CHAPTER 7: CELEBRATION

Warning: Triggering. One of the scenes is triggering I'm really sorry. If you can't tolerate a scene like that you can freely skip this chapter.



Emily's POV
It's been three days when the graduation day happened. Hindi na kami sumabay ni Vince kila Mommy pauwi ng Pilipinas dahil gusto naming sulitin ang natitira naming araw dito. Matagal bago kami makakabalik ulit dahil magt-take kami ng boards.

"Ma-mi-miss ko 'tong condo. Matagal din bago tayo makabalik dito." saad niya habang naghahain ng mga plato sa hapag kainan. Ako naman ay kasalukuyang sinasalin ang niluto kong Caldereta.

"May two days pa naman tayo, babe." sagot ko at inilapag ang ulam sa lamesa. Sabay kaming kumain ng lunch. Pumasok ako sa kwarto para kunin ang laptop at notebook ko ng plot. Magsusulat kasi kong muli ng bagong kwento dahil natapos ko nang i-update ang huling chapter ng nobelang sinusulat ko nung nakaraan.

"Magsisimula ka na naman ng bago babe?" tanong ni Vince habang binubuklat ang notebook niya ng plot.

"Syempre. Para kong hindi makahinga kapag wala akong on going story." biro ko.

"Talaga lang ah! Talaga lang, babe!"

"Timpla mo pa ko milo! Gusto ko yung malamig!" Binuksan ko ang laptop ko.

"Masusunod po, Binibining Emily!" Tumayo siya sa kinauupuan niya kanina at kumuha ng tasa. Nagtimpla na siya ng milo at kumuha ng yelo sa ref. Inilapag niya sa tabi ko ang milo. Ganito ang routine namin. Hanggang sa sumapit ang hapon.

"Babe, tumambay kaya tayo sa Merlion Park. Maaga pa naman." saad ni Vince habang nagliligpit ng mga gadgets niya. Nililigpit ko na din ang akin.

"Pwede. Ano tara?" sagot ko.

"Magbihis ka na." sagot niya kaya pumasok na ako sa kwarto ko para magbihis. Nagsuot lang ako ng oversized shirt at jogging pants. Nagdala din ako ng hoodie ko in case lamigin ako. Walking distance lang yun sa condo building namin kaya magkahawak kamay kaming naglakad palabas ng condo building. Medyo nauuna ako sa kanya habang magkahawak kamay kami ng maramdaman kong may nag-flash na camera. Siguradong pinicturan nanaman ako ng loko.

"Gandang-ganda ka ba sa akin kaya kahit sa dilim nakuha mo kong piture-an??" saad ko at humarap sa kanya. Agad niya naman akong kinabig palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"You're so beautiful, babe. Hindi ako magsasawang piture-an ka kahit madilim." Napangiti naman ako sa narinig. He really loves complimenting me.

"Tara na, babe." sagot ko. Nagpatuloy kaming maglakad. Nang makarating kami sa park ay umupo kami sa isa sa mga steps. Pinanuod ko ang magandang tanawin ng nagkikislapan na ilaw ng mga building at ang paglagaslas ng tubig galing sa bunganga ng merlion. Ang ganda talaga dito at sobrang saya ko kasi dito ko napiling simulang itayo ang mga pangarap ko. Kahit maliit ang bansa na ito masasabi mong marangya ang buhay dito dahil sa mga nagtataasang buildings at well maintained na daan.

"Babe, what do you think is waiting for us in the near future?" he asked. Nakamasid pa din siya sa mga building.

"I don't know. No one knows the future but one thing's for sure new experiences will come and new lessons will be taught." Ibinalik ko ang aking tingin sa mga building. Hindi ko iniisip ang hinaharap nitong mga nakaraan, ang iniisip ko ay ang huling pagkikita namin ni Ken. Ang mga pangyayari sa airport noong paalis kami ng Pilipinas. Hindi na yun maalis sa isipan ko kahit ilang buwan na ang lumipas.

"You're still thinking about it right?" he suddenly said to break the silence.

"Huh?" naguguluhan kong sagot. Me-sa mind reader ba 'tong boyfriend ko na 'to?

