CHAPTER 38: THE LONG WAIT IS OVER!

Emily's POV

I've been thinking about this for the past few days and asking myself if I am ready to open my heart again for him. My brain says 'no' because of the past heartache he caused and my heart says 'yes' because he's the one I love. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko kaya tinawag ko si Mommy. Alam kong siya lang ang makakasagot nitong mga katanungan ko sa sarili ko. Nalilito na rin ako sa sarili ko kaya kailangan ko ng wisdom niya.

"Ano ba 'yon, 'nak? May problema ka ba?" saad ni Mommy nang makapasok siya sa kwarto ko.

Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko talaga alam ang sagot.

"Mommy, nakita mo naman po ang determinasyon ni Ken sa akin 'di ba?" sagot ko.

"Oo naman, anak. Bakit? Gusto mo na ba siya patigilin?"

"Hindi po! Iniisip ko lang po kung ito na ba 'yong tamang panahon para ibigay ko 'yong matamis kong oo. Ayoko po magpadalos-dalos sa pagdedesisyon kasi alam ko pong kaming dalawa lang din ang mahihirapan kapag sinagot ko siya nang hindi ako handa. Gusto ko pong alamin kung handa na po ba talaga akong buksan ang puso ko para sa kaniya."

"Anak, mahal mo pa rin si Ken. Nakikita ko 'yon sa mata mo. Nakikita ko kung gaano ka kasaya sa tuwing kasama mo siya at nakita ko kung gaano mo pinilit na maging malakas noong una palang kayong nagkaroon ng relasyon. Alam mo ba na kahit naisikreto mo sa akin 'yon ay hindi ako nagalit kasi nagtitiwala ako sa 'yo. Nagtitiwala akong kayang-kaya mo ang sarili mo kaya mo pinasok ang bagay na 'yon. Humanga pa nga ako sa iyo noon dahil kinaya mong ipaglaban ang meron kayo. Tiniis mo 'yong bugbog, mga salita ng mga ka-eskwela mo. Hindi ako natutuwa noong naranasan mo ang mga 'yon, natakot ako kasi baka mamaya magising na lang ako isang araw wala ka na sa akin.

"Lalo akong natakot noong tinawagan ako ni Sandra na sinubukan mo raw magpakamatay. Galit na galit kami kay Ken noon kasi ginawa mo 'yon sa sarili mo nang dahil sa kaniya pero na-realize ko... Dalaga na talaga ang anak ko. Nagmahal na siya kasi hindi magiging ganito kung hindi. Maaaring nakakilala ka ng iba noong magkalayo kayo pero hindi pa rin napantayan ng pagmamahal mo kay Vince ang pagmamahal mo kay Ken. Anak,kung nagdadalawang isip ka dahil kay Vince... Huwag. Alam kong kapag nalaman niyang nagkabalikan kayo ni Ken ay magiging masaya siya para sa inyo. Gawin mong worth it lahat ng sakripisyong ginawa niya para sa inyo. Hindi gugustuhin ni Vince na makita ka pa ring nasasaktan at nagdadalawang isip dahil sa kaniya.

"Ngayong nagbalik na si Ken at pinatunayan niyang nagsisi siya sa ginawa niya, sabi ko sa sarili ko, 'Oras na siguro para patawarin ko ang batang ito sa nangyari sa kanila. Siguradong pagod na 'to lalawakan ko ang pag-iisip ko dahil baka siya na talaga 'yong para sa unika ija ko.' I-kwinento sa akin ni Vince kung anong nangyari kay Ken kaya naintindihan ko rin naman siya kasi ano nga namang laban niya sa mga magulang niya kung disisyete anyos lang siya noon. Parehas kayong nasaktan sa nangyari sa inyo, anak. Kaya para sa akin panahon na siguro para naman pagbigyan mo siyang maging masaya."

