CHAPTER 8: CORON

Emily's POV
Kahapon dumating si Ivan at nagkayaan kaming magpunta sa favorite milktea place namin para dun pag-usapan ang gagawin namin sa Coron. Yung milktea place na malapit sa university.  Doon palagi ang hang-out place namin. Naligo na ako at nagbihis ng simpleng white shirt at pantalon. Susunduin naman ako ni Vince dito sa bahay. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako at tumambay sa sala. Nakinood ako sa pinapanood nila Mommy.

"May lakad ka na naman anak?" tanong ni Mommy.

"Opo. Dumating na po kasi si Ivan. Pag-uusapan namin yung lakad namin sa Coron." sagot ko.

"Na-miss ka talaga ng mga kaibigan mo. Alam mo noong wala ka minsan dinadalaw ako ni Zoe at Sandra dito para kamustahin ako."

Napangiti naman ako sa narinig. Kahit di kami magkakasama natutuwa akong malaman na may care pa rin sila kay Mommy. Sa kanila ko kasi ibinilin si Mommy.

"Natutuwa naman po akong malaman yun. Tinupad talaga nila yung bilin ko sa kanila."

"Palagi 'yan. Tuwing pupunta laging tanong, Tita kamusta po? Kumain na po ba kayo? Ipagluluto po namin kayo. Sabi po kasi ni Ems kahit minsan dalaw-dalawin namin kayo para hindi kayo malungkot. Ganiyan palagi kong naririnig sa kanila kaya kahit paano nababawasan yung lungkot ko."

"Mi, 'wag ka mag-alala nandito na ako ngayon. Magkakasama na tayo ng matagal."

"Masaya ako't nandito ka na ngayon. Naiintindihan ko naman kung bakit madami kang gala ngayon dahil gusto makipag-catch up sayo ng mga kaibigan mo."

"Hayaan mo, Mi. Pagbalik ko galing Coron tayo naman ang mamasyal."

Napatigil lang kami sa pag-uusap ng makarinig ako ng isang tikhim kaya binalingan ko kung saan ito nanggaling. Nakita ko si Vince na nakatunghay sa amin.

"Nandito na pala ang sundo mo eh." saad ni Mommy.

"Magandang hapon po, Tita." bati ni Vince.

"Magandang hapon din ijo. Susunduin mo na ba si Emily?" sagot ni Mommy.

"Kung pwede po sana, Tita. Naghihintay na din po sila Ivan sa milktea shop."

"What!? Nauna pa siya dun?" singit ko.

"Oo. Nandoon na din sila Sandra. Tayo na lang hinihintay. Pa-VIP na daw tayo." sagot ni Vince sa akin.

"Sige na po, Mommy. Baka nagliliyab na sa galit ang ulo ni Zoe kapag di pa kami nakarating dun. Baka po mag-mall pa kami kaya mahuhuli ako sa curfew." paalam ko.

"Sige. Ingat kayo. Vincent, ingat sa pagmamaneho." sagot ni Mommy.

"Opo Tita, kasama ko ang prinsesa mo." sagot ni Vince. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at sabay na kaming lumabas. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Agad akong sumakay sa front seat. Umikot na siya papunta sa driver seat. Nagsimula na siyang magmaniobra. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na kami sa milktea shop. Pinagbukas ako ni Vince ng pintuan. Nang makapasok kami ay agad naman naming nakita ang table kung nasaan sila. Agad kaming lumapit doon kaya nalipat ang kanilang atensyon sa amin mula sa mga cellphone nila. Tumayo si Ivan at niyakap ako.

"Congrats, Emily." saad niya. Kumalas na din siya sa yakap ng makita ang matalim na tingin sa kaniya ni Vince.

"Thank you. Ikaw din, congrats sa renovation ng hotel mo."

"Tatayo lang kayo diyan? Umupo na kayo." masungit na saad ni Sandra. Natawa naman ako sa kaniya. Halatang nagseselos. Pinaghila na lang ako ni Vince ng upuan. Umupo na ako sa tabi niya.

