11 - The Bet
"Rosan, I'm sorry for leaving you with him." Sagot ko. Kasalukuyang sinusuklayan ni Rosan ang buhok ko habang nakaupo ako sa harap ng vanity table ko.
"It's okay, Miss. I understand." Sagot niya at binigyan ako ng ngiti.
"May sinabi ba siya sa iyo that time?" I asked curiously. Sana naman nagkaroon sila ng konting progress kahit papaano.
"Uhm--wala po M-Miss," nauutal niyang sagot pero parang di ako naniniwala. Para kasing may ayaw lang siyang sabihin sa akin. Pero inignore ko na lang ito at tinignan ang phone ko na beep ng beep. Napabuntong hininga na lang ako nang makita ang name ni Heilee pero hindi ko na lang ito pinansin. Hindi na kasi ako nagpaparamdam sa kanila after nung nangyari sa night club. Parehas nila akong tinatadtad ni Khloe ng text messages at calls pero wala akong sinagot ni isa. Inaaya lang naman nila ako mag night out ulit. Saka peke silang kaibigan na dumidikit lang kay Victoria dahil sa status nito. In other words, they're just using Victoria for their own gain. Iyan ang nabasa ko sa novel kaya nilalayuan ko talaga sila. Nung una ko lang naman talaga sila kinailangan. Hahaha! Since ginagamit lang nila si Victoria, ginamit ko din sila. O di ba?
"By the way, where's Ivan?" I asked. Dahil kasi halos araw-araw nandito si Nixon ay hindi ko na halos nakikita si Ivan.
"Nasa training grounds siya Miss araw-araw, since he's not needed when sir Nixon is visiting you," sagot ni Rosan. Nixon kicked him out on purpose. Ang dahilan niya? Gusto niya daw akong masolo. Since iniwan ko siya kay Rosan last time, pati si Rosan ay nirequest niya na din kay Dad na i-out of duty muna sa pagsisilbi sa akin when I'm meeting with him in the garden. Wala na lang akong magawa.
Nixon is not visiting today since may nilakad sila ni Dad na isa sa mga kasunduan sa treaty of peace na pinirmahan nila. Ewan ko ba sa jefe na iyon, nung una galit na galit siya na hinatid ako ni Nixon kaya na-grounded ako ng isang buwan. Tapos ano? Ngayon close na close na sila na tipong magkasama pa sila sa isa sa mga importanteng lakad. Tch! Sabagay, walang rason para tanggihan ni Dad ang tulong ng mga Gonzalez, since sila ang pinaka makapangyarihan na clan. Malaking gain ito sa East if makikipag sanib pwersa sila sa North. Hindi ko lang talaga inaasahan ang sudden twist of plot, dahil hindi naman ito nangyari sa original novel. Hindi ko na tuloy alam ang susunod na mangyayari.
Naisipan naming pumunta ni Rosan sa training grounds. Saktong kasalukuyan na nakikipag sparring si Ivan sa isa sa mga tauhan. He's wearing a muscle tee and a shorts with leggings underneath. Tumatagaktak ang pawis niya pero hindi siya mukhang dugyot. Perks of being the second male lead nga naman. Naamaze na lang ako sa galing ni Ivan nang mapataob niya yung opponent niya. Sakto namang nakita niya kami ni Rosan na nanonood kaya umawat muna siya at nagpunas ng pawis niya. Tapos nakangiti siyang tumakbo papalapit sa amin ni Rosan.
"Miss! You're here," nakangiti niyang salubong sa akin.
"Yep, 'cause he's not here today." Natatawa kong sabi.
"Obviously," he chuckled saka naupo sa tabi ko. Dibale pinapagitnaan nila ako ngayon ni Rosan.
"How are you? Do you feel uncomfortable with him?" Bigla niyang tanong.
"Hmm. Nah, okay naman siya." Sagot ko. I can't blame Ivan for thinking that way, since nung time na hinarang ni Nixon ang sasakyan namin ay takot na takot ako non sa presence niya na pati si Ivan ay nasense. Ngayon kasi hindi na. Parang nasanay na lang ako sa kaniya dahil halos araw-araw din siyang nandito. I don't see him as a threat anymore. Pero I can't change the fact that he's the one who killed Victoria in the novel.
"Basta if you need my help, I can help you. Just give me a sign and I'll kick him out for you," sagot niya kaya natawa naman ako. I know he can't do that. Naglaban nga sila ni Nixon eh dahil kay Rosan pero in the end natalo siya kay Nixon. Hahaha! Ang alam ko dito iyon sa training grounds eh, kasalukuyang nag-uusap si Rosan at Ivan that time nang biglang dumating si Nixon.
"Really? You'll kick me out?" Sabi ng isang boses. Nang lingunin namin kung sino ay nagulat ako nang makita si Nixon. What the heck? Why is he here? Akala ko ba may lakad sila ni Dad?
"You heard me, sir." seryosong sagot ni Ivan na diniin pa ang salitang 'sir'. Napaismid naman si Nixon at nakapamulsang lumapit kay Ivan.
