CHAPTER 37: IT'S TIME
Emily's POV
Isang linggo na matapos ang trip namin sa Tagaytay. Napagdesisyonan kong bumalik na sa hospital dahil masyadong mahaba na 'yong leave ko. Kinumbinsi ko na rin si Ken na bumalik sa trabaho kasi kinukulit na siya ng secretary niya. Marami na raw pending meetings ang nakalinya at marami siyang papeles na kailangan i-approve. Matapos ang tatlong araw ng trip namin sa Tagaytay ay bumalik na si Andy sa US at si Ivan sa New Zealand sa hindi ko mawaring dahilan. Maayos naman kaming naghiwa-hiwalay sa Tagaytay sadyang excited lang 'ata na bumalik si Ivan sa New Zealand. Si Sandra naman ay bumalik na sa school, si Zoe ay bumalik na sa trabaho niya, at si Lean balik training sa Manila habang nagtatrabaho ng part time sa isang engineering firm. Excited akong bumalik sa trabaho dahil na-miss kong gumamot ng mga tao at maka-meet ng mga bagong doctors. Maswerte't morning shift ang nakuha kong shift at hindi graveyard shift kundi in the end magsusulat lang ako half of the night at magtatrabaho naman sa kalahati. Mag-mo-motor sana ako papasok pero Ken insisted na sabay kaming pumasok sa trabaho. So pumayag na lang ako para tipid sa gas.
"Anak, nandiyan na ang sundo mo," tawag ni Mommy.
Alam ko namang si Ken ang tinutukoy niyang sundo dahil ipinaalam ko na sa kaniya iyon kagabi at pumayag naman siya.
"Papasukin mo po muna, Mi. Hindi pa po ako tapos kumain," sagot ko.
Familiar scent of men's perfume entered my nose as soon as I feel another presence at the entrance of the dining area. Agad na napaangat ang tingin ko sa kaniya at napatulala na lang dahil sa kasuotan niya. He wore a suit that the sleeves are rolled up to his elbows and on his left arm hanged is his coat and not so messy hair style that complimented his suit. He looks like Lee Jong-Suk from his drama, W: Two Worlds. I am a big fan of him that every hairstyle he had on his drama I almost memorized it. Napatikhim na lang ako at bumalik sa pagkain.
"Love, looks like you've fall from me again, huh?" he said.
"Sino ba namang hindi ma-fa-fall sa itsura mo na 'yan? Baka nga pati kliyente mo ibahay ka na... Dagdag mo pa 'yang endearment mo..." saad ko sa aking isipan.
"You're smitten by my style huh?" he said once again and messed up his hair before he sat in the chair in-front of me.
"H-have you eaten your breakfast?" I answered.
"Not yet."
"Saglit, kukuha kita ng pinggan." Tumayo na ako sa kinauupuan ko at kinuha siya ng pinggan. May natira pang bacon, eggs at toast sa lamesa na wala naman nang kakain mamaya kaya sa kaniya ko na lang ipapakain.
Pinaghain ko na siya ng breakfast niya at bumalik sa pwesto ko para ipagpatuloy ang pagkain ko. Pagkatapos kong maubos ang pagkain ko ay nag-check naman ako ng cellphone ko para sa mga notifications ko. Palihim ko siyang kinuhanan ng litrato habang abala siya sa pagkain.
"You don't need to take a stolen shot when you can ask me to look at the camera..." he said.
"Kapal mo! Nagbabasa ako rito ng text eh!" pagdadahilan ko. Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng aking pisngi at pag-akyat ng dugo rito kaya agad kong tinakpan ng aking mga kamay ang aking mukha.
"My Love is blushing!" he laughed.
"Bilisan mo nang kumain! Aayusin ko na 'yong mga gamit ko!" sagot ko at iniwan siya sa dining area.
