17 - The Permission
"Miss, you must be careful. Paano kung hindi ko kayo sinundan that time?"
Kasalukuyan akong pinapagalitan ni Rosan ngayon. Kakauwi lang namin galing sa orphanage. Kanina niya pa ako paulit-ulit na tinatanong kung bakit ako nag-eeavesdrop sa head ng orphanage at sa tatay ni Heilee. Hindi ko lang alam if sasabihin ko ba sa kaniya since hindi pa din naman ako sure.
"Okay, okay. Hindi ko na uulitin iyon. Just please don't tell anyone about what happened earlier," sagot ko.
"I won't tell anyone miss. Unless you tell me the reason why you're eavesdropping on their conversation?" Sabi ni Rosan.
"Rosan, are you blackmailing me? Nakalimutan mo na ba kung sinong kausap mo?" Seryoso kong sabi. Ayoko mang sungitan siya ay kailangan. Ayoko mandamay ng ibang tao lalo na't wala pa akong kasiguraduhan. Ayokong madamay si Rosan dahil siya ang female lead. Tama na ang nagulong plot, ayoko nang mas gumulo pa.
"I'm sorry, Miss. I'm just worried for you," sagot ni Rosan at napayuko. Napabuntong hininga na lang ako.
"Rosan--"
Sakto namang biglang may kumatok na maid sa kwarto ko kaya natuon ang atensyon namin ni Rosan doon. "Miss, sir Nixon is waiting for you in the garden." Sabi nito.
"Okay I'll be there," sagot ko at saka naglakad na palapit sa pinto para lumabas. Napatingin na lang ako kay Rosan bago ko tuluyang sinara ang pinto. Sorry Rosan, I can't tell you yet. Sana maintindihan mo. I'm also worried for you gaya ng pag-aalala mo sa akin.
Nang makarating ako sa garden ay naabutan ko si Nixon na prenteng nakaupo doon sa upuan sa may gazebo habang nililinis ang baril niya. Nang makalapit na ako ay agad siyang umayos ng upo at pinatay ang sigarilyo niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay nang makaupo ako sa harapan niya.
"Who gave you permission to smoke here, mister?" Masungit kong sabi.
"I gave permission to myself, miss."
"Oh yeah? Well, this is my garden. You can't just give permission to yourself. Saka I hate the smell of smoke," sagot ko.
"Okay, from now on I will stop smoking if you really hate it that much."
"Tss, as if." Sagot ko saka nagcrossed arms. Napangisi na lang siya.
"Why are you here anyway?" Masungit kong tanong kahit naman na alam ko na ang rason kung bakit siya nandito. For sure ay babalitaan niya ako about kay Heilee.
"Obviously, I'm here because of you chestnut." Nakangisi niyang sagot na halatang iniinis ako.
"Di ba sinabi ko na sa iyo na wag mo na akong tawaging ganiyan?" Inis kong sabi.
"Why? Eh sa gusto kong tawagin ka ulit na chestnut." He chuckled.
"Don't beat around the bush, Nixon. Sabihin mo na ang kailangan mong sabihin," sagot ko. Since gusto ko na din malaman kung ano na ang ganap about kay Heilee.
"Okay fine. Since you insist, chestnut." Agad niyang tinago ang baril niya sa may holster at saka pinagsiklop ang mga daliri niya sa may ibabaw ng lamesa habang nakatitig ng diretso sa akin.
"Your friend is under investigation right now in the North. Nandoon ngayon ang dalawa mong kapatid para ipagpatuloy ang interrogation," sagot niya.
"Paano niyo nasabi na siya ang suspect? We can't just put the blame on her just because we're not on good terms," sagot ko.
"Well, chestnut. The thing is, she was the one who confessed her crimes."
Bigla naman akong nagulat nang marinig ang sinabi ni Nixon. What? Heilee confessed? Impossible. The Heilee I know from the book will never do that. Kahit anong mangyari hindi siya basta-basta magcoconfess ng schemes niya. Talaga bang nag-iba na ang plot ng story na ito na pati ang ugali ng characters ay nag-iiba? Pero bakit ganon? Bakit parang may mali?
"Pero sa tingin ko, hindi siya ang totoong culprit." Biglang sabi ni Nixon kaya natuon bigla ang atensyon ko sa kaniya. Parehas ba kami ng iniisip?
"How can you say so?" I asked, wondering if pareho nga ba kami ng iniisip.
"Her father is so suspicious. Para bang gusto niya pang idiin ang anak niya imbes na ipagtanggol although aware naman siya sa parusang pwede ipataw sa anak niya," sagot niya. So, parehas pala kaming nagdududa sa tatay ni Heilee.
"Anong parusa?"
"Death, obviously. It's an assasination attempt to a Mera like you. A blue blood. Death is the only sentence for her," casual niyang sagot.
"Pero gaya ng sabi mo she's not the real culprit, right?"
"Yeah, kaya nagpasya muna ako irelease siya from detention at pauwiin. Your brothers are against it at first, pero sinabihan ko sila na meron akong plano in order to catch the real culprit."
"What plan?" Curious kong tanong.
"I can't tell you, chestnut."
"Why not?!" Inis kong sabi.
"It's too dangerous. Lalo na isa ka sa tinatarget nila. Ikaw na isang Mera. I'm sure na ang tumatarget sa iyo ay may mataas ding ranggo since ang lakas ng loob nilang ikaw ang targetin kahit na alam nila na you're the future jefa of the North," he answered. Ha? Jefa? Wife of the chief?
"W-What?! Me? Sinabi ko bang papakasalan kita ha?"
"Not yet, but soon you'll say yes. I'm sure of it."
"Gaano ka naman kasigurado na hindi kita irereject?" Taas kilay kong sabi.
"Because I will do anything in order to make you fall in love with me," sagot niya saka kinuha ang kamay ko at dinampian ng halik ang likod ng palad ko. Napatitig na lang ako sa mga mata niya na nakatuon sa akin pero agad kong iniwas ang tingin ko at binawi ang kamay ko.
"If you're done talking nonsense ay papasok na ako sa mansion, I'm quite busy you know?" Sagot ko at agad naglalakad palayo sa kaniya. Pero nagulat ako nang makitang naglalakad na siya sa gilid ko.
"Let me take you there," nakangiti niyang sabi.
"Did I gave you permission?" Taas kilay kong sabi.
"I gave permission for myself, chestnut."
"This is East not North, Nixon."
"I don't care, because the East and North will be one in the future."
"Argh! I said stop talking about that!" Inis kong sabi at hinampas siya. Napahalakhak naman siya. Bwisit eh. Gustong-gustong inaasar ako.
Nang makarating kami sa tapat ng main door ay napahinto na kami parehas.
"Sige na umalis ka na bago pa ako mabwisit lalo sa iyo," sabi ko.
"Alright, alright. But first can I have your permission?" Tanong niya. Kumunot naman noo ko.
"Ah, so now you're asking for my permission?"
"Well, since I'm in the East right now gaya ng sabi mo." Kibit balikat niyang sabi.
"Osige, permission saan ba?" Tanong ko. Pero imbes na magsalita siya ay humakbang siya palapit sa akin at niyakap ako.
"Permission to do this," sagot niya habang yakap ako. Hindi ko alam pero para akong biglang naestatwa sa kinatatayuan ko na hindi ko namalayan na kumalas na pala siya agad sa pagkakayakap sa akin.
"See you tomorrow, chestnut." Nakangiti niyang sabi at kumindat pa sa akin bago tuluyang umalis.
W-What the heck just happened? Bakit hindi ko siya tinulak?! Why?! Argh! Ano bang nangyayari sa akin?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top