"You're still thinking about him... How many times do I have to tell you that he will just hurt you? Hindi ka pa ba nadala? Kita mo diba kaya kayo naghiwalay kasi kasal na siya tapos makikita-kita mong may kahalikang babae na hindi naman niya asawa. Babe, hindi na yan pag-ibig. Katangahan na yan!"

"Babe, sinong nagsabi sayong iniisip ko yun? Mind reader ka ba?" pagsisinungaling ko.

"Your eyes says it all. Prino-protektahan lang kita sa sakit, Ems. Ken is a walking heartbreak. He's not good for you ako na nagsasabi. Baka hindi lang paglaslas ang gawin mo kapag naghiwalay kayo ulit. Hindi ko kakayanin, Ems. Kilala kita. Niligtas na kita sa bingit ng kamatayan kaya pakiusap 'wag ka nang bumalik, Binibini ko..." sagot niya na parang nagsusumamong 'wag kong gawin ang bagay na yun. Nakita ko ang takot sa kaniyang mga mata. Takot na huli kong nakita noong sinugod niya ko sa hospital ng duguan. Yun ang huling nakita ng dalawang mata ko bago ako mawalan ng malay.

*Flashback*
It's been one week without him. It hurts. Sobrang sakit. Sinubukan kong i-focus ang sarili ko sa pagsusulat ko at pag-aaral pero hindi ko talaga kaya. I'm failing. Breakdowns after breakdowns. Every night I'm crying as I read the poems I wrote for him. I can't help but to read it. Hindi ko kayang pigilan ang isipin siya. Naging masaya kaya siya nung iniwan niya ako? Kinakaya niya kaya ng wala ako? Kasi ako? Hindi ko alam kung hanggang kailan itatagal ko. Umupo ako sa desk ko at nakita ko ang cutter. Nagningning ang mga mata ko na tila ba ito na ang gamot sa sakit na nararamdaman ko. Unti-unti ko itong kinuha at inilabas ang talim nito. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi habang hinihiwa ang aking pala-pulsuhan. Tila wala akong sakit na nararamdaman kaya mas nilaliman ko pa ang paghiwa na tila papel ang aking balat. Narinig kong bumukas ang pinto nanlalabo man ang paningin dahil sa luha ay nakita ko ang pangamba sa itsura ni Sandra.

"E-ems, Emily!" Sigaw niya sa pangalan ko ng makita ang palapulsuhan kong punong-puno ng dugo na dumaloy na hanggang sa braso ko. Binaliwala ko lang ang sigaw niya at nagpatuloy sa paghiwa sa aking pulso. Lalo akong nasisiyahan tuwing nakikita kong may lumalabas na dugo mula dito.

"G-guys! Guys! Si Ems! Si Ems!" Sigaw ni Sandra habang lumuluha. Lumapit siya sa akin at pilit kinuha ang cutter pero hindi ko hinayaan. Nagpatuloy lang ako sa pagsugat sa aking sarili.

"Ayoko na, Sands.. Tapos na tapos na ako..." Nanghihina kong saad.

"Hindi! Hindi pa tapos, Ems. Hindi pwede. Guys! Guys! Tulong! Si Ems, tulong!" Sigaw ni Sandra.

"Hindi pwede, Ems, hindi pwede!" Sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit. Narinig ko ang pabagsak na bukas ng pinto.

"Emily!" Nag-aalalang tawag ni Vince. Lumapit siya sa akin at naramdaman ko ang pag-angat ko mula sa upuan.

"Ken..." Mahinang bulong. Bago bumagsak ang mga talukap ng aking mata ay nakita ko ang takot na nasa mata ni Vince. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa akin

*End of Flashback*

Napansin kong may dumamping panyo sa aking mukha. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Stop thinking about it. I'm sorry. I'm really sorry..." he said and hug me tight. Unti-unti akong kumalma sa mga bisig niya. Tuwing naalala ko ang pangyayari na yun ay bigla-bigla na lang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko 'yon makakalimutan dahil iyon ang araw na muntikan na akong mamaalam sa mundo. Hindi ko sukat akalain na gagawin ko yun dahil sa kanya.