Nang makalabas sa dining area ay pinakalma ko ang puso kong tila nagpapa-palpitate sa sobrang bilis ng tibok. Pati na rin ang pisngi kong pwede nang paglutuan sa sobrang init. Matapos kong pakalmahin ang sarili ko ay inayos ko na ang dadalhin ko. Nilagay ko na rin sa bag ang lunch na pinabaon sa akin ni Mommy at ang chocolate na palaging nasa loob ng bag ko saka ang ilang snacks na dadalhin ko para sa alay. May pamahiin kasi sa ER na dapat may handog na pagkain kapag kababalik mo lang para hind imaging toxic ang duty mo. Sa tanghali kasi ay tinatamaan ako ng antok kaya chocolate ang panlaban ko roon. Para ngang may mini pantry sa loob ng bag ko kasi kadalasan kapag may duty ay pagkain lang ang laman. Ipad at Bluetooth keyboard lang naman kasi ang dinadala ko kaya maraming space para sa pagkain.
Bumalik na ako sa dining area dala ang anello ko na bag. Nakaligpit na ang mga kinainan namin pagbaba ko.
"Let's go?" he said and offered his hand.
"Let's go," I answered and took his hand.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng dining area. Nagpaalam na kami kay Mommy na aalis na kami at papasok sa trabaho.
"Ingat kayo at huwag magpapagabi sa daan," bilin ni Mommy.
"Opo," sagot ko at nagmano sa kaniya.
"Opo, Tita," sagot ni Ken at nagmano rin.
Pinagbuksan na ako ni Ken ng pintuan ng kotse niya kaya sumakay na ako at sinarado niya naman iyon. Hanggang dito sa kotse niya ay amoy na amoy ko ang pabangong ginagamit niya. Nang makasakay siya ay mabilis niyang na maniobra ang kotse gamit ang isa niyang kamay. Bumusina muna siya bago makalayo sa bahay. Napaigtad pa ako nang hawakan niya ang kamay ko gamit ang libre niyang kamay. He intertwined our fingers like it's made for each other. Sukat na sukat ang mga ito kapag iyong pagmamasdan. Napatingin na lang ako sa daan na may ngiti sa aking labi dahil ito ang pinapangarap kong maranasan. Ganitong mga scenario ang sinusulat ko sa mga romance books ko. Pinangako ko sa sarili kong hindi ko na siya babalikan pero tignan mo naman ngayon? I'm head over heels for him. I feel the butterflies again even after years that we didn't have a communication.
"Why are you smiling?" he asked while his eyes are still on the road.
"I'm just thinking how stupid I am," sagot ko.
"And why is that?"
"Because I fell for your tricks once again."
"Who wouldn't?" mahanging saad niya.
"Si Lean. Hindi na-fa-fall sa ganiyan saka si Andy," sagot ko.
"They are different!" sagot niya.
"So may iba ka pa palang gustong ma-fall? Sige roon ka na kay Ana! O kaya balikan mo 'yong mga babae mo sa US!" asar ko.
"Wala akong naging babae sa US!" sagot niya.
"Good. Mabuti naman," sagot ko.
"You know I'm all yours and I will never dare to look on other girls..." he answered and held my hand tightly. Sincerity was evident in his voice.
Heto na naman ang puso kong parang nag-hy-hyperventilate sa sobrang bilis ng tibok. I think I need to ask a cardiologist for a medicine dahil baka sa susunod atakihin na ako sa puso nang dahil sa kaharutan ng lalaki na 'to. Pi-nark niya ang kotse niya sa parking ng hospital. Binitawan niya na ang kamay ko at bumaba na ng sasakyan niya. Inayos ko naman ang sarili ko at ang mga gamit ko bago bumaba. He opened the door for me and offered his hand. I took his hand for support and went out of the car together with my bag. Inilipat niya ang kamay ko sa kaniyang braso at sabay na kaming naglakad papunta sa loob ng hospital. I am on my nurse's scrubs kaya maraming mapanuring mata ang nakatingin sa amin.
