CHAPTER 5: JUST A GLIMPSE

Ken's POV
Two weeks had passed and we're now preparing on our departure. Papunta na kami ngayon sa airport. Pagdating namin ng US for sure we're going to prepare for a conference and I will prepare for a new school year. Final year of engineering, for sure it'll be more stressful and pressuring. Kailangan ko abutin ang mataas na standards ng mga magulang ko at ng makaalis ako sa kulungang ginawa nila.

"Kuya Ken, did you eat breakfast?" Kyle asked.

"No. Why?" I asnwered.

"Oh kaya pala mukha kang zombie."

"Anong kinalaman ng breakfast do'n ha?" I slept late last night because of over thinking. Iniisip ko yung mga bagay na mangyayari sa future ko at yung mga plano ko katulad ng engineering firm ko.

"Breakfast is the most important meal of the day, Kuya Ken. So dapat kumain ka."

"Alam mo, mag-wattpad ka na lang. Kakain ako kung kailan ko gusto. Chill hindi ko ikamamatay ang hindi pagkain ng agahan for once."

"Okay, Kuya. Sabi mo eh." Binuksan niya ang kaniyang bag at nilabas ang kaniyang cellphone. Ako naman ay inabala ko ang sarili ko sa pagdrawing ng sketches sa iPad ko. I thought of airplane this days so I'm trying to sketch one.

"Let's have our breakfast sa lounge na lang." Ate said while  doing her make up on the front seat of the van. I just nodded for an answer. After a few hours we are now on the airport. Habang pababa ng van I saw a familiar figure. I can't believe that today is also her flight going to Singapore.

"Kuya Ken! Is that Ate Ems?! Teka lang! Magpapapicture muna ko!" saad ni Kyle.

"No! Dito ka lang. Wag mo na sila guluhin." I answered.

"You Liza, baka gusto mo magpaalam kay Vince." Kuya Kenneth said to Liza.

"Hindi na. Nagmessage na ako sa kanila ni Ems." Liza answered.

"Oh ikaw Ken baka gusto mo magpaalam." saad ni Ate. Umiling lang ako at pinagmasdan sila mula sa malayuan. Nakita ko ang mga dati naming kaibigan at si Sandra na nakatingin din pala sa akin. She was about to go near me but I shook my head to signal her no. I don't want her to come near me cause for sure Ems will ask her about it. Inunahan ko na sila Ate sa pagpasok sa loob ng airport. Ayoko nang magtagal pa sa drop off area dahil paniguradong ilang sandali na lang ay papasok na din sila.

"What's with the rush, Ken?" Ate asked.

"Don't ask the obvious, Ate." Kuya Kenneth answered. Hindi na ako sumagot sa kanila at inabala na lang ang sarili sa pagbabasa ng nakalagay sa air ticket ko. I badly want to go near her and tell "I'm back love. I miss you so damn much." but I can't. I know myself and my family well. No one knows but maybe there's some spy around here and report it right away to our parents. I also choosed not to because I don't want another relationship would be ruined beacause of me. I want her to live in peace and happily.

"It's her right?" Adelaide said.

"What?" I answered.

"The girl earlier she's your ex right? The one with a long hair and wearing a blue hoodie?"

"How did you know?" Hindi ko naman kwinento sa kanya yung itsura ni Emily at paano niyang nalaman na si Emily ang ex ko. Huling natatandaan ko ang alam niya lang ay may ex ako at nagbreak kami dahil sa social status ko.

"Your expressions said it well."

"What?"

"Sa mga sagot at mga tingin mo pa lang dun sa babae, Ken. I know she's a famous author in wattpad and currently studying nursing at Lavender Nebula University in Singapore."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong impormasyon sa kanya. Paano niya nalaman ang lahat ng yun?

"I do research, Ken. She's also the rumored heiress of the fastest rising empire in Asia and US." sagot niya na para bang nabasa ang mga katanungan sa isipan ko.

"Let's not talk about her." I answered. I was busy reading the flight information display when a girl bump into me.

"I'm sorry. I wasn't looking at the walk way." she said while picking her things up. Tinulungan ko siyang pulutin ang mga ito at inabot ako sa kanya. Nang mag-angat ako ng tingin ay laking gulat ko ng makita si Emily sa harapan ko.

