SPECIAL CHAPTER: HAPPY BIRTHDAY, LOVE

Ken's POV

Tomorrow is Emily's birthday. Kahapon pa pabalik-balik dito sa bahay si Sandra para dalhin ang mga regalo ng readers niya. Kahit busy siya sa residency niya ay naglalaan pa rin siya ng oras bilang admin ni Emily. Hindi niya pa mabuksan ang mga iyon dahil palagi siyang busy sa hospital. Minsan nga two days kaming hindi nagkikita dahil sobrang daming trabaho. We got married last year and that was the best day of my life.

Having her by my side everyday as I wake up is what I prayed for almost all my life. I thank God for giving me chance to sleep and wake up beside her. Nahinto na lang ang pag-iisip ko kay Ems nang tumunog ang phone ko.

Love calling...

Agad kong sinagot ang tawag. Mukhang nagkaroon siya ng free time ngayon. Kaya agad kong sinagot ang tawag. Grave yard shift siya ngayon. Hinatid ko siya sa hospital kaninang 3pm.

"Hello, Love?" I said.

"I'm tired, Love... I miss you..." she answered. Tiredness is evident in her voice. Siguro toxic ang naging duty niya for the day.

"Kaya mo 'yan, Love! Makakauwi ka rin later. Do you want me to bring you some food?" sagot ko.

"Yes, Love. Can you? Tapos ka na ba sa paper works mo?"

"Yes. Free schedule ko ngayon. You want me to cook something?" I asked.

"I want spaghetti with meatballs, Love."

"Spaghetti meatballs it is!" sagot ko.

Tumunog ang speakers ng hospital.

"Code Blue—Code Blue." Agad na ibinaba ni Ems ang tawag.

Napabuntong hininga na lang ako. Ganito siguro talaga kapag magkaiba kami ng nature of work. I am trying my best to understand more of her work duties. Hindi madaling maging nurse kaya as much as possible iniintindi ko 'yong downsides ng work na pinili niya.

Lumabas na ako ng art room ko para ipagluto siya ng cravings niya. That's all I can do to make her feel better. Pagkatapos kong magluto ay naligo na ako at nagbihis para puntahan si Ems sa hospital.

"Engr. Ken!" bati sa akin ni Dra. Lia.

"Hi, Dra! Good evening!" bati ko. Hindi naman kasi maganda kung dadaanan ko lang siya, maayos naman siya bumati.

"Love!" tawag ni Ems sa akin.

"Good evening, Engineer! Have a nice night! I hope one day we can talk," Dra Lia answered.

"I'm sorry that one day will never happen. I already have a wife. Have a nice day, Miss." Iniwan ko na siya sa tapat ng emergency room at lumapit na kay Ems na kalalabas lang ng operating room.

"Engr. Ken Pietro Lizardo, alam mo ba kung ilang oras ako roon sa loob? Tapos makikita ko kausap mo 'yong doktora na 'yon? Magsama na nga kayo!" Emily said with an annoying look.

"I don't know, Mrs. Lizardo but I already made you your dinner. Huwag ka mag-isip ng kung ano-ano! Mas maganda ka roon at ikaw lang gusto ko. Love naman, we're already one year together under the same roof tapos magseselos ka pa." Hinapit ko siya palapit sa akin at niyakap ng mahigpit.

"I love you. Sorry I'm just tired of all the work the whole day," she said.

"I love you too. Don't think of any thoughts about me slipping by your side. Kahit kailan hindi mangyayari 'yon. Let's eat na para makapag-recharge ka," sagot ko.

Nagpunta na kami sa cafeteria ng hospital nila. Technically she's still working on Vince's hospital. Hindi naman siya tinanggal ng Mama ni Vince and she's in good terms with his family. Everyone might think that it's inappropriate to be friends with your ex lover but for me it's not. As long as you both know your limits. Hindi naman maiiwasan na hindi sila magkita ni Vince dahil nasa iisang circle of friends lang kami.

"Love, what's our plan for my birthday tomorrow?" she asked while eating the spaghetti.

"Nag-file ka na ba ng leave?" I answered.

"Yeah. Naghihintay na lang ako ng approval from the management," sagot niya.

"That's good. May plan na ako for your birthday."

"What?" sagot niya.

"It's a surprise. You'll know it tomorrow," sagot ko.

I will bring her to South Korea. We'll go there with our friends. Kasabay namin si Sandra then si Ivan ay susunod na lang daw doon since may tinatapos pa siya na proposal. Si Lean naman hindi makakasama dahil abala siya sa upcoming debut ng group niya. So double date ang mangyayari sa amin bukas pagdating ng Korea.

"By 6 am pa ako makakauwi. Pagod na ako... Ma-mi-miss na naman kita," she said.

Niligpit ko na ang pinagkainan niya at nilagay ito sa lunch box na dala ko.

"Okay lang 'yan, Love. That means you'll heal more people," sagot ko.

