10 - The Garden of Iris
"Miss, sir Nixon is already in the garden waiting for you." Sabi sa akin ni Rosan. Napabuntong hininga naman ako. Halos isang linggo na din ang nakalipas mula nung nagpakilala siya bilang manliligaw ko. Halos araw-araw nga yata siyang bumibisita dito. Wala na lang din akong magawa. Marami na akong ginawang dahilan para iwasan siya like masama pakiramdam ko, or may lakad ako pero matiyaga pa din siyang naghihintay doon sa garden. Ngayon ko lang talaga siya imemeet dahil naubusan na ako nang idadahilan.
Nagpasya muna akong maligo at magbabad sa bathtub. Sinadya kong bagalan ang pagpprepare ko bago ko siya pinuntahan sa may gazebo.
Nang makarating ako sa garden ay naabutan ko siya doon na nagtsatsaa at seryosong nagbabasa ng dyaryo. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay tila umaliwalas ang mukha niya. Para siyang tuta na biglang nasabik na makita amo niya. Hahaha!
Pinigilan ko ang sarili ko na matawa at naupo na lang sa upuan katapat niya. Hangga't maaari ay ayaw kong ipakita sa kaniya na tumawa ako or ngumiti kasi baka ano isipin niya. Pinanood ko lang siya na lagyan ako ng tsaa sa tea cup ko.
"I brought this tea for you. I bought it from England." Sabi niya kaya nga agad ko na itong sinimsim.
"It's a tea good for your stomach ache," nakangiti niyang sabi. Muntik na akong masamid sa sinabi niya. Paano kasi dinahilan ko last time na masakit ang tiyan ko kaya hindi kami nagkita. I didn't know na bibilhin niya pa talaga ako ng tsaa para lang sa excuse ko. Mukha namang naniwala siya. Hahaha! Pero ewan ko ba bigla yata akong sinipa ng konsensya ko dahil nagsinungaling ako sa kaniya.
"R-Rosan! Come sit, you should also taste the tea." Sabi ko at agad hinatak ang isang upuan para paupuin si Rosan. Wala kasi si Ivan ngayon, since nirequest daw ng Nixon na ito kay Dad na huwag isama si Ivan kada magkikita kami sa garden. Hindi ko alam kung bakit. Tch! Naghehesitate pang lumapit si Rosan nung una dahil nakatingin siya kay Nixon pero agad din siyang sumunod sa akin.
"Nixon, pour some tea for her." Utos ko. Kunot noo naman siyang tumingin sa akin.
"Please?" Pagmamakaawa ko. Napabuntong hininga na lang siya saka pinagsalin din si Rosan ng tsaa sa isang tea cup.
"T-Thank you po." Nahihiyang sabi ni Rosan at dahan-dahang sinimsim ang tsaa. Napangisi na lang ako dahil sa nasaksihan ko. Hehe! Sila talaga ang bagay walang duda, since they are the main characters in this novel. Kung kailangan kong magpaka-kupido ay gagawin ko. Kasi hangga't maaari ayoko nang madawit sa dalawang ito. I want to live here peacefully. At para makamit ko iyon, kailangan magkaroon ng happily ever after ang dalawang bida.
"Oh, wait! I forgot something. Please excuse me." Sabi ko at agad tumayo. Tatayo na din sana si Rosan nang pigilan ko siya.
"You should stay here, Rosan. Kawawa naman si Nixon if maiiwan dito hindi ba? Hehe."
"B-But, miss--"
"I'll be back." Sagot ko at tinap siya sa balikat. Hindi ko na lang tinignan si Nixon at agad nang umalis. Nang medyo makalayo na ako ay nilingon ko sila. Napangiti na lang ako nang makita silang dalawa sa napakagandang scenery ng garden tapos umalis na din. Sorry Rosan for leaving you there, but you deserve to be there instead of me.
Nagpasya akong magtago dito sa may likod ng mansyon, narinig ko kasi sa mga maid na may isa pa palang garden dito kaya nagpasya akong tignan ito ngayon. Namangha na lang ako nang makita ko ang garden. Kung yung garden na tanaw sa bintana ng kwarto ko ay puro roses ang bulaklak, dito naman ay puro Iris. Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng comfort sa lugar na ito. It feels nostalgic.
Habang naglilibot ako sa garden ay bigla kong nakita ang isang wooden swing na nakakabit sa isang puno. Hindi ko alam pero agad akong dinala ng mga paa ko doon. Naupo ako sa swing at dinama ang hangin na tumatama sa mukha ko. Nang ipikit ko ang mata ko ay bigla na lang akong may naalala'ng memorya.
"Do you like it?" The woman asked with a sweet smile on her face.
"Yes, Mom. I love it! Thank you!" Nakangiting sagot ng batang Victoria sa Mom niya habang nakaupo sa swing.