"Umorder muna kayo Emily at Vince." saad ni Ivan. Si Vince na ang tumayo para sa order namin.

"Ems, your boyfriend is so possesive possesive. Mas naging possesive siya ngayon kesa dati," reklamo ni Ivan.

"Kayo naman hindi na kayo nasanay sa pinsan ko na yun," sagot ni Lean.

Tumigil ang usapan tungkol sa topic na yun ng bumalik si Vince sa pwesto.

"Since kumpleto na tayo pwede na tayong gumawa ng itinerary." saad ni Ivan na bumasag sa katahimikan.

"Ilang days ba tayo dun?" tanong ni Sandra.

"3 days. Ayaw ni Emily ng one week kasi daw masyado na siyang matagal na hiatus sa wattpad kapag ganoon." sagot ni Ivan. Nakita ko ang pagkailang ni Sandra. Siguro mahirap pa rin para sa kanila ang kaswal na mag-usap katulad nito dahil may nakaraan silang dalawa.

"Yeah. Mahirap nga kapag matagal nawala si Emily. Tsaka aayusin din namin yung papers namin para sa review center." sagot naman ni Vince.

"Why don't we just go straight to the point? Ang dami niyo pang pasakalye," naiinis na sabi ni Zoe. Siya talaga ang pinaka mainitin ang ulo sa aming lahat. Sa bagay school leader kaya palaging straight to the point ang mga meeting. Tinawag ng crew ng milktea shop ang pangalan namin ni Vince kaya tumayo kami at kinuha ang order. Pagbalik namin sa pwesto namin ay sinimulan na naming magplano tungkol sa itinerary at mga activities na gagawin namin sa Coron.

"Let's do island hoping!" saad ni Lean.

"Yeah. Hindi ko na-experience yun," sagot ko. Nakita kong naglabas ng iPad si Ivan at nilista dun lahat ng gusto naming gawin at puntahan. Matapos ma-finalize ang itenerary at activities ay pinag-usapan namin kung kailan ang flight. Hiningi na din ni Ivan ang details namin. Napagdesisyonan namin na sa susunod na linggo na lang ang flight para may panahon pa para makapagpaalam at makapaghanda. 

Pagkatapos mag-usap usap ay napagdesisyonan namin na magmall. Syempre pare-pareho kaming book lover tambay kami sa national bookstore. Katulad ng nakasanayan ko at habbit na rin ata ng mga manunulat na katulad ko bumili ako ng dalawang piraso ng notebook at isang ballpen. Matapos mabayaran ay lumabas na kami. Hanggang window shopping lang daw muna sila ng mga libro dahil mga walang budget. Nahiya naman ako sa limpak-limpak na yaman ni Ivan. Plano atang bulukin na lang lahat sa bangko. Habang naglalakad kaming magkakaibigan ay may nasalubong kaming grupo ng mga teenagers.

"Ate Emily?" tawag ng isang babaeng may buhok na hanggang balikat niya kaya nilingon namin siya. Nginitian ko siya bilang pagsagot sa tawag niya.

"Ikaw nga! Pwede po magpapicture? Reader mo po ako!" sagot niya.

"Sure." sagot ko. Nag-picture kaming dalawa at nagpa-picture din ang dalawa pa niyang kasama.

"Salamat po, Ate. Sana po sa susunod sa book signing mo na po tayo magkita," paalam niya.

"Oo naman. Sa susunod nating pagkikita sa book signing ko na."

"Mauna na po kami. Thank you po sa time."  paalam niya. Nginitian ko lang sila bilang sagot. Tiningnan ko naman ang mga kaibigan ko na masayang nakatingin sa amin.

"Famous na ang bestfriend ko!" bati ni Sandra.

