2 - The Second Male Lead
Nang malaman kong si Ivanoff ang nakita ko ay agad akong napatakbo sa walk-in closet ko at hinanap ang emerald necklace sa jewelry drawer. Pero nagtataka ako dahil wala ito dito. Imposibleng wala pa ito dito dahil nandito na si Ivanoff sa mansion ng mga Mera.
Napapikit ako ng mariin at pilit na inalala ang nabasa ko sa libro kung saan nilagay ni Victoria ang kwintas. Sa pagkakaalam ko kasi, ang emerald necklace na iyon ang pinakamahal na jewelry na nabili ni Victoria sa lahat ng auction na napuntahan niya kaya hindi niya ito basta na lang isasama sa ibang jewelry sa drawer.
Bigla namang nahagip ng mata ko ang isang flower vase na nasa sulok. Doon ko biglang naalala na may parte sa kwento na muntik nang mabunggo ni Rosan itong vase dahilan para sobrang magalit si Victoria. Kaya nga agad akong lumapit sa vase at hinanap kung may secret button ba dito or what. Pero wala akong nakita kahit anong angat gawin ko sa vase. Ang pinagtataka ko lang ay bakit may thorns pa din itong bulaklak na nasa vase. At dahil medyo nagsususpetya ako ay agad kong hinawakan ang thorns dahilan para magdugo ang kamay ko at pumatak ang dugo.
Suddenly, bigla na lang akong nakarinig ng pagtunog ng isang lock. At ilang saglit pa ay biglang nahati ang closet ni Victoria. Nagkaroon ng pintuan papasok sa isang silid. Napangisi na lang ako sa katalinuhan ko. Her secret door will not open unless it's her blood. Gumamit siya ng blood lock imbes na yung mga secret buttons na napapanuod ko sa mga spy movies. Hehe. I'm just wondering bakit hindi ito sinabi sa kwento? Good thing I'm paying attention to every small details in the story.
Hindi ako nahirapang hanapin ang emerald necklace sa silid dahil nakalagay ito sa isang glass box. Namangha na lang ako sa sobrang ganda nito. No wonder why Victoria bought it kahit na kasing halaga na ito ng isang mansion at isla. Hinding-hindi ito maicocompare sa mga ibang jewelry niya. But the thing is--this necklace belongs to the late mother of Ivanoff. Isa itong family heirloom ng West. That's why nandito si Ivanoff, nagdidisguise bilang isa sa mga bodyguard ng mga Mera.
Hindi siya kilala sa mukha nila Vigor dahil never lumabas sa publiko si Ivanoff or umattend sa kahit anong celebration regarding sa four territories. Dahil wala siyang interes na makigulo sa labanan ng mga teritoryo.
In order to be clearer, there are four territories na pinamumunuan ng bawat kilalang clan. Kumbaga para silang mga royals. At bawat teritoryo ay may simbolo. The North, ang teritoryo na pinamumunuan ng mga Gonzalez. Oo, si Nixon ang male lead wala ng iba. Ang North din ang pinakamalakas na teritoryo sa apat since male lead nga naman. Sapphire ang simbolo nila. Sumunod ay ang South, kung saan namumuno ang mga Fuego. Ang tunay na pamilya ng female lead na si Rosan. Pero sa start ng kwento ay hindi ito alam ni Rosan dahil lumaki siya sa isang ampunan saka mapapadpad dito sa mansion bilang isang katulong. Right now, for sure the Fuego believes that their only daughter is already dead. Ang hindi nila alam eh soon mag-aapply bilang katulong si Rosan dito. Hehe. Pero syempre hindi ko gagawin ang ginawa ni Victoria sa libro na mamaltratuhin si Rosan. Dahil duh? Isa iyon sa rason bakit nadagdagan death sentence ni Victoria. Geez! Ang simbolo ng mga Fuego ay Amethyst.
The next one is the East, kung saan pinamumunuan ng Mera clan. Ang pamilya ni Victoria na Ruby ang simbolo. And the last is the West that is ruled by the Suarez Clan na sinisimbolo ng Emerald. If magraranggo tayo, nangunguna sa pinaka malakas na teritoryo at clan ang North na pag-aari ng mga Gonzalez. Pangalawa ang South, sumunod ang East at panghuli ang West.
