CHAPTER 4: SICK

Ken's POV
It's been three days when that scenario happened and it never left my mind, so I made it as one of the scenarios on my webtoon. I already finished the outlines for chapter one. Colors and dialogue na lang ang kulang ready to publish na. Meron na rin akong book cover at story description. After a few hours of staying in the garden, I decided to go back inside our house.

"Ken, may bisita ka," saad ni Ate.

"I never expect a visitor today, Ate," sagot ko.

"Tignan mo na lang kung sino. Dami mong tanong eh."

"Okay."

Pumunta na ako sa sala namin at laking gulat ko ng makita kung sino ang bisita. Ano'ng kailangan nito? Akala ko nasa America 'to?

"Hi Adelaide. Ano'ng kailangan mo?" tanong ko.

"I just wanna invite you to go somewhere. Kadarating ko lang din last week and I heard rin kasi na nakauwi na kayo from US." sagot niya.

"Babalik din kami sa isang araw. Saan ba?"

"I just wanna bring you to the place where everything started."

"I don't remember where but let's go. Magbibihis lang ako."

"Okay. I'll wait for you here."

Umakyat na ako sa taas para magbihis ng aking damit. Parang alam ko kung saan pero hindi ako sigurado sa lugar. Bumaba rin ako pagkatapos.

"Let's go. Don't bring your car keys na cause it's just near by." saad niya.

Tumango lang ako bilang sagot. Lumabas na kami ng bahay namin. Habang naglalakad ay napansin kong papunta kami sa isang park. Pamilyar ang lugar na ito sa akin dahil dito yung park kung saan una kaming nagkita. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila ako papunta sa mga benches dun.

"Remember this place?" tanong niya.

"Yeah. This is the place where we met back then."

"Yes... You know, I always go here everytime I miss you. Sitting here and watching children plays makes me want to go back to the good old days."

"You reminisce?" I answered with a surprise. Ayoko man saktan ang damdamin niya pero simula ng umalis siya at makilala ko si Ems ay hindi ko na siya muling naalala.

"Bakit? Ikaw ba hindi mo ko naalala through the years?" She answered. Hindi ako nakasagot at napayuko na lang. Hindi na lang ako nagsalita dahil ayokong makadagdag pa sa sakit na nararamdaman niya.

"Hmmm. Silence means yes, I guess? And I know why..." Napatingin naman ako sa kanya na naguguluhan.

"A-and why is that?" sagot ko.

"You had a girlfriend in highschool. Unfortunately, you and her broke up because of your social status and the bullying that had happened that time."

"H-how did you know that?"

"I'm always watching you," she said. She held my hand tightly and looked into my eyes.

"I kow you still love her, but please Ken... She's happy with someone else. Find another woman to love. Let yourself be happy, Ken," she said.

"I can't be happy with someone else. I just can't... I tried to find other girls but everytime... Everytime I hold them I feel like I'm cheating to her. I know she's happy with someone else and I'm happy for her. I really do..."

"No, Ken. You're not happy cause if you really do? I won't see sadness and pain in your eyes. Your eyes says it all."

Natahimik naman ako sa sinagot niya at iniwas ang tingin sa kanya. Pinanuod ko na lang na maglaro ang mga bata. Sana naging bata na lang ulit ako para hindi ko nararanasan ang sakit na 'to. Hindi ko nararanasan ang pressure ng mga magulang ko. Walang iniintinding mga bagay-bagay.

"Bakit hindi natin subukan ulit? Wala namang masama sa pagsubok ulit magmahal, Ken. Wala namang mali kung susubukan mo akong mahalin muli..." she suddenly said and look away.

"Kung susubukan natin ulit ikaw lang mahihirapan. At saka ayoko ng gagamit ako ng ibang babae para lang makalimutan siya. Kung hindi magawa ng puso ko hindi rin magagawa ng isip ko. Para sa akin magkakonekta ang dalawang ito. Kung ayaw ng puso hindi susunod ang isip."