Nang makarating kami sa tapat ng ER ay hinila niya ako para mayakap ako. Saglit lang niya akong niyakap at binitawan din.
"Enjoy saving lives, Love..." bulong niya at hinalikan ang noo.
"Enjoy building homes, Love..." tila may sariling utak ang dila ko na sinagot siya.
He smiled up to his ear and hugged me for one last time bago siya umalis. Pagkaalis niya ay dumiretso na ako sa ER. Maraming mapanuring mata ang tumingin sa akin nang makapasok ako sa ER.
"Kakaiba ang kati mo, Nurse Emily. You look so innocent pero nasa loob ang kulo. Pagkatapos kay Vince may bago na at ang rinig kong usap-usapan eh engineer ang bago mo. The heir of Lizardo Group of Companies and the owner of Pietro Builders?" saad ni Amanda, isa sa mga nurse na head over heels kay Vince at may malaking dibdib na palagi niyang pinapakita sa scrubs niya. Hindi naman malaswang tignan pero hindi appropriate tignan.
Nanatili na lang akong tahimik at inilagay na sa locker ang bag ko. Nagsuot na rin ako ng face mask dahil isa ito sa protocol ng hospital. Ibinigay na sa akin ni Neil ang mga charts para mabasa ko ito.
"Hayaan mo na siya, Emily. Na-i-insecure lang 'yan sa 'yo kasi ikaw 'yong pinili noong mga lalaking natitipuhan niya. Siguradong natipuhan niya 'yong naghatid sa 'yo kanina kaya 'yan ganiyan," saad ni Neil.
Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng charts.
"Oh bakit ka tahimik? Tinamaan ka ba sa sinabi ko?" she then again said.
"Engaging unprofessional conducts might cause you to lose your license and my personal matters should not be included in work. Please keep your rational thoughts, Miss Amanda. Huwag mong pairalin ang pagiging Marites," sagot ko na nagpatahimik sa kaniya.
Hindi na siya nakapagsalita at lumabas na lang sa ER. Siguradong hindi siya rito naka-duty kaya malakas ang loob niyang matahin ako. Pagkatapos kong review-hin ang mga charts ay may dumating na isang pasyenteng bata na namimilipit sa sakit sa tiyan kaya agad akong lumapit upang daluhan ang mag-ina.
"Ano pong nangyari?" tanong ko.
"He has a fever since last night and now his stomach is aching!" sagot ng nanay ng bata.
"Let me check on him po," sagot ko.
Agad akong lumapit sa bata at in-evaluate ang itsura niya. He does not look constipated and his condition does not look like food poisoning either. Hinawakan ko ang ibabaw ng tiyan niya na malapit sa diaphragm.
"Masakit?" tanong ko.
"H-hindi po, Ate," sagot niya.
"Saan ang masakit?" sagot ko.
"Sa gitna po, Ate," sagot niya at tinuro ito.
Agad kong nilipat ang kamay ko at hinawakan ang tinuro niyang parte. Itinaas ko ang kaniyang kanang paa na nagpasigaw sa kaniya ng napakalakas. That's when I knew it was appendicitis. Mukha rin siyang dehydrated at kailangan turukan ng dextrose para hindi siya tuluyang ma-dehydrate.
"Okay. I will inject some IV po sa kaniya para madagdagan 'yong tubig niya sa katawan. Ilang araw na po ba siyang nagsusuka?" saad ko.
"3 days. Almost all the food he ate and drinks he vomits everything," she answered.
Natural lang na magmukhang dehydrated ang bata dahil marami-rami na rin pala ang nawalang tubig sa katawan niya.
"Pumunta po muna kayo sa nurse's station para makapag-sign ng ilang papeles. Ako na po bahala sa anak ni'yo," sagot ko.