Napatango na lang ako sa naging sagot niya. Pareho kaming nasaktan at nabigo ng pag-ibig. Pareho kaming naghirap sa mga panahong hindi kami magkasama at ngayon may pagkakataon na kaming ituloy ang naudlot naming pag-iibigan. Saka nakita ko ang pagbabago niya. Sa tuwing may graveyard shift ako palagi niya akong sinusundo kahit madaling araw at hinahatid. Ayaw na ayaw niyang pumapasok ako sa trabaho ng walang kinain kaya minsan nagpapabaon pa. I never thought that the cold hearted guy in high school has this soft side and that's only for me.

"Naliwanagan na ako, Mi... And I think it's time. It's time to give him the second chance he's been working on. Bukas po 10 years na kaming hiwalay... Balak ko siya ayain sa Tagaytay at puntahan 'yong mga lugar na pinuntahan namin noon. Sasagutin ko na siya, Mommy!" masaya kong sagot.

"Whatever makes you happy, anak. Susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo sa buhay. Masaya ako para sa inyo ni Ken. Oh siya baba na ako para makapagpahinga ka na at makapaghanda sa lakad ni'yo bukas," sagot ni Mommy.

"Good night po. Sleep well!" sagot ko.

Lumabas na siya ng kwarto ko at ako naman ay tumayo na ako sa kama ko at kinuha ko 'yong laptop ko para maghanap ng fine dining restaurant na located sa Tagaytay. Hindi naman ako nahirapan maghanap dahil maraming nagkalat na fine dining restaurant sa lugar na 'yon. Ang pinili ko ay may close view sa Taal Volcano. Bumili na rin ako ng Ride All You Can ticket ng SkyRanch. Agad kong ki-nontact ang restaurant para makapag-pa-reserve pagkatapos ay tinawagan ko si Ken para ayain siya. Baka naman kasi mabigla kapag bukas ko pa sinabi. Day-off ko rin naman bukas kaya saktong-sakto.

"Yes, Love?" he said on the other line.

"Ken... Tara punta tayo Tagaytay bukas," sagot ko.

"Why? May nangyari ba?" sagot niya.

"Wala! Ikaw naman! Hindi ba pwedeng gusto ko lang gumala bukas?"

"May trabaho ka bukas 'di ba?" sermon niya.

Itong lalaki na 'to malapit ko na kutusan. Napak-workaholic, siya na nga inaaya ng gala siya pa tumatanggi.

"Wala akong work bukas! Ano? May meeting ka ba bukas?" sagot ko.

"Wala! At kahit meron i-ca-cancel ko para sa 'yo. What time am I going to make you sundo?" sagot niya.

"Oh come here by 7 am para hindi masyadong maaga," sagot ko.

"Noted. Magsusulat ka ba tonight?"

"Yeah. I'll publish a new chapter for my current novel kaya kung di kita masagot kapag nag-text ka that means I'm one with my world."

"It's fine. Don't over work yourself ah? Have water and coffee on your side. Mag-chat or text ka na lang kapag tapos ka na."

"Okay. Bye!" sagot ko at binaba ang tawag.

Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa mangyayari bukas. Tomorrow is the day that our lives will change. I will make sure that the most painful day of our life in the past will be the happiest today. Alam kong matagal niya na 'tong hinihintay, matagal niya na akong hinihintay. I realized something and that is no matter how long and how far the person you love is if you really love that person it won't be a hindrance. Maraming tao kang makikilala sa panahong magkalayo kayo pero hindi noon matutumbasan ang pagmamahal na meron ka para sa taong 'yon. Katulad nga ng sinabi ni Mommy sa akin kanina nagmahal man ako ng iba sa mga panahon na 'yon ay hindi pa rin mapapantayan ng pagmamahal na meron ako kay Ken. Kay Vince ko nakita ang comfort na hinahanap ko at sa kaniya ko rin naranasan ang mga bagay na hindi naiparanas ni Ken sa akin noong kami pa. Vince will always have a special place in my heart that no one can replace. He saved my life and he's my writing buddy.