"I know that, Love. But here's the thing I don't have enough time to be with you and I don't have time to write. I miss those days na sobrang free ko pa. Hindi na nga ako nakakabisita kay Mommy sa sobrang busy ko," sagot niya.

"We'll visit her tomorrow. Gusto mo ba magsulat na lang bukas?" sagot ko.

"Nope. I want to celebrate my birthday with you, our friends, and mommy. Syempre gusto ko rin i-celebrate with SavvFam. I'll try to make time for them," sagot niya.

"Don't be pressured about anything, Love. Nandito naman ako para mag-alaga kay Mommy kapag kailangan niya ng someone beside her. For SavvFam? Sandra is always there for them. We'll celebrate your birthday with them."

"Love, hindi natin pwede iasa kay Sands 'yon dahil may sarili rin siyang life. She's already a resident doctor. Hindi natin siya pwedeng abalahanin palagi."

"Edi ako. I can handle the admins. Magpapaturo ako kay Sands. Huwag ka nang mabahala sa mga iba mong responsibilities. I'll share it with you."

"No. Ayoko. Marami ka ring ginagawa. Hindi lang ako ang priority mo. Gusto mo bang magalit si Ate Kass sa 'yo kasi napabayaan mo 'yong company mo? Kaya ko naman, Love. Don't worry. Hindi sa lahat ng oras kailangan mo saluhin 'yong mga responsibilidad ko. Kaya nga responsibilidad ko 'yon eh. Hindi naman ikaw ako para mamoroblema."

"Out of all my priorities you are the top of them all. Problema ng isa, problema ng lahat. Kaya nga tayo pinag-isa ni Lord para may kasalo ka sa mga problema mo. Remember what I promised in front of everyone and the Lord? That we'll get through everything together."

"Opo, Love. Don't be so stressed out about my problems. I know we can solve this together. Stressed na nga ako here, you'll add up pa." Inirapan niya ako.

Napailing na lang ako at mahinang tumawa.

"Just think about your birthday tomorrow okay?" sagot ko.

"Yup. It's getting late na, Love. Hatid na kita sa labas?" she answered.

Malapit na mag 9 pm kaya siguro kailangan niya nang bumalik. Tapos na ang 30 minutes break niya.

Tumango ako para makaalis na rin. Siguro rin ay hinahanap na siya roon sa station nila. Hinatid niya ako hanggang sa parking lot. She hugged me for the last time. I kissed her forehead and lips before I go inside my car.

"Bye, Love! Ingat sa pag-da-drive! Huwag kaskasero ha?" she said.

"Yup! Enjoy saving lives, Love! Pumasok ka muna bago ko umalis," sagot ko.

Hinintay ko munang makapasok siya ng tuluyan sa loob bago ko minaneho ang kotse paalis. Nagmaneho na ako papunta sa provincial hospital dahil doon residente si Sandra. Magpapatulong ako sa kaniya na ayusin 'yong living room namin para sa pag-uwi ni Ems ay makapag-celebrate kami saglit at makaalis bandang tanghali.

Nang makarating ako sa provincial hospital ay nakita ko agad si Sandra na nag-aabang dala ang backpack niya at ang mga pinabili ko sa kaniyang gamit. Naka-face mask pa siya dahil mukhang katatapos niya lang mag-duty. Binuksan niya na ang pinto ng kotse. Sa backseat na siya sumakay dahil alam niya na kay Ems ang front seat.

"Let's go na, Kuya. Baka mapagsaraduhan tayo ng mall at hindi makabili ng cake," saad niya.

"Tara na." Pinaandar ko na ang kotse paalis.

"Nakapag-impake ka na ba ng mga gamit niyo ni Ems?" tanong niya.

"Yup, kahapon pa. Tinago ko sa walk in closet namin 'yong maleta para hindi siya makahalata," sagot ko.

"Baka pagbalik niyo rito after our trip may pamangkin na kami ah!" sagot niya.

"Not yet pa, Sands. Ine-enjoy pa namin ang married life namin. Baka kayo ni Ivan may progress na mangyari. You know? We miss our mais con yelo couple!" sagot ko.

"Hindi pa rin namin time, Kuya. Alam mo naman paano kami nagtapos na dalawa 'di ba? Saka busy 'yon sa New Zealand!" sagot niya.

"Malay mo nauna na siya sa South Korea? Laking tipid kaya ng trip natin kasi libre na hotel!" sagot ko.

Kanina nag-chat na sa akin si Ivan na papunta na siya ng Korea at sagot niya na raw 'yong hotel accommodations namin.

"Bakit? Sasama raw ba siya? Handa na nga akong maki-third wheel sa inyo para lang maamoy ang simoy ng hangin ng South Korea eh!" sagot niya.

"Well... Let's see!" sagot ko.

Pagdating namin sa mall ay bumili lang kami ng cake at binili ko rin si Ems ng sapatos na matagal niya nang gustong bilhin. Bumili na rin ako ng gift wrapper para sa sapatos. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa bahay.

