Kung maibabalik lang sana
Iindahin ko ang sakit na gumuguhit
I wiped my tears again. "Mommy? Where are you?" Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng grocery. Hindi ko mahanap si Mommy.
Did she go home without me? Dahil ba turo ako nang turo?
But she loves me. Suminghot ako. Gusto ko na umuwi.
Pero gusto ko rin ng chocolates na tinitingnan ko baka ako mawala.
Lumabi ako. "Mommy." Uwi na po tayo. Sumalampak ako sa sahig at mas lalong umiyak.
Pinagtitinginan na rin ako ng mga tao dito sa loob ng Mall.
I wanted to ask some help but I'm scared. Sabi ni Mommy huwag basta kakausap ng ibang tao. Kasi madalas, puro bad people.
Nagulat ako nang may umupo rin sa tabi ko. Nilingon ko ito. "Bata. Nawawala ka?" Inayos ng batang lalaki 'yong sumbrero niya. Nakita ko tuloy na kalbo siya.
Tumigil ako sa pag-iyak at nagpunas ng sipon. "Oo."
Inabutan niya ako ng lollipop. "Oh. Tahan na."
Kinuha ko ito at binuksan. "I want to go home." Suminghot ako.
"Ako rin nawawala. Pero 'di ako umiiyak." Ngumiti siya. "Kaya tahan na."
Tumayo siya kaya naman tumayo rin ako. "Where are you going?"
"Uuwi na." Akala ko ba nawawala siya? "Marunong akong umuwi mag-isa."
Hinila ko ang laylayan ng shirt niya. "Sama ako."
He shook his head. "Bawal."
Tumalikod siya at naglakad. Mabilis akong sumunod sa kanya.
Lumingon siya — inaasahan siguro na nakasunod ako.
Naiinis niyang kinamot ang noo niya nang makita "Stop following me. Uuwi na ako."
"Eh..." Nagsimulang manginig ang balikat ko. "Wala ako kasama. Natatakot ako."
Bumuntong siya. Grabe naman siya. Ang bata pa namin pero parang pasan na niya ang mundo. "Sige. Sama ka muna sa 'kin."
Ngumiti ako at masayang pumalakpak. Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad. Hindi ko hinayaan na mawala siya sa paningin ko.
Huminto ako sa labas ng DQ nang pumasok siya. Bibili ata siya ng ice-cream. Gusto ko rin sana ng ice-cream kaso wala naman akong pera.
Yumuko ako at naghintay na lang sa kanya.
Sana ubusin na niya 'yong ice-cream niya sa loob. Kasi kapag kinain niya 'yon na kasama ako, maiinggit lang ako.
Pero puwede naman niya akong bigyan. Sana bigyan niya ako.
"Oh. Bata." Umayos ako ng tayo nang marinig ko ang boses niya. "This is for you."
"Wow!" Agad kong kinuha sa kanya. Cookies and cream! Tulad ng palagi kong ginagawa kapag binibili ako ni Mommy ng ganito, tinaob ko ito at hindi man lang nalaglag. Ngumiti ako sa kanya. "Thank you! Ang bait-bait mo!" Sumubo ako at halos napapikit sa sarap. Hindi naman malalaman ni Mommy na kumain ako ng ice-cream kaya 'di niya ako mapapagalitan.
Ngumuso ako nang maalala si Mommy. 'Di kaya sinadya ni Mommy na iwan ako kasi pasaway ako?
Ngayon lang naman ako kakain ng ice-cream na wala siya. Saka libre ito. Saka sabi niya bawal magsayang ng food.
Umupo kami sa may bench malapit sa DQ.
"Ilan taon ka na, bata?" tanong niya bago sumubo ng ice-cream. Gusto ko ng ice-cream niya. Vanilla flavor.
Puwede kaya ako makitikim?
Masaya kong pinakita ang pitong daliri ko. "Seven! Ikaw po?"
"Eight." Tumingin siya sa 'kin bago nilapit sa 'kin ang ice-cream niya. "Tikim ka."