Napagdesisyonan kong buksan ang cellphone ko at i-contact si Vince para makahingi ako ng tawad sa kaniya dahil kahit naman sabihin niyang hindi dapat ay pakiramdam ko kailangan ko dahil may sala rin naman talaga ako sa kaniya. Hindi ko muna tinimbang ang sarili ko bago ko siya sinagot kaya nasasaktan siya ngayon. Nang makitang online siya sa messenger ay agad kong pinindot ang profile niya.

Me:

Vince... Kumusta ka na? Are you studying well? I'm hoping to see you in the future and work with you. Nagsusulat ka pa ba? Kung oo sana hindi ka na tamad mag-update. I can't wait to see you signing your books again even if I'm not by your side when that time comes. Just do know I'm always here clapping my hands for your victories. I want to thank you for saving my life and for being with me through my ups and downs through the joy and the cries. I'm sorry for breaking your heart. I know I am so cruel for doing that and I'm really sorry. I'm always here... Thank you for writing with me and for me... You will find the better subject for your works.

Nang mai-send ko 'yon ay agad niya namang si-neen. Kinakabahan ako sa i-rereply niya.

Vincent David Sawyer:

I'm fine, Ems. Oo masakit but it doesn't matter as long as you're happy with Ken. Alam ko namang si Ken ang kasiyahan mo at hindi ko kayang makita kang malungkot at nasasakal nang dahil sa akin. Lalo lang tayong magkakasakitan kapag pinatagal pa natin kahit hindi mo naman na ako mahal. I know you loved me, I felt it. You loved me in a different way and I'm fine with that. I'm happy I choose to take the risk and love you because I am at my best and happiest in those days we're together. All the memories we shared have special place in my heart that no one can replace. I'm grateful that I had the chance to be with you not just as friends. Huwag kang magdalawang isip kapag sasagutin mo na si Ken kasi masaya ko para sa inyo. You'll always have a place not just in my heart but also in my library. You're the most special subject I had and you may not be the right one but you will remain special because you're the person who inspired me to write again. Invite mo ako sa kasal ni'yo ah! Nakakahiya naman kapag wala ako roon eh ako nagligtas sa inyong pareho. Kung wala ako parehas na kayong nabubulok sa ilalim ng lupa. Sabihin mo kay Ken mag-ingat siya at huwag siyang mambababae kasi baka isaksak ko na lang sa kaniya 'yong scapel kapag sinaktan ka pa niya.

Napangiti naman ako sa reply niya. Masaya akong makitang unti-unti na siyang umuusad sa pagkakadasadsad niya nang dahil sa akin.

Me:

Oo naman! Huwag ka mag-alala ako na sasaksak sa kaniya kapag nangyari 'yon. O-operahan ko siya ng walang anesthesia!

Vincent David Sawyer:

Tama 'yan! Sige na. May klase na ako. Ingat kayo riyan. Send my regards to our friends!

Me:

Sure!

Binaba ko na ang phone ko at pinatay ang wi-fi. Hinanda ko na ang mga gagamitin ko sa pagsusulat at inayos ko na ang mood para mas maraming ideas ang pumasok sa utak ko. Pagkatapos kong mag-update ay ginawa ko na ang night routine ko at natulog na. Hindi na ako nakapag-text kay Ken dahil sa sobrang antok ko.

Maaga kong gumising kinabukasan para ipaghanda ng agahan si Ken at maayos ko ang babaunin namin sa biyahe. Gumawa na lang ako ng Nutella sandwich namin at naglagay na lang ako sa bag namin ng chips. Hindi pa ako tapos makaluto ng sinangag nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod ko. Mabuti na lang at naisipan ko nang magbihis bago magluto dahil kung hindi pa ako nakabihis siguradong gagahulin kami sa oras at magaamoy tuyo pa ako.

"Ken..." I said because I already smelled his perfume.

"Good morning, Love..." he answered.

"Good morning. Maupo ka muna. Patapos na ako sa niluluto ko."

"Kiss me muna. Here oh." He pointed his cheeks.