Nilagay ko na sa ref ang cake para hindi matunaw ang icing at umabot mamayang 12 am. Dalawang cake ang binili ko dahil mamayang 12 am ay babalik ako sa hospital para salubungin ang birthday ni Ems.

Nagsimula na kami ni Sandra mag-design ng lobo at mga confetti sa sala ng bahay.

"Kuya, grabe ng mga pakulo mo tuwing birthday ni Ems. Ang swerte niyong dalawa sa isa't isa," saad niya habang dinidikit ang pictures namin ni Ems sa isang malaking cork board dito sa sala. Dahil parehas kaming makakalimutin ng mga gawain namin ay nagpagawa ako ng malaking cork board sa sala para makita agad namin 'yong schedule namin para sa araw na 'yon. Minsan doon din nilalagay ni Ems 'yong mga writing ideas niya. Mostly pictures namin ang nakalagay roon.

"Kuya, tignan mo 'to," tawag sa akin ni Sandra.

Lumapit ako sa kaniya para makita ang picture. Ito 'yong prom night namin. Stolen picture namin ni Ems habang nasa gitna ng cotillion. Naalala ko pa 'yong ginawa ko sa tuxedo ni Ivan. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang noong high school lovers pa lang kami. Hindi mo aakalain na ang kasayaw ko sa picture ay kasama ko na pang-habang buhay.

"Saan mo nakuha 'yan?" saad ko.

"Sa group page ng school. 'Yong titig niyo sa isa't isa mukhang in love na in love. Head over heals ka kay Ems oh!" sagot niya na tinuturo ang mukha ko. Kahit nakamaskara ay mahahalata mong gusto ko ang kasayaw ko.

"Wala ba tayong group photo ng prom night natin?" sagot ko.

"Meron, nasa phone ni Ems o ni Andy," sagot niya.

"Chat mo si Andy, tanong mo kung meron siya para may copy rin kami," sagot ko.

Tinuloy na namin ang pag-aayos sa sala. Nang matapos ay hinatid ko na si Sandra sa kwartong tutuluyan niya. Hindi ko na siya pinauwi dahil gabing-gabi na. Sabi niya rin ay sasamahan niya ako sa hospital mamaya. Halos 11 pm na kami natapos mag-ayos sa sala. Nililigpit ko na ang mga ginamit namin nang tumunog ang cellphone ko.

Ate Kass calling...

Agad ko itong sinagot. Siguro ay may mahalaga siyang sasabihin para tumawag ng ganitong oras.

"Hello, Ken?" she said.

"Yes, Ate?" sagot ko.

"Send my regards to Ems ah? It's her birthday later. May ganap ka ba?" she answered.

"Meron. We'll go to Korea," sagot ko.

"Talaga naman! Yayamanin ang brother ko! Pautang nga!" sagot niya.

"Kay Kuya Kenneth ka na lang mangutang, Ate. Low budget ako ngayon eh," biro ko.

"Tignan mo 'to! Pagdating sa utangan laging low budget!" sagot niya.

"Aba syempre! Kailangan kong magtipid!" Tumawa ako para lalo siyang maasar.

"Kahit hindi ka na magtipid marami ka nang pera!"

"Enough with me, Ate. Ikaw? Kumusta ka riyan sa Canada?"

"I'm fine. Malamig dito," sagot niya.

"Ingat ka riyan. If we can pay you a visit next month we'll do. Para 'di ka masiyadong malungkot."

"Don't worry about me. Sige na, matulog ka na. Good night!" she answered.

"Good night, Ate! Ingat!" Binaba ko na ang tawag.

11:50 pm pa lang ay umalis na kami ni Sandra ng bahay para puntahan si Ems. Bumili kami ng kape sa malapit na 24/7 coffee shop. Saktong 12 am ay nakarating kami sa hospital. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko para tawagan si Ems.

Pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot niya na ang tawag. "Hello?"

"Happy birthday, Love!" I said.

"Thank you, Love... I miss you..." she answered.

"Labas ka, Love. Nasa parking lot ako," sagot ko.

"Okay, wait mo na lang ako diyan." Binaba niya na ang tawag.

Ni-ready na namin ni Sandra 'yong cake na dala namin. Bumaba na kami ng kotse ni Sandra at sinindihan niya na 'yong kandila nang makita si Ems na palabas.

"Happy Birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday, happy birthday, happy birthday, My Love!" kanta ko.

Nag-umpisa nang magtubig ang mga mata niya nang matapos ang kanta ko.

"Uy, Ems. Don't cry! Baka mamaya isipin nila nakipaghiwalay sa 'yo si Ken eh! May pa-remembrance lang na cake!" saad ni Sandra.

"Make a wish, Love!" I said.

Pinikit niya naman ang mata niya at pinagsiklop ang mga kamay niya. Pagkatapos ay hinipan niya na ang kandila.

"Happy Birthday!" bati namin ni Sandra.

"Thank you, Love. Thank you rin Sandra! Pasensya na't naabala ka pa nitong si Ken sa trabaho," saad ni Ems.