"Close your eyes and hold tight, okay?" Bilin nito na agad namang sinunod ni Victoria. Nang ipikit niya ang mga mata niya ay agad tinulak ng Mom niya ang swing while the wind is blowing her hair.
Doon ko biglang naalala, that this garden is solely for her Mom. This garden full of Iris flowers reminds them of Irisenna Mera. The mother of Victoria. Bakit ngayon ko lang naalala ito? Kaya pala pamilyar siya sa akin.
Bigla akong napadilat nang maramdaman na may tumulak sa swing. Nang tignan ko kung sino ang nasa likod ko ay nagtagpo ang mga mata namin ni Nixon. Sa gulat ko sa kaniya ay agad akong napatayo sa swing at muntik nang mawalan ng balanse pero agad niya akong hinila at sinapo. At dahil ayoko na ng isa pang titigan moment gaya ng mga nasa romance novel, you know what I mean? Yung kapag sinalo ka ng lalaki eh magkakatitigan kayo. Psh! Agad akong bumitaw sa kaniya at pinanliitan siya ng mata.
"What are you doing here? How did you know that I'm here?" I asked.
"I should be the one asking you that, chestnut. What are you doing here?" He asked.
"None of your business," mataray kong sabi.
"If you want to walk in the garden you should ask me, hindi yung iiwan mo ako. Konti na lang iisipin ko na nirereto mo ako sa maid niyo." He chuckled. Pero hindi ako natawa since iyon naman talaga intensyon ko.
"I'm leaving," sabi ko at akto na sanang aalis nang bigla siyang humarang sa dadaanan ko.
"Chestnut--"
"Stop calling me that, I hate it."
"What should I call you?"
"Call me anything you want wag lang iyan," sabi ko.
"Okay then, honey pepper bunch."
"Ugh! Gross! I changed my mind, just call me Tori." Inis kong sabi. Humagalpak naman siya sa tawa dahil doon. Bwisit! Tumaas yata balahibo ko doon.
"Alright, Tori." Nakangiti niyang sabi. Nagsimula naman na akong maglakad paalis.
"Can't you leave me alone?" Inis kong sabi.
"Why should I? Hindi pa ba sapat ang isang linggo sa iyo? Ngayon mo lang ako sinipot, papakawalan pa ba kita?" Napahinto naman ako sa sinabi niya. He knew?
"H-How--"
"That you're making an excuse not to see me? Yep, I knew," nakangiti niyang sagot.
"Eh bakit naghihintay ka pa din sa akin sa garden kahit alam mong hindi pala kita sisiputin?" I asked.
"Because I know you will come one day. Hindi ko lang alam na aabutin ka pala ng isang linggo bago dumating at siputin ako. Hahaha!"
"I warned you. Mahihirapan ka lang sa akin," sabi ko.
"I don't mind. Kahit na isang buwan pa ang abutin bago mo ako siputin, maghihintay pa din ako in that same spot." Sabi niya at nilagyan ako ng bulaklak sa likod ng tenga ko. Napatitig na lang ako sa kaniya dahil doon pero agad ko ding iniwas ang tingin ko.
"I-If you want to walk with me, stop spouting nonsense." Sabi ko at nauna nang maglakad sa kaniya.
"Alright!" Nakangiti niyang sagot at sumunod na sa akin sa paglalakad. Psh! Ano bang nakakatuwa dito? Kung makangiti siya akala mo naman nanalo sa lotto. Pasalamat siya nakonsensya ako kundi hindi ako papayag na isama siya sa paglilibot ko dito sa garden. Hmph!
Hindi ko alam pero bigla na lang gumaan ang mood ko nang makita ang mga magagandang bulaklak. Now I already have something to remember my Mom here.
Bigla tuloy akong napaisip. Kamusta na kaya ang pamilya ko? Umiyak ba sila nung nalaman nilang namatay ako? Nagkaroon kaya ako ng magandang burol? Maganda kaya itsura ko sa kabaong? Ano kayang picture ko ang dinisplay nila? Isa lang naman iyan sa mga iniisip ko. Pero nalungkot din ako dahil hindi ko na sila makikita pa. But I hope they're doing fine ngayong wala na ako doon sa tabi nila. Pinipilit ko na lang ang sarili ko na mag-adjust dito sa bagong mundo na pinasukan ko kaya hindi ko masyadong iniisip ang naging pamilya ko. Since I'm busy here planning my escape. Escape from death. But unexpectedly, ang lalaking nakatakdang pumatay sa akin sa ending ng storya na ito ay kasalukuyan ngayong nasa tabi ko kasama kong naglilibot dito sa garden at hindi mapigilan ang ngiti sa kaniyang labi.
"Stop smiling like an idiot, it's annoying." Inis kong sabi pero lalo niya pang nilakihan ang ngiti niya kaya napairap na lang ako. Grr! He's making this hard for me!
***
(Victoria's photo on the gallery...)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top