Nang kumalma ako ay inaya niya na akong umuwi. Kinabukasan ay nakatanggap ako ng message galing kay Ivan na uuwi daw siya ng Pilipinas sa isang linggo para daw sa celebration ng aming graduation ni Vince. Sakto naman na bukas ang uwi namin ni Vince. Ngayong araw ay inaayos na namin ang mga gamit namin. Dalawang malaking maleta ang dala ko. Isang puro damit at isang puro sapatos. Ang medyo di kalakihang maleta ko naman ay doon ko nilagay ang natitira ko pang merch ng iKON at ang libro ng wattpad. Habang nag-aayos ay nakita ko ang regalo ni Vince na hindi ko pa naibigay. Hindi niya pa rin naibigay ang regalo niya sa akin. Masyado kaming pre-occupied nitong mga nakaraan. Tumulong din kasi ako sa pag-iimpake ni Mommy. Kinuha ko na ito at lumabas ako ng kwarto. Itinago ko ito sa likod ko.

"Babe!" tawag ko sa kanya na ngayo'y nasa kusina naghahanda ng lunch namin.

"Yes?" sagot niya at nagpatuloy pa din sa paghahain ng hindi ako binabalingan ng tingin.

"I have something for you!"

"What?" Binalingan niya na ko ng tingin ngayon at sumandal sa counter.

"Close your eyes!" Pinikit niya naman ang kanyang mga mata. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang dalawang kamay niya saka ipinatong ang mga libro sa mga ito. May nakaipit na letter doon sa unahang pahina ng libro.

"Now, open your eyes!"

Nang buksan niya ang kaniyang mga mata ay agad kong nilabas mula sa bulsa ng short ko ang phone ko at kinuhanan siya ng video. Bakas ang kasiyahan sa mukha niya.

Vince's POV
I didn't expect that she'll give me a Harry Potter book set. Ang tagal ko nang gustong bilhin 'to. Despite the price she managed to buy this. She's so thoughtful.

"Wait. Kukunin ko lang yung gift ko sayo." Hindi ko pa din naibigay sa kanya yung regalo ko. Pumasok ako sa kwarto at kinuha yung exclusive set ng waterfall album at ang album mismo. Nakalagay ito sa isang paper bag. Tinago  ko rin ito sa likuran ko at lumabas na.

"Close your eyes din!" saad ko ng makalabas. Pinikit niya ang kaniyang mga mata. Kinuha ko din ang kamay niya katulad ng ginawa niya at pinahawak sa kanya ang paper bag. Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata at ibinaba ang tingin sa hawak niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang regalo.

"Nakipagbardagulan ka para dito?!"

"Oo. Para sa 131 exclusive card para makabili ko niyan at nung two versions ng album."

Binuksan niya ang paper bag at kakaibang saya ang dumaan sa mga mata niya. That's why I support her on that matter because iKON and Hanbin brought her back to us. The Emily we all knew is with us again because of them. They help Ems move on that's why I support her fangirl dreams. I spoil her with it because she deserves it.

"Parang sobra na 'to, Vince."

"You deserve it, Babe."

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you..."

Matapos ng pag-uusap namin ay nagpasiya na kaming kumain. Pagkatapos kumain ay kaniya-kaniya kaming balik sa mga kwarto namin para mag-ayos ng mga maleta namin. Umupo muna ko sa may desk ko para buksan ang regalo ni Emily. Binuklat ko ang unang pahina ng first book ng may makita akong nakatuping papel dito. Agad ko itong binuksan. May naka-calligraphy na sulat na "For my one and only, Vincent"

Congratulations my one and only Vince, you've been with me since the first day of college thank you for that. Thank you for being with me through all the hardships I had. Thank you for loving me with all your heart. I love you Babe! Enjoy my gift for you. Matagal-tagal kong pinag-ipunan 'yan para sayo. I love you so much, Babe!
-Emily

Napangiti naman ako sa letter na nabasa ko. Aalagaan kong mabuti ang libro na ito dahil galing sa kanya. Lahat naman kahit ako mismo ang bumili ng libro iniingatan ko. Pagkatapos kong maitabi ang mga libro ay nagpatuloy ako sa pag-impake. Naglaan ako ng isa pang maleta para sa mga uuwi kong libro. Isinama ko na din sa maleta ang librong regalo ni Emily. Mahihirapan ako mag-unpack nito pagdating namin ng Pinas pero ayos lang naman. Parang kayamanan ko na ang mga libro na kahit saan ako magpunta ay kailangan kasama ko sila. Napahinto ako sa pag-iimpake ng tumunog ang cellphone ko senyales na may tumatawag. Lumapit ako dun at nakita ko ang pangalan ni Liza. Agad kong sinagot ito.