Ibinalik niya ang kanyang tingin sa akin at sinabing, "Hindi mo naman ako gagamitin para makalimutan siya. Hindi mo siya kailangan kalimutan, Ken. Kung hindi mo pa kaya... Handa akong maghintay hanggang sa ako ulit ang mahalin mo."

Natahimik ako sa narinig kong sagot galing sa kanya. Akala ko reminiscing lang bakit may ganito?

"I'm sorry," I answered.

Nakita kong tumulo ang luha sa mga mata niya pero agad din niya itong pinahid. "Hinintay kita ng higit pa sa sampung taon umaasang tutuparin mo yung pangako mo kaso huli na pala ko..."

Nagbaba ako ng tingin at hindi na sumagot pa. Naalala ko yung pangakong binitawan ko sa kanya na magpapakasal kaming dalawa. Hindi ko naman inakalang hahantong sa ganito.

"Hinintay din kita, kaso sa gitna ng paghihintay ko nakilala ko siya at hindi ko inakalang mahuhulog pala ako sa kanya..."

"Maraming pagkakataon para hanapin ako, Ken. Bakit hindi mo ako hinanap?"

"Ilang taon din kitang hinanap pero ikaw mismo ang ayaw magpahanap." Halos anim na taon ko siyang hinanap pero simula nang makilala ko si Ems naging mas focused na ako sa pag-aaral at relasyon naming dalawa.

"Hindi pa rin kita susukuan, Ken. Habang wala siya ako muna. Pagbalik niya ako mismo hihintong mahalin ka. Sapat na sa akin na malamang hinanap mo ako." sagot niya sa kabila ng mga hikbi. Kinuha ko ang ang panyo sa aking bulsa at inabot ito sa kanya. Tinanggap niya lang ito at pinahiran ang mga bakas ng luha sa mukha niya. Nang mahimasmasan siya ay hinila niya ako patayo.

"Bakit? Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Kakain. Street food. Kumakain ka nito, diba? Wag mo ko artehan."

"Oo, marecakes. Libre mo ba 'to? Dollars lang pera ko dito eh."

"Oo! Afford ko yan!" sagot niya at hinila ako sa mga stalls ng fishball at iba pang street food. Namimili na siya ng mga food at tumutuhog kaya nakigaya na lang din ako. Bumili muna siya ng drinks namin at bumalik na sa pwesto namin kanina.

"Ikaw naman pag-usapan natin. What are you up-to?" tanong niya habang kumakain.

Tumikhim muna ako at sumagot, "Webtoon and plates. Diyan lang naman umiikot ang mundo ko."

"Wow. I'm into Webtoon lately. I'm reading Mi Amor by Misirabilis Dolor."

Nasamid naman ako dahil sa narinig. Inabot niya sa akin ang samalamig na binili niya. Hindi pa rin ako sanay na may magsasabing binabasa nila yung gawa ko.

"Bakit bigla kang nasasamid diyan? Anong meron sa webtoon na yun?" she then said.

"W-wala. Binabasa ko din kasi."

"Ahhhh. His or her identity is still hidden eh. Ang galing nga eh kasi he or she is good at narration and dialogues. I feel like I'm inside the story."

"Y-yeah..." Nagpatuloy kami sa pagkain ng street food. Syempre lowkey agree tayo dahil ako author n'on hindi naman pwedeng i-bash ko sarili kong gawa.

"What are your plans after grad?" tanong niya habang inuubos ang sauce ng fishball. Uminom muna ako ng samalamig.

"I'm planning to establish an engineering firm soon." sagot ko. Pagkatapos kong magawa ang mga ito ay sisimulan ko na ang pagbabalik sa buhay ni Ems.

"Are you planning to win her back?"

"Nagsimula na ako sa pagbabalik sa buhay niya." sagot ko. Sigurado akong napansin niya na yung similarities ni Savvyrine sa kanya. It's according to her recent tweets so tiwala na akong nagkaroon ng impact sa kanya yung story ko.

"I haven't seen much determination in your eyes huh. You really love her." she answered despite of the pain evident in her eyes.

"Why are you still with me even though you're hurting?" I asked. Pwede naman siyang umalis kung gugustuhin niya pero bakit nandito pa rin siya?

