CHAPTER 39: THEIR FUTURE TOGETHER
Ken's POV
I still can't believe that everything is real. Hindi ko pa rin lubos maisip na nasa akin na ulit siya. Na nagkaroon ulit kami ng pagkakataong ituloy ang pagmamahalan namin. Akala ko hanggang pangarap ko na lang ang lahat, na hanggang tingin na lang ako sa malayo. I'm hoping for this to happen and now it is happening. I thought my life will end in a very tragic way but the greatest plot twist has come and that is her taking me back. Gigising na ako sa umaga ng walang mabigat sa puso at pagsisisi na hindi ko siya naipaglaban. Maaga talaga akong gumising para ipaghanda ng agahan sila Ate dahil ngayon ko sasabihin sa kanilang nagkabalikan na kami ni Emily. Siguradong hindi maniniwala ang mga ito dahil akala nila ay nanliligaw pa rin ako.
"Himala! Nakangiti ka ngayong umaga, Ken ah!" saad ni Ate Kass na kapapasok lang sa kusina.
"Good morning, Ate!" bati ko.
Inayos ko na ang hapag-kainan namin at hinain ang mga niluto ko. Pancakes for Ate and Kyle at bacon and eggs para naman kay Kuya. May fried rice rin akong niluto para kung sakaling gustuhin nila ng kanin.
"Anong meron? Bakit parang may handaan?" wika ni Kuya Kenneth na kapapasok lang ng dining area at talagang sa pagkain na nakatingin.
"It's not my birthday today," saad naman ni Kyle na kasunod ni Kuya Kenneth.
"Si Ken ang tanungin ni'yo. Siya nagluto niyan!" sagot ni Ate Kass sa kanila.
"Umupo muna kayo. I have something to say!" masayang sagot ko.
Umupo na sina Kuya Kenneth sa mga puwesto nila at ako rin ay umupo na. Kumuha na ako ng mga kakainin ko.
"Lahat 'to favorite namin ah! Bakit? Bakit ka biglang napaluto ha?" saad ni Kuya Kenneth na may nakakalokong ngiti na sumilay sa mga labi niya.
"Yeah Kuya. Lord, ibalik ni'yo na po ang kuya ko. He might be possessed with a spirit who's diligent in cooking." Nakapikit pa ang mata ni Kyle at naka-praying position pa.
Napuno ng tawanan ang hapag-kainan namin dahil sa sinabi ni Kyle.
"Sulitin ni'yo na 'yang kinakain ni'yo cause it might be the last. We never know..." sagot ko.
"Why? You'll go to America for good?" sagot ni Ate Kass.
"Hindi ka ba binalikan ni Ems kaya uuwi ka na ng America?" saad naman ni Kuya Kenneth.
"You're leaving us, Kuya Ken?" sagot naman ni Kyle. Bakas sa kaniyang boses ang kalungkutan.
"No. Because I might get married soon..." sagot ko.
"Marry? Who?" mapanuring sagot ni Kuya Kenneth.
"Emily Savvanah Howards?" sagot ko.
Nanlaki ang mga mata ni Ate at naibagsak niya ang kutsara niya na gumawa ng ingay sa loob ng dining room.
"Don't tell me na nagkabalikan na kayo?" saad ni Ate.
"Yeah. We're back," mahanging saad ko.
"Hindi mo ginayuma o kaya naman kinidnap?" sagot ni Kuya Kenneth.
"If it's true... Call her. Baka niloloko mo lang kami, Kuya!" hamon ni Kyle.
Agad ko namang nilabas ang phone ko mula sa bulsa ko at tinawagan ang number ni Ems. Ni-loud speaker ko para marinig nilang lahat si Ems.
"Good morning, Love!" bati ni Ems sa kabilang linya.
Nakita ko ang pagkagulat sa mata ni Kyle dahil sa narinig. Si Ate Kass naman ay ngumisi ng nakakaloko at si Kuya Kenneth ay nagpipigil ng ngiti.
"Good morning, Love. Someone wants to talk to you," sagot ko.
"Oh? Who?" sagot ni Emily.
"Hi, Emily!" bati ni Kuya Kenneth.
"Ems! Nagkabalikan na ba kayo ng kapatid ko?" saad naman ni Ate Kass.
"Hello po, Ate Kass at Kuya Kenneth. Yes po. Kahapon po. Hindi niya pa po ba nasasabi?" sagot ni Emily.
"Ngayon pa lang niya nasabi sa amin. We're just here to confirm it. Malay ba namin kung dinukot ka nito at pinilit kang bumalik sa kaniya," sagot ni Ate Kass.
Tinawanan lang siya ni Ems. "Nako hindi po, Ate Kass baka ako pa po ang kumidnap sa kaniya at pilitin siyang balikan ako."
"Are you really sure, Ate Emily? Sigurado ka na ba kay Kuya Ken?" sagot naman ni Kyle na may nakakalokong ngiti.