"Congrats Ems! Dati pinapangarap mo lang na may magpa-picture sayo pero ngayon nasa realidad na. Sabi ko naman sayo eh. Tiwala lang at maabot mo din ang time na 'yan," saad ni Lean. Walang pagsidlan ang kasiyahan na nararamdaman ko. Sila ang mga kasama ko noong nagsimula akong mangarap hanggang ngayon na naabot ko ang pangarap ko narito pa rin sila. Sila yung mga kaibigan na hindi ko hiniling pero dumating.

"Parang dati lang nags-skip ka pa ng lunch para makapagsulat ng chapters mo ngayon may mga nagpapa-picture na sayo." proud na sabi ni Ivan.

"No wonder you got there. You're Emily Savvanah Howards, a woman who's passionate and hardworking in everything. The one who lift us up everytime we thought of giving up. The one who helped us to be one of the top students. Our one and only Emily." Zoe said that make us all look at her. Lalo lang akong napangiti ng marinig ito. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Walang iyakan, Ems. Baka isipin nila inaaway ka namin." saad ni Vince. Ang ganda ng atmosphere tapos sisirain niya lang. Bumitaw ako kay Zoe at binalingan siya ng tingin.

"Alam mo, Ginoo. Minsan ang panget mo ka-bonding. Ang ganda-ganda ng atmosphere sisirain mo," naiinis kong sabi sa kanya.

"Maganda pala ang atmosphere? Di ko nabalitaan Binibini. Can you take a picture for us?" pamimilosopo niya. Lalong nag-alab ang inis na nararamdaman ko para sa kaniya.

"Lagot ka, Vince. Pinasabog mo ang nanahimik na bulkan." saad ni Ivan ng makita ang malamig kong expression. Alam na nila na kapag ganito ako ay inis na inis na ako. Mabilis naman siyang kumaripas ng takbo dahil alam niya na ang susunod kong gagawin. Akala niya makakatakas siya sa akin kaya lakad takbo akong humabol sa kaniya. Pinagtitinginan kami ng mga tao rito na parang mga naligaw pero hindi ko pinansin ang tingin nila at hinabol lang si Vince. Huminto siya ng makita ang mga bench na pwedeng upuan. Umupo siya doon akala siguro niya di ko siya nahabol. Lumapit ako sa kaniya at malakas siyang binatukan.

"Sadista ka talaga, Binibini!" daing niya.

"Mapang-asar ka kasi, Ginoo!" bwelta ko. Nakita kong nagtatawanan ang mga kaibigan namin habang palapit sa amin.

"Lesson learned, Vince?" asar ni Sandra.

"Ngayon alam mo na kung gaano kalakas ang kaltok ng Bulkang Taal." asar naman ni Zoe.

Tawa naman ng tawa si Lean habang tinitingnan ang asar na tingin ni Vince.

"Matagal ko nang alam! Inasar ko lang talaga si Ems!" sagot ni Vince. Napatigil kami sa pagtawa ng tumunog ang cellphone ni Ivan. Lumayo muna siya sa amin para makausap ang tumatawag.

"Sands, kamusta na 'yang puso mo?" tanong ni Zoe.

"Tumitibok pa naman." sagot ni Sandra.

"Masakit pa?" tanong ko. Kilala ko si Sandra at alam kong nasasaktan siya.

"Bearable na." sagot niya. Napangiti naman ako sa narinig. Masaya kong malaman na kahit paano ay kaya niya nang i-handle ang sakit na nararamdaman niya. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik sa pwesto namin si Ivan.

"I got to go guys. I have to fetch a friend later tonight. I think she'll be with us going to Coron. Uhm... Is it fine?" Ivan said.

"U-uhm... Baka ma-out of place siya sa atin. Okay lang ba?" sagot ni Zoe.

"Hindi 'yan." sagot ni Ivan.

"Okay lang naman sa akin. Hindi naman ako pwede magreklamo kasi si Ivan ang sponsor." sagot ko.

"Okay. Sige una na ako." sagot niya at naglakad na palayo sa amin. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa dadalhin niyang kaibigan. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na katulad ko ay may ganoon ding expression.

"I don't feel any good on that friend," bulalas ni Lean.