"Okay lang 'yon! I made time rin naman para sa 'yo. Minsan na lang tayo magkita-kita. Saka birthday mo! Alangan namang kulang tayo!" sagot ni Sandra.

"Bumati na nga sila Lean through phone eh. Hindi na nga raw sila makakasama if mag-throw ako ng party dahil busy sa kaniya-kaniya nilang trabaho," sagot ni Ems.

Binalik ko sa kahon ang cake at nilagay ulit ang ribbon nito.

"Give mo 'to sa mga ka-work mo. Bumili rin ako ng coffee for you guys. Alam ko naman na 'di pwede magdala ng food na marami since walang kakain. Kaya coffee na lang saka itong cake." Inabot ko sa kaniya ang cake.

"Ken, hatid mo na si Ems. Baka hindi mabitbit eh. Ang dami mong pa-ayuda!" saad ni Sandra.

"Correct ka diyan, Sands! Look at your eyes, Love. Puyat na puyat! Pag-uwi mo matulog ka na ah. Huwag ka nang maglaro!" sagot ni Ems.

"Opo, hatid ka na namin ni Sandra hanggang entrance para kaunti lang bitbitin mo," sagot ko.

"Sa tingin mo ba mabibitbit ko 'to lahat? Nasa third floor 'yong station ko!" sagot niya.

"Oh edi hatid mo na siya, Kuya. Hintayin na lang kita sa lobby," sagot ni Sandra.

"Sandra, sa bahay ka na matulog. Bukas ka na magpahatid," bilin ni Ems.

"Yup. For your peace of mind. Excited ako for tomorrow!" saad ni Sandra.

Tinawanan lang siya ni Ems. Hinatid ko na siya sa station nila. Saglit niya akong niyakap bago umalis. Kumaway lang ako sa kaniya nang makasakay na sa elevator. Nakita kong tumatawag si Ivan sa messenger kaya sinagot ko na ito.

"Saan ka na, Lods?" saad ko.

"Kakarating ko lang dito. Ingat kayo nila Sandra ah," sagot niya.

"Uy! Concerned! Oo naman! Akong bahala sa girlfriend mo! Ay sorry nadulas! Wala pa nga pala kayong press release!" sagot ko.

"Hindi pa, Lods. Makakarating din tayo riyan! Malay mo paglapag natin sa Pilipinas kami na ulit!" sagot niya. 

"Sana nga. Sana tumalab 'yong corny banats mo sa corny na katulad ni Sandra. Hindi dapat mais con yelo tawag sa inyo eh, mais con mais dapat eh! Kasi parehas kayong corn!"

"Sige na! Ala una na ng madaling araw dito. Makatulog na! Mang-aalaska ka na naman bukas eh!" Binaba niya na ang tawag.

Naabutan ko si Sandra na nasa lobby at hinihintay ako. Sumakay na kami sa kotse at nagmaneho na pauwi. Saktong pagpasok ko sa kwarto at paghiga sa kama ay nakatulog na ako. Gumising ako ng maaga dahil tutulong ako sa pagluluto ng mga handa ni Ems. Kaunti lang din naman ang lulutuin namin dahil alam nila Mommy na aalis kami. Hindi naman makakapunta sila Mama at Papa dahil nasa America sila kasama si Kuya. Si Kyle na lang ang makakapunta rito.

Sinundo ko na sila Mommy sa bahay nila. Tulong-tulong kaming nagluto ng handa ni Ems pati na rin si Sandra ay tumulong na. Dumating na rin sila Lean at ang mga pinsan niya.

"Doctora!" nangibabaw agad ang boses ni June.

"June! Mahiya ka naman kay Ken!" saway ni Lean.

"Oy, singerist!" bati naman ni Sandra.

"Magkakilala kayo?" tanong ko kay Sandra.

"Oo, Kuya. Nakilala ko 'yan sa surprise ni Vince! Tapos hindi na ako tinantanan dalawin sa hospital!" sagot ni Sandra na parang naaasar.

"May karibal na pala si Ivan!" sagot ko.

"Alam niyo may napapansin ako sa group of friends natin," saad ni Lean.

"What?" sagot ni Sandra.

"Lahat na lang ng nagiging karibal ng mga leading man niyo nasa kampo ng Sawyer!" sagot ni Lean.

"Eguls 'to kay Ivan!" sagot ko.

"'Di mo sure, Kuya..." saad ni Sandra na naghihiwa ng ingredients.

"Daldal kayo ng daldal kapag inabutan tayo ni Emily nang ganito pagtatawanan tayo noon. Lalo ka na, Ken!" asar ni Lean.

"Sama nito! Maupo na lang kayo!" sagot ko.

Tinapos na namin ang paghahain ng mga pagkain. Sakto sa pagtunog ng phone ko. Siguro naiinip na si Ems kaya tumawag na.

"Hello, Love?" sagot ko sa tawag niya.

"Love, saan ka na? Kakagising mo lang ba?" she answered.