"Oo nga, Ems! Matinik sa babae 'tong engineer naming kapatid!" sagot ni Kuya Kenneth.
"Oo naman, Kyle. Huwag ka mag-alala Kuya Kenneth kapag nagloko 'yang kapatid mo... Ako na mag-a-assist kay Ate Kass sa operation niyang walang anesthesia. Ate Kass, alam na ah?" sagot ni Ems.
Namutla naman ako sa narinig at lalo akong kinabahan nang tinignan ako ni Ate ng seryoso.
"Of course, Ems. Just call me," sagot ni Ate.
"Let's meet one of these days, Ems," sagot ni Kuya Kenneth.
"Sige po, Kuya," sagot ni Ems.
Tinanggal ko na sa pagkaka-loud speaker ang phone ko at iniwan sila sa hapag-kainan.
"Hello, Love?" wika ko.
"Love, masusundo mo ba ko today?" sagot niya.
"Yeah. Kakain lang kami nina Ate ng breakfast," sagot ko.
"Okay. Maaga pa naman. Kakain din muna ako," sagot niya.
"Okay. Eat well," sagot ko.
"Bye. I love you!" Binaba niya na ang tawag.
Bumalik na ako sa hapag-kainan nang may matamis na ngiti. Nagsimula na akong kumain. They were eyeing me from head to toe while eating kaya nag-aalangan akong sumubo ng pagkain. Nanlalamig ako sa tingin ni Ate Kass dahil sa tingin niya.
"Ate? Bakit ka naman ganiyan?" saad ko.
"What?" sagot niya.
"Bakit mo ako tinitingnan ng ganiyan?" sagot ko.
"Paanong tingin ba?" she replied.
"Parang papatayin mo na ako," sagot ko.
"Papatayin ka talaga ni Ate kapag inulit mo pa 'yong katangahan na ginawa mo noon. Huwag mo na sayangin ang panahon na 'to, Ken. This will be the last chance you will have on her," sagot ni Kuya Kenneth.
"Oo naman, Kuya. Alam kong ito na ang huli at marami nang nasaktan kaya pag-iingatan ko talaga 'to," sagot ko.
"You're about to have a happy ending. Sana all!" sagot ni Ate Kass.
"Kuya, ingatan mo si Ate Ems. Hindi lang si Ate Kass makakalaban mo kapag nagloko ka. Sila Ate Sandra pa at ang mga readers niya. Kayang-kaya ka nilang pabagsakin kapag nagkataon," sagot ni Kyle.
"Binata na talaga ang kapatid natin! Napakalakas mo kay Lord, Ken! Nahanap mo na ang happy ending mo," sagot ni Kuya Kenneth.
"Alam ni'yo ma-la-late na ako.Susunduin ko pa si Ems kaya enjoy your breakfast na lang guys. By the way, Kyle, I will take care of her don't worry. Ayoko nang matikman ang kamao ni Sandra sa mukha ko. Masakit!" Lumabas na ako ng dining area at dumiretso sa parking lot para makaalis na ng bahay.
Nang dumating ako sa tapat ng bahay nila Ems ay agad akong bumaba ng kotse at nag-doorbell. I feel the curios stares of the people around me. Inaalam nila kung sino ako. Pinagbuksan ako ng pinto ni Tita Marie kaya nang makita ko siya ay nagmano agad ako.
"Magandang umaga po," bati ko.
"Magandang umaga rin. Nandoon sa sala si Edna saka si Emily," sagot niya.
Pumunta na kami sa sala at naabutan ko roon si Ems na nakaupo sa malaking sofa at nag-la-laptop. Si Tita naman ay nanonood ng tv.
"Good morning po, Tita," bati ko.
"Good morning, ijo. Susunduin mo na ba si Emily?" sagot niya.
"Opo," sagot ko.
"Sige na. Baka mahuli pa kayo sa trabaho. Ay oo nga pala, sa Sabado inaanyayahan ka namin dito sa bahay namin. Gusto kang makausap ng Tita at mga pinsan ni Emily," sagot ni Tita.
"Sige po. Wala pong problema," sagot ko.
Alam ko namang darating ang araw na 'to. Kailangan ko silang harapin para mapatunayan na nagsisisi talaga ako at inaamin ang pagkakamali ko kay Emily.
"Mi, alis na po kami. Ma-la-late na po ako," saad ni Ems at iniligpit ang laptop niya.
Nagmano na ako kay Tita bago kami lumabas ng sala. Nang makalabas kami ay ganoong mga tingin pa rin ang sumalubong sa amin. We're like celebrities in their eyes. More like a walking issue? I heard about what they call, Marites it's like people who loves to gossip about you.
"Love... What's with their stares? I feel like their gonna kill me the next time I go here," bulong ko.
"Hayaan mo sila! Gusto lang nilang makasagap ng latest. 'Pag ako nagakaroon ng late memo sinasabi ko sa 'yo," sagot niya.