"Hello, Liza. Long time, no talk." bati ko.

"Congratsieee Vincieeee!" matinis niyang bati kaya napalayo ko sa aking tenga ang phone ko.

"Thank you. Hinaan mo boses mo. Masyadong matinis. Wala na bang mas ititinis 'yan?"

"Legit, Vince from the bottom of the dead sea and ocean, congrats. You deserve it. I'm so proud of you. Parang dati lang sinusumpa mo nursing ngayon naka-graduate ka na with matching flying colors pa."

"Wala eh. Dumating siya. Hindi ko nga alam anong nangyari sa akin at nagulat na lang akong minahal ko na yung course na minsan kong inayawan."

"Wow, lipat kaya ko bussiness management para makasama ko din love of my life ko."

"Liza, fourth year ka na. Malapit na. 'Wag ka nang lumipat! Mag-me-medschool ka pa diba?"

"Yeah right. I want to be a psychologist not a business woman. Ikaw? Are you planning to enter med-school?"

"Hmmm... Maybe? I still don't know. But I really want to serve as a nurse in our hospital before becoming a doctor."

"Napag-usapan niyo na ba ni Emily 'yan?"

"Yeah. She has the same opinion as you."

"See? Pati girlfriend mo gusto ka mag-doctor."

"Hindi naman ganun kadali maging doctor. Ikaw mismo sa sarili mo alam mo 'yan."

"Sige na. Tatawagan ko pa si Emily my loves. Byeeee!"

"Bye." sagot ko at binaba ang tawag. Nagpatuloy ako sa pag-iimpake. Pagkatapos kong mag-impake ay lumabas na ako ng kwarto ko. Nakita ko naman ngayon na si Emily ang nagluluto. Huling dinner namin dito sa Singapore ngayon. Pinagmasdan ko lang siya na masayang nagluluto. Para siyang si Tita Edna na mahilig din magluto. Kaya hindi ako nagugutom kapag magkasama kami kasi kahit anong request ko sinusubukan niyangh lutuin. Napalingon naman siya sa akin kaya lumapit na ako sa may dining table at umupo.

"Tapos na pala mag-impake ang mahal na hari." saad niya.

"Tapos na pala magluto ang mahal na kusinera." biro ko.

"Ang ganda ko para maging kusinera pero at least may kusinera kang maganda!"

"Masarap ba 'yang luto mo kusinerang maganda?"

Sinagot niya lamang ako ng tawa at nagsimula nang maghain. Pagkatapos niya maghain ay kumain na kami. Kinabukasan ay maaga kaming gumising para sa flight namin.

"Babe, Ivan is coming daw for our celebration he's going to sponsor a trrip to Coron, Palawan." saad ni Ems habang inaayos ang kaniyang seatbelt dahil narito na kami sa eroplano.

"Would it be fine to Sandra?" I answered.  I know may nakaraan ang dalawa at kaparte niyon ang nakaraan ni Ems.

"I think so. Pag-uusapan pa yun pag-uwi natin sa Pinas. Basta siya na daw bahala sa accomodations. Plane and hotel."

"Talaga naman babe! Kakaiba friends mo."

"Pampa-lubag loob yun kasi bigla na lang siya umalis papuntang New Zealand!"

"Kahit na. Wala kayang kaibigan na katulad niya. Yung tipong di mgdadalawang isip mag-sponsor ng trip to Coron. Mahal kaya dun."

"Eh bakit di ikaw mag-sponsor? Trip to HK naman!"

"G! Basta ikaw lang kasama. Gusto mo deretso HK tayo ngayon!"

"Joke lang! Na-mi-miss ko na ang polusyon ng Pinas!"

"Akala ko gusto mo pa mag-roundtrip papuntang HK ngayon eh."

Naglagay na siya ng headset para makapagsulat. Ito pa isang hobby niya na palaging ginagawa. Nagsusulat ng one shot sa eroplano o kaya sa airport. Nanuod na lang ako ng k-drama sa phone ko.