"O-oo! Magsesepilyo lang ako then puntahan na kita diyan," sagot ko.

"Okay. Nasa lobby lang ako ah! Dumaan na rin tayo ng SB. Nag-ca-crave ako ng kape. Kulang pa yung dinala mo kanina," sagot niya.

"Okay. I'll brush my teeth na lang. Bye, Love! I love you!" sagot ko.

"Ingat ka. I love you too!" Binaba niya na ang tawag.

"Mommy saka Tita Marie, thank you po sa pagluluto. Sunduin ko po muna si Ems," paalam ko.

"Sige. Mag-iingat ka," sagot ni Mommy.

Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa kotse ko para masundo na si Ems.


Emily's POV

Napakatagal naman ni Love. Thirty minutes na palang nag-to-toothbrush ang isang tao. Hindi rin naman mukhang bagong gising 'yong boses niya. Parang kanina pa siya gising gumawa lang ng alibi. What is he up to today? Hindi pwedeng wala dahil dalawa ang selebrasyon ngayong araw. After another thirty minutes ay nakita ko na siyang pumasok sa lobby na parang may hinahanap. Nang mahagip niya ako sa kaniyang paningin ay kaagad na sumilay ang kaniyang ngiti.

Tumayo na ako at nilagay sa bulsa ko ang phone ko. Agad niyang kinuha sa akin ang bag ko. One of those simple gestures na talagang nagpapawala ng mga animal ko sa tiyan. He kissed my forehead. He knew what to do every time he fetch me after my duty. Lahat ng pagod ko para sa araw na 'to ay nawala. Sa simpleng halik niya lang ay napawi na ang pagod ko.

"Happy birthday again, Love..." he said.

"May nakakalimutan ka," sagot ko.

"Huh? Ano?" sagot niya.

Napailing na lang ako. Imposibleng makalimutan niya ang araw ngayon.

"Gusto mo dalhin kita saglit sa OR para buksan 'yang utak mo at i-check kung saang banda may problema para makalimutan mo ang araw ngayon," sagot ko.

Tila namutla siya nang marinig ang sinabi ko.

"Aayusin ko na ang bati, Love! Huwag ganoon!" sagot niya.

"Happy Birthday, Love and Happy 2nd wedding anniversary to us!" pag-uulit niya sa bati niya kanina.

"Akala ko nakalimutan mo na!" Hinampas ko ang balikat niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami palabas ng hospital. Ginawa niyang mas memorable ang birthday ko dahil wedding anniversary rin namin 'yon. Napagdesisyonan namin na sa araw na 'yon magpakasal at siya talaga ang nag-insist. Wala na rin akong magawa dahil nakapag-book na siya ng lahat bago pa man kami mag-decide sa date ng kasal namin.

"Dahil birthday mo today, Love at wedding anniversary natin, oras na para isuot ang mahiwagang blindfold. There's something I prepared for you!" saad niya nang huminto kami sa bahay.

"Wala kang palakang surprise ah? Mapapaaga annulment natin," sagot ko.

Tumawa lang siya bilang sagot sa akin. I swear kapag may palaka siyang surprise papaagahin ko ang annulment namin. Na alam kong malabo pa sa ilog ng China mangyari. Kasi naniniwala akong hindi na kami maghihiwalay ulit.

Nilagay niya ang piring sa mata ko. Narinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan sa side niya. Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan sa side ko. Inalalayan niya ako pababa ng kotse.

Nang makarating kami sa tapat ng pinto ay narinig kong binuksan niya ito. Iba-ibang boses ang narinig ko nang buksan niya ang pinto. Inalalayan niya akong maglakad papasok sa bahay namin.

"Love! Walang palaka ah!" sigaw ko. Pakiramdam ko kasi lumayo na siya sa akin.

"Wala! Remove your blindfold na," sagot niya.

Nang matanggal ko ang blindfold ay nagsimula na silang kumanta. Nandito si Sandra, mga pinsan ni Lean at syempre si Lean. Kumpleto silang lahat, si Ivan, Andy, at Vince lang ang kulang. Pati sila Mommy at Tita Marie ay nakapunta pati si Kyle. Wala sila Kuya Mark dahil nag-migrate na sila sa New Zealand. Doon nag-decide magtrabaho ni Kuya Mark and Ate Gab for May. Kaya si Kyle naiwang heart broken. Kasi until now 'di niya tinitigilan ang panliligaw sa pamangkin ko na 'yon.

Bigla ko tuloy naalala 'yong high school days namin. Sa dorm namin kami nag-celebrate ng birthday ko. Until now I have the video on my phone. Naka-save rin 'yon sa laptop ko.

"Happy birthday, Emily!" sabay-sabay nilang bati.

"Thank you guys! Alam ko naman kung sino may pasimuno. Love, thank you for this! Hindi ko inaasahan na may ganitong naghihintay sa akin after duty..." saad ko.

"Blow your candle na!" saad ni Mommy.

Pinagsiklop ko ang aking mga kamay at pinikit ang aking mata.