Sumakay na ako ng kotse at nagmaneho na paalis.
"Kailan natin sasabihin kila Sands?" tanong ko.
"My shift today is until 3 pm. Maybe let's set a dinner with them?" sagot niya.
"Samgyupsal would be fine?" sagot ko.
"Yeah. By the way, Love. When are we meeting your siblings?"
My heart beats so fast every time she calls me with our endearment.
"We'll meet them when you're free. I also need to settle with your family right?"
"Yup. For now let's do well in our work," sagot niya.
Nang maihatid ko na siya sa hospital ay dumiretso na ako sa opisina ko. Nag-check na ako ng mga e-mails, blueprints, and reports. I attended some meetings and when lunch came I drove to the hospital to eat lunch with Ems. Nag-text na ako sa kaniyang papunta na ako. I saw her waiting for me in the parking lot. Nang maiayos ko na ang kotse ay bumaba na ako. Agad siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. I chuckled and hugged her back. It's only half of the day but she already missed me.
"I missed you, Love!" she said.
"I missed you too," sagot ko.
"Let's eat?" sagot niya.
"Let's go. Gutom na ako," sagot ko.
Naglakad na kami papunta sa cafeteria ng hospital nila. Sumama na ako sa kaniya para makapili ng kakainin. I'm craving for chicken kaya 'yon na lang ang in-order ko para sa akin. Siya naman ay gulay ang in-order saka coke. Humanap na kami ng puwesto pagkatapos makuha ang mga pagkain namin.
"How's work, Love?" saad ko.
"Everything's fine. Katatapos ko lang mag-rounds," sagot niya.
"Eh hindi pa naman ba nagbabago schedule mo?"
"Nope. Tuloy tayo mamaya. Ikaw na lang mag-chat kina Sands since we're not allowed to use our phones after lunch."
"Okay. I'm really excited for this! I can't wait!"
"May maiiyak kaya?" she laughed.
Even her laughter brings butterflies in my stomach. It's like a music to my ears that I badly want to replay.
"I won't be surprised if it's Sandra or Zoe," sagot ko.
"Agree! They were the most emotional among us!" sagot niya.
"Nurse Emily!" tawag ng isang babaeng nurse. She looks younger than us but she has strong features. She also looks familiar to me. I feel like I've seen her somewhere.
"Louise?" sagot ni Ems.
"Grabe ka! Nakalimutan mo na ako agad!" sagot niya.
"Malay ko bang nakabalik ka na?" sagot ni Ems.
"Ay may kasama ka pala. I'm so sorry. Naabala ko pa kayo," sagot ni Louise.
"Hindi. Pakilala na lang kita sa kaniya. Love, this is Louise. My friend in college, Louise, this is Engineer Ken, my boyfriend," pakilala ni Ems.
I offered my hand for a hand shake and she gladly held it.
"Nice to meet you again, Engineer!" sagot niya at binitawan ang kamay ko.
"Again? Nagkita na kayo?" sagot ni Ems.
"Oo. Siya 'yong lalaking nagpunta sa hospital sa Singapore at hinahanap ka," sagot ni Louise.
"Now I remember you. Ikaw 'yong nurse na napagtanungan ko. I'm so sorry if I can't remember you," sagot ko.
"Mauna na ako, Emily. May duty pa ako. Usap tayo soon!" sagot ni Louise.
"Sige. Bye!" sagot ni Emily.
Naglakad na siya palayo sa amin. Agad naman akong binalingan ng mapanuring tingin ni Ems.
"When is that?" saad niya.
"W-when you and Vince broke up. You went outside and Sandra was so worried so I went out and find you. I ask Vince where you can be and he said that you have a college friend working on their hospital and gave me her name. That's where I met her," paliwanag ko.
"Oh okay. Finish your food na para makabalik na ako sa duty ko," sagot niya.
Tumango ako at inubos ang pagkain ko. Pagkatapos kong kumain ay hinatid niya na ako sa parking lot.
"Ingat sa pagmamaneho, Love. Just text me when you got back," saad niya.
"Yup. I'll be out by 3pm," sagot ko.
Hinalikan ko na ang kaniyang noo at niyakap siya bago ako sumakay sa kotse. Hinintay ko muna siyang makapasok bago ako umalis ng parking lot. Pagbalik ko sa opisina ay sinalubong ako ng panibagong meeting kasama naman ang mga board members.
"Jen, by 3 pm labas na ako ah? I'm going to pick up my girlfriend," saad ko.
"Noted, Sir!" sagot niya.