"I want to be part of your story even though I'm just your prologue. I'll be with you until you find your greatest epilogue. Hopefully, my existence can give you the best epilogue you deserve."

"I'm not the right man for you, Adelaide. That's why you became the prologue of my story. There's someone who's better than me that will write your own story."

"I know... Thank you for that, but for me you are the best prologue for my story. Siguro nga ako yung prologue pero iba ang epilogue. Ganon naman talaga ang libro, diba? Yung paasahin ka sa umpisa na kayo pala tapos sa huli iba pala."

"Hindi ka pa ba uuwi?" I suddenly asked cause it's getting dark. Ayoko na din pag-usapan ang mga bagay tungkol sa naging relasyon namin. Para din maihatid ko siya. Ayoko naman na umuwi siya mag-isa.

"Gusto mo na ba ko umuwi?" sagot niya.

"Hindi naman. Nag-alala lang kasi ko kasi pagabi na. Para maihatid kita."

"Okay. Tara na. Maglakad na tayo pabalik sa bahay niyo." Tumayo na siya at nauna nang maglakad sa akin. Sumunod naman ako sa kanya. Pagpasok namin ng bahay ay sinalubong kami ng malapad na ngiti ni Ate.

"Nagkaliwanagan na kayong dalawa?" saad niya.

"Ate, hindi kami bumbilya para lumiwanag." sagot ko. Naglaho ang kaniyang malapad na ngiti at napalitan ng masamang tingin. Pinipigilan naman ni Adelaide ang kaniyang pagtawa.

"Ikaw ba tinatanong ko? Si Adelaide kausap ko 'no!"

"Oo Ate Kass, okay na kami." sagot ni Adelaide.

"Sure ka? Pinaiyak ka ba nitong kapatid ko at namamaga 'yang mata mo?"

"Hindi Ate. Napuwing kasi ko kaya medyo naluha."

"Dito ka na mag-dinner. Nagluto ako ng favorite niyo ni Ken."

"Talaga, Ate Kass? Naalala mo pa!"

"Syempre! Seafood kare-kare right?"

"Yes Ate! You know me well huh?"

"Of course. Parang little sister na kita eh. Ano pang tinatayo mo diyan, Ken? Maghain ka na!" Hindi na ako sumagot at pumunta na lang sa kusina. Tumulong akong maghain kina Manang. Pagkatapos maghain ay tinawag ko na si Kyle. Si Kuya Kenneth wala dahil sinamahan ata si Liza sa bahay nila.

"By the way Ate. Where's Kuya?" tanong ko habang sumasandok ng kanin at ulam.

"He's probably with Liza. Nagd-date. Sana all may ka-date!" she answered.

"Okay lang yan, Ate. Hintayin mo na lang bumalik si Kuya Darren." Alam kong siya yung huling nagpatibok sa puso ni Ate. Binaliwala ko lang ang masamang tingin niya sa akin at nagsimula nang kumain.

"Respeto sa pagkain. Wag kang magmura, Ken."

"It's just a name, Ate."

"It's not just a name, Ken. You don't know what impact I had to that name."

"I'm sorry." I answered and continue eating my food. I didn't know that until now meron pa rin siyang nararamdaman kay Kuya Darren. I thought it's fine. Pagkatapos namin kumain ay hinatid ko na si Adelaide sa bahay nila at umuwi na din ako.

Vince's POV
It's already night time but I'm still here at Emily's room because she's sick and I'm taking care of my girl. Tinawagan ako ni Tita dahil may pupuntahan daw siya at hindi niya mababantayan si Ems.

"Why are you here pa? Kanina ka pa nandito. Nandito na si Mommy makakauwi ka na." she said.

"I told you take care of yourself but what did you do?" I answered. Ayoko sa lahat ng pinababayaan niya ang sarili niya para sa readers niya. We're both writers but that doesn't mean na pabayaan niya na ang health niya. Our readers can wait.

"Enough na muna, babe. I wanna sleep."  She then turn her back on me facing the wall. I laid beside her and brush her hair using my fingers.

