daw magduda ang tatay niya sa kaniya. Pero after naman non, she immediately called Nixon and the others at sinabi ang location kung saan kami tinago ni Gustav. Iyon ang rason kung bakit kami nailigtas on time. Even though Heilee set us up, kung hindi pa din dahil sa kaniya ay baka namatay na kami. Utang pa din naman sa kaniya ang buhay namin. Naintindihan ko naman siya kung bakit siya napilitan sumunod dahil wala naman siyang ibang choice.
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Heilee, every other day ko siyang binibista para may makausap siya. Although hindi naman ganon kahaba ang mga response niya sa akin. She's still traumatized about what happened and I understand her. She trusted Nixon, and Nixon broke the deal. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya just to comfort her kaya binibisita ko na lang siya to give her company.
"Heilee, my brother told me that we should train together. Isn't it fun? You, Rosan and me. So that we could protect ourselves," Sabi ko sabay uminom ng tsaa pero nanatiling nakatanaw lang si Heilee sa labas ng bintana.
"My brothers are making fun of me you know? Ang sabi nila, ano pa daw silbi ng training ko if hindi ko naman ito nagamit nung nakidnap kami. The funny thing is nagdala akong gun that time, I stole it from my brother pero in the end hindi ko din nagamit," sabi ko na itinutuloy ang pagkkwento pero hindi pa din umimik si Heilee. Hindi pa din siya gaanong nagsasalita buhat ng insidente kaya napabuntong hininga ako.
"When your Dad hit you in the head at nawalan ka nang malay, sinigawan ko siya. Sinabi ko na hindi ka niya dapat saktan dahil anak ka niya."
"But you know what your Dad told me nung hampasin ka niya ng baril sa ulo?"
"He told me na once makuha niya na ang kapangyarihang hinahangad niya, he can have many daughters as he wants. He doesn't care about you, Heilee." Sagot ko. Nakita ko namang kumuyom ang palad niya. Sinundan ito ng mga hikbi niya kaya dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.
"Heilee, I'm sorry for the death of your father. But he doesn't deserve you, I hope you open your eyes nang makita mo ang ibig kong sabihin."
"W-Why? Even in the brink of death, bakit hindi niya ako magawang ituring na anak? I hate him, Tori. I hate him for loving power and status more than me. He never prioritize me. I hate him for not giving me the treatment I deserve! I hate him for using me! I hate him for not giving me the love I wanted!" Hikbi niya. Hinaplos ko na lang ang likod niya at niyakap siya. Hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak sa balikat ko at ilabas ang sama ng loob niya sa tatay niya. I can't blame Heilee sa nararamdaman niya. Kung may dapat mang sisihin dito ay si Gustav iyon. Pero ngayon, nasa lugar na siya kung saan siya nababagay.
Sinabi sa akin ni Heilee na wala naman siyang hinanakit kay Nixon. Ineexpect niya din naman daw na mamamatay ang Dad niya after lahat ng nagawa nito. Sa una daw nasaktan siya kasi tatay niya pa din ito. Pero pinilit niya na lang tanggapin ang katotohanan na wala na ito.
After a week, unti-unti nang naging okay si Heilee. Kaya nga sabay-sabay na kaming nag-undergo ng training. Gaya nung ginawa sa akin ng kambal nung ako pa lang ang nagttraining ay pinahirapan nila kami ng bongga. Binigyan kami ng 100 laps at 100 push ups sa first day pa lang ng training. Muntik nang sumuko si Rosan at Heilee dahil doon. Rosan volunteered to join the training kasi gusto niya daw na maprotektahan ako kaya hinayaan na lang siya ng mga kapatid ko. Pero mukhang nagsisisi na yata siya na sumali pa siya sa training. Hahaha!
Ako medyo kinaya ko naman na kasi hindi naman ito ang first time ko na pahirapan. I have an advantage dahil nauna akong magtraining sa kanilang dalawa at na-immune na yata ang katawan ko sa mga exercises na binibigay ng kambal. Hahaha!
"I-I can't...I t-think I'm gonna die here," sabi ni Heilee at nahiga na sa damuhan sa sobrang pagod. Wala na siyang pakialam kahit madumihan siya, ang importante sa kaniya ay makahiga siya at makapagpahinga. Ibang Heilee yata ito ah? Ang Heilee'ng kilala ko ay mandidiri pa kapag humiga sa maduming bagay. Hahaha! Gaya ni Heilee ay nahiga na lang din si Rosan sa damuhan dahil sa sobrang pagod. Tumatagaktak na ang pawis naming tatlo at saktong tirik pa ang araw kaya sumilong muna kami dito sa isang puno.