Huminga muna ako ng malalim bago pikit matang hinalikan ang pisngi niya. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya dahil siguradong mukhang kamatis na ang pisngi ko dahil sa pamumula. Tinalikuran ko na siya at tinapos ang niluluto kong sinangag. Naghain na ako at inilagay sa mga serving plates ang niluto ko. Sinangag, bacon, nuggets, at tuyo ang niluto ko para makakain din sila Mommy pero mukhang hinayaan nila kami ritong mag-isa.

"Mi! Kain na tayo!" tawag ko sa kanila pero walang sumasagot o pumunta man lang sa kusina.

"They are outside. Kumakain na rin sila ng breakfast doon sa Tita na nagtitinda sa tapat ng breakfast," sagot ni Ken.

"Si Mommy talaga..." sagot ko na lang at umupo na.

Nilagyan ko muna siya ng pagkain niya bago ko nilagyan ang plato ko.

"Ken, I have something to say..." saad ko.

Agad niya namang inilipat ang kaniyang atensyon sa akin.

"Hmm?" he answered.

"Nakausap ko si Vince kagabi and I said sorry to him for what I did..."

"And?"

"He's not mad naman and he understood us."

Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Nagsimula na rin akong kumain dahil gutom na ako. Natutuwa akong makita siyang maganang kumain ng mga niluto ko.

"Pwede magkwento..." saad ko.

"Love, ang sarap mo magluto. It got better now."

"Naalala mo pa lasa ng luto ko noong high school?"

"Of course. Why would I forget about it? I remember everything," sagot niya.

"Ay ayoko ng throwback sa ngayon. Kumain ka na lang diyan para makaalis na tayo," sagot ko.

Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko na ang mga kinainan namin at hinugasan ang mga ito. Ayokong nakakakita o nag-iiwan ng mga hugasin dahil pakiramdam ko ang dumi ng bahay kapag ganoon. Pinunasan ko na ang kamay ko at binalingan si Ken na abala sa ipad niya. Siguradong nagtatrabaho na naman 'to. Hahayaan ko muna siyang magtrabaho riyan habang hinahanda ko ang sarili ko. Nagsepilyo na ako at umakyat saglit sa kwarto para maglagay ng kaunting liptint at magpabango. Pagkatapos kong ayusan ang sarili ko ay inayos ko na ang shoulder bag na dadalhin ko. Hindi na ako nagsuot ng formal outfit dahil pupunta kaming theme park. I just wore ripped jeans, oversized shirt with an oversized hoodie since it's cold in Tagaytay. Bumaba na ako at nakita kong nasa sala na si Ken kasama ni Mommy.

"Oh heto na pala si Ems eh!" saad ni Mommy.

Napabaling ang tingin sa akin ni Ken. Nginitian ko lang siya ng napakatamis bago pumunta sa kusina at kuhanin ang bag ng baon namin.

"Tara na?" saad ko.

"Let's go. Tita, una na po kami," paalam ni Ken.

"Ingat kayo sa biyahe," sagot ni Mommy.

"Opo, Mi," sagot ko.

Nagmano muna kami sa kaniya bago lumabas ng sala. Kinuha niya ang bag mula sa kamay ko at pinalitan niya iyon ng kamay niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayan papasok sa kotse. Inilagay niya sa paanan ko ang bag ng baon namin saka isinarado ang pinto. Umikot naman siya pasakay sa loob ng kotse at binuksan ang makina nito.

"Play your playlist, Love. Car-Kit all capital letters," he said.

Agad ko namang nilabas ang phone ko at nag-play ng tugtog.Pinaandar niya na ang kotse paalis sa tapat ng bahay namin. Napaigtad pa ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin. Marahan niya pang hinimas ang aking hinlalaki. Bumibilis ang tibok ng puso ko at nagwawala ang mga paru-paro sa tiyan ko.

"Napuyat ka ba kagabi?" he said.

"Nope. Maaga lang talaga ko nakatulog dahil sa sobrang antok," sagot ko.

"What are your plans when we get there?"

"Stroll around Tagaytay, go to the mall and watch movie, a theme park date and many more. Like couples do when they go out for dates."