"Why are you so careless naman kasi? I'm so worried about you. Ayoko lang na may sakit ka." I whispered while brushing her hair. Paano na lang kapag naghiwalay tayo? Ganiyan ka pa rin ba? Paano kung yung lalaking pagkatapos ko hindi ka kayang alagaan ng ganito? Take care of yourself, babe cause not all the time I'm with you. Alam kong pansamantala lang ako sa tabi mo kaya hanggat kaya kong patagalin ang pansamantala patatagalin ko makasama lang kita.Gusto kong maramdaman mo na may isang lalaki na handang alagaan ka kapag may sakit ka, handang mahalin ka kahit anong ipakita mo sa kanya, at lalaking handang suportahan ka sa lahat ng gusto mo. Hindi ka iiwan kapag tinalikuran ka na ng mundo. I'm always here for you, babe even when the time comes I need to leave you, nandito pa din ako pinapanood ko lang kayo.

Hinalikan ko muna ang noo niya bago ako bumangon ng dahan-dahan para hindi siya magising. Bumaba na ako ng kwarto niya. Nakita ko si Tita na papasok sa kwarto niya.

"Oh, Vince. Uuwi ka na?" tanong niya.

"Opo, Tita. Babalik na lang po ako bukas." sagot ko.

"Oh sige. Ihahatid na lang kita diyan sa gate."

"Sige po."

Lumabas na kami ng sala at naglakad na ako palabas ng gate nila.

"Good night po , Tita." Paalam ko bago ako sumakay ng kotse. Tumango lang siya at kinawayan ako. Minaniobra ko na ito paalis at kumaway muna bago tuluyang umusad paalis. Pagdating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nahiga na ako sa kama ko. Binuksan ko muna ang phone ko para magbasa ng wattpad. Kahit naman sikat na ako ay nagbabasa pa din ako para magpatuloy yung ideas.

The next morning I went to the pharmacy first before going to Emily's house. As usual tinitingnan ako ng mga kapit-bahay nila pero pinagsawalang bahala ko na lang at pumasok sa bahay nila. Nakita ko si Tita Marie na nagpapakain ng aso nila.

"Good morning po, Tita Marie." bati ko.

"Magandang umaga. Bumangon na si Emily nasa kusina sila ng mommy niya kumakain," sagot niya.

"Puntahan ko na po sila." Tinanguan niya lang ako kaya pumunta na ako sa kusina nila. Katulad nga ng sabi ni Tita ay nandun si Ems at kumakain. Nginitian ko si Tita ng mapansin niya akong nakatayo at sinenyasan siyang 'wag maingay. Bago pa man makalingon si Ems ay niyakap ko na siya mula sa likod at hinalikan ang kanyang ulo.

"Good morning, babe. I brought you medicine." bulong ko at sinuklay gamit ang mga daliri ko ang buhok niyang nagulo.

"Sabi ko na nandito ka eh! Iba ngiti ni Mommy eh!" Hinampas niya ang balikat ko. Magaling na nga. Nakahahampas na ng malakas eh.

"Kumain ka muna, Vince. Kukuha muna ko ng pinggan mo." saad ni Tita na tinanguan ko na lamang. Umupo ako sa tabi ni Ems.

"How are you feeling?" tanong ko.

"Medyo masakit pa ulo ko."

"Drink your meds after we eat."

"Heto na yung pinggan, Vince. Ikaw na lang magsandok ng pagkain mo." saad ni Tita at inabot sa akin ang plato. Sinimulan ko nang ayusin ang pagkain ko. Sabay kaming kumain ni Ems at pagkatapos ay pinainom ko na siya ng gamot.

"Maliligo muna ko, babe tapos magsulat na tayo." she said after drinking the water I gave her.

"Hot bath ah. Hindi pwedeng malamig."

"Opo. Alam ko namang di ka papayag na maligo ako ng malamig. Ayusin ko muna yung mga damit ko." Tumayo na siya sa kinauupuan niya at niligpit sana ang pinagkainan pero hinawakan ko ang kaniyang palapulsuhan. "Hindi ka magliligpit. Ako na. Ayusin mo na lang yung mga susuotin mo," saway ko at ako na ang nagligpit ng aming pinagkainan.