"Same as Lean, I also don't feel any good about it," Vince said.

"Kayo naman baka nago-over think lang kayo," Sandra countered.

"We all have the same thoughts," Zoe said.

"Pero babe, paano kung tama si Sandra. Baka over thinking skills lang natin 'to?" Vince inquired.

"Hindi eh. Hindi 'to basta over thinking skills, Vince. Iba talaga pakiramdam ko dun." sagot ni Lean.

"Alam niyo, ihahatid na lang namin kayo ni Ems sa dorm niyo para makapagpahinga at makapag-ayos at paalam na kayo," sagot ni Vince.

"Mabuti pa nga baka nga pagod lang 'to," sagot ni Zoe. Naglakad na kami papunta sa parking area. Pinagbukas ako ni Vince ng pinto. Agad akong sumakay sa front seat. Pinagbuksan niya din ng pinto sina Lean. Nang makasakay sila ay umikot na si Vince papunta sa driver seat. Nagsimula na siyang mag-drive palabas ng parking area.

"Excited ako sa Coron kanina pero ngayon parang hindi na." saad ni Zoe.

"Ako din. Pero ayoko naman sayangin effort ni Ivan na umuwi pa dito para lang makipag-celebrate sa atin diba?" sagot ko.

"Kayo naman. 'Wag niyo na isipin yung dadalhing kaibigan ni Ivan ang mahalaga mag-enjoy tayo dun." sagot ni Sandra. Ngiti lang ang naisagot ko sa kanila at nilipat ang atensyon sa daan. Hindi pa rin kasi talaga maganda ang pakiramdam ko sa kaibigan na yun ni Ivan. Nagpatugtog na lang ako para kahit paano ay mabawasan ang bigat ng atmosphere dito sa kotse.

"Zoe, diyan muna ko sa dorm niyo matutulog ah. Nakakapagod kasi umuwi mula dito hanggang Pampanga." saad ni Lean. Hinatid namin sila sa dormitory ng Franklin University. Hindi pa daw kasi sila nakakapag-ayos ng mga gamit para makaalis.

"Bye guys. Ingat kayo." paalam ni Sandra.

"Byeee! Salamat!" sagot ko. Kumaway lang si Vince sa kanila at nagsimula na mag-drive paalis. Pagdating namin sa bahay ay nagpakita lang siya kay Mommy at umuwi na sa kanila. Umakyat na din ako sa taas upang magbihis ng pambahay.

Lumipas ang ilang araw at bukas ang pinakahinihintay naming araw. Napagdesisyonan ko na matulog na lang sa dorm dahil malapit sa university nakatira si Ivan. Susunduin ako dito ni Vince at doon din daw siya matutulog.

"Anak, mag-iingat kayo sa Coron ha. Vince ikaw na'ng bahala sa prinsesa namin," saad ni Mommy.

"Opo, Mommy," sagot ko.

"Oo naman po, Tita. Iingatan ko po ang prinsesa niyo," sagot naman ni Vince. Pagkatapos ng usapan na yun ay umalis na kami ng bahay. Pagdating namin ng dorm ay naabutan kong nagwawalis si Sandra habang si Zoe naman ay naghuhugas ng plato.

"Nandito na pala kayo. Nakaluto na ako kasi alam kong dadating kayo," bati ni Sandra. Katulad ng dati ganun pa rin amg itsura ng dorm. It makes me go back to our good old days. Yung mga taong magkakasama pa kaming lahat dito sa maliit na bahay na ito. Dito ako nagsimulang mamuhay mag-isa kasama sila. Nagpunta na kami sa dining area at naghain na si Zoe ng mga plato habang si Sandra naman ay nagsalin na ng ulam at kanin. Sinubukan naming tumulong ni Vince pero ayaw nila. Kaya hinayaan na lang namin na sila ang mag-asikaso sa amin.

"Hinanda ko na yung kwarto mo Ems. Pati din sayo Vince. Doon ka na lang sa dating kwarto ni Andy. Napalitan ko na yung din yung bed sheets dun. Siguradong parating na rin si Lean galing training." saad ni Zoe.