Kumuha kaagad ako sa ice-cream niya. Ang sarap!
Tumawa siya. "Parang bata."
I pouted. "Bata pa naman talaga ako. Ikaw rin naman, a."
He shook his head. "Nope. I'm already big boy."
Tinitigan ko siya at biglang may naisip. "Friends na ba tayo?" tanong ko. "Alam mo kasi sa school, wala ako friend. Ayaw nila sa 'kin. Uto-uto raw ako." Ano ba 'yong uto-uto?
Nilapag niya 'yong ice-cream cup sa gilid niya. Sandaling nanahimik na parang nag-iisip. Ayaw niya ba? "Baka kasi bad ka kaya ayaw nila ikaw kalaro?"
"E... Hindi, a. Palagi ko nga silang binibigyan ng food ko." Lumabi ako. Namasa na naman ang gilid ng mga mata ko "Ayaw nila sa 'kin. Paano na ako?"
He gently patted my head. "Okay lang 'yan. Hindi naman natin puwedeng ipilit sarili natin."
"E... Paano ako magpapakasal paglaki ko kung walang may gusto sa 'kin?"
Natawa siya. "Ang bata mo pa kaya para diyan!"
Bakit ba sabi siya nang sabi na bata ako? E, bata rin kaya siya. Naka-tuck in kaya blue polo niya sa maong pants niya. Tapos nakausot pa siya ng Moose gear na rubber shoes. Bata rin siya! "E..."
He smiled. "Edi ako. Hahanapin kita. Papakasalan kita. Kaya dapat magpalaki ka."
Mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Okay! I will find you when I grow up! Kaya dapat hanapin mo rin ako, a."
Tumango siya. "Okay."
Lumabi ako at tuluyang umiyak. "Thank you."
Natataranta siyang lumapit sa 'kin. "Hey, stop crying. I didn't do anything." He wiped my tears. "Payag na nga ako maging friend mo."
"Sorry. Natutuwa lang ako." Humikbi ako.
"Dapat kapag masaya hindi umiiyak," pangaral niya.
"Okay." Tumahan na ako. Baka bigla niyang bawiin ang pagiging friends namin. Siya pa naman una kong friend. Saka gusto ko talaga siya maging friend. Nilibre niya ako ice-cream at sinamahan ako. "Okay. Hindi na ako magiging iyakin."
"Tapos mag-smile ka na palagi, a? Para mas lalo kang gumanda." Tango ulit. Lagi naman akong nakangiti kahit hindi pa ulit complete teeth ko.
"Basta friends na tayo," ulit ko.
Ngumiti siya at tumango. "Opo. Hindi magbabago 'yon."
Niyakap ko siya sa baywang. Ang bait-bait niya talaga! Siya na rin best friend ko!
Humiwalay ako sa kanya. Napansin ko naman na namumula mukha niya. May sakit ba siya?
Nanlaki ang mata ko nang may matanaw ako sa likod niya. Natutuwang tinuro ko ito sa kanya. "Si Mommy! Ayon ang Mommy ko!"
"Mommy! Mommy!" malakas na tawag ko kay Mommy.
Mabilis na tumingin si Mommy sa puwesto ko. Naiiyak siyang lumapit. "Angel! I've been looking for you! Pinag-alala mo ako!" Niyakap niya ako. "Uuwi na tayo, anak!"
"Wait po." Lumingon ako. "Ano pangalan mo?"
He smiled. "Shawn."
🌼🌼🌼
Hi! I wrote this chapter to let you know that destiny is amazing.
And let me share you something.
I wrote this story for my friend. For his love to someone. But unlike what happened on Shawn and Angel, hindi siya nito minahal pabalik.
Pero ano ba ang mas masakit? Ang hindi ka mahalin o malaman na mahal ka niya pero huli na?
Kaya ayon, thank you. Thank you for reading this story. Thank you. Thank you for letting me share this story with you.
Stay safe! And don't be afraid to fall in love and learn how to let go.
And remember, hindi lahat ng pagmamahal ay para sa 'tin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top