Tumango naman siya kahit hesitant dahil maiiwan na mag-isa ang anak niya. Hinanda ko muna ang mga gagamitin kong pang-swero sa bata. Hinintay ko ring makabalik ang nanay niya para makita niyang na-sweruhan ng mabuti ang anak niya. Tinawagan ko na rin ang pediatrician na naka-duty ngayon na si Doctor Sanchez para ipaalam ang case na ito. Pagkatapos lang ng ilang minuto ay nakarating na siya rito. Pinakinggan ko lang ang orders niya at pagkatapos noon ay bumalik na ako sa nurse's station.
"Miss Emily Savvanah Howards, may delivery po para sa inyo," saad noong guard.
Tumango lang ako at sumunod sa kaniya. Nakita ko ang delivery man na naghihintay sa tapat ng reception area na may dalang maliit na bungkos ng dried purple flowers. Agad naman akong lumapit sa kaniya kaya nalipat sa akin ang atensyon niya.
"Miss Emily Savvanah Howards?" saad niya.
"Yes po?" sagot ko.
"May delivery po kayo from Seener Squad," sagot niya at inabot sa akin ang bungkos ng dried flowers at ang papel na kailangan kong pirmahan. Agad ko naman itong pinirmahan at binalik sa kaniya ang ballpen at ang clip board.
"Salamat po," sagot niya at umalis na.
May mabangong amoy ang dried flowers na ito kaya napangiti ako at binuksan ang card na nakapaloob dito.
Have a nice day at work, Nurse Emily! Enjoy saving lives!
-Seener Squad
They are so thoughtful... Despite our busy schedule they had time to send me this flowers. Hindi ko dala ang cellphone ko kaya hindi ko nakuhanan ng litrato. Bumalik na ako sa ER at nilagay 'to sa locker ko at nagpatuloy na sa trabaho.
Ken's POV
It's already 5 pm kaya nagpaalam na ako sa secretary ko na aalis na ako. Hindi ko alam kung anong oras matatapos ang duty ni Ems pero susunduin ko siya. After cleaning my table I head out to go to the hospital. Bumili muna ako ng snacks ni Ems sa isang convenient store bago ako dumiretso sa hospital. Dumiretso ako sa reception area.
"Hi, good afternoon! May I ask what time does the nurses in the ER change shifts?" I asked the receptionist.
"We're sorry, Sir but we don't have any idea about the duties of the nurses," sagot niya.
Tumango na lang ako at pumunta sa waiting area sa labas ng ER. Isang oras ang nakalipas nang makita kong lumabas ang grupo ng mga nurses mula sa loob ng ER. Kumaway sa kanila si Ems sa mga kasamahan niyang nurse. Tuluyan naman nang nakaalis ang mga ito at kumaway lang din pabalik sa kaniya. Nang lalapitan ko na siya ay nakita kong may doctor na humablot ng braso niya. Agad akong lumapit sa kanila. Ang doctor ay halos ka-edad lang 'ata ni Ems base sa style niya at mukhang hindi siya resident doctor dahil mahaba na ang coat niya.
"Yes, Doc?" saad ni Ems.
"About patient Reyes..." he trailed off.
"Yes po? May nakalimutan pa po ba kayong order?" sagot ni Ems.
"No. I want you to take charge of that kid," he answered.
"No problem, Doc!" nakangiting sagot ni Ems.
Tila nag-init ang ulo ko sa nakikita ko. Base sa mga ngiti noong doctor ay may gusto siya kay Emily. He was checking out my girl from head to foot. I can't believe that there are doctors who has the guts on flirting with the nurses.
"By the way... Are you free tonight?" tanong ng doctor.
Agad akong lumapit kay Ems at pinulupot ang braso ko sa beywang niya. Para malaman ng doctor na 'to kung saan ang lugar niya. He has the guts flirting my girl but he can't.
"No she's not. She's already taken." I coldly answered the doctor.
Maangas ding tumingin ang doctor sa akin pero binalingan niya si Ems.
"I guess we'll just have a dinner some other time when your boyfriend's not around. For sure he's not always there right?" he said right in front of my face.
