18 - The Frenemy
Since I have suspicion towards Heilee's father ay pinilit kong contact'in si Heilee kahit na alam kong hindi kami okay. Umasa akong may matatanggap na kahit isang response sa kaniya pero wala. Kaya nagdecide akong puntahan siya. Since alam kong hindi papayag ang kambal na pumunta ako doon ay nagbalak akong umalis mag-isa. Kasalukuyan na akong naghahanda para umalis nang biglang dumating si Rosan.
"Miss, where are you going?" She asked.
"U-Uhm, magshoshopping lang ako sa mall." I answered.
"Should I inform the bodyguards to escort us?" Tanong niya at akto na sanang lalabas nang pigilan ko siya.
"No! Not necessary. I can go by myself," sagot ko. Napatitig naman si Rosan sa akin.
"Then let me come with you, Miss."
"What? No, Rosan. You can't."
"Miss, if you can't tell me your intentions it's okay. Just let me come with you. Please that's all I ask. Ayokong hayaan kayong mag-isa," sagot niya.
"But Rosan...Ugh! Fine. No one should know that we're going there kasi alam kong hindi nila ako papayagan," I sighed.
"You're going to visit Miss Heilee, right? Kaya ayaw niyong may isamang bodyguards."
"Yes, you're right." I answered in defeat.
"But, Isn't it dangerous Miss? Since bibisitahin natin yung taong nagtangkang pumatay sa inyo?"
Rosan is right, it is indeed dangerous. Lalo na at hindi pa kilala ang tunay na may salarin. It's like we're going to walk into the tiger's den. But I need to talk to Heilee, I need to hear the truth from her. Maybe I can somehow help her if tama ang hinala ko na binablackmail lang siya ng tatay niya na akuhin ang bagay na hindi niya talaga ginawa.
Agad kong kinabit ang strap ng holster sa legs ko at saka kinuha ang baril sa drawer. Nakita ko naman na nagulat si Rosan nang ilabas ko ang baril.
"M-Miss, saan mo nakuha iyan?" She asked.
"I stole it," nakangisi kong sagot. I stole the gun from the room of Vins. Naalala ko kasi na sinabi sa libro na meroong secret room si Vins like Victoria, dito naman nakalagay ang mga weapons niya. Rosan is the one who saw that in the novel while she's cleaning. Hindi ko lang alam if nangyari na iyon ngayon. Hindi ako nahirapan na kunin ang baril dahil lagi namang wala yung kambal. Kung hindi nagttraining sa training grounds ay nagduduty sila outside the mansion.
"Miss, lalo akong kinabahan para sa iyo."
"Don't be. Hindi ko naman intensyon na gamitin ito. Just in case lang. Better be ready than sorry," sagot ko.
"Let's go," sabi ko saka umalis na kami ni Rosan. Hindi ko alam pero tama ang naging timing namin dahil kalahati ng mga tauhan ni Dad ay nagmemeeting ngayon. Hindi ko alam if about saan basta ang nakikita ko ay maswerte kami dahil madali kaming nakatakas sa mansyon.
Nang makalabas kami ng mansyon ay agad na kaming sumakay ng taxi papunta sa residence ng mga Diaz. Nang ihinto kami ng taxi driver sa tapat ng isang malaking gate na may initials na letter D ay napagtanto namin na nakarating na kami sa bahay nila Heilee. Malakas ang loob kong pumunta dito ngayon dahil wala ang tatay ni Heilee ngayon. For sure kasama ito sa meeting na meroon ngayon kila Dad.
Pinakita ko ang family crest namin sa camera kaya agad bumukas ang gate. Diretso na kaming pumasok ni Rosan at naglakad papunta sa mansion. Their mansion is also quite big pero hindi mo pa din ito maikukumpara sa mansion ng mga Mera. Nang makapasok kami sa loob ay sinalubong kami ng butler.
"Can I see Heilee? I need to talk to her," sagot ko.
"This way Miss," sabi ng butler kaya nga sumunod kami ni Rosan. Dinala kami nito sa isang room kung saan siguro dinadala ang mga bisita.
"Please, wait here Miss." Sabi ng butler bago umalis. Ilang saglit pa ay pumasok ang ilang maid at pinaghandaan kami ng tsaa at ilang desserts. Pero hindi namin ito ginalaw ni Rosan dahil nga natuto na kami sa nangyari sa akin sa party.
"Miss, parang iba ang pakiramdam ko ngayon. I don't feel good about this," bulong sa akin ni Rosan. Inaamin kong ganon din ang nararamdaman ko ngayon. Para kasing nakakapagtaka dahil basta-basta na lang silang pumayag na makausap ko si Heilee. If I were Heilee's Dad ay hindi ako papayag na ipakiusap si Heilee after the incident. So why? Meron ba silang pinaplano ulit? Argh! I'm at disadvantage kasi hindi ko na alam ang susunod na mangyayari. Kaya I'm hoping that Heilee will cooperate with us.
Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto at pumasok na nga si Heilee. Naupo siya sa tapat namin saka tumingin sa akin nang walang bahid na ekspresyon sa kaniyang mukha.
"What do you want, Mera?" She asked.
"Heilee, I want to talk to you about the incident. I know you didn't do it kaya bakit ikaw ang umaako?" Simula ko.
"Ano pa bang gusto mong marinig? I confessed my crime. Lahat ng sinabi ko ay totoo. I'm the one who did it! Alam ko ang about sa nut allergy mo. I did it because I hate you!" Sigaw niya.
"I know you hate me, Heilee. Alam ko una pa lang. But I also know that you're not that kind of person to do things like that."
"Don't act like you know me, Mera! You know nothing. And please, don't act like you care about me. We're not even real friends. We're just friends because of status," sagot niya pero ramdam ko ang hinanakit niya. I know how Heilee feels for Victoria. Kahit na hindi naging maganda ang pagsisimula ng friendship nila, itinuring pa ding kaibigan ni Heilee si Victoria kahit papaano. She's just jealous because Victoria has it all.
"Heilee, please listen to me just this once. I know we're not in good terms but I promise you that I can help you. I'm here because I want to help you Heilee. If you will cooperate with us, everything will be alright. I promise." sagot ko.
"W-Why? Why are you doing this? Why are you helping your enemy?"
"We're not enemies, remember? We're frenemies!"
"We're frenemies!" That is the line of Victoria from the novel. She always remind Heilee that they are frenemies. Although there's a rivalry between them, they still consider each other as friends.
"A-Are you sure you can help me?" She asked. Tumango naman ako.
"Okay, fine. I'll tell you everything. But first we need to go somewhere," sabi niya.
"Why?" I asked.
"There's a surveillance here. They can hear us, so please follow me." Sabi niya kaya nga sumunod kami ni Rosan sa kaniya. Dumaan kami sa isang secret passage at inilabas kami nito sa isang masukal na gubat. Mukhang likod na ito ng mansyon nila.
"Miss? This is suspicious, I think she's planning something." Bulong sa akin ni Rosan. Bigla akong nakaramdam ng hindi maganda. Rosan's right. Heilee is up to something.
"Heilee, where are you taking us?" Tanong ko. Agad naman siyang humarap sa amin.
"I-I'm sorry, Tori." Sabi niya saka ako biglang nakaramdam na may tumakip ng panyo sa ilong ko. I tried to restrain pero huli na ang lahat dahil unti-unti nang lumabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan nang magdilim ang lahat.
***
(Heilee's photo on the gallery...)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top