"Hindi ba pwedeng sa kwarto na lang ako ni Ems?" sagot niya.

"Hindi pwede. Baka kung anong gawin niyo sa loob." singit ni Sandra. Napailing na lang ako sa kanila at nagsimula nang kumain. Pagkatapos ko kumain ay napagpasiyahan kong umakyat na muna sa kwarto ko para makaligo at makapagbihis. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Inabutan ko si Sandra, Zoe at Lean na nasa sala. Si Lean ay nakasuot ng oversized shirt at jogging pants. Halatang galing sa training.

"Kamusta ang training mo, Lean? Nakapagpaalam ka na ba sa agency niyo?" tanong ko at umupo sa tabi ni Zoe.

"Okay naman. Oo, nakapagpaalam na ako. Pinayagan naman ako. Isang week nga hiningi ko eh." sagot niya.

"Mabuti naman. Kumain ka na ba?"

"Oo tapos na. Bago ako pumunta dito. Buti na lang tapos na ang school. Wala na akong alalahaning projects at requirements."

"True. Mas makakapag-focus ka na sa training niyo. Hindi ka na mapapagod masyado." sagot ni Sandra.

"Sige guys. Ligo muna ko. Nanlalagkit ako." paalam niya at tumayo dala ang gym bag at duffle bag niya. Nagulat ako ng may bultong umupo sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. Agad namang lumayo sa amin si Zoe na parang nandidiri.

"Kung ganiyan si Nathan sa'kin please lods 'wag na lang. Parang di na makahinga si Ems sa yakap eh," saad ni Zoe.

Natawa na lang ako sa kanila. Sobrang clingy talaga ni Vince na nasanay na ako. Kinagabihan ay maaga kaming nagsitulog dahil maaga din ang flight namin bukas. 3 am pa lang gising na ako dahil 6 am ang flight namin. Naligo na ako at nagbihis. Bumaba na ako at hinalughog ang ref nila kung may laman. Buti na lang may stocks sila ng pagkain kaya nakapagluto ako ng breakfast. Una kong kinatok ang kwarto ni Vince. Sakto namang di naka-lock kaya pumasok na ako. Kahit natutulog siya ay gwapo pa rin talaga. Hinalikan ko ang kaniyang noo.

"Gising na. Handa na ang breakfast. Maligo ka na," bulong ko.

"Hmmm. Five minutes, babe." Hinagkan niya ako ng mahigpit kaya magkadikit ang mga katawan namin Ugali niyang matulog ng topless. Sinaway ko na siya tungkol dito pero hindi niya pa rin magawang matulog ng nakadamit.

"Vincent baka gusto mo na kong bitawan at magdamit ka na diyan at maligo ka na!" Nilakas ko ng kaunti ang boses ko para tuluyan na siyang bumangon. Agad naman niya akong tinaliman ng tingin na pinagsawalang bahala ko lang at lumabas na ng kwarto.  Sunod kong kinatok ang pinto ng kwarto nina Sandra, Lean at Zoe.

Ngayon ay sabay-sabay na kaming kumakain ng agahan. Alam kong maya-maya lang ay darating na ang sundo namin.

"Ready na ba kayo?" tanong ni Sandra.

"Of course. Coron here we come!" sigaw ni Zoe.

"Shhhh. Konting galang sa pagkain," saway ko.

"Opo, Nanay Ems," sagot ni Zoe

Pagkatapos naming kumain ay saktong dumating ang van na susundo sa amin. Nakasakay na sa van na yun si Ivan at isang babae na may maikling buhok, petite na pangangatawan at masungit na mukha. Sinalubong kami ng irap ng babae. Iba ang timpla ng atmosphere dito sa van. Nginitian na lang namin si Ivan at sumakay na sa van. Pare-pareho kaming nagsalpak ng ear phones sa tenga upang maiwasan ang girihan. Kanina ko pa rin ang masamang tingin sa akin ng babae at kay Sandra. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pakikinig ng music. Habang nagb-browse ako sa facebook feed ko ay lumabas ang chat head ng gc naming mga girls.