"Oh okay. Typical date?"

"Do you think I'll ask you out if it's typical ha?! I'm a romance author! Hindi ako ganoon kamais!" sagot ko.

Hirap na hirap akong planuhin 'to tapos tatawagin niya lang na typical? Baka pukpokin ko siya sa ulo. Kung alam mo lang kung paano ako nakipagsagupaan sa sarili ko. Huwag kaya kita sagutin ngayon para matutuhan mo 'yong lesson mo? But never mind! Nandito na eh wala naman na tayong magagawa. Fighting, Ems! You can do it. Just stay calm and composed. After 15 minutes of driving I offered him the sandwich I made.

"Pwede subuan mo ako? Hindi ako makakapag-drive ng maayos. Baka mabangga tayo niyan," he said.

"May isa ka pang kamay, Ken. Gamitin mo saka kilala kita. Hindi ka magpapadalos-dalos sa pagmamaneho kasi kasama mo ako. Siguradong ayaw mong masira ang magandang mukha ko," sagot ko.

He pouted his lips and grabbed the sandwich from my hand. When we saw a gasoline station we pulled over there to eat. Sakto may Starbucks kaya makakabili ko ng kape.

"Baba muna ako. Bibili kong coffee," paalam ko.

"Sama ko. Mag-c-cr na rin ako," sagot niya.

Pinatay niya na ang makina ng kotse. Nauna na akong bumaba sa kaniya dahil gusto ko talaga munang makapag-unat. Nang ma-i-lock niya na ang kotse ay pumunta na kami sa loob ng Starbucks. Um-order ako ng paborito kong frappe at in-order ko naman siya ng iced Americano. Habang hinihintay ko ang order namin ay tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan kung sino ang tumatawag.

Dra. Sandra Harrington calling...

"Hello?" I said.

"Ang daya naman, Ems!" sagot niya.

"Bakit?" sagot ko.

"Hindi man lang kayo nagsama!"

"Hindi ko pa pwedeng masolo muna ang kuya mo?" sagot ko na pilit pinipigilan ang tawa.

"Hindi naman pero sana man lang nang-inform kayo! Kung hindi pa namin pinuntahan si Tita hindi namin malalaman na papunta kang Tagaytay!" sagot niya.

"Don't worry about us, Sands. Uuwi rin kami. Let's hang-out after this huh?" sagot ko para hindi na siya magtampo sa amin.

"Okay. Enjoy your date!" sagot niya.

"Okay! Bye!" sagot ko at binaba ang tawag.

Tinawag na ang pangalan ko kaya agad akong lumapit sa barista at kinuha ang kape namin. Sakto naman na lumabas na si Ken ng banyo pagkatapos tawagin ang pangalan ko. Binigay ko na sa kaniya ang iced Americano bago kami lumabas ng store. Nang magbalik kami sa daan ay medyo ma-traffic na kaya halos dalawang oras kalahati ang binuno namin para lang makarating sa Tagaytay. Mag-a-alas diyes na ng makarating kami.

"Saan ba ang first destination natin?" saad niya.

"Sa Sky Ranch sana pero nagugutom ako kaya maghanap muna tayo ng makakainan na malapit sa Sky Ranch," sagot ko.

"Okay," sagot niya.

May nadaanan kaming mami restaurant na malapit sa Sky Ranch kaya doon na lang namin napagdesisyonan na kumain. Pagkatapos naming kumain ng lunch namin ay dumiretso na kami sa Sky Ranch. Marami silang attractions dito at may zip line pa kaya nakaka-excite. Binigay ko na sa ticketing booth ang ticket reservation ko. Sinuotan naman kami ng ride all you can passes para kapag pinakita namin iyon sa operator ng ride ay pasakayin agad kami.

"Ken! Let's try the most thrilling ride they have!" Tinuro ko ang drop tower nila.

"The f*ck? Pasasakayin mo ko riyan?" sagot niya.

"Ken! 'Yong bibig mo nga!" saway ko.