After the meeting nag-chat na ako kina Sandra na magkita-kita kami sa Samgyupsalamat na malapit sa Capitol View Park. Sabi ko ayain na rin nila si Lean. Inayos ko na ang mga gamit ko at pinatay ang computer. Lumabas na ako ng opisina at dumiretso na sa hospital. Pumasok ako sa loob ng hospital at nakita ko na may nangyayari sa loob ng ER. Maraming labas masok na doctor at nurse roon. Ang iba ay duguan ang mga scrubs kaya hindi naman ako kinabahan para kay Emily kundi para sa pasyente. Ano kaya ang nangyari sa pasyente at sobrang dami na ng dugong nawala sa kaniya? After an hour and 30 minutes lumabas si Ems ng ER. May dugo pa ang kaniyang scrubs at braso. Agad naman siyang nilapitan ng isang may edad na babae at umiiyak ito.
"Nurse, maayos na ba ang lagay ng anak ko?" saad ng babae.
May lumabas namang doctor mula sa ER.
"Maayos na po ang lagay ng anak ni'yo si Doc na lang po ang magpapaliwanag kung ano pa pong mga kailangang gawin," sagot ni Ems at iniwan na sila roon para makapag-usap.
"Ano nangyari, Love?" saad ko.
"Emergency patient kaya kinailangan ko mag-assist but don't worry I'm not harmed. Magbibihis lang ako kasi puro dugo na 'yong scrubs ko then we'll go," sagot niya.
"Okay," sagot ko.
Hinintay ko na lang siyang matapos magbihis. Nilabas ko ang phone ko at nakita ko ang napakaraming messages ni Sandra.
Sandra:
Kuya nasan na kayo? Tagal niyo naman.
Me:
May emergency patient si Emily. Nagbibihis na.
Sandra:
OK
"Tara na?" saad ni Ems.
Kinuha ko na sa balikat niya ang bag niya at hinawakan ko ang kamay niya. Naglakad na kami papunta sa parking lot. Inalalayan ko siya sa pagsakay ng kotse. Maingat na akong nagmaneho papunta sa kainan na sinabi ko. Nang maka-park ay nakita ko sina Sandra.
Nauna nang bumaba si Ems ng kotse at sinalubong siya. Nauna na silang pumasok ng restaurant. Nakita ko silang nag-o-order na ng pagkain kaya umupo na ako sa tabi ni Ems.
"Love, anong gusto mo? Beef or pork?" saad ni Emily.
"Beef, Love," sagot ko.
"Teka muna ha. Anong meron? Bakit iisa na kayo ng endearment?" saad ni Zoe.
"Something's not really right..." saad ni Sandra.
"Magsalita na kayo, Ems," saad ni Lean.
Napatingin naman sa akin si Ems at tumawa.
"Why don't you tell them, Love?" wika ko.
"Sands, natatandaan mo ba 'yong ending ng You Trilogy?" sagot ni Ems.
"Oo! Pinaiyak mo ako roon kasi imbis na magkatuluyan 'yong mga bida dinala mo sa second lead! Kahit mahal na mahal naman noong leading man 'yong babae!" gigil na sagot ni Sandra.
"Well it has a different ending in real life..." sagot ni Ems.
Nagpalitan ang kaniyang tingin sa aming dalawa.
"Y-you two are back? Am I right?" Tinuro niya pa kaming dalawa.
"Yes, Sands..." sagot ko.
"Ang kahoy ng kaibigan natin!" sagot ni Lean.
"Tawagan ni'yo si Andy at Ivan bilis! Kailangan nilang masagap ang latest!" sagot naman ni Zoe at nilabas ang phone niya.
"What is it, Zoe? I'm currently at work," saad ni Andy.
"Ano ba naman, Zoe? Nasa meeting ako!" saad ni Ivan.
"Kayo naman! Hindi kayo pwedeng mahuli sa latest! Nauna kayong umalis ng bansa eh!" sagot ni Zoe.
"Oh ano bang latest?" sagot ni Ivan.
"We're having our early dinner with Ems and Ken..." sagot ni Lean.
"Then?" sagot ni Andy.
"Guess what? Our friend is made of wood! Binalikan niya ang loko na si Ken!" sagot ni Zoe.
"Ems!" istriktong tawag ni Andy.
"Y-yes?" sagot ni Ems at kinuha ang phone kay Zoe.
"I won't ask any questions anymore just always remember we're always here huh? Be happy with him, alright?" saad ni Andy.
"Yes, Mame. I will... You know I am the happiest when I'm with him..." sagot ni Ems.
Nakita ko naman ang pag-ngiti ni Andy sa camera sa kaniya. Binigay sa akin ni Ems ang cellphone.
"Ken, we're now giving you our most vulnerable friend. Don't repeat the same mistakes again. I'm not in the Philippines to give you a remorseless revenge for our friend. Think twice huh? Cause I won't give you mercy if we lost our Emily again!" bilin ni Andy.
"Yes, Andy. I will take a very good care of Emily and you won't lose her again. Siguradong mahihiga agad ako sa kabaong kapag nangyari 'yon. Dalawang neurosurgeon ang mananaksak ng scalpel kapag nagkataon," sagot ko.