"I-it's okay." I asnwered in a surprise.

"Babe! I was finding you everywhere, nandito ka lang pala." Vince said while checking on her. Hindi pa din makasagot si Emily dahil nakatitig lang siya sa akin na tila ba nanaginip siya.

"I-I got to go. Baka malate ako sa flight ko. Nice to see you again, Miss Emily. Take care of her." I said as I glimpse on Vince who's also looking at me.

"Yes. I will." he answered and pulled Emily away from my direction. Sumunod na ako kila Ate na nasa immigration na pala. Tinitignan ko sila habang naglalakad palayo. Natagpuan kong nakatingin pa rin sa akin.

Nagulat ako ng may humatak sa akin palapit sa kanya at bigla na lang akong may naramdamang malambot na bagay na dumampi sa aking labi. Nakita kong dumaan ang sakit sa mata ni Emily.

She rubbed my face softly and said, "Hayaan mong sagipin muna kita sa rumaragasang sakit ng pag-ibig... Kahit ngayon lang pagbigyan mo ako..."

Napabuntong hininga ako at muling gumawi ang aking tingin sa kanila na ngayo'y wala na sa gawi namin.

"Tara na. Baka ma-late pa tayo sa flight." I answered. Sumunod na kami kila Ate Kass na nasa immigration na. Hanggang sa tumungtong ang aking mga paa sa eroplano ay hindi ko pa rin makalimutan ang sakit na dumaan sa mata ni Emily.

Vince's POV
Hindi ko nasabayang maglakad kanina si Emily kaya nakabangga siya ng lalaking hindi ko inaasahan. Binagalan ko na lang ang paglalakad ko. Binigyan ko siya ng tsansang makita si Emily pero  sinayang niya lang ang isang beses na yun. Mas pinili niyang saktan ulit si Emily. Wala kong nagawa kundi ang yakapin na lang si Ems at sabihing okay lang ang lahat kahit ako mismo sa sarili ko hindi okay. Nasasaktan ako dahil sa nangyayari na hanggang ngayon mahal niya pa rin si Ken. Hanggang ngayon iniiyakan niya pa rin si Ken. Kahinaan niya pa rin si Ken. Bakit ganoon? Gusto ko lang naman sumaya kasama siya pero parang malabo pa rin. Sana hindi ko na lang hinayaan na makita nila ang isa't isa. Hindi sana siya umiiyak ngayon dahil nanaman kay Ken.

"That's why I don't want you to meet him again. Look what happened? Nasasaktan ka nanaman dahil sa kanya." I said as I wipe her tears off.

"I'm sorry. I don't know why it hurts. Hindi ko maintindihan yung sarili ko. Sobrang tagal na nun pero masakit pa din. Considering na ginawa niya din yun before. Ayoko ng ganito, Vince. Hindi ko alam bakit nasasaktan ako at dahil sa sakit na 'to nakakasakit din ako." she answered and cried more. Lumulon na lang ako at tumingala para mapigil ang pagtulo ng aking luha. We're both hurting because of the person we love.

"Always remember, Babe. You're worth the pain. Mananatili ako, mananatili ako hanggang sa ako na ang paalisin mo." I asnwered and hug her tightly. After a few minutes she calmed down. Nagpaalam akong bibili muna ng tubig at sandwich. Alam kong hindi siya nakapag-breakfast dahil may mga gamit pa siyang inayos last minute. Pagbalik ko sa kinauupuan namin ay nakita ko siyang nagbabasa ng trances namin sa iPad. Nakasuot ang kaniyang anti-radiation glasses at hawak ang apple pen. Napangiti ako sa nakikita. She's so devoted on studying and writing. She's totally an ideal girl. Umupo ako sa tabi niya at inabutan siya ng sandwhich at tubig.

"I know you did not eat your breakfast that's why I bought you some." I said and open the packaging of sandwhich.

"Thank you." she answered. Kumain na kami ng sandwhich at pagkatapos ng ilang minuto ay tinawag na ang flight number namin. Tumayo na kami sa aming pwesto at naglakad na papasok sa gate. Ng mahanap ang aming pwesto ay pinaupo ko na siya sa window side dahil alam kong mas gusto niya doon maupo.

"Matulog ka muna mahaba pa ang biyahe." saad ko ng magsimula nang umangat ang eroplano.