"I want to see you try," nakangising sabi ni Nixon saka nilahad ang kamay niya.
"Then, I accept sir." Sagot ni Ivan at nilahad din ang kamay niya. Parehas na silang pumwesto sa gitna at nagsukatan ng titig.
"Let's have a bet, if I won you'll quit as Victoria's personal bodyguard." Sabi ni Nixon.
"And if I won, you'll stop bothering her." Sabi naman ni Ivan.
"Me? A bother? You're the one who's a bother to us. But okay, I'll agree since I'm going to win this anyway," Nixon answered wearing a confident smile on his face.
Mukhang maglalaban yata sila. Teka! Ito ang nasa novel ah? Pero di ba dapat si Rosan ang rason ng laban nila? Bakit ako na naman?! Ack!
Nang magsimula na ang laban nila ay si Ivan ang unang sumagod kay Nixon. Hihilahin niya sana ang binti ni Nixon pero agad itong naiwasan ni Nixon at babawian sana ng sipa si Ivan pero agad ding nakaiwas si Ivan dito. Parehas silang nagpakawala ng mga suntok at sipa pero parehas ding mabilis ang movements nila kaya halos isang minuto na yata silang nagpapakawala ng mga suntok at sipa na wala namang tinatamaan. Magaling si Nixon when it comes to defense dahil mabilis ang bawat pag-iwas niya sa mga binabatong mga suntok at sipa ni Ivan, while Ivan is good at attacking. Hindi mo na halos makita yung ibang suntok sa sobrang bilis ng mga atake niya kay Nixon.
Sa libro ko lang nabasa ang scene na ito pero hindi ko alam na ganito pala kaintense in person. Omg. I need popcorn! Nakakaexcite kahit na alam ko naman na kung sinong mananalo.
Nixon got tired from dodging the attacks of Ivan kaya bigla na lang siyang sumugod at agad nagpakawala na din ng mga atake. Nasuntok niya si Ivan sa mukha kaya napaatras ng konti si Ivan. Pero hindi natinag si Ivan doon at agad na ding umatake ulit. He's now using defense since Nixon is the one who's attacking right now. Hindi ganon kabilis ang atake ni Nixon but his movements are unpredictable. Since fighting is about reading your opponent's body movements importante na alam mong bumasa ng mga kilos. Ito ang magiging advantage mo against your opponent. But Nixon is unreadable, which made it difficult for Ivan to take advantage.
Like what I expected, Nixon won the fight. He's the male lead after all. Tch! Pero kahit na kayang-kaya niya lumpuhin si Ivan ay hindi niya ito ginawa. Hindi niya masyadong pinuruhan si Ivan at inatake lamang ito sa mga less vital parts. Pero nakikita ko base sa reaksyon ni Ivan na matindi pa din ang sinapit niya dahil hindi na siya makatayo ng ayos.
"I won the bet, ngayon alam mo na ang gagawin mo." Nakangising sabi ni Nixon. Sinamaan na lang siya ng tingin ni Ivan. Bigla naman akong nagworry for Ivan since hindi yata siya okay. Pero agad na akong hinila ni Nixon paalis.
"Kick me out my ass," he smirked.
-
Nandito kami ngayon sa gazebo ni Nixon at umiinom ng tsaa as usual. Dito kami dumiretso after doon sa training grounds dahil gusto niya daw mag-tsaa kasama ako.
"Are you that happy?" Kunot noo kong tanong while sipping my tea. Kanina pa kasi siya nakangiti. Hindi ba nangangawit panga niya kakangiti?
"Yes, I'm very happy." He answered. Napailing-iling na lang ako. Ganiyan ba talaga siya kasaya after niyang manalo sa bet? Does he hate Ivan that much?
"By the way, what happened to the man last time?" I asked.
"Are you asking me about the man who hurted you in the orphanage?" Tumango naman ako bilang sagot.
"He's already buried," sagot niya bigla naman akong nagulat. Pinatay niya talaga? Kasalanan ko ba iyon?
"He deserved it. Besides, may utang siya sa akin before kaya don't blame yourself for his death. Kahit hindi ka niya sinaktan, he'll be a dead meat anyway." Kalmado niyang sabi.
"That time, kaya ka ba nasa orphanage ay para sa treaty of peace?" I asked. Tumango naman siya bilang sagot.
"W-Why?"
"I did that for you, Tori." He winked pero inirapan ko na lang.
"By the way, I want to take you out tomorrow. Let's have our official date,"
"Date? Where?"
"You'll see," nakangiti niyang sabi.
"Umoo na ba ako?" Masungit kong sabi.
"You have no choice but to come since ipinagpaalam na kita sa jefe,"
"What about my opinion, mister?"
"I know you'll say no sweetheart so I'm sorry for pulling the father card," he chuckled.
"Ugh, I hate you!"
"Don't worry, I like you." Nakangisi niyang sabi. Pero inirapan ko na lang siya ulit at uminom na lang ng tsaa ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top