"Cheers to more years with you, Love. Happy 2nd wedding anniversary!" Idinilat ko na ang mga mata ko at hinipan ang kandila.

"But wait there's more!" saad niya.

"Bago 'yan! Magsikain na muna tayo! Pare-pareho tayong walang breakfast! Let's eat na!" sagot ko.

Lahat ng nakahain sa lamesa ay pang-breakfast. Nakapagtataka na breakfast celebration ang ginawa ni Love ngayon eh dati naman laging dinner. We are having date kapag birthday ko.

"Something's not right," saad ko.

"What, Love?" sagot niya.

"Ang PDA niyo!" reklamo ni June.

"Kumain ka na lang, June! Ang dami mong sinasabi!" saway ni Zoe.

Hindi talaga nawawala ang asaran kapag kasama ko itong magpipinsan na 'to.

"Ano naman, Ems? Nakapasok ka naman sa work," sagot ni Lean.

"Ikaw, Lean? 'Di ba dapat nasa training ka? Kayo ng mga pinsan mo. Tapos ikaw Sands, dapat nasa hospital ka kasi may target duty hours. Ikaw naman Zoe, dapat nasa trabaho ka na kasi for sure ginigisa ka na nitong si Nathan kasi natambakan ka ng work. Si Mommy dapat nasa restaurant kasi opening time na at ikaw Love. Dapat nasa company ka na. Bukod sa birthday ko, bakit kayo kumpleto here? Saka bakit breakfast? Lagi tayong dinner nag-ce-celebrate," pag-iisa-isa ko sa mga kailangan nilang gawin at nakasanayan.

"It's because later by 12 pm ay flight natin going to South Korea. Baka maiwan tayo ng eroplano kaya sinabi ko kay Mommy na sa umaga na lang tayo mag-celebrate ng birthday mo," sagot ni Love.

"South Korea? Sure ka ba diyan? Tayo lang?" hindi makapaniwalang sagot ko.

Matagal ko na kasi siyang inaaya sa Korea pero kung hindi nasasabayan ng business trip niya ay nasasabayan naman ng busy schedule ko. Kahit naman full time nurse ako ay nagkakaroon pa rin ako ng mga book signing sa tuwing may bago akong release na book. Mayroon na akong 7 published books at every reprint nagkakaroon ng limited copies na may sign ko. Kaya hindi kami matuloy-tuloy kaya kakaibang kasiyahan ang nadarama ko ngayon.

"Hindi. We're with Sandra. Si Mommy ayaw sumama, tapos ito namang sila Lean at Zoe busy," sagot niya.

"Don't tell me na nauna na si Ivan doon? Kasi alam naman nating lahat na karugtong niya si Sands."

Palaging sumusunod si Ivan kapag nalalaman niyang umaalis kami nila Sandra. Parang lowkey nanliligaw pero hindi naman yata. Ewan ko ba sa likaw ng bituka noon.

"Alam mo, Love? Tama ka ng hinala! Nauna nga sa atin si Ivan doon. Ala una siya ng madaling araw nakalapag," sagot niya.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig—" Hinampas ni Lean si Nathan na kumanta.

"Respeto naman sa second lead guys!" saad naman ni Jay.

Bumulong si Lean kay Jay na napangisi ng mapang-asar kay June.

Alam kong si June ang tinutukoy niya. Hindi naman lingid sa kaalaman namin na sinusubukan niyang hulihin ang loob ni Sandra. Wala akong alam sa status nilang dalawa ni Sandra. Pero isa lang ang alam ko, lalaban ng patas si Ivan.

"Ems, kayo na lang ni Ken umalis! Iwan niyo na ako rito!" tutol ni Sandra.

"Bakit naman, Sandra? Hahayaan mo bang maging third wheel si Ivan doon?" sagot ni Zoe.

"Basta ayokong kadikit 'yong corny na 'yon. Hindi ako tinitigilan padalan ng bulaklak kaya naging mukhang gubat na 'yong apartment ko!" sagot ni Sandra.

"Bakit, Sands? Ilang beses ba sa isang linggo nagpapadala?" tanong ni Love.

"Three times a day 'ata? Magugulat na lang ako na may nakaabang nang bulaklak sa labas ng apartment ko. Para kong patay na binibigyan ng bulaklak, Kuya! Ems, sabihan mo naman ang loko na 'yon! Huwag kamo ko gawing patay!" reklamo ni Sandra.

"Oy! Hindi lang ganiyan 'yong napagdaanan ni Ems! Noong break kaya sila ni Ken every special day lahat 'ata ng limited edition wattpad books nasa kahon na pinadadala ni Ken tapos i-cha-chat ni Ems si Ate Kass tapos sasabihin galing kay Kyle!" sagot ni Zoe.

Nagtawanan kaming lahat dahil sa reaksyon ni Ken.

"Kulang na lang padalan mo ng book shelf!" segunda ni Lean.

"Nagbalak kaya ako! Tapos naalala ko nasa Singapore siya kaya 'di na ako nagpadala," sagot ni Ken.