"Babe naman! Bisita ka namin. Nakakahiya sayo," she said while I'm cleaning the table.

"When did I became a visitor? Huh?"

"Aishhh. Bahala ka na nga." Umalis na siya sa kusina. Matapos kong punasan ang lamesa ay sumunod na ako sa kanya sa sala.

"Oh kala ko maliligo ka? Aayusin ko na yung kwarto mo para makapagsulat tayo."

"Okay. Mi, ligo na ako. Mainit ulo ni Pareng Vince." Paalam niya kay Tita at umakyat na papunta sa kwarto niya. Napailing na lang ako sa inasta niya.

"Kukunin ko lang po yung gamit ko sa kotse." Paalam ko na tinanguan niya lang. Lumabas na ako ng bahay nila at hindi ko expected na maraming babae na nakatambay sa tapat ng bahay nila Ems.

"Hi, Vince. Can I ask you for a date?" saad ng babae. Hindi ko na lang siya pinakinggan at dumiretso sa kotse. Kinuha ko yung backpack ko at agad na bumalik sa loob ng bahay nila. I didn't expect that there are girls who can lie low like that. I'm not against them but it's not nice and it's already considered as cat calling. Well what do you expect to girls who doesn't have proper education? Iniintindi ko na lang dahil ako ang mas maruning umintindi. Nakita ko si Tita na nakatingin pala sa akin.

"Pasensya ka na, Vince." saad niya.

"Okay lang po. Sige na po. Akyat po muna ko sa kwarto ni Ems para maiayos ko yung mood hehe."

"Sige at ako'y aalis muna. Sabihin mo kay Emily na namalengke ako ng supplies dito sa bahay."

"Sige po. Ako na po bahala kay Ems. Gusto niyo po ba ihatid ko kayo?" alok ko.

"Hindi na, magco-commute na lang ako. Salamat Vince. Magsulat na lang kayo ni Ems."

"Sige po. Ingat po kayo."

"Salamat. Mauna na ako." sagot niya at lumabas na.

Sinarado ko muna ang gate ng bahay nila bago umakyat at dumiretso sa kwarto ni Ems. Inayos ko yung lamesa niyang magulo dahil ilang araw siyang nakahiga. Inayos ko yung mga ballpen at notebook niya dahil alam kong pagkatapos niyang maligo ay dito siya didiretso para magbasa ng outline niya. Pagkatapos kong i-set up yung pwesto niya ay niligpit ko naman ang higaan niya at pinalitan ng bed sheets dahil ilang linggo na din yung sapin. Pagkatapos kong mapalitan ay nilagay ko sa laudry basket yung bed sheet at umupo ako sa tinatawag niyang 'thinking chair' ayoko kasi magulo yung sapin ng kaniyang kama.

"Babe! Nasaan si Mommy?" usal niya habang nagsusuklay ng kaniyang itim at mahaba niyang buhok. Ang tagal niya nang di nagpapagupit. Hindi naman naging sagabal sa trabaho namin ang buhok niya in fact hindi ko nga siya sinasabihang magpagupit kasi mas bagay talaga sa kanya ang mahabang buhok.

"Namalengke. Kinakamusta ka pala ng admins natin." Naalala kong nakausap ko nga pala si Ate Shannen kahapon at kinakamusta siya.

"Ohhh. Nakita ko nga sa gc kahapon hindi lang ako nakapag-reply dahil kinuha mo agad yung cellphone."

"Kasi naman radiation yun. Masama sa mata at mahihirapan kang makatulog dahil doon."

"Nurses instincts HAHAHAHAHA!"

"Tawa ka pa diyan eh ikaw 'tong nurse at writer na pabaya sa sarili. You don't need to push yourself to write kahit di mo naman gusto or hindi kaya ng katawan mo kasi in the end of the day you are still a human, napapagod."