Emily's POV
Kakaibang pangamba ang naramdaman ko ng lumapag ang eroplanong sinasakyan namin sa Pilipinas. Hindi lang sila Mommy ang susundo sa amin pati sila Sandra, Lean at Zoe. Nanatiling tahimik si Sandra noong sinabi ko sa kanya na uuwi si Ivan para sa celebration ng graduation namin. Hinawakan ni Vince ang kamay kong nanlalamig.

"Bakit nanlalamig ka?" tanong niya ng maramdaman ang lamig ng kamay ko.

"Baka magalit sa akin si Sandra..."

"Bakit naman? Ikaw ba nagpabalik kay Ivan? Diba 'di naman? So bakit sayo siya magagalit?"

Hindi na ako nakasagot sa opinion niya dahil tama siya. Bakit magagalit sa akin si Sandra kung hindi naman ako ang nagpabalik kay Ivan. Kinuha na namin ang mga bagahe namin at naglakad na kami palabas ng airport. Si Vibce ang nagtutulak ng cart ng aming mga bagahe. Nakita kong nakaabang ang aming mga kaibigan at sila Mommy. Agad akong lumapit kay Mommy at yumakap sa kaniya kahit ilang araw lang kaming di nagkita.

"Finally after four years of video call and chats! Nakauwi na ang aming prinsesa!" bati ni Sandra. Napatingin naman ako sa kaniya at agad yumakap.

"I miss you, Sands!" saad ko.

"Ay may favoritism si lodicakes. Epekto na 'yan ng Singapore?" parinig ni Zoe. Natawa naman ako at yumakap din sa kaniya.

"Welcome back and congrats future published author." bati ni Nathan na sa amin ni Zoe nakatingin.

"Salamat!" sagot ko.

"Emily, mauna na muna kami. Kita-kita na lang tayo sa bahay niyo." paalam ni Lean. Tumango lang ako. Sinakay na ni Vince ang mga gamit namin.

"Ingat kayo. Nathan, ingatan mo mga kaibigan ko ha. Kundi tatamaan ka sa'kin." bilin ko at pinakita pa ang kamao ko.

"Oo naman. Iingatan ko talaga." sagot niya habang nakatingin kay Zoe na abala sa cellphone niya.

"Oy, Zoe! Yung jowa mo nga masyadong malagkit tumingin!" reklamo ni Lean.

"Kayo naman. Di pa kayo nasanay." saad ni Sandra.

"Tara na nga," saad ni Lean.

"Saan ka sasabay, Vince?" tanong ni Sandra.

"Kila Ems na lang ako sasabay." sagot niya. Sumakay na din sina Lean sa kotseng dala ni Nathan at nauna nang umalis. Sumakay na kami sa kotse at nagsimula nang imaniobra ni Mommy ito.

"Kamusta ang biyahe? Napagod ba kayo?" tanong ni Tita Marie.

"Okay naman po. Hindi naman na gaano kasi sanay na kami," sagot ko.

"Sabi nga pala ng Kuya Mark mo may nahanap na silang review center para sa 'yo, Ems."

"Talaga po? Mabuti! Maaga makakapag-simula ng review para sa boards."

"Saan daw po, Tita? Para makapag-enroll din ako," singit ni Vince sa usapan.

"Hindi ko naitanong pero nakahanap na daw sila. Bukas naman uuwi sa atin ang Kuya Mark mo kausapin mo na lang," sagot ni mommy na nasa daan pa rin ang atensyon. Nang tumapat ang aming kotse sa tapat ng bahay ay laking gulat ko na bukas ang bahay.

"Mi, naakyat bahay tayo..." saad ko.

"Binigay ko kay Lean yung susi ng bahay. Nakakahiya naman na paghintayin sila dito sa labas. Bisita sila eh." sagot niya. Napailing na lang ako at bumaba na ng kotse.

"Ate Emily!" bati ni Kreisler at tumakbo palapit sa akin at niyakap ako. Napangiti naman ako dahil halos kasing tangkad ko na siya.

"Kreisler. Na-miss mo ba ko?" sagot ko. Ang higpit kasi ng yakap niya sa akin.

"Oo, ate. Wala na kasing umaawat sa akin kapag makikipagbugbugan ako."