Kumuyom ang kamao ko ng dahil sa narinig. Kapal talaga ng mukha ng doctor na 'to. He was about to touch Emily's cheeks when I held his hand tightly and pinned him to the wall.
"Seems like you didn't heard what I said." I coldly said and gripped his risk tighter and throw him on the ground. Wala na akong pake kung magkaroon man ng eksena rito.
"Why? Bro, nilalandi ka lang ng babae na 'yan. Wake up with your fantasies! She's a slut! Look at her. She's just dressed up like an educated woman pero sigurado akong nasa loob din ang kulo niyan," he shouted.
Nagdilim ang paningin ko ng dahil sa narinig na sinabi niya. The tiniest bit of my patience for this man went off my head. Irrational thoughts filled my head and punched him right on his dirty face. Hindi sapat ang isa kaya dinalawa ko na para magising siya sa katotohanan.
"She's not a slut, Dude! Watch your f*cking mouth! Doctor ka pa man din pero ganiyan inaasta mo.I won't be surprised that one day you will lose your license." Mariin kong saad.
Hinila na ako ni Emily palayo sa doctor. She looks so cold and pissed. Siguradong pinipigilan niya lang ang sarili niya dahil ayaw niya na ng another issue sa social media. Alam kong hindi niya rin nagustuhan ang sinabi ng doctor. Masaya pa naman siyang pumasok pero panira ng moment 'tong maniac na doctor na 'to. Mukha pa namang pediatrician pero lakas ng loob mang-harass.
"Tama na, Love... Let's just go... By the way, Doc. See you on court," saad ni Ems sa sobrang lamig na tono.
"I'll call Vince and ask him to kick this doctor out. Baka mamaya may mabiktima pa 'tong pasyente," sagot ko naman at nilabas ang phone ko.
Tinawagan ko si Vince and gladly he answered my call. Hinila ko na si Emily palabas ng hospital dahil baka mamaya ay mawala na ang manipis na manipis niyang pasensya sa pagmumukha ng doctor na 'to at bigla na lang niyang sipain.
"What do you need?" he said on the other line.
"I need you to kick a doctor out of your hospital. He is not psychologically fit to be a doctor. I'll send you his face so that you can know who he is," sagot ko.
"Why? May nangyari ba?" sagot niya.
"He just degraded Emily in front of everybody and called her slut. Is he even fit to be a pediatrician?" sagot ko.
"In just a snap he'll be out. He might do that to his patients. I'll find him." Vince coldly answered.
"Thank you. I got to go," sagot ko at binaba ang tawag.
Nang makatapat sa kotse ay pinasakay ko na agad si Emily para ma-relax ang utak niya.
"Sumasakit ulo ko sa doctor na 'yon!" naiinis niyang saad.
"Don't worry he'll be out soon. No one can do that to our one and only Emily. Kargo ka namin!" sagot ko.
"Kung alam mo lang kung gaano ako nagpipigil na sipain siya palabas ng hospital!" sagot niya.
"I know kaya hinila na kita palabas dahil baka ano pang magawa mo," sagot ko.
Binigay ko na sa kaniya ang snacks na binili ko para sa kaniya para kumalma ang loob niya.
"Ayan, pampalamig ng ulo. Gusto mo mall muna tayo para mas lumamig pa ulo mo?" saad ko.
"Mabuti pa nga," sagot niya.
Dumiretso na kami sa mall pagkatapos. Sa Starbucks ko siya dinala dahil alam kong kape lang ang magpapakalma sa kaniya at pagkatapos ay naglibot kami at naglaro sa arcade bago napagdesisyonan na ihatid ko siya sa bahay nila. Bumili muna ako ng donut para kay Kyle. Pagkatapos ko siyang ihatid ay dumiretso na ako sa bahay. Pinarada ko na ang kotse ko at pumasok na sa loob ng bahay. Inabutan ko si Kyle sa sala na nanonood ng anime.
"Hi Kyle!" tawag ko kay Kyle.