Nung una, ang Mera Clan ang pinaka nasa huli. Pero dahil sa recent bloodshed sa labanan sa teritoryo ay na-acquire ng mga Mera ang isa sa mga teritoryo ng mga Suarez. Dahilan siguro kung bakit nagkaroon din ng unexpected accident itong si Victoria. For sure naghihiganti ang mga Suarez. In order kasi na mas lumakas pa ang teritoryo ay sasakupin mo ang ilang parte ng teritoryo na mas mataas sa iyo hanggang sa maunti-unti mo ito at mapagbagsak ang clan na namumuno dito. The only rule in their crazy territorial game ay bawal sakupin ng matataas ang nasa baba. For example, bawal sakupin ng North ang South dahil mas mababa ito. Kaya itong mga nasa baba ang nagpapatayan talaga. Hahaha! How unfortunate. In order to be on top, handa silang magpatayan. Bakit hindi na lang kasi sila makuntento sa bawat teritoryo nila. Tsk!
By the way, I need to give the emerald necklace to Ivanoff. Kasi isa si Ivanoff sa naging kakuntsaba ni Nixon para mapatay si Victoria. Ang rason ni Ivanoff ay itong kwintas ng namatay niyang ina. Sa story kasi, hindi ito binigay ni Victoria dahil nga ito ang pinakamamahal niyang alahas sa koleksyon niya. But since I'm not Victoria, I'll give this to him. Para hindi na siya maging kakuntsaba ni Nixon sa dulo sa pagpatay sa akin. Hehe. Kasi sabi nga nila two is better than one. Kaya hindi ko hahayaan na umabot pa sa point na mag-kampihan sila ng Nixon na iyon para lang mapatay ako. Huhu! Hangga't maaari I will try to impress him and be on his good graces. Gaya ng gagawin ko kay Rosan. Kasi sa ending ng story, nagkampihan ang North, South at West para mabura ang clan ng Mera. Dahil sa pagkakamali ni Victoria ay nadamay ang pamilya niya. Kaya hindi ko hahayaang mangyari iyon while I'm here.
Agad kong kinuha ang kwintas at saka lumabas na doon sa walk-in closet ko. Itinago ko muna ang box sa ilalim ng unan ko saka tinawag ang maid.
"Yes miss?"
"Can you call Sir Ivan here," utos ko pero tinignan lang ako nito.
"Sorry miss we can't do that," sagot nito na kinakunot ng noo ko.
"Why?" I asked.
"That's the rule of the house miss. An outside personnel can't enter the mansion without permission from the jefe."
"Ah, edi samahan mo na lang ako. Pupuntahan ko siya," sagot ko at akto na sanang lalabas nang pigilan ako ng maid.
"I'm afraid you can't do that too, miss. You can't also talk to an outside personnel," sagot ng maid. Napapikit naman ako ng mariin saka pinaalis na ulit ito. Paano ko mabibigay niyan ang kwintas kay Ivan bago mahuli ang lahat? Grr. Bwisit na house rules.
Sa pagkakaalam ko sa kwento eh magiging personal bodyguard ni Victoria si Ivan dahil may ginawa si Victoria na naglagay sa kaniya sa peligro. Pero since hindi pa nag-iistart ang story ay hindi ang recent na aksidente ang peligro na iyon. So it means may isa pang peligro? Ano nga ba ulit yung ginawa ni Victoria non? Ah! Tumakas siya sa mansion at nagparty sa isang night club kasama ang mga kaibigan niya. Tama! Tama! Ganon ang gagawin ko. Hehe!
Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan ang numero ng kaibigan ni Victoria na si Heilee.
[Tori! You called?]
"Hey, Lee. Let's hit the club tonight."
[No problem. Pero di ba you're still under recovery after the accident?]
"That's why I have a favor to ask."
[Sure, sure. Just for our little Tori. What is it?]
"Can you fetch me up? Tatakas lang ako dito mamaya. I'm bored as hell here. I need to party and have some booze," sagot ko na mismong sa totoong Victoria mo talaga maririnig. Napahalakhak naman si Heilee sa kabilang linya.
[Sure, see you tonight Tori.]
Napangisi na lang ako at saka napasuntok sa ere. Alright! Everything is going according to plan. As long as hindi ko makabangga ang Nixon na iyon ayos lang naman siguro na iadvance ko na ng konti ang story. I need to make a mess para maging bodyguard ko si Ivanoff at maibigay sa kaniya itong kwintas. By that, I will lessen the chance of Victoria's death.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top