"Minsan hindi ko na alam kung boyfriend ba kita o tatay. Sermon ka kasi ng sermon eh."

"Hindi naman ako magsesermon kung inaalagaan mo yung sarili mo. What if wala ako? Kinumbulsyon ka na diyan ha?"

"Grabe ka naman sa kumbulsyon. Ang OA nun, babe!"

"What if nga, babe! Just... Take care of yourself." I then said and stand up from the chair and hug her tightly.

"Why are you so clingy today huh? Don't tell me na buntis ka?" she said.

"Ano?! The heck, Ems!" I shouted after the hug.

"Joke lang, babe. Chill. Magsulat na nga tayo." sagot niya at umupo na dun sa 'thinking chair' niya. Kinuha ko naman sa backpack ko yung iPad ko at bluetooth keyboard ko. Sa kama niya ako nagset up ng mga gagamitin ko. Meron siyang bed table na pwedeng magamit kaya yun na lang ang ginawa kong lamesa.

"Write well, babe!" saad ko katulad ng nakasanayan.

"Sulat well, mahal ko." she answered and turn her back on me like nothing happened while here I am staring at her because of the sudden dialogue. Sana ako pa rin ang mahal mo kahit magkita na kayo. Pinagsawalang bahala ko na lang ang iniisip ko at sinimulang basahin ang outline ko. Habang nagbabasa ay hindi ko maiwasang titigan si Ems. Pasikreto kong kinuhanan siya ng litrato at nagbalik na sa pagbabasa. Matapos kong basahin ang outline ko ay sinimulan ko na magtype. Nagheadset na din ako para mas lalong madala sa sinusulat ko.

After an hour of writing ay tumigil muna ako sandali. Naalala kong almost lunch time na kaya tinanggal ko ang headset ko at binalingan si Ems.

"Babe! Kain na tayo!" saad ko.

"Mamaya na! Nasa climax na ako ng chapter."

"Isa..."

Agad niyang hininto ang ginagawa at sinamaan ako ng tingin.

"How many times do I need to tell you that you need to eat on time? Huh?"

"Opo, Tatay Vince." she sarcastically replied.

Lumabas na kami ng kwarto niya at dumiretso sa kusina.

"Ayan na pala ang future published authors natin eh! Kain na kayo!" bati ni Tita. She has been our first supporter and I'm thankful for that. Pinapakita niya yung suporta niya hindi lang sa relasyon namin ni Ems pati na din sa passion naming dalawa. Umupo na kami ni Ems sa dalawang bakanteng upuan. Pinagsandok ko siya ng kaniyang pagkain at ako naman ang nagsandok ng sarili kong pagkain.

"Kamusta yung sinusulat niyo? Aakyatin ko na sana kayo kaso baka maistorbo ko ang pagsusulat niyo." saad ni Tita at umupo sa tapat ni Ems. Nagsandok na din siya ng kaniyang kakainin.

"Ayun po muntik nanamang di makakain on time si Ems dahil abala nanaman sa chapter niya." sagot ko.

"Ito naman! Kala mo naman siya hindi ganon!" reklamo niya.

"Kumain na Ems." saway ni Tita. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Pagkatapos kumain ay bumalik na ulit kami sa kwarto niya. Nilagay niya muna sa baba yung bed table at nahiga siya sa kama.

"Sino nagpalit ng bed sheet ko?" tanong niya.

"Ako. I changed it kasi baka may naiwan pang virus ng influenza don."

"Balak ko nga after maligo pero inunahan mo nanaman ako."

Humiga ako sa tabi niya at pinagmasdan ang ceiling niya na punong-puno ng star stickers.

Emily's POV
Pinagmamasdan ko lang si Vince habang nakahiga kami. Napansin kong pre-occupied siya habang nakatingin sa ceiling ng kwarto.

"Babe, anong iniisip mo?" tanong ko.

"Hanggang kailan kaya magiging tayo?" Natahimik ako sa narinig kong sagot niya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong na yun.

"Hindi ko alam. Hanggat hinahayaan tayo ng tadhana?" sagot ko na lamang dahil maging ako ay hindi ko alam kung hanggang kailan magiging kami.