Lean:
Ivan's companion is really screaming a bitch attitude. Kanina pa niya tinitingnan ng masama si Ems at Sandra.

Zoe:
Wag lang niya magalaw silang dalawa lulunod ko siya o ilalaglag sa eroplano.

Sandra:
Bago kasi tayo sa paningin niya kaya ganun. Wag niyo na anuhin.

Me:
If she's a bitch then I'll wake my sleeping bitch attitude. Don't worry guys. Alam kong kilala niya si Sands. She's Ivan's ex. Wag ka mag-alala Sands ako bahala sayo. Nandito kami. Anim na kamay sasampal sa kaniya kapag ginalaw ka niya.

Lean:
Nababanas na ko ng babae na yan. Palingon-lingon siya dito para tignan lang kayo ng masama. Ang sarap dukutin ng mata.

Me:
Kalma, Lean.

Pagkatapos ng isang oras na biyahe ay nakarating na kami sa airport. Nagcheck in muna kami at dumiretso na sa gate.

"By the way guys, this is Anne. My friend." pakilaa ni Ivan. So Anne is the name of this bitch. Isa-isa niya kaming pinakilala at nang matapos niya kaming maipakilala ay in-offer ko ang kamay ko upang makipag-shake hands.

"I don't shake hands with a girl who has a dirty hands," she said. Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko mabait siya at facial features niya lang talaga yung masungit pero pati pala ugali ganoon. Binawi ko na lang ang aking kamay at hindi na nakipagkamay pa. Nang makasakay sa eroplano ay bakas pa rin ang inis ni Vince. Sa Economy kami inilagay ni Ivan samantalang sila ni Anne ay sa VIP. Maarte kasi si Anne at masyado daw marumi ang Economy.

"Naiinis na ko sa kasama ni Ivan ha. Akala ko ba sayo 'tong trip na 'to bakit ganoon ang trato sayo ng kasama niya?" Vince said.

"Hayaan mo na. Mag-enjoy na lang tayo katulad ng sinabi ni Sandra," sagot ko.

"Ayoko sa lahat ng ginaganon ka o kayo ng mga kaibigan natin. Hindi maganda. Para siyang yung asawa ng ex mo."

"Hayaan mo. 'Pag sina Sandra na ginalaw niya di na ko mangingiming ilabas ugaling kalye ko sa kaniya."

After  forty-five minutes ay lumapag na ang eroplano namin sa Coron. Hinintay lamg namin sa tapat ng gate makababa ang dalawa pa naming kasama. Nang matanaw na namin sila ay kinawayan ko lang sila upang mabilis nila kaming makita.

"Guys parating na pala yung service ng resort namin," saad ni Ivan nang makalapit sa'min.

"Ivan, can't we just ride a different car? I can't stand to be with these poor people here," reklamo ni Anne.

"Excuse me? You call us poor? Well, I'm gonna tell you who's poor here. Him," saad ni Lean sabay turo kay Vince. "He's the heir of the David Medical Center which is second to the biggest hospital in the world and has world class medical care."

"Her." Sabay turo sa akin. "She's a famous wattpad author currently has almost one hundred thousand followers and a rumored heiress of the fastest rising empire," mariing saad ni Lean.

"So, who do you call poor?" Malamig na tanong ni Vince.

"Guys, I'm so sorry for her attitude. We're just gonna ride a different van. I'm really sorry, Ems." saad ni Ivan upang maibsan ang kainitan sa paligid. Mainit na nga ang panahon mas lalo pang uminit dahil sa babae na 'to.

"It's fine. Call me names and such. I've been through it. But. Once you got into my nerves and get your filthy hands on my friends. Get ready for war." Malamig kong saad na nakatingin kay Anne. Halata ang takot sa kaniyang mga mata. Hinila na siya ni Ivan palayo sa akin sa takot na baka masaktan ko siya.