"Nakikipagbugbugan ka pa ba? Kung oo kay Kuya Vince mo na lang ikaw magpabugbog. Para kapag nasugatan kayo pareho magagamot ko kayo."

"Hindi na, ate. Baka kung mapaano pa si Yanna kapag nakipag-bugbugan ako. Siya kasi palagi ang gumagamot ng mga pasa ko 'pag nakikipagbugbugan ako."

"Mabuti. Maawa ka sa kapatid mong babae. Siguradong stress na stress siya sa inyo ng kuya mo."

"Sige na, Kreisler. Magpapahinga muna ang Ate Ems mo." saad ni Vince.

"Sige po, Kuya Vince. Pupunta na lang po ako sa bahay nila Ate para makikain." sagot niya at tumakbo palayo sa amin. Natawa na lang ako sa itinuran niya. Hanggang ngayon matakaw pa rin siya.

"Dumating na pala ang anak ni Edna. Maganda ba dun?" bati ng isa naming chismosang kapit-bahay.

"Opo. Maganda dun, Aling Maribel." sagot ko.

"Emily! Pasok na!" tawag ni Mommy kaya dumiretso na kami ni Vince papasok. Dumiretso kami sa sala at nagulat ako ng biglang bumukas ang ilaw at may party poppers.

"Congrats future published authors!" bati nilang lahat. Nakita ko si Zoe na nakatutok ang camera ng kaniyang phone. Maging si Nathan at Sandra ay may hawak ding kaniya-kaniyang camera, si Lean ang may hawak ng cake na may nakasulat na, Congrats guys! From: Seener Squad.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Naluluha ako kaya agad kong inangat ang aking tingin. Hindi ko lubos maisip na maiisip nila ito.

"Hey, babe! Don't cry." saad ni Vince at niyakap ako.

"It's tears of joy, Vince! Don't be so kj!" asar ni Nathan. Natawa na lang ako sa asaran nila.

"Manahimik ka muna, Nathan. Pagsalitain mo muna sila," saway ni Zoe.

"Anong message niyo? Please naman 'wag muna kayo maglandian ha." tanong ni Lean

"First of all, thank you so much. Thank you so much for this surprise. I never expected to receive a nice gift from you guys. Sorry din kasi wala ako sa graduation niyo. I'm so thankful to have friends like you guys." saad ko.

"Ikaw, Vince? What do you want to say?" tanong ni Lean.

"Thank you for making my binibini happy. I really appreciate your efforts. Ayun lang. Wala na kong dapat pang sabihin dahil alam niyo namang ayoko ng speech."  saad ni Vince. Matapos ang masayang usapan ay dumiretso na kami sa kusina namin at dun nagsalo-salo. Habang kumakain ay naisipan kong buksan ang topic tungkol sa pag-uwi ni Ivan.

"Sands..." tawag ko sa atensyon ni Sandra na abala sa pagkain ng carbonarra.

"Yes, Ems?" sagot niya at binalingan ako ng tingin.

"Uhm... Ivan messaged me... Uuwi daw siya sa isang linggo. Hindi niya sinabi kung kailan." alanganin kong sagot.

"Edi umuwi siya. Na sa'kin ba yung airport? Ems, kung iniisip mo na magagalit ako sayo dahil diyan tigilan mo na. Hindi ko ikagagalit 'yan. By the way bakit daw?" Nakita kong napangisi si Zoe at nagpipigil naman ng tawa si Lean.

"He's gonna sponsor a trip to Coron,  Palawan with us." Si Vince na ang sumagot para sa akin.

"Pwede bang hindi ako sumama?" sagot niya.

"No, Sands. Hindi kumpleto ang Seener Squad kung wala ka." sagot ni Zoe.

"Oo nga, Sandra. Pinapakita mo lang sa move mo na 'yan na di ka pa naka-move on." sagot ni Lean.

"Ganito kasi guys, ako yung nakapanakit. Nakakahiya naman na sumama pa ako kung hindi niya naman ako gusto makita. Tsaka sinong tao ba ang gustong makita ang taong nakapanakit sa kanila?" sagot niya. Alam kong mahirap rin ito para kay Sandra dahil siya ang nakipaghiwalay.