"Mamaya-maya na lang siguro mag-aaral muna ko."

"Okay. Then I'll just watch some anime here na lang." Tumango lang siya bilang sagot at binalik ang atensyon sa kaniyang iPad. Nilabas ko naman ang sarili kong iPad at naglagay ng earphones para ako lang ang makarinig ng pinanunuod ko. After an hour napansin kong pabagsak ang ulo ni Ems sa table na nasa harap niya agad ko siyang inalalayan at inilagay ang ulo sa ibabaw ng balikat ko. Hinawi ko ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya at pinagmasdan ito. Mahahalata mo sa mata niyang umiyak talaga siya kanina dahil namamaga ito. Hinawakan ko ang mukha niya at bahagyang hinimas ang kaniyang pisngi. I don't want you to cry because of him again. You're eyes is too beautiful to cry a river of tears. You're too precious to be hurt again. Even though it hurts, I'm still here standing straight for you.

Emily's POV
I still can't believe that I cried because of the same reason. Pagdating namin ni Vince sa condo ay dumiretso ako sa kwarto ko at hiniga ang sarili ko. Hindi ko na inabala ang sarili ko na magbihis, hinubad ko na lamang ang sapatos ko at nahiga sa kama ko.

"Babe, bihis na muna bago ka matulog." Vince said.

"Mamaya na. Matutulog muna ko."  I answered.

"I'll give you some space to figure out what happened okay? Don't cry too much. Wala ako diyan para punasan ang mga luha mo."

"Thank you. I really don't want to hurt you more, babe. Lalabas na lang ako ng room ko kapag okay na ako." Ayoko nang makasakit pa ng sobra kaya ako na mismo ang iiwas. Tahimik siyang lumabas ng kwarto ko. Tila ba hudyat iyon ng pagpatak ng mga luha ko. Ano ba namang buhay ito? Nanahimik ako bigla namang magpapakita ang mga taong nanakit sa akin noon. Here's my emotional break down again. It's because of him again. I always have my medicine here inside my drawer. Hindi hinayaan ni Vince na magpawala ako ng gamot kahit hindi na ako inaatake ng break downs. I took one pill and drink one glass of water. The pill calms my nerves and my breathing slowly turns to normal again. I need to overcome this again, not just for myself but also for Vince. I know he's in pain because of me and I don't want that. I want him to be happy with me.

Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ko ay nagpunta ako sa banyo ng kwarto ko at naligo. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto. Inabutan kong nagsusulat si Vince sa kaniyang plotting notebook. Kasalukuyan siyang nakaupo sa pwesto niya sa dining area. Sumandal muna ako sa bungad ng aking pintuan at pinagmasdan ang seryosong mukha niya. He's still the Vince I knew few years ago. He knows his goals and he's the guy of every girls dream. Hindi ko alam bakit nagtitiis siyang samahan ako sa kahit alam niyang low chances of winning.

"Staring is a crime, babe. Kanina ka pa nakatitig diyan." saad niya na nakatingin na pala sa akin. Masyadong napatagal ang titig ko sa kanya.

"When did it became crime? Tell me when and what country?" I answered.

"Just a few minutes ago and it's a country called 'Vinly'" he answered. Hindi ko napigilang tumawa ng malakas dahil sa joke niya. He always make fun of our love team. That's what our readers call us, Vinly.

"Wow. Edi pipikit na lang ako para di ko nakikita 'yang kapangitan mo!"

"Are you sure? Am I really ugly? But why did the mirror shine everytime it reflects my face?"

"It's because ginayuma mo yung salamin!"

"Nagagayuma pala ang salamin. Thank you for the information, babe."

"Hindi ko na alam gagawin ko sayo, Vince." Hinawakan ko ang sentido ko at minasahe ito ng kaunti para kunyari ay nas-stress ako. Agad naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Mahalin mo lang ako, babe. Okay na 'yon." he said as he hug me tight and kiss my forehead.

"I love you." I answered.

"I love you too." he answered and kiss my cheeks. Napayuko naman ako ng maramdaman kong nagiinit ang mukha ko dahil sa ginawa niya. Narinig ko nanaman ang masayang halakhak niya na parang nanalo sa lotto. It's always his happiness to see me blushing. After a few minutes we decided to cook some lunch. Nagluto na lang ako ng corned beef at fried rice dahil hindi naman nakabubusog ang in flight meal. Pagkatapos namin mananghalian ay napagdesisyonan namin na magsulat na lang muna dahil siguradong hindi na ulit kami makasusulat kapag nagbalik na kami sa duty.