Pinatakbo kami ng kambal sa buong premises ng mansyon. At since sobrang laki nitong lupa ng mga Mera ay hindi mo dapat maliitin ang 100 laps na pinapatakbo sa amin.
"Okay, let's rest here for a while." Sabi ko at naupo na din sa tabi nila at sumandal sa puno. Napapaypay na lang ako sa sarili ko sa sobrang init.
"I need water! I'm thirsty as hell. Ugh!" Daing ni Heilee. Inutusan kasi kami ng kambal na huwag kaming iinom hanggat hindi namin natatapos ang isang daang laps.
"Ako din, nauuhaw na ako. Feeling ko hihimatayin na ako," sabi naman ni Rosan. At dahil naaawa na ako sa kanila at nakikita ko ang sarili ko sa kanila nung mga bago-bago pa lang ako sa training ay agad akong tumayo.
"Follow me," sabi ko.
"Where? I can't even move dahil sa sobrang pagod," daing ni Heilee.
"Akala ko ba gusto niyong uminom?" Taas kilay kong sabi.
"You know we can't drink. That's what your devil brothers told us," inis na sabi ni Heilee. Natawa na lang ako kasi ganiyan din iniisip ko sa kambal sa tuwing training. They are indeed merciless when it comes to training.
"I know. Kaya iinom tayo somewhere," sabi ko at nagsimula nang maglakad. Narinig ko na lang din ang mga yapak nila upang sundan ako. Buti na lang alam ko ang isa pang way papunta sa lake bukod sa garden ko. Kaya nung makarating kami sa lake ay agad uminom sila Heilee at Rosan. Sa sobrang uhaw nila ay kulang na lang ilublob nila ang sarili nila sa lake.
The lake is clean and safe to drink at sobrang linaw ng tubig nito ay makikita mo pati ang ilalim. Since nauuhaw na din ako ay nagpasya na din akong uminom ng tubig sa lake gaya nila Rosan at Heilee.
"Ehem, who told you that you can drink water already?"
Bigla kaming nasamid na tatlo nang bigla naming marinig ang boses ni Vins sa likod namin. Nang humarap kami ay nakita namin siyang nakapamewang.
"Bakit? Eh sa gusto namin uminom. Gusto mo ba kaming patayin sa uhaw? Hello? Tirik na tirik ang araw oh. Baka mamaya ma-heat stroke pa kami," daing ni Heilee. Tinaasan naman siyang kilay ni Vins.
"Add 10 more laps to your current laps!" Sagot ni Vins.
"WHAT?! ARE YOU CRAZY?" sigaw ni Heilee pero hindi natinag si Vins.
"20 more," sagot ni Vins.
"YOU! ASSH*LE!"
"30 more."
"WHAT THE--"
"40. The more you talk, the more it will increase, miss." Masungit na sabi ni Vins kaya sinubukan na naming pigilan ni Rosan si Heilee.
"Ah ganon?" Nagulat na lang kami ni Rosan nang sipain ni Heilee si Vins sa lake. Dahilan para mahulog ito sa lake.
"Yan, t*nginamo. Iyong-iyo na yang tubig. Inumin mo lahat, isaksak mo sa baga mo!" Sabi ni Heilee at nag-walk out.
"Brother? Are you okay?" Tawag ko kay Vins na tila nagpipigil ng tawa. Inis naman itong umahon.
"That woman! I'll make her pay for this!" Inis na sabi ni Vins at piniga ang basa niyang damit. Hindi na namin napigilan ni Rosan ang sarili namin at natawa na kaya sinamaan niya kaming tingin. Dahilan para tumikom agad ang bibig namin.
"You two, what are you laughing at?"
"W-Wala, pfft." Sagot ko at pilit na pinipigil pa din ang tawa ko.
"200 laps for the three of you tomorrow! Hmph!" Inis na sabi ni Vins at nag-walk out na din. Pero Rosan and I still bursted out laughing. Ang epic kasi ng pagkakahulog ni Vins sa lake. Hahaha! Sorry Vinsky.
***
(Ivan's photo on the gallery...)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top