"Okay lang, Sands kung di ka sasama. Kung hindi mo pa siya kayang harapin." sagot ko.

"Yeah. If you feel uncomfortable then don't. Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo, Sandra." singit ni Vince habang kumakain ng cake.

"Ano? Hindi pwedeng kayo lang ang makatatanaw ng sunset sa Coron! Sasama ko 'no! Tsaka kasali ko sa Squad so bakit di niya ako isasali?" sagot niya. Natawa naman kami sa sinagot niya maya-maya ay tumunog ang phone ni Zoe. Napangiti siya ng makita ang caller id.

"Zoe, what's with the smile?" tanong ni Nathan. Napaka-possesive talaga ng pinsan na 'to ni Vince.

"Napaka-possesive ng pinsan mo." bulong ko kay Vince.

"Hayaan mo siya." sagot niya at nagpatuloy sa pagkain. Nagpatuloy na din ako sa pagkain.

"Hi, Andy!" bati ni Zoe sa kausap kaya agad akong nag-angat ng tingin at nakita kong ka-video call niya si Andy.

"Ands!" bati ko. Hinarap naman ni Zoe ang camera sa akin.

"Congrats, my child. You're already grown up!" sagot niya. Napatawa naman ako.

"Ikaw ba? Di ka ba uuwi? Uuwi kasi si Ivan eh. May trip to Coron kami."

"That's nice. Well, I'm sorry I can't be with you. I'm really busy. I'm already taking my training on my aunt's company."

"Okay then. Kapag nagka-time ka umuwi ka ha."

"Yeah. I really miss you guys." Halata mo ang kalungkutan sa kaniyang mga mata.  Inilipat naman ni Zoe kay Sandra ang camera. Nag-usap sila Sandra at Andy na hindi ko na nabigyang pansin dahil nagsimula na akong kumuha ng cake.

"Bye guys! I'll see you soon!" paalam ni Andy.

"Byeeee! We miss you!" sagot namin. Nang mag-itim ang screen ay nagbalik kami sa pagkain. Napag-pasiyahan namin na lumabas matapos kumain. Sa garahe kami tumambay. Pinagtitinginan kami ng bawat dadaan na kapit-bahay.

"Dahil graduate na kayo ng college pwede na liquor!" saad ni Lean.

"Anong liquor!? Walang iinom!" saad ni Vince.

"Yeah. Ayoko din uminom." sagot ko. Wine pa lang ang natitikman kong alak at wala akong balak matutong uminom.

"Ikaw talaga, Lean. Nangunguna ka sa pagyaya ng inuman!" asar ni Zoe.

"No. Ayoko. It's bad for the health. Tatlo nurse dito 'wag na kayo umangal." saad ni Sandra.

"Yeah. Alcohol can harm the liver. It can lead to hepatitis, jaundice and cirrhosis, which is the build up of scar tissue that eventually destroys the organ. Alcohol may cause long term health risks such as,  high blood pressure, heart disease and digestive problems. Kaya 'wag na kayong magbalak uminom." singit ko.

"Take note, 'yang mga ininom niyo at kinain kasama ang alcohol ay ilalabas niyo din 'pag sumuka kayo dahil sa kalasingan. Kaya tigilan na ang pag-inom." pag-sangayon ni Vince.

"Mag-jowa nga kayo... Parehas kayong OA. Kayo naman. Di naman masamang once na uminom!" sagot ni Lean.

"Hindi ako handang ihatid ka sa Pampanga kapag na-lasing ka." saad ni Nathan. Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi ni Nathan.

"OA nito kahit kailan! Kahit ilang red horse pa inumin ko di ako malalasing tanga! Tsaka kung malasing man ako edi dun ako sa bahay ni Vince matutulog!" bwelta ni Lean. She's the one who's alcoholic kaya tinatawanan na lang namin.

"Isayaw mo na lang 'yan, Lean. Love Shot! Love Shot! Sample!" saad ni Sandra.

"Nasa sala yung speaker! Kunin mo bili Zoe! Pasasayawin natin 'tong mga future performers natin!" segunda ni Sandra kaya patakbong pumasok si Zoe sa sala at mabilis na kinuha ang speaker. Kinonect na ni Sandra ang phone niya.

"Babe! Sayaw ka ah!" asar ko kay Vince.