After three days of resting ay nagbalik na nga kami sa hospital para magduty. Sobrang busy talaga at sa kasamaang palad napunta pa ko sa ER samantalang si Vince sa OR. Mago-observe lang naman siya dun tapos ililista niya lahat ng naobserbahan niya samantalang ako dito taga-swero. It's our lunch break kaya nandito kami sa hospital cafeteria.

"Maganda sa OR?" tanong ko.

"Di mo man lang ba kukumustahin yung boyfriend mo? Talagang OR agad?" he answered.

"Okay, take two. Babe, kumusta sa OR? Maganda ba?"

"'Yan! Ayos naman babe. Maganda. Nakikita yung internal organs."

"Talaga?! Anong operation na napuntahan mo?"

"Bypass operation. Yung sa heart tapos yung sa may appendicitis."

"Wow. Sana all. Hintayin ko na lang yung day na ma-assign ako diyan."

"Kumusta naman sa ER?"

"Konti lang pasyente. Ako nags-swero sa kanila."

"Medyo stressful din sa OR bawal kang mag-duty dun kapag sabog ka pa kasi buhay ang nakataya."

"Syempre. Baka mamaya imbis na scalpel maiabot mo suture inabot mo HAHAHAHA!"

"Imbis na yung pasyente yung nahiwa mo kamay na pala ng doctor HAHAHAHAHA!"

Natigil lang ang kwentuhan namin ng matapos ang oras ng break. Bumalik na kami sa kanya-kanya naming station.

Ken's POV
The scenario on the airport never left me. Her eyes that reflects pain and her tears. Hindi pa din ako iniiwan ng scenario na yun kahit tatlong araw na ang nakalipas. Gusto ko siyang lapitan at sabihing hindi ko sinasadya na saktan na naman siya. Nasasaktan ako na iba ang pumapawi ng mga luha ng babaeng mahal ko pero mas masakit pala kapag alam kong ako mismo ang dahilan ng pagluha niya. Masakit pero kailangan ko magtiis kasi hindi ko naman siya pwedeng balikan habang nandito pa ako sa kulungan na ginawa ng mga magulang ko. Kailangan ko munang makalaya sa lahat ng ito bago ko siya balikan. Natigil ang pag-iisip ko sa nangyari ng tumunog ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at ng makitang si Mama ay sinagot ko agad ito baka mamaya bugahan nanaman ako ng apoy nito.

"Hello." I answered coldly.

"Ken, go to your dad's office now." she answered with full authority.

"Why?" Wala naman akong kalokohan na ginawa. Bakit kaya ako pinapatawag?

"We have something to talk to."

"Okay." After I bid my good bye I ended the call. Naligo na ako at nagbihis ng polo at slacks. Nilagyan ko na din ng coat para mas mukhang formal. Lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa sala.

"Saan gala natin at ayos na ayos tayo?" tanong ni Ate.

"Saan pa? Edi sa hukom." sagot ko. Alam niya na ang ibig-sabihin ng hukom.

"Hala. Ihuhukom ka nanaman?"

"Aba malay ko. Baka idedestino nanaman ako sa Canada para ayusin yung projects nila dun. Maka-alis na nga baka mamaya ma-late pa ako at sermonan ako ng siyam-siyam. Mahirap na makinig sa misa nilang paulit-ulit." Nanawa na ako makarinig ng sentimyento nilang walang kwenta.

"Oo nga. Mabuti pa, Ken. Uwian mo ko ng pizza ah. I'm craving for it eh."

"Yeah." sagot ko at kinuha ang susi ko sa coffee table. Lumabas na ako ng condo at dumiretso sa parking lot.

Pagdating ko sa office ay bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Papa. Umupo ako sa bakanteng upuan sa harapan niya.

"Ken, I want you to go to New Zealand tomorrow night and took over some projects there. Ana will be with you on your trip. You both will observe the projects held there."

"What? I can do it alone."  I answered. Ayokong magbitbit ng alagain sa biyahe. Alam ko namang magliliwaliw lang siya sa New Zealand at hindi magta-trabaho.