"Love naman!" sagot niya.

"Okay. Bahala ka riyan ako na lang ang sasakay!" Iniwan ko na siyang nakatayo sa tapat ng carousel.

Pipila na sana ako nang hawakan niya ang braso ko para pigilan.

"Ano? I thought you don't want?" saad ko.

"Hmm! Tara na nga!" sagot niya at hinawakan ang kamay ko.

Nanlalamig ang mga kamay niya nang naglakad kami papunta sa ride. Gusto kong matawa dahil namumutla siya. Nang turn na namin ay lalong humigpit ang kapit niya sa akin.

"Umayos ka nga! Ride lang 'yan! Sakay ka ng sakay sa eroplano pero 'yang simpleng drop tower nanlalamig ka! Tara na!" saad ko.

"L-love, maiiwan na lang ako rito," sagot niya.

"No!" sagot ko at hinila na siya papunta sa operator.

Umupo na kami sa ride. Magkatabi kami ng puwesto dahil hindi niya kayang mahiwalay sa akin. Sinuotan kami ng seatbelt bago ibaba ang bakal na proteksyon sa aming malaglag. Nang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang ride ay na-excite akong lalo. Siya naman ay lalong humigpit ang kapit sa kaliwang kamay kong hindi nakahawak sa proteksyon.

"Calm down. Just shout if you're afraid," saad ko.

Nagsimula nang umangat ang ride kaya malamig na hangin ang tumatama sa mukha ko. Habang pataas ng pataas ang ride ay pahigpit ng pahigpit ang kapit sa akin ni Ken. I never thought he's afraid of rides like this while me? Well hindi naman sa pagmamayabang pero kaya kong tapusin ang ride na 'to nang hindi sumisigaw. Nang nasa taas kami ay inilibot ko na ang paningin ko at nakita ko ang magandang view ng mga burol na nakapalibot sa amin at naramdaman ko rin ang pagdampi ng malamig na hangin nang biglang ibaba ang ride. Nagsigawan na ang lahat pero ako heto at nakatingin pa sa baba samantalang si Ken naman ay namamawis na sa sobrang kaba. Nang matapos ang ride ay mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa si Ken. Gulo-gulo pa ang kaniyang buhok dahil sa hangin.

"Ayoko nang umulit. I feel like my soul is still there," saad niya.

"Doon naman tayo sa Super Viking!" Hinila ko na siya papunta sa ride.

"Love... Have mercy on me!" he said.

"Minsan lang naman!" sagot ko.

Pagkatapos ng ride namin sa Viking ay sinubukan pa namin ang iba nilang attractions. Tulad ng 4D experience nila at ng Sky Eye o 'yong ferris wheel nila. Magandang view ang nakikita kapag nasa taas ka na ng Sky Eye at dahan-dahan itong bumababa. We took lots of photos together and he became my instant photographer. After our theme park date we went to the mall. Dito na rin kami kumain ng lunch. Ngayon ay nakapila kami sa ticketing booth sa cinema para naman manood ng sine.

"After that the theme park date now we have a movie date. You're really an author, Love," he said.

"Tapos kanina tinawag mo pang typical? Aba'y! Baka gusto mong kaltukan kita?" Inambaan ko siya ng suntok.

"Kiss na lang! Mas acceptable!" sagot niya.

Natawa na lang ako at hinalikan ang pisngi niya. Mabuti na lang at wala masyadong tao sa ticketing booth. Nang turn na namin ay pinili ko ang Disney movie na Encanto. Sobrang trending niya sa facebook kaya ito ang pinili kong panoorin namin.

"Really, Love? Are you a child?" he said when he saw what movie I pointed.

"Huwag nang magreklamo! Ako naman magbabayad!" sagot ko.