Tumango lang siya na para bang satisfied sa sagot ko. Dapat siyang ma-satisfy dahil kapag hindi mauuna na akong humimlay kay Ems. Hindi na ako aabot sa wedding day namin dahil for sure papatayin na ako ni Andy. Sa kanilang lahat sa kaniya talaga ako natatakot kahit noong high school dahil sobrang tapang niya. She can kill if one of her friends was hurt. Binalik ko na agad kay Emily ang phone dahil siguradong may speech ang mokong na si Ivan. Hindi 'yan pahuhuli sa mga ka-dramahan ng grupo.
"Ems, ang rupok natin! 10 years, still you! Saktong-sakto 'yong title ng libro mo sa motto in life mo. Kapag niloko ka ni Ken sabihin mo lang. Magbabayad ako ng sampung milyon para i-demolish ang kompanya nito at burahin sa mapa. Kidding aside, we're happy for the both of you. We're happy that the author who writes the happy ending of her characters will finally have her own. No more "sana alls" and "sana ako rin" cause you already have one. Ingatan mo si Emily, Ken. Sana kung paano namin siya iningatan, inalagaan, at pinasaya noong mga panahong wala ka ay ganoon din ang ibigay mo. She's the happiest when she's writing and when she's with you so we hope that this time nothing will go wrong. Huwag mo nang pakawalan 'yan dahil baka ang susunod na published book niyan eh punong-puno ng mura para sa 'yo. Sandra kayo na!" saad ni Ivan.
"Huwag mag-alala parurupokin din kita para bumalik dito at suyuin si Sandra," sagot ni Emily.
"Ems, kayo nag-uusap diyan. Tigilan ni'yo ko!" saad ni Sandra.
"Sus! Makapagsalita 'to! Sino nga ulit 'yong naghihintay na balikan siya kahit wala namang ginagawa? Sino nga ulit? Ah si Ivan Daniel! CEO of ID's Hotel and Resort. Rank 1 in Asia's Top 100 hotel chains. Tapos torpe! Kahit ipabura mo pa ako sa mapa at least ako binalikan, ikaw hindi!" asar ko.
"Pasmado ang bibig nitong boyfriend mo, Ems!" sagot niya.
"What? He's spitting facts, Bro!" sagot ni Ems.
"Sige na! May meeting pa akong on-hold dahil sa inyo. Bye!" sagot niya at binaba ang tawag.
"I got to go Ems. I also have work. Stay safe!" saad naman ni Andy at binaba na rin ang tawag.
"Kainan na!" saad ni Zoe.
"Gaja!" sagot ni Ems.
"What do you mean by 'gaja'?" tanong ko.
"Let's go in Korean!" sagot niya at nilagyan ako ng nalutong karne sa plato ko.
"Then... What do you mean by the phrase you said last time? It sounded like... Nado? Tama ba?" sagot ko.
Nasamid pa siya nang tanungin ko iyon kaya inabutan ko siya ng tubig.
"Nado saranghae? Sandra, paliwanag mo sa kuya mo kung ano 'yon!" sagot niya.
"Kuya, huwag ka kiligin kapag sinabi ko 'yong meaning ah!" saad ni Sandra.
"Bakit? Ano ba kasi 'yon?" sagot ko.
"Mahal ka rin daw niya," maikli niyang sagot.
Nabilaukan ako at nasamid nang dahil sa narinig. Inabutan naman ako ni Zoe ng tubig. Heto na naman ang mga insektong kaninang natutulog sa loob ng tiyan ko ay bigla na namang nagising. I'm still in awe with her tricks. I think I really need to learn Korean so that I can understand what she's saying.
"Bagay talaga kayo. Parehas pa kayong nasamid sa sarili ni'yong banat," saad ni Lean.
"Of course! We're meant for each other!" sagot ko.
"Ken, tigilan mo na nga kami rito! Kumain ka na lang diyan!" sagot ni Zoe.
Pagkatapos naming kumain ay naglakad na kami papunta sa park. I remember the last conversation I had with them here and that is what courses are we going to take in college. What are the plans we have in mind when that time comes. Dito nagsimula ang mga pangarap namin at ngayon? Heto na kami at naabot na ang mga iyon.
"Natatandaan ni'yo pa ba 'yong huli nating pinag-usapan dito?" tanong ko.
"Oo! It's about our course in college and our plans," sagot ni Sandra.
"Natupad na ang pangarap natin noon na ito," sagot ni Ems.
"Oo nga. Nakabalik na tayo rito na professionals at dalawa sa atin graduate pa ng international universities," sagot ni Zoe.
"I didn't expect any of this. Kahit kulang tayo but the fact that the same thing we said became ours. I became a nurse, Ken became an engineer and Lean also and she's about to be a p-pop star, Sandra is about to be a doctor, Vince is already in med-school, Zoe is a CPA, Ivan is a successful business man and Andy is also a successful business woman... It all started when all of us talked about our college plans and now we're here. Getting close to the success we wish to have as the days pass by.