"Sabi ko na eh! Walang magandang maidudulot ang babae na yun! Kanina pa ko nababanas eh. Masyado siyang mayabang akala mo namang siya na pinaka-mayaman sa mundo!" naiinis na saad ni Lean.

"Alam niyo guys, kahit kasama pa siya ni Ivan ang sarap niya ilublob sa buhangin at lunurin sa dagat," saad ni Sandra.

"Akala ko ba hayaan na lang natin?" tanong ni Zoe.

"Hayaan? Tinawag ba naman tayong mahirap! Tapos dirty hands daw si Ems. Mukha ngang siya pa yung mas dugyot kesa kay Ems eh!" naiinis na saad ni Lean.

"Nako, 'wag lang niyang magalaw kayo kundi hindi ako magdadalawang isip i-ditch 'tong lakad na 'to at iuwi kayo sa Manila," saad ni Vince.

Nang makalabas kami ng airport ay agad kaming sinalubong ng isang driver.

"Ma'am ako po yung pinadala ni Sir Ivan para sundoin kayo,"  pakilala niya.

"Magandang araw po," sagot ko. Nginitian lang niya ako at pinagbuksan ng pinto ng van. Sumakay na kaming lahat at pumwesto na. Di rin nagtagal ay nagsimula nang magmaneho si Kuya. Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at tinanggal ito sa flight mode. Unang bumungad sa akin ang text message ni Mommy.

Mommy:
Nakarating na ba kayo nak?

Me:
Opo, Mi. Papunta na kami sa resort nila Ivan.

Mommy:
Okay. Ingat kayo.

Me:
Opo. Salamat po.

Pagdating namin sa resort ay talagang napakaganda nito. Para kaming nasa Boracay  pero mas malinis. Alagang-alaga ang paligid at sobrang mahangin dahil sa maraming puno sa paligid at ang dagat. Pumasok na kami sa loob ng lobby ng hotel. Ako na ang lumapit sa receptionist.

"Room reservation for Ivan Daniel," saad ko.

"Are you Emily Savvanah Howards, Ma'am?" she inquired.

"Yes, I am."  sagot ko.

"Here's the five keys, Ma'am," she said and handed me the key cards. Nakalagay naman sa mga key card kung anong room number ang pupuntahan namin. Inabot ko na sa kanila ang mga ito. Sigurado kong nauna na dito si Ivan.

"Chi-nat niyo na ba si Ivan?" tanong ko. Napagpasiyahan namin na maya-maya na umakyat para masiguro muna namin na nandito na si Ivan.

"Oo. Hindi pa sumasagot. Siguro inaayos pa niya yung brat niyang kasama," sagot ni Lean na nakaupo sa isang sofa dito sa lounge. Kumuha si Sandra ng welcome drink namin at binigyan kami tig-iisa. Habang hinihintay si Ivan ay inaya ko silang mag-picture gamit ang phone ko. Nag-picture kami ng mga ilan pang shots bago tumigil. Hindi rin nagtagal ay nakita na namin si Ivan na palapit sa amin galing sa elevator.

"Nandito na pala kayo. Pasensya na kayo sa ugali ni Anne," saad niya.

"Ivan, akala ko ba treat mo 'to kay Ems? Bakit ganito?" tanong ni Lean sa kaniya.

"Oo nga. Para kay Ems 'to. Pasensya na, hindi ko kasi alam na susunod siya dito. Nagkausap na kami bago ko umalis ng New Zealand at nagulat na lang ako na tinawagan niya ako at nagpapasundo. Hindi ko naman siya pwede iwan sa Bulacan dahil wala siyang kasama o kakilala. Lahat ng family at friends niya nasa New Zealand. Pagpasensyahan niyo muna guys. I'm really sorry. Mabuti pa magpahinga na lang muna kayo sa mga kwarto niyo. I-cha-chat ko na lang kayo for lunch," sagot niya.

