Final Walk

"Kung ikaw ay mawawala sa king piling. Dinggin mo ang aking bilin."

Shawn is my best buddy. My bestfriend. Kung may taong kilala ang pagkatao ko, siya 'yon.

He said I was his Angel. His blessing.

But he's wrong.

Because he's my blessing. My Angel. Ang taga-punas ng bawat luha ko. Ang sandalan ko.

I can't imagine my life without him.

"You should stop chasing her, Angel. He's not worth it." Disappointed na umiling sa 'kin si Mommy.

Lumabi ako. "Mom, I really love him."

"He's hurting you, Angel! You don't deserve that!" Her soft voice was loud. Nakakapanibago. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit.

"I love him."

Maraming ang may ayaw kay Nicolas. Hindi nila gusto na hinahabol ko siya. Hindi rin naman ako gusto ni Nicolas. 

Hindi rin nila gets kung bakit mahal ko siya.

Well, when a person is in love, does she or he really need a reason to fall?

Sa ilang taon na paghahabol ko sa kanya, hindi niya ako nagawang tingnan, mahalin.

He was my classmates on High school. He saved me when a group of girls bullied me. That's one-time thing but from that day until now, I couldn't take my eyes away from him.

Palagi akong nakatingin, nakahabol, nagmamahal.

Then one day, I met him. I met Shawn. That day, my whole life changed.

"Mahal kita," I cried. Nakayuko ako. Nakatitig sa nabasag na bote at baso sa sahig na nabangga niya dahil sa pag-iwas sa 'kin.

I follow Nicolas here and I tried to kiss him. Sobrang naaawa na ako sa sarili ko. Pero hindi ko pa rin kayang bitawan siya.

"I'm sorry but I can't love you." I cried more

"Ang... daya," it came a whisper. Bakit hindi niya ako magawang mahalin? Ayaw niya ba talaga sa 'kin? 

"I'm sorry," he said.

Sorry for what? For me-being pathetic? Or for my feelings?

Sa ilang taon kong pagmamahal sa kanya puro na lang sorry ang natanggap ko. Wala na bang bago?

I cried more.

"Hey," a deep baritone voice said. Nag-angat ako nang tingin. A deep charcoal eye met mine.

"Bakit... po?" nauutal kong tanong. Umalis na si Nicolas. Iniwan na naman ako. Tinakbuhan na naman ako.

"Stop crying," he said softly.

Umiling ako. How can I stop crying? How can I stop my heart from beating for Nicolas?

I never thought Shawn will be part of my life. 

'Yong lalaking nagpatahan sa 'kin at palagi pa ring nagpapatahan sa 'kin ay magiging bahagi ng buhay ko.

Hinihingal siyang lumapit sa 'kin. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala. Dapat mamaya na lang niya ako pinuntahan. May klase pa kaya siya.

"Masakit pa?" malambing niyang tanong. 

Marahan akong tumango. "Oo."

"Did you drink your meds?" Alam na alam ni Shawn na kailangan kong uminom ng gamot sa tuwing inaatake ako ng dysmenorrhea. 

"Opo."

Ngumiti siya. "Sleep again. I'm here. Babantayan kita."

But Shawn broke his promise. 

Hindi niya ako binantayan.

He left me for unknown reasons.

Iniwasan niya ako. Hindi niya sinasagot ang text ko. Kapag pumupunta ako sa training nila, palagi siyang wala.

Ang sabi ng teammate niya may bagong dini-date.

Ah. 

Then I realized from the first day of our friendship, wala siyang pinakilala sa 'king babae.

He never mentions anything about his dating life.

Siguro masyado akong nag-focus sa sarili ko. Puro palagi ako. Ako na nangangailangan. Ako na palaging pinupuntahan.

Pinapasok ko si Shawn sa buhay ko pero hindi ko siya kinilala.

I forget to think about him. To take care of him.

Puro na lang pala ako.

"Lasing na lasing. Ikaw ang hinahanap."

When one of his friends called me, I hurriedly ran towards him. Katulad ng ginagawa niya sa tuwing kailangan ko siya.

And I lost my strength when I saw him.

Nakatungo siya sa mesa. Nagkalat din ang mga bote ng alak. He looks like he wanted to give up.

"Shawn." Marahan ko siyang kinalabit. "Shawn."

He slowly raised his head. "Who are you?"

"It's me. Angel."

"Angel?" He sarcastically laughed.  "Your name is Angel but why your name sounds like trouble?" Lasing siyang ngumiti sa 'kin. "And you..." nabasag ang boses niya. "... you always belonged to someone else."

Mapait akong ngumiti. "I'm sorry."

"Don't say sorry. Don't say sorry just because you can't love me."

Maraming beses kong nasaktan si Shawn kahit hindi niya sinasabi, nararamdaman ko. Alam ko.

I waited for him to open his feelings. To tell me everything. Kung may hinanakit ba siya sa 'kin. Kung ano ang dapat kong gawin para makabawi sa kanya.

But he remained silent. He never tell anything.

Mas pinili niyang manahimik.

Mas pinili niyang bumalik sa 'kin. Palagi. Nang paulit-ulit.

"Matagal akong nawala sa tabi mo. Tapos pagbalik ko na sa Hospital ka na," he silently said.

"Babalik ka na?" I asked while crying. It was hard to live without him. Nasanay na ako na palagi ko siyang kasama. "Babalik ka na, Shawn? Hindi mo na ako iiwan?" ulit ko.

He nodded. "Hindi na."