"Sandra,  sabihin mo 'yan pagdating natin sa Korea, okay? Kulang na lang kamo ng mga hayop para maging gubat na 'yong apartment mo!" asar ko kay Sandra.

"Padala na rin kamo siya ng ahas o kaya ng leon para kumpleto na!" sagot ni June.

Parang pikon si June sa biruan naming ito. Lalong tumalim ang tingin ni Sandra sa akin. Kung makakapatay lang ang tingin bulagta na kami ni Ken dito.

"Laging bigatin ang mga pasabog ni Ken sa birthday mo, Ems. Last year, kasal niyo, ngayon naman South Korea. Ilang araw kayo roon?" saad ni Nathan.

"Two weeks," sagot ni Love.

"Ang tanong ng bayan! Kailan magkakaroon ng little angels itong bahay niyo? Napakalaki kaya! Kahit isang dosena pwede!" sagot naman ni Lean.

"Maybe soon?" sagot ko.

Napuno ng halakhakan at kwentuhan ang hapag-kainan namin. Nang matapos kumain ay isa-isa na silang umalis. Umakyat naman na ako para makatulog na kahit saglit para pag-alis namin ay may energy ako. 9 am nang gisingin ako ni Ken para mag-prepare na sa pag-alis.

"Love! Nakapag-impake ka ba?" tanong ko habang nagpupunas ng buhok.

"Yup. Nasa baba na," sagot niya.

"Okay!" sagot ko.

Tinapos ko na ang pag-re-ready sa sarili ko. Nag-search ako kung ano ang season sa Korea ngayon and thankfully spring dahil hindi ko kakayanin kapag sobrang lamig. Hindi rin papayag si Mommy dahil hihikain ako roon.

Sila Lean ang naghatid sa amin dito sa airport. Nag-picture-picture muna kami bago magpunta sa departure area. Kanina pa tawag nang tawag si Ivan sa amin. Kinakamusta si Sandra, manong tawagan niya na lang kasi.

I can't wait na makalapag kami sa Korea. Nang tinawag na ang flight namin ay dumiretso na kami sa gate. Naka-VIP seat pa talaga kami. Si Sandra ay nasa likod lang namin sa window side rin siya nakaupo.

"3 hours pa naman biyahe natin before tayo makarating ng Incheon. Matulog ka muna, Love," he said.

"Ayoko. Gusto ko ma-enjoy 'tong flight natin kasi matagal na 'yong last na nakasakay ako ng plane. I think 'yon 'yong sumunod ka sa akin sa SG tapos sabay tayo umuwi. Dapat mag-t-take na ako noon ng boards kaso bad trip ako sa father ko," sagot ko.

"Akalain mo 'yon, dati tuwing sasakay ka ng plane going to Singapore now we're about to go to your dream destination. Next time, Love let's go to Canada para mabisita natin si Ate Kass," sagot niya.

"Sure! Basta hindi malamig doon!" sagot ko.

Buong biyahe ay nagkwentuhan lang kami ni Ken about our past and what we're planning in the future. Marami kaming plano sa buhay namin. After three hours of seating and a heart to heart talk ay nakarating na kami sa Korea!

Medyo may kalamigan ang hangin pero kaya naman. Nakita namin agad si Ivan nang makalabas kami sa arrivals.

"Dra. Sandra! I miss you!" hayagang pinagsigawan ni Ivan at niyakap pa niya si Sandra. Halatang-halata na miss na miss niya ito pero dinadaan na lang sa biro.

"Iww! Layuan mo ako! Kadiri! Hoy, remember mag-ex tayo! Feeling close nito! Matapos mong gawing gubat apartment ko makasigaw ka ng I miss you! Saka baka magalit 'yong boyfriend ko!" sagot ni Sandra.

Nakita namin ang pagdilim ng mukha ni Ivan dahil sa narinig na kataga. Pinipigilan na lang namin ni Ken na ngumisi. Halatang nagseselos siya pero pinipigilan niya.

"Happy birthday na lang, Ems! Tara na! May naghihintay na van sa atin sa labas!" saad niya.

Hinila na niya si Sandra palayo sa amin at kinuha ang maleta niya.

"Mukhang mainit ulo ni Ivan," saad ko.

"Natural. Nasunog siya ni Sandra doon sa "mag-ex tayo!" tapos "baka magalit boyfriend ko!"" Ginaya pa ni Ken ang boses niya kaya lalo akong natawa. Pati facial expression ni Sandra na diring-diri ginaya niya.

"Alam mo, parehas lang sila in denial. Di nila maamin sa sarili nilang gusto pa rin nila ang isa't isa," sagot ko.

"Alam mo, Love it takes time. Like us, we took us 10 years para makabalik sa isa't isa. I think ganoon din sila. Saka sigurado ako pagbalik natin kasama na natin 'yang si Ivan. Mang-aagaw 'yan kung kinakailangan. Lalo na kapag si Sandra na usapan. Makikipagpatayan 'yan makuha lang ulit si Sandra," sagot niya.