"Right... Hanggat magkasama tayo sulitin natin kasi malay natin baka bukas wala nang tayo..."

"Wala mang kasiguraduhan ang bukas isa lang ang masisigurado ko hindi kita iiwan hanggat nasa tabi kita. Hindi ako aalis hanggat hindi mo ako pinapaalis at hanggat maaari sasamahan kita hanggang sa dulo." Alam ko sa sarili ko na may pagmamahal pa ako kay Ken pero mas nalamangan na ni Vince ang pagmamahal na 'to. Masaya ako na dumating siya sa buhay ko at kung dumating man yung araw na maghiwalay kami sana maging magkaibigan pa din kami.

"Iidlip muna ko, babe." Paalam niya at yumakap sa akin ng mahigpit. Isinuksok niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng balikat at leeg ko. This is his favorite spot everytime he wants to rest. I secretly took a photo of him and posted it on my instagram story. I put a caption, 'Rest well babe! Napagod ka ata sa pagsusulat ng update...'

Hindi ko namalayang nakaidlip din pala ko kung hindi ko pa naramdamang may humalik sa aking pisngi ay hindi ako magigising.

"Babe, wake up na... I'm gonna go home na. It's night na." he softly said.

"Noooo. Don't go muna... Ayoko pa." Yinakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Babe, gabi na. Gagabihin ako sa daan..."

"Noooo. Ayaw. Dito ka muna pleaseeee."

"Fine. Let's have dinner na." he answered like he lost a game. Niyakap ko lang siya ng mahigpit.

"My baby wants cuddles aren't she? Get uppp. Tita is waiting for us na."

After a few minutes of cuddling with him ay tumayo na ako. Kumain muna kami ng dinner bago ko siya hinatid palabas. Humalik muna siya sa pisngi ni Mommy at nag-bless bago lumabas.

"Ako na maghahatid kay Vince, Mi." Paalam ko.

"Sige. Mabuti pa at aayusin ko yung ref. Mag-iingat ka sa pagmamaneho, Vince." sagot ni Mommy.

"Opo, Tita. Salamat po."

"Sige na, Mi. Baka gabihin na si Babe." Lumabas na kami ng bahay namin. Maraming batang naglalaro ng makita kami ni Kreisler.

"Hi, Kuya Vince! Uuwi ka na?" tanong ni Kreisler.

"Oo, Kreisler. Mag-aral kang mabuti wag puro laro. Nagbibinata ka na oh!"

"Oo Kuya! Ingat ka!" sagot niya at bumalik na sa paglalaro.

"Ingat ka, Kreisler! Baka matapilok ka!"

"Yes, Ate" Tumakbo na siya palayo sa amin. Bumaling ang tingin ni Vince sa akin.

"Uwi na ako, babe. Babalik na lang ako bukas para tulungan ka mag-impake ng gamit mo. Aasikasuhin ko na din yung mga gamit ko."

"Aayusin ko na din mamaya yung sa'kin. Tsaka yung trances na prinint ko since pagbalik natin sa SG finals na."

"Oo nga pala. Aayusin ko din yung trances ko. Sa iPad ako nagrereview eh. 'Wag ka magpapakapagod ha. Hintayin mo ako bukas. Baka mabinat ka."

"Print mo din para incase of emergency. Yes, babe. Ingat ka. Magtext ka kapag nakauwi ka na."

"Yes po. Sige na. I need to go na." Paalam niya at niyakap ako ng mahigpit saka hinalikan sa noo. Sumakay na siya sa kanyang kotse at minaniobra ito. Kumaway muna siya sa akin bago umarangkada paalis. Papasok na ako ng bahay ng marinig ko ang isa naming chismosang kapit-bahay.

"Kapit sa patalim ah. Magkano isang gabi?" parinig nito na sa akin mismo nakatingin.

"Ikaw ho, yung anak mo magkano isang gabi?"

"Aba akala ko pa naman may pinag-aralan kang bata ka. Yun pala ugaling kalye ka rin katulad ng Tita mo!"