"I never expect that you guys would be with me in this journey of life. Hindi lang sa journey namin ni Ken but also life in general. Hindi kayo sumuko sa akin noong sumusuko na ako sa sarili ko. Inalagaan ni'yo ako noong mga panahong hindi ko kayang alagaan ang sarili ko. We all started from the bottom and now we're here. Working hard to be more successful in life. Sana kahit magkaroon na tayo ng sarili nating pamilya, huwag nating kalimutan ang isa't isa. You're my friends for life. Hindi ako maghahanap ng kapalit ng Seeners Squad kasi iisa lang sila..." sagot ni Ems.
"Hindi rin ako maghahanap ng kapalit ni'yo!" sagot ni Sandra.
"Syempre ako rin!" sagot ni Zoe.
"Dapat sa first concert ko nandoon kayo kasi kayo ang una kong supporters at hindi ako maghahanap ng kapalit ni'yo dahil wala kayong katulad," sagot ni Lean.
"Nagpapasalamat ako sa inyo kasi noong panahong gulong-gulo ako sa sarili ko kayo ang nasa tabi ni Ems. I'm grateful to all of you and also I want to say sorry because you almost lost Ems because of me. This time I promise that everything's right. Ayoko nang masaktan si Ems at kayo nang dahil na naman sa akin. Hindi ko na talaga kakayanin kapag nawala pa si Ems ngayon," sagot ko.
"The Emily you are with right now is the stronger version. No storm or earthquake can break her. Kaya ka na niyang ipaglaban ngayon, Kuya!" sagot ni Sandra.
"You both got better and learned something after what happened so you deserve this guys! You both worked hard for this and waited for a long time now," sagot ni Lean.
"Deserve rin naman ng author natin na magkaroon ng happy ending!" sagot ni Zoe.
"Yeah!" sagot ni Ems.
Nang mag-gabi ay hinatid na namin sila sa mga bahay nila.
"Love, bukas punta tayo kay Nanay. Ipapakilala kita sa kaniya," saad ni Ems.
"Sure. Wala ka bang duty bukas?" sagot ko.
"Wala naman. Hapon pa," sagot niya.
"Okay. May gusto ka pa bang bilhin?" sagot ko.
"Wala na. Hatid mo na ako," sagot niya.
"Sige," sagot ko.
Nagmaneho na ako papunta sa bahay nila at pagkatapos ko siyang maihatid ay umuwi na rin ako sa bahay. Hindi ko nakita sina Ate siguro ay hindi pa nakakauwi galing trabaho kaya dumiretso na ako sa kwarto ko.
Emily's POV
I'm so excited to visit Nanay again. Ipapakilala ko na si Ken sa kaniya. Siguradong matutuwa si Nanay dahil hindi ako tatandang dalaga. Kinabukasan ay maaga kaming pumunta kay Nanay. Bumili kami ng bulaklak dahil may nadaanan kaming nagtitinda nito papunta. Hinila ko na si Ken papunta sa puntod ni Nanay. Pinagpag ko ang kaniyang lapida at napangiti. Nilagyan ko ng bulaklak ang itaas nito at nagsindi ng kandila para sa kanila ni Lolo.
"Nay... Pasensya na po kayo ngayon lang ako ulit nakadalaw. Naging abala ako sa pagtatrabaho eh. Nay, may papakilala ko sa 'yo." Hinila ko si Ken patapat sa puntod ni Nanay.
"Ito po si Ken. Nobyo ko. Napakabuti po nitong lalaki. Ginawa niya po ang lahat para lang makabalik sa akin. Nagkausap na rin po sila ni Mommy at wala naman pong tutol doon. Masaya nga po siya para sa amin dahil nakita niyang nagsisisi ito sa mga nagawa niya na nakasakit sa akin. Sana po masaya kayo riyan sa langit, Nay... I miss you..." Humangin ng malamig na tila ba parang sumagot si Nanay sa amin.
"Aalagaan ko po si Emily, Nay. Hindi ko po siya pababayaan. Pasasayahin ko po siya sa abot ng aking makakaya at mamahalin pang-habang buhay. Gabayan ni'yo po ang relasyon namin. Alam ko po na masaya kayo para kay Emily. Palagi ni'yo po kaming gabayan diyan mula sa itaas," saad ni Ken.
Humanging muli ng malamig na tila bang sumasang-ayon si Nanay sa amin.
"Mukhang pumasa ka sa taste ni Nanay, Love!" wika ko.
"Syempre!" sagot niya.
Umupo kami sa Bermuda grass. Tinanaw ko naman ang magandang langit mula sa kinauupuan namin. Hindi pa maiinit dahil alas sais pa lang ng umaga.