"Engineers should have architects on their side. So 'wag ka nang magreklamo." Napailing na lang ako sa narinig kong sagot. Hindi talaga sila titigil hanggat hindi kami nagkakamabutihan ni Ana. Kahit sa panaginip hindi yun mangyayari.

"Okay. That's all?" I asked. Baka may pahabol pa ng maihanda ko ang tenga ko.

"Don't mess this up, Ken." Pagbabanta niya sa akin.

"As if I mess anything." sagot ko at lumabas na ng office. Dumiretso muna ko sa favorite pizza place ni Ate at bumili ng pizza na gusto niya. Bumili na din ako ng milktea ko sa malapit na milktea place. Pagdating ko sa condo namin ay hinain ko lang kay Ate yung pizza at umakyat na sa taas. Pagkatapos ko magbihis ng pambahay ay nilabas ko na ang maleta ko.

"Don't tell me na may balak kang umuwi ng Pilipinas." saad ni Ate na ikinagulat ko. Bigla-bigla na lang kasing pumapasok.

"Pupunta kong New Zealand, Ate! Tsaka kagagaling lang natin sa Pilipinas." sagot ko.

"At sinong may sabing pupunta ka ng New Zealand ng hindi ako kasama?"

"Natural mente si Papa. Kasama ko pa si Ana, Ate kaya ayoko tumuloy. Bukas na daw flight namin."

"What?! Kasama mo yung architect na mala ahas kung makalingkis?!"

"Ewan ko sayo, Ate. Bahala na kung lilingkisan niya ako. Ako na mauunang mandiri."

"Ingat ka dun, Ken. Alam mo na, baka gapangin ka."

"Subukan niya lang ingungudngod ko siya."

"Grabe ah. Palaban si Pareng Ken. Kaya mo na din ba paglaban si Ems?"

"Oo naman. Maka-graduate lang ako babalikan ko siya."

"Sure na yan?"

"Si Ate naman. Mag-iimpake na nga ako." I answered and continue folding my clothes.

"Sige na. Iwan na kita diyan. Baba ka na lang kapag tapos ka na para makapag-paalam ka sa Kuya mo." Paalam niya at lumabas na ng kwarto ko.  Pagkatapos ko mag-impake ay bumaba ako katulad nga ng sinabi ni Ate. Naabutan ko sila nila Kyle na nanonood ng movie. Umupo na lang ako sa tabi ni Kyle.

"Kuya Ken, bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa?" tanong ni Kyle ng matapos ang movie.

"I'm going to New Zealand tomorrow night for some projects."

"What?! Kagagaling mo lang dun eh, diba?"

"Yeah. I'm with Ana for the next two to three weeks."

"Oh... Cheer up, Kuya Ken! It's just twenty-one days. It won't be too long."

"Yeah. It won't be too long. It's just like twenty-one days in hell."

"Grabe ka naman sa fiancee mo, Ken." saad ni Kuya na busy sa pagkain ng popcorn.

"Grabe ka naman parang dati kinamumuhian mo ’yun." Dati-rati makalait wagas ngayon halos kampihan niya na yung babae na yun.

"Sinasabi ko lang, Ken. Don't be so harsh on her kapag nandun na kayo. Remember she's also a girl and deserves to be treated nicely."

"Yes, Kuya." As if namang sasaktan ko siya. Maayos ko naman siyang pinakikitunguhan kahit di siya ganun sa akin. Pagkatapos ng masayang kwentuhan namin ay napagdesisyonan ko nang umakyat ulit para naman asikasuhin ang enrollment at webtoon ko para trabaho na lang ang aasikasuhin ko sa New Zealand.

The next night ay hinatid ako nila Ate sa airport. Napagdesisyonan namin na sa airport na lang kami magkikita ni Ana para di na masyadong kain sa oras. 21 hours yung flight at two flights pa kaya kailangan talaga ng maaga.  Habang hinihintay ko si Ana sa waiting shed ng airport ay kinuha ko na lang muna ang iPad ko at tinapos ang illustration ng eroplano na dri-nawing ko nung nasa flight kami pauwi. After a few minutes finally she came and I finished illustrating the airplane.

"Ken,  let's go na sa lounge. We're getting late." she said.