"Ah so what do you want to say then? That I'm purely uneducated woman? Why don't you look at your children first? Before you ask me how much each night. FYI miss, I'm currently at my final year of nursing. Sana yung anak niyo din naka-graduate." Biglang nawalan ng kulay ang kanyang mukha magmula ng magsalita ako ng ingles.

"Wag kang mag-ingles ija, filipina at manunulat ka pa man din."

"So what?" I sarcastically answered and go inside our house. Lakas ng loob manumbat na manunulat ako tapos siya hindi naman nakatapos ng libro tapos yung mga anak niya hindi man lang nakatapos ng pag-aaral at pariwara pa rin hanggang ngayon.

"'Nak sino yung kaaway mo sa labas?" tanong ni Mommy.

"Edi sino pa ba? Si Aling Maribel! Sabi ba naman magkano daw ba ko isang gabi! Edi iningles-ingles ko siya!"

"Edi sana 'nak sinabi mo 100K per night! Jakpot na kamo tayo!"

"Wag sila mag-alala, Mi, aalis na ako soon. Mag-aayos na nga ako ng gamit mamaya. Ilang araw na lang babalik na ulit ako para sa finals."

"Oo nga kailangan mo na umalis ulit."

"Hindi pa man ako nakakaalis namimiss ko na kayo."

"Kailangan mo yun anak para sa kinabukasan mo. Tsaka mo na isipin ang luho nating pamilya. Magfocus ka na lang muna sa pag-aaral mo."

"Opo Mi. Balang araw ako naman. Hindi ka mo na kakailanganin magtrabaho. Konti na lang magiging nurse na ako."

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko.

"Napalaki kita ng tama. I'm so proud of you, anak. Sige na! Ayusin mo na yung mga gamit mo." Pagkatapos ng heart to heart talk na yun ay umakyat na ako sa kwarto ko at chineck ang phone ko.

Babe:
I'm home babe. Take care of yourself. 'Wag magpapakapuyat kakaayos ng mga gamit ha. May bukas pa para ayusin ang mga 'yan. One week pa naman bago ang flight.

Me:
Opo babe. Sige na mag-aayos na ako ng mga dadalhin ko.

Babe:
Me too. Text me if you're done or I'll just call you later after I finished printing my trances.

Me:
Okay.

Pagkatapos ko magreply ay nagpatugtog ako gamit ang phone ko na nakaconnect sa speaker. Nilabas ko na ang maleta ko at binuksan ang closet ko. Habang tinitiklop ang mga damit ay naiisip ko ang future ko. Sa susunod na balik ko graduate na ako. Pinagiipunan ko na yung plane ticket nila mommy para sa graduation ko. Malapit ko na din makumpleto ang pera para dito. Habang naglalagay ng mga damit ay biglang tumunog ang phone ko. Nakita kong tumatawag si Vince sa messenger kaya sinagot ko na lang ito. Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng gamit. Sumulyap ako saglit sa camera at natagpuan ko siyang nakatitig sa akin.

"You don't want to leave yet right?" he said and I just nodded my head for an answer.

"Naiintindihan ka naman nila,Tita. 'Wag ka mag-alala."

"Kahit na. Nagu-guilty pa din ako kasi iniiwan ko sila dito."

"Kung hindi ka ba aalis sa tingin mo mabibigyan mo sila ng magandang buhay?"

"Hindi. Hay, let's not talk about it. Let's just uhm rest I think. Naayos ko na lahat ng gamit ko."

"Okay. I'm just gonna wrap it up and let's talk."

Tumango lang ako. Napuno ang gabi ko ng masayang kwentuhan tungkol sa buhay at sa mga plano namin. Hanggang sa makatulugan na naming dalawa ang magkausap sa magkabilang linya.

A/N: Good evening Bemskies! Sorry for the late updates. I really have so much in my plate that I got distracted everytime I write but no worries I'm okay now. Thank you for reading every update I hope that you're still with me until the last chapter. Marami pang pasabog na hinanda si Bem so stay tune. Thank you for waiting and I'm sorry. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top