"After all the hard work we excert over the years working on ourselves... We're now about to write our happy ending. Isn't it amazing? I thought hindi na talaga kita mahal cause in the years you're not with me Vince was there for me. Vince has always been with me. Kaya akala ko hindi na kita mahal but then when we saw each other in that dinner... Nagduda na ako sa sarili ko eh. Nagduda na ako sa pagmamahal ko kay Vince eh. Kahit paulit-ulit ko sabihing hindi siya rebound naging ganoon eh. But really I loved him. I want to be honest to you, Love. That's why I'm saying all of this. I want this relationship to be open with each other. Ayoko nang may inililihim.
"Sinubukan kita kalimutan. God knows how much I tried to forget you but every time I write it always reminds me of you. It always reminds me of how I used to write about us. How my teenager self felt on the days we were starting to get to know each other. I always remember my genuine smiles every time I wrote a poem for you. Pumasok din sa utak kong huminto na lang sa writing kasi pinapaalala lang noon 'yong mga masasayang araw natin na magkasama. Kaya para mawala 'yong lungkt sa akin nagsulat na lang ako ng alternate universe natin. Kung saan nagkaroon tayo ng happy ending. Hindi ko naman inaasahang nagsisikap ka pala para makabalik sa akin," saad ko.
"Sinubukan din kita kalimutan pero wala eh. Every side of my mind are invaded by you. Alam mo sa sobrang gusto kitang kausapin? Nakuha kong gumawa ng ibang account para lang makausap ka. Nakuha kong magpanggap na reader mo," sagot niya.
"Really? Nakausap mo ako?" sagot ko.
"Yes. I'm Achlys Nyx," sagot niya.
"What? Una si Miserabilis Dolor wich is true and now Achlys Nyx? Weh?" hindi makapaniwalang sagot ko.
Nilabas niya ang phone niya at pinakita sa akin ang account na 'yon. Ganoon na pala siya kahulog sa akin na nakuha niya nang magpanggap na ibang tao para lang makausap ako.
"It's real. Tindi ah! Eh may mga mas magagandang Americana... Hindi ka man lang nagkagusto sa kanila?" tanong ko.
Hindi ko naman maipagkakailang may mas maganda sa akin dahil ganoon naman talaga ang mundo. Saka blond hair is nice and they have nice body proportions. Magaling din sila mag-alaga ng skin unlike me na palaging puyat kasi kung hindi ako nagsusulat graveyard shift naman.
"No. Liking or being infatuated with other girls never crossed my mind 'cause you're the only one. I never had feelings for Ana that is my fiancée that time. I never thought of loving another girl after you. It's either I will be married to you or I'll just die alone. Mas gugustuhin ko na lang magpakamatay para matapos na," sagot niya.
His eyes screams sincerity in them. Lord, what did I do in the past to have someone like him right by my side? I thank you for that cause he's the best gift I received from you.
"You're not gonna die alone na cause I'm here na. Hindi na kita iiwan," sagot ko at niyakap siya.
"Love... I have a surprise for you..." he answered.
"Really? Where?" excited kong sagot.
"Puntahan na natin!" sagot niya.
Tumango ako at inalalayan niya akong tumayo. Nagpaalam lang kami kay Nanay at umalis na ng sementeryo. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero kinakabahan talaga ko. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan o kung may dapat ba akong ikakaba. Alam ko namang hindi ako ipapahamak nito kaya nagtiwala na lang ako sa kaniya. Pumasok kami sa isang subdivision. Hindi ito ang subdivision nila dahil mas kaunti at elegante ang mga bahay. Halatang mayayaman ang nakatira rito. Kusang bumukas ang gate ng modern mansion nang huminto sa tapat nito ang kotse ni Ken.
"Who owns this?" tanong ko.
"Me or should I say... Us?" sagot niya.
"Us?! Sa laki nito sa tingin mo afford ko bilhin 'to? Aba'y kahit magtrabaho ko ng sampung taon hindi ko mababayaran 'to!" sagot ko.
Kulang ang kita ko bilang nurse at published author para sa bahay na ito. Bumaba na kami ng kotse at lalong nanlaki ang mata ko dahil sobrang laki ng front yard. May mga bulaklak at iba't ibang uri ng halaman at maliliit na puno. Sobrang kalmado ng ambiance. Saktong-sakto kapag gusto mo magsulat outdoors.
"You don't need to buy this. I'm the engineer of this house and it's mine," sagot niya.
"Pwedeng-pwede ka na mag-asawa! Kailan mo ba 'to pinagawa?" sagot ko.
"Three years ago? Or four years? I lost count but it took 2 and a half years to finish this house since it has modern architecture features and it has its own program for us to operate. From lights up to the doors we can operate it using our phones. Planning this house took almost a year and everything was planned and sketched by me. Even the programs, inaral ko pa mag-code," sagot niya.
"Oh my god? Really? 'Di nga?" sagot ko.
"It was hard because it needs to be a house good for a writer like you. There's a special place inside just for you," sagot niya.
Hinawakan niya na ang kamay ko at binuksan ang napakalaking pinto sa harap namin. The living room has all white theme and right by the side of the door has a sketched portrait of me and beside that is a big photo of me signing my books.