"Ayos lang, Ivan. Pero kapag ako ang nabanas ng babae na yun walang sisihan kung uuwi siyang luhaan," mapagbanta ang boses kong sagot.

"Oo naman, Ems. Hindi ko kayo pipigilan doon. Kilala kita at alam kong marunong kang lumugar," sagot niya. Pagkatapos ng usapan namin na yun ay umakyat na kami sa kaniya-kaniya naming mga kwarto. Maganda ang ni-reserve na kwarto ni Ivan. May isang malaking kama, sa gilid nito ay may malaking glass sliding door papunta sa balkonahe ng kwarto, may maliit na sala set dito at mayroong malaking banyo na may bathtub. Ang ganda. Napagpasiyahan ko na magbihis muna ng kasuotan na akma sa beach. Nagsuot ako ng blue off shoulder beach dress. Umupo muna ako sa kama at binuksan ang phone ko. Nagbasa ko ng mga messages galing sa readers ko na puro congratulations kaya sinikap kong isa-isa silang replyan. Nagtext na din ako kay Mommy na nandito na kami sa resort. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakatanggap na ako na pwede na daw kaming bumaba dahil handa na ang lunch. Lumabas ako ng kwarto ko at sumalubong sa akin ang gwapong mukha ni Vince. Nakasuot siya ng beach shorts at polo shirt. He looks so damn fine.

"Babe, kanina ka pa nakatitig sa'kin. Do I look handsome to you?" he said.

"You're always handsome to me." sagot ko. Lumabas na din sila Sandra,  Lean at Zoe. Lean looks so hot in a tube and shorts outfit. Sandra also wear a beach dress while Zoe wears a blue sun dress.

"Ganda ni Lean. Ang hot!" bati ko sa kasuotan ni Lean.

"Thank you! Minsan na lang gogora dito eh. Baka makapulot pa ko ng mas gwapo kay Eros!" sagot niya.

"Talagang may favoritism si Lodicakes oh." reklamo ni Zoe.

"You both also look beautiful? Okay na?" natatawa kong sagot. Bumaba na kami at dumiretso sa sinabing restaurant ni Ivan. Agad namin silang nakita sa isang table for ten. Sakto naman seven kami. Umupo na kami sa mga bakanteng upuan. Um-order na sila Ivan kaya ilang mintuo lang ay may nakahain nang pagkain. Tahimik lang ang pagkain namin sa takot na magkagirian na naman. Syempre ayoko din na magkagirian kami dahil sayang ang ganda ng paraiso na ito kung paiinitin ko lang ang ulo ko dahil sa babae na 'to.

"What's our activities for today, Ivan?" maarteng tanong ni Anne.

"We're going island hoping later then scuba diving then by night some bonfire." he answered.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik muna kami sandali sa kwarto namin para kuhanin ang mga hinanda naming gamit para sa mga activities. May separate akong gym bag na naglalaman ng mga gagamitin ko mamay kaya ito ang dinala ko. Lumabas din ako kaagad ngunit nagulat ako ng may humablot nito mula sa balikat ko.

"Beautiful ladies like you is not deserving to carry a heavy bag like this." Vince said and carried my gym bag.

"Hanggang dito ba naman naglalandian kayo!" mapang-asar na saad ni Lean.

"Ito naman. Maghanap ka ng sayo 'no!" sagot ni Vince.

"Bumaba na tayo," saad ni Sandra. Lahat kami ay naglakad na papunta sa tapat ng elevator. Kanina kung ako ang nag-aya mag-picture ngayon si Lean na. Matapos namin magpicture ay bumukas na ang elevator. Nang makarating sa lobby ay hinintay na lang namin sila Ivan.

"Tara na!" Excited na saad ni Ivan. Naglakad na kami palabas ng hotel at pumunta na sa beach. May nakaabang nang bangka sa amin para sa island hoping. Nagsawa kami buong maghapon kalalangoy at nang gumabi ay naghanda na kami para sa bonfire.

A/N: Enjoy reading Bemskies! Thank you for patiently waiting my updates!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top