"Wow, Love! Sana all! Hindi ka naman nakipagpatayan noong binalikan mo ako eh! Tapos noong hiwalay tayo muntik mo pa patayin sarili mo!" sagot ko.

Nang makasakay kami sa van ay dama ko ang bigat ng hangin. Talagang sineryoso ni Ivan 'yong sinabi ni Sandra.

"Magpahinga muna tayo bago mag-tour. I heard kasi na kakagaling lang ni Ems sa duty at wala pa siyang tulog," suggestion ni Ivan.

"Sige. Three hours din biyahe namin eh. Sa gabi na lang tayo mag-explore. Para rin malibot natin 'yong parang night market nila," sagot ni Ken.

Nang makarating kami sa hotel ay hinatid kami ni Ivan sa room namin.

"I'm sorry, Sands. Fully booked 'yong hotel, so kinakailangan natin mag-share ng room," saad ni Ivan.

"Ano?" sagot ni Sandra. Kapansin-pansin ang pamumula ng pisngi niya.

"You two will share a room!" sagot ko.

"Tara na, Love! Iwan na natin 'yang dalawa na 'yan!" saad ni Ken.

Pumasok na kami sa loob ng room. Ang ganda ng piniling kwarto ni Ivan sa amin. May view ng Seoul ang likod ng kama namin. May balcony rin na pwedeng pagkainan ng breakfast.

"Ang ganda, Love! Thank you for this wonderful birthday and anniversary gift!" I said.

"You're welcome, Love! Anything for you!" sagot niya.

Napagdesisyonan na lang namin na matulog na muna at gumising na lang mamayang gabi para maglibot. Kinagabihan ay naglibot-libot na lang kami at kumain ng mga street foods. Sobrang nakaka-enjoy na makasama ko sila rito. Inaya ko si Ken na magpunta sa Namsan Tower dahil 11 pm pa naman daw 'yon magsasarado.

"Kayo na lang magpunta sa Namsan Tower. Balik na kami sa hotel," saad ni Sandra.

"Oh sige. Para makapag-pahinga ka na rin. Ingat kayo pabalik!" sagot ko.

"Kayo rin. Ingat kayo. Balik kayo agad. Madali naman kayo makakapag-communicate kasi marunong ng Korean si Ems kaya huwag ka kabahan na maligaw kayo, Ken!" sagot naman ni Ivan.

Pumara na sila ng taxi para masakyan papunta sa hotel. Kumaway lang sila bago umalis. Since nasa Myeongdong na kami nag-decide na lang kaming maglakad dahil fifteen minutes walk lang ang N Seoul Tower.

Nagbayad na kami sa entrance at sumakay na sa elevator para makarating sa pinakataas. Nang makarating kami sa taas ay namangha talaga ako sa view ng city lights. This one of my dreams. Ang mapuntahan ang N Seoul Tower kahit noong bata pa ako. It became true the same day as my birthday.

"Ang ganda rito, Love!" I said amazingly. All eyes are on the city lights.

"Yeah it is. Ang ganda nga..." sagot niya.

Ilang minuto kaming nanatili sa taas bago lumabas. Bumili kami ng locks para sa locks nila rito na katulad ng sa Paris. May nilagay kaming note sa lock namin.

Always and forever, My Love:)

Nilagay na namin ang lock at pinicturean ito. Nagpicture pa kami saglit at tinanaw ang magandang tanawin.

"Happy 2nd wedding anniversary, Love and happy birthday. More birthdays to come! And wedding anniversaries to us!" Hinapit niya ako at niyakap ng mahigpit. Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko.

"Happy 2nd wedding anniversary, Love. Thank you so much for the love through the years we are not together and now that we are. For all the pain we've been through to get here. Thank you for putting up on my attitude in times. Until now I still can't believe that we're here. Will always be forever, Love. I love you so much!" sagot ko.

"I love you more, My Love. Until forever we'll be together... Mahal na mahal kita kahit anong mangyari." Hinalikan niya ang noo ko, pababa sa ilong at sa labi. Saglit na halik lang 'yon pero nadama ko ang labis na pagmamahal niya para sa akin.

Always and forever, I'll be with him. Through ups and downs hindi ko siya iiwan. He may not be the most perfect man alive but for me he is. Siya lang ang lalaking gusto ko makasama habang buhay. Hindi ko na siya susukuan ulit katulad ng ginawa ko noon. Mahal na mahal ko ang lalaki na 'to at kahit kailan hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na ano. Natuto na ako sa pagkakamali namin noon at mas napatibay pa niyon kami. He'll always be the subject of my poetries and books. I love you so much, Love!

They say that first love never dies, it is true but the formula for love is time. Ken taught me that love takes time and love will always find you and lead you to the right person. I will never love another person after him.

I am Emily Savvanah Howards-Lizardo and this is our journey towards happy ending.









A/N: Special chapter for Emily and the author's special day! Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top