Natawa na lang siya sa inasta ko. Nang makuha namin ang ticket ay bumili muna kami ng popcorn bago kami pumunta sa loob ng theater. Ibinigay ko na ang ticket namin at pumili ng upuan na medyo malapit sa screen. Nagsimula nang magpakita ng mga commercials. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin. Kahit nagsimula na ang pelikula at parehong naroon ang atensyon namin ay hawak pa rin niya ang kamay ko. Nang matapos ang movie ay inaya ko muna siyang maglibot kami sa loob ng mall. Baka sakaling may matipuhan akong libro at bilhin ito. Pero wala rin kaya napagdesisyonan kong pumunta na lang kami sa Picnic Grove para panoorin ang sunset. 5pm na kaya sakto sa sunset.

We are now seating at one of the benches here at the Picnic Grove and watching the sun set.

"Love, I enjoy this day. Kahit muntik na akong magkanda-suka-suka sa mga rides na sinakyan natin," saad niya habang nakatingin sa papalubog na araw.

"Do you remember what's special today?" I answered, looking at him.

Agad niya namang inilagay ang atensyon niya sa akin at tiningnan ang aking mga mata. Binabasa niya ang reaksyon ko pero pinanatili ko ang maliit na ngiti sa aking labi.

"Today? Today is the 10th year of our break up..." he answered.

"Yeah, it is... Do you remember what you said that day ten years ago?"

"Yes. That I will love you from a far..."

"You've been doing that for the past ten years aren't you?"

"Yes. You know what I am doing every year when I miss you?"

Umiling ako bilang sagot. Gusto kong malaman kung ano ang mga ginagawa niya sa tuwing na-mi-miss niya ako.

"I always hike here and eat at the restaurant we last ate together. I always greet you in the thin air hoping that the air will send it to you. Hindi ako pumapalya kahit nasa America ako. Kapag hindi ako nakakauwi rito sa mga araw na 'yon pumupunta ko rito sa araw ng paghihiwalay natin," sagot niya.

"Hindi kita inaya mag-hike kasi wala ako sa kondisyon but! I will bring you to a place that will make this day memorable!" sagot ko.

Tumayo na kami at umalis sa Picnic Grove. Itinuro ko sa kaniya ang daan papunta sa restaurant na pina-reserve ko. Nang makarating kami roon ay talagang mukha kaming out of place pero ano bang pakialam nila?

"Let's go?" I said and held his hand tightly.

Huminto kami sa tapat at pinagbuksan kami ng guard.Lumapit sa akin ang isang waiter.

"Do you have reservations, Ma'am?" saad niya.

"Reservation for Emily Savvanah Howards," sagot ko.

"This way, Ma'am," sagot ng waiter at giniya kami sa puwesto namin.

May kasunod na siyang waiter na dala ang menu nila. Binasa ko ang narito at pinili na lang ang pasta para sa main course, mushroom soup sa appetizer at buko pandan para sa dessert. Si Ken naman ay steak, corn soup sa appetizer at salad sa dessert.

"You take me to 3 dates in just one day! You're really something, Love!" he said.

"Of course. Hindi naman palaging lalaki ang dapat na nag-e-effort sa isang relationship. Pati rin ang babae dapat na mag-effort," sagot ko.

"Anong meron?" he answered.

"Secret!" sagot ko at tumingin sa salamin kung saan kita na ang mga bituin kahit maaga pa lang.

Pagkatapos ng ilang minute ay dumating na ang appetizer kaya nagsimula na kaming kumain. Nang maubos ay pina-serve ko na ang main course. Habang kumakain kami ay dama ko ang nagtatakang tingin ni Ken.

"What's really happening?" he said.

"Just wait! Huwag kang atat!" sagot ko.

Lalo tuloy ako kinakabahan sa mga tingin niya. Nang matapos kaming kumain ay sinimulan ko nang pag-isipan ang mga sasabihin ko sa kaniya. Iniisip ko na ang mga salitang gagamitin ko para sa kaniya.

"Love, may sasabihin ka ba? Kanina ko pa napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo," saad niya.

Huminga muna akong malalim bago ito dahan-dahan na pinakawalan.