"Oh my! Ikaw nag-drawing nito?" Tinuro ko ang sketch ng mukha ko.
"Yes, Love. I made it five years ago, ngayon ko lang na-display," sagot niya.
"Love... This is too much..." sagot ko.
"It's not. You deserve this..."
Hindi ko mapigilang yakapin siya ng mahigpit dahil hindi ko lubos maisip na gagawin niya ito. Ginawa niya ito kahit wala siyang kasiguradohan sa future. Kahit na wala siyang idea sa mangyayari sa aming dalawa.
"Come on..." Hinila niya na ako at umakyat kami sa second floor ng bahay.
Dalawa lang ang kwarto rito. 'Yong isa ay kulay purple ang pinto at 'yong isa ay kulay navy blue. Ganoong kulay din ang dingding ng floor na ito. Binuksan ko ang kulay purple na pintuan at nanlaki ang mga mata ko sa nakita. This is a library... A library is a sanctuary for authors like me. There's my pen name in the wall and it's LED lights. Meron ding writing area kung saan may computer, printer, at pader na napakaraming ballpen na iba-iba ang kulay.
"This is your library... Dito mo ilalagay ang future published books mo. I know you want a library in your house. This can also be your writing area. Ginawa ko 'to para talaga sa 'yo kasi gusto ko makapag-focus ka tuwing nagsusulat ka at may motivation ka magsulat. I installed speakers here so that you can play your playlisr loudly. I don't want you to feel deprived of your passion," saad niya.
New set of tears fall down my eyes. I didn't expect that he will be this considerate with my passion. That he will have a place for me to do it in his house. Lumabas na kami ng library at pumasok naman kami sa navy blue na pinto. This looks like an art gallery. Ang daming painting na nakasabit sa dingding at sa gitna ay may lamesang kulay puti. Sa kaliwa nito ay iba't ibang klase ng art materials.
"This... This is my art gallery. Arts saved me like writing did to you. Arts has been my outlet when sadness hits me. In arts, I am free so I want you to know that I have this side. I'm also an artist, Love," he said.
"Turuan mo ako mag-paint! I really suck at arts," sagot ko.
"Oo naman," sagot niya.
Nilibot pa namin ang bahay at talagang napakalaki nito. Kapag nag-house tour ka rito ay talagang aabutin ka ng siyam-siyam sa sobrang laki. Para kong nasa mall. Tapos lahat ng gamit ay modernize. Akala ko isa lang ang sala meron pa pala sa third floor ng bahay na 'to. May movie theater din at gym. Kulang na lang ng boutique at department store para maging mall 'to. Kapag pagod ka na mag-hagdan pwede kang gumamit ng elevator. Kung ayaw mo naman noon pwede mong gawing walk-alator ang hagdan. Hindi pa man ako nakatira rito ay nakikita ko na ang bill ng Meralco.
"To have a house this big and modernized there must be a reason... What is it? Huh?" saad ko.
"You. I want you to live comfortably with me. I want you to have your own sanctuary in our home. So the only reason is you..." sagot niya.
"Siguradong maghihirap ako kapag dito na ako nakatira. Parang isang milyon ang babayaran ko kada buwan sa Meralco," sagot ko.
"All of this is energy saving! I'm also practical 'no?" sagot niya.
"Hindi pa natin pwede tirahan 'to dahil hindi pa naman tayo humarap kay Lord kaya sa ngayon sa bahay muna namin tayo," sagot ko.
"I just want to show this to you," sagot niya.
"Thank you, Love... Thank you for building this house. I love it! I'm proud of you! I know you've work hard for this and saved so much money to afford this. Don't worry time will come that we'll settle down here and have a family of our own. For now let's enjoy with each other," sagot ko.
"You're welcome, Love. Anything for you," sagot niya.
Lumabas na kami ng bahay at dumiretso ng uwi sa bahay namin. Habang palayo kami ng palayo sa bahay ay hindi ko mapigilang mamangha pa rin dahil sa ganda nito. I can't wait for the day we can live in there and enjoy the luxury of it. Ngayon lang din ako nakakita ng bahay na parang mall. Ito ang patunay na isang magaling na engineer si Ken. Nagawa niyang magtayo ng bahay na modernized. Ayaw niya raw pumasok ngayon kaya buong maghapon lang kaming magkasama. Nang dumating na ang oras ng duty ko ay naghanda na ako sa pagpasok. Katulad ng nakagawian ay hinatid niya ako sa trabaho at umuwi siya sa bahay nila. I have the energy to work all night because of the inspiration I got. I need to work hard so that I can save more money for our future. He already had the vision of future with me. We never know what happens in the future but one thing's for sure. We'll be together.
A/N: 1 left and we'll finally say good bye to this wonderful journey we had with Ken and Emily. Thank you so much for reading, Bemskies! Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top