"Sige ba! Nathan, hinahamon ako oh." sagot niya.

"Walang lusot dito! Ikaw din Nathan, sasayaw ka!" segunda ni Zoe.

"G! Sayaw lang pala eh." sagot ni Nathan. Nagsimula na ang tugtog kaya tumayo na sila. Lumayo muna sila palayo sa amin at pumunta sa maluwag na parte ng garahe na malapit sa gate. Nagsimula na silang sayawin ang choreography ng kanta. Ng nasa chorus na ay nagsimulang uminit ang paligid. Maging ako ay nakaramdam ng init dahil sa step. Nakadagdag pa ang kakaibang kislap sa mata ni Vince habang sumasayaw. Bahagya pa niyang itinaas ang shirt niya para makita ang kaunting abs niya. Narinig kong naghiyawan ang mga tao sa labas kahit naman nakatalikod sila.

"Oh myghad! Vince!" saway ko. Hindi ko na kinakaya ang paligid kaya huminga ko ng malalim. Ng matapos ang kanta ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.

"Ang hot ni Papa Vince!" sigaw ng isang bading sa labas. Napailing na lang ako sa nangyayari. Para kong nasa loob ng pugon dahil sa sayaw niya. Si Zoe naman ay tahimik lang sa tabi habang namumula. Si Lean ay umiinom ng tubig.

"Ano, babe? How was it?" tanong ni Vince. Nagawa niya pang magtanong ng ganiyan. Lumunok muna ko upang maibsan ang panunuyo ng aking lalamunan.

"A-ang init guys! Lean, pakuha coke!" sigaw ko dahil papasok siya sa sala.

"Sige!" sagot niya at nagpatuloy na sa pagpasok.

"So, how was it nga babe?" balik niyang tanong.

"I-it's good. A-ang galing mo sumayaw."

"Hindi lang ako sa sayaw magaling." sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko at malakas siyang hinampas ng mag-sink in sa'kin ang sinabi niya.

"Aray ko naman! Magaling din kasi ko magsulat babe! Ikaw naman! Kababasa mo ng wattpad ayan!" daing niya.

"Wattpad na naman!? Eh sa ganun yung dating eh! Sorry naman!"

Tinawanan lang ako ng loko. Nang magsimula nang dumilim ay nagpaalam na sila kay Mommy. Inakyat na muna ni Vince ang mga maleta ko bago nagpaalam kay Mommy.

"Ems, congrats ulit. Kapag nakapag-pahinga ka na dalawin mo kami sa dorm. Dun pa rin naman yung dorm. Nandoon lang kami ni Sandra. Hindi pa naman kami umuuwi." saad ni Zoe.

"Oo naman!" sagot ko.

"Kila Vince muna ko makikitulog. May dala naman akong damit. Para din may kasama siya." paalam ni Lean. Sinakay na ni Nathan ang mga maleta ni Vince sa kotse niya. Inabot naman ni Vince sa akin ang susi ng kotse.

"I'm going home na, babe. I'm gonna miss you." paalam ni Vince at niyakap ako. Niyakap ko din siya.

"I love you, Ginoo. Ingat ka."

"I love you too, Binibini." sagot niya.

"Tita, alis na po kami. Salamat po." paalam ni Vince at nagmano sa kay Mommy. Tumango lang si Mommy at kumaway kina Lean na nakasakay sa kotse. Sumakay na din si Vince pagkatapos magpaalam. Kinawayan ko lang sila hanggang sa mawala na ang kotse sa paningin ko. Pumasok na ako sa bahay at nakita ko ang naiwang decorations. Pinicturan ko ito at saka umakyat sa kwarto ko. Nagbihis muna ako ng pambahay at bumaba ulit para ligpitin ang mga dekorasyon. Nang matapos kong ligpitin at itabi ang mga ito ay bumalik na ako sa taas para mahiga sa kama ko. Nilagay ko muna sa Instagram story ko ang picture ng decorations at nilagyan ng caption na, Thank You Seeners! Hinintay ko muna ang text ni Vince na nakauwi na siya bago ko hinayaan ang sarili kong makatulog.

A/N: Another late night update for you guys! Thank you for reading and waiting! Happy 150 Bemskies! More Bemskies to come! Sorry for waiting. I love you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top