"Ken, I know you've been loving me from a far for the past ten years and you worked on yourself to be a better person. I'm proud to see you soaring high in the business field and webtoon. I always ask myself what I did to deserve someone like you. Someone who is willing to wait for the girl he loves no matter how long. Someone that distant doesn't matter in love. I want this day to be remembered not our break up but our anniversary. I think I'm ready to open my heart again for you..." saad ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nagtataas baba ang kaniyang mga balikat at maytumutulong luha sa mga mata niya. Agad akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit.

"Ayaw mo ba ako maging girlfriend ulit kaya ka umiiyak?" kinakabahang saad ko.

"No! I want it!" sagot niya.

Bumalik na ako sa puwesto ko nang mapakalma ko siya.

"Finally! After ten years of working on myself and being better. I-I got the trophy I wanted and that is you... You right by my side. You're the answered prayer I've been waiting for and I won't let this chance to slip. Baka sa susunod mong novel patayin mo na ako," sagot niya.

"Literal kitang sasaksakin ng scalpel kapag iniwan mo pa ako ngayon. Hindi lang pala ako... Si Sandra rin at si Vince," biro ko.

Tinawanan niya lang ako.

"Sandra will be the loudest when we reveal to them that we're back."

"Surely! Tumawag nga kanina madaya raw tayo kasi hindi natin siya sinama!" sagot ko.

"Magkikita-kita rin naman tayo bukas para sa label reveal eh!" sagot niya.

"Oo nga. Sabi ko nga labas kami after this eh para hindi na siya magtampo," sagot ko.

"She's really our bunso and the president of our love team. Siguradong siya pa unang magpapakalat nito sa mga readers mo."

Napailing na lang ako habang natatawa. Hiningi ko na ang bill namin at saka binayaran. Pagkatapos ay inaya ko na si Ken na umuwi dahil baka kapag hindi kami umuwi ngayong gabi ay hanapin ako sa bahay at mapagbintangan pa ng kung ano. After 3 hours of driving nakarating na rin kami sa bahay. Sobrang traffic kaya 9 pm na kami nakarating. Nang huminto kami sa tapat ng bahay ay baba na sana agad ako nang hawakan niya ang braso ko para pigilan akong makababa. Sininop niya ang mga buhok na humaharang sa mukha ko at tiningnan niya ako sa mata pababa sa ilong hanggang sa mapunta ito sa aking labi.

"Can I kiss you?" he asked.

Hindi na ako sumagot at ako na mismo ang humalik sa labi niya. Halik na puno ng pagmamahal at saya. Pagkatapos noon ay hinalikan niya ang aking noo at inayos ang aking buhok.

"Good night, Love. See you tomorrow. I love you," he said.

"Sweet dreams, Love. See you tomorrow. I love you too," sagot ko.

Bumaba na ako ng kotse dala ang mga gamit ko. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok ng bahay. Nagulat pa ako nang makita ko si Tita Marie na nakatayo sa likod ng gate.

"Umuwi na?" saad niya na may nakakalokong ngiti.

"O-opo," sagot ko.

Dumiretso na sa kwarto ko para maitago ang pamumula ng aking mukha. Siguradong nakita ni Tita 'yon. Hindi maaaring hindi! Isa siya sa magagaling na Marites dito sa baranggay namin. Nagbihis na ako ng pantulog at hinilamusan ko lang ang mukha ko. Nang makatanggap ng text mula kay Ken na nakauwi na siya ay nahiga na ako sa kama ko. Sa wakas... Heto na ang matagal kong pinangarap at kinulong sa mga nobelang gawa ko. Malapit na ako sa happy ending na matagal kong pinagdasal at hinintay. Nagpapasalamat talaga ko sa kaniya na binigyan niya ako ng ikalawang pagkakataon na makasama si Ken. Sa pagkakataon na ito, tama na. Tapos na ang masakit na kabanata sa kwento naming dalawa at ito na ang simula ng happily ever after namin na magkasama.







A/N: Two more chapters, Bemskies! Two more chapters and we'll say good bye to this wonderful era! Thank you so much for reading! Enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top