"Yeah we're getting late cause you came late." I answered. She's one hour and thirty minutes late, buti na lang maaga ko ng halos 2 hours sa kanya. Nagcheck in muna kami at dumiretso sa lounge. Kumuha ko ng available na pagkain nila dahil for sure for the next 21 hours ay puro in flight meal na ang kakainin namin. Layover will be on Toronto, Canada dun na din namin kukunin yung next flight.

"Ana, eat. For sure you can't last long if you haven't eat real food. In flights meal isn't enough to full your stomach." I said. Baka mamaya kasi dramahan nanaman ako nito at sabihing 'I'm so hungry, Ken. I didn't eat.' Tapos magsusumbong na ginutom ko siya.

"Okay. I don't wanna eat cause I'm on a diet."

"Forget your diet first. Go there get your food and eat."

"Okay. Chill yourself there. I'll eat." sagot niya at umalis sa harapan ko para kumuha ng pagkain niya. Oagkatapos naming kumain ay hinintay na lang namin na tawagin yung flight number namin para makaakyat na sa eroplano. After a few minutes tinawag na din ang flight namin. Magkalayo sana kami ng upuan ni Ana kaso mapilit siya kaya ngayon ay nasa tabi ko pa rin siya.

When we got to New Zealand I didn't expect that the project I'm going to deal with is Ivan's renovation of their hotel and resort. I only observed the construction of the resort and wrote some reports about it. I'm currently on the restaurant of the hotel we're currently staying in and typing some reports to be sent later when someone seat on the chair in front of me.

"Long time no see, Ken." The baritone voice said. I lifted my gaze to him.

"Long time no see, Sandra's love." I answered.

"How are you and Sandra? Going strong huh?"

"I'm sorry? What are you talking about? I never had a girlfriend after Emily. If you're going to say about my relationship with Sandra she's just a younger sister to me." I saw his surprised expression by what I answered. Bakit mo kasi iniwan si Sandra? Nagpapaniwala ka kasi sa kalituhan ng babae na yun eh. Tanga-tanga.

"W-what?! I thought kayong dalawa."

"What? May saltik ka ba? Naalala ko yung chat mo sa'kin ingatan ko siya? For what?"

"I don't understand a thing."

"I'll explain it to you in layman's term huh? Me and Sandra is just friends. We're not what you think you freak! Masyado ka atang nabusy sa trabaho at nawala ka na sa sirkulasyon."

"But she said... She loves you..."

"Yeah. I know. I rejected her cause I still can't move on with my past relationship."

"Anyways, it's been years. Do you know how is she?"

"She's fine. Getting ready for med-school." Yun yung huli naming napag-usapan.

"That's nice. Tell her I'll be back soon. I got to go. I have some meetings and trainings to attend." paalam niya.

"Yeah. Go ahead. Have a nice day."

"Have a nice day too." he said and walk away. He's still the Ivan that Sandra loves. I know he still love Sandra but he's hurt he's just taking time to heal and when he's fully healed for sure his gonna comeback for Sandra.

"Is that Ivan from high school? He's getting good looking from time to time huh." Ana said while sipping on her coffee.

"Yes it's Ivan." sagot ko at nagpatuloy sa pagta-type.

"I already sent my report to tita. She said she's waiting for yours."

"I'm working on it."

"Do you need my help?"

"Nope. I can do it. You can just go chill yourself in the spa cause tomorrow we're going back to New York. You did well." Tapos naman na ang mga trabaho kaya okay lang na magliwaliw siya.

"Okay. You too. Have time for yourself." she answered.

"Yes. Thank you." I answered. Umalis na siya sa harap ko. After I sent the reports I went to my hotel room. I bought a guitar yesterday because I badly want to play a guitar again. Kagabi nag-aral ako ng chords ng You're Still The One. Matagal-tagal na din akong hindi nag-gitara. I spent the whole day learning the song. Kahit paano na-relax din ako sa pagtugtog ko. The next day bumiyahe na kami pabalik ng US. Sobrang pagod ko hindi ko na naasikasong magbihis pa at dumiretso na lang sa kama at nakatulog.

A/N: Sorry for the late updates Bemskies. Kakagaling ko lang sa sakit and ngayon ko lang natuloy yung chapter. Thank you for waiting and enjoy reading! I love you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top