Little by little, Shawn become the most important person in me. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero masaya ako sa bagong pakiramdam na 'to.

Masaya ako sa bago at kakaibang pakiramdam. 

Na kahit para akong lumilipad sa alapaap. Na kahit para akong nalulunod sa kailaliman ng dagat, pipiliin ko ang pakiramdam na 'to.

Pero parang may nagbago rin kay Nicolas.  

"Nicolas." One day, I found him, waiting for me outside of our classroom. 

"Hi, Angel." He smiled. "Can I take you for a dinner?"

"Ha?" naguguluhang tanong ko.

"I want to date you, Angel. I want to know you." Pinagmasdan ko siya. He's still the same person I love. May ngisi na palaging nakakabit sa labi. Singkit ang mga mata. Maayos ang pagkakasuklay sa buhok. Matangkad.

He's still the same Nicolas.

Pero hindi na siya ang hinahanap-hanap ko.

"Sorr-" 

"Don't play with her feelings." Before I can finish what to say, Shawn interrupted me. "Don't be a asshole even though you're asshole already."

Nicolas smirked. "I'm not playing here. I'm serious." Tumingin siya sa 'kin. "I want to be with her." 

Shawn hid me behind him. "Not gonna let you."

Nicolas sarcastically laughed. "Sino ka ba? Isa ka lang namang asong habol na habol sa kan-"

"Hey!" I shouted. "Hindi ako sasama sa 'yo, Nicolas." Umiling ako. "I'm sorry." Hinila ko si Shawn at umalis na.

But Nicolas didn't stop. Siya naman ang habol nang habol. Siya naman ang palaging nakasunod.

I don't know why he became like this. Saka bakit ngayon pa? Kung kailan okay na ako?

"Is this a challenge for you?" I asked Nicolas when I confronted him. I went with him when he invited me again. Para matapos na 'to. Para tumigil na siya.

"No." Sinubukan niya akong lapitan pero agad akong lumayo.

"Then, what are you doing?"

"I like you, Angel." He smiled. I know it's too late to say this but I want to try. I want a chance to be with you."

Umiling ako nang ilang beses. Ngumiti nang mapait. "I'm sorry, Nicolas but I won't give you a chance."

Tumawa siya nang mapakla. "Why? Because of that asshole?"

"He's not an asshole, Nicolas." I smiled when I remember what kind of person Shawn is. "He's kind. Caring. And a breath of air."

"Babalik ka din sa 'kin." Mas lumapit siya sa 'kin. "Ako ang una. Babalik ka rin."

Pero paano ako babalik kung wala naman kaming nasimulan? Paano ako babalik kung hindi na siya ang tinitibok ng puso ko? Katulad ng pagbabago ng nararamdaman niya, nagbago rin ang akin.

"Mommy, do you think he loves me?" I asked absentmindedly. 

Minsan parang mahal niya ako. Minsan naman parang ordinaryo na sa kanya ang mga ginagawa niya sa akin.

She gently smiles. "What is not to love about you?"

I wanted to know his feelings. I wanted to ask him. Kaso wala akong lakas na loob.

Pero naisip ko, hindi ko na kailangan magtanong. Dahil minsan, sapat na ang mga kilos niya.

I cried when I saw their surprise. I never expected anything from him. But he always makes me feel how important I am.

"Shawn! Thank you!" I hugged her tightly.

He hugged me back. "Anything for you."

I sweetly smiled at him. "What will I do without you, Shawn?"

Ang daling mabuhay kapag kasama ko siya. Ang dali maging masaya kapag siya ang dahilan.

Kaya paano ako kung wala siya? Nasaan kaya ako ngayon kung hindi siya dumating sa buhay ko? Siguro, hinahabol ko pa rin si Nicolas at nagmu-mukhang tanga.

Mas lalo akong nahuhulog sa kanya ng walang laban.

Without him, I can't be happy as I am right now.

Kaya hindi ko na kailangan ng mga salita.

I wanted to tell him about my feelings. Gustong-gusto ko sabihin sa kanya. At kung hindi naman kami pareho ng nararamdaman. Kung mali man ang pakiramdam ko, ayos lang. Gusto ko lang sabihin.

Pero hindi ako makahanap ng timing. Saka hindi ko alam kung paano.

Sa tagal kong naghahabol kay Nicolas, maniniwala kaya siya?

Paniniwalaan niya ba ako?

That's why I made a letter for him. Alam ko rin kasi na baka manlambot lang ako kapag sinabi ko sa kanya ng harapan. Mas madaling isulat.

And when the right time comes, I will give it to him.

Kaya lang... kaya lang hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon na sabihin sa kanya. Na ibigay sa kanya ang sulat na ginawa ko.

"Hey, Angel, hey." Ramdam ko panginginig ng kamay ni Shawn. "Open your eyes. Hey." I felt his tears dripping down my face.

Sayang. Sana sinabi ko na dati pa. Sayang. Sana sinabi ko na no'ng una ko pa lang naramdaman.

"Shawn." I slowly open my eyes. "Shawn," I whispered. Gamit ang nanghihinang kamay, sinubukan kong haplusin ang mukha niya. "Shawn... thank you."

"Ssh," alo niya. "Don't talk anymore, please. Everything will be fine. You will be fine."

Hindi na. Hindi na magiging okay ang lahat, Shawn. I'm sorry. I'm sorry.

"Don't leave me, okay?" I smile sadly. I'm sorry for leaving you, Shawn. Ayoko sana. Pero ito na talaga.

"Mahal kita."

Sana narinig niya. Sana Sana. Sana.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top