"Kuya, you're here. Baka naman?" saad niya.
"Heto na!" Inabot ko sa kaniya ang kahon ng donut.
"Thanks!" sagot niya.
Tumango lang ako at umakyat na sa kwarto ko para magbihis. Pagkatapos kong magbihis ay nag-text na ako kay Ems na nakauwi na ako. Hindi naman na siya nag-reply dahil baka nagpapahinga na siya. Binulsa ko na ang cellphone ko at bumaba na. Pagkababa ko ay inabutan ko si Ate na kagagaling lang sa trabaho.
"Himala. Nauna ka pa sa akin!" she said.
"Yep! Sinundo ko kasi si Ems," sagot ko.
"Masaya ka pang maghatid-sundo sa kaniya ngayon kasi morning shift. Tamo kapag nag-graveyard shift siya yari ka na!"
"You mean from night to morning ang duty niya?"
"Yup! 'Yon ang pinakamahirap sa duty sa hospital. Tulog ang lahat tapos ikaw gising."
"Sanay naman sa ganoon si Ems. Author na pinaglihi sa bampira 'yon."
Tinawanan niya lang ako at umakyat na sa taas. Tinabihan ko naman si Kyle sa panonood ng anime. Attack On Titan 'ata 'tong pinapanood niya ngayon. Nakikain na rin ako ng donut na binili ko para sa kaniya.
"Ken, hintayin lang natin ang Kuya mo. May pag-uusapan tayo," seryosong saad ni Ate nang makababa siya.
"Opo," sagot ko.
Mukhang masinsinan ang usapan namin na 'to kaya napatango na lang ako. Pagkatapos lang ng ilang saglit ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito si Kuya Kenneth na kagagaling lang sa trabaho. Mukha rin siyang seryoso kaya hindi ko na binate. Baka may LQ sila ni Liza kaya mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Dinner is ready! Kain na tayo!" tawag ni Ate.
Nauna nang tumayo si Kyle at pumunta sa dining area. Sumunod na ako sa kaniya at tumulong kay Ate na maghain. Pagkatapos namin maghain ay hinintay na lang namin si Kuya Kenneth. Ilang minute lang ang nakalipas ay pumasok na siya sa dining area.
"Anong pag-uusapan natin, Ate?" tanong ko.
"I think Ken it's already time..." she answered.
Agad na kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka sa narinig. Ikakasal na ba si Ate? O baka naman matagal na silang hiwalay ni Kuya Darren ngayon niya lang aaminin?
"Time for what?" sagot ko.
"We think it's time for you to introduce Ems to Mama and Papa since the chaos on our family has been solved," sagot ni Kuya Kenneth.
Natahimik ako at prinoseso muna ang kanilang sinabi. Alam naman nila kung anong nangyari noong huli kong dinala rito sa bahay si Ems. Saka hindi pa naman kami official pero maganda na ring makilala nila ang magiging manugang nila.
"Okay lang naman kung hindi pa ngayon, Ken. Naisip lang naman namin ng Kuya mo since you already built a house for her. Kasal na lang ang kulang," saad ni Ate.
"If ever... When do you think they'll arrive? I don't think Ems could have a leave because she's almost a month on leave. Ngayon pa lang siya bumabawi," sagot ko.
"Sa weekends. Pwede naman siya mag-on call noon. Kung wala siyang day-off," sagot ni Ate.
"Okay. I'll try to open this topic to her..." sagot ko.
Nagpatuloy na kami sa pagkain at pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko at naligo na. Pagkatapos kong maligo ay tinawagan ko si Ems sa messenger para video call. Ilang ring lang ay sinagot niya agad ang tawag ko. Mukha pa siyang bagong ligo dahil sa tuwalyang nakaikot sa kaniyang ulo.
"Hello?" she said on the other line.
"Hello, Love..." I answered.
"Bakit naman napatawag ka?" sagot niya.
"I have something to ask you."
Her forehead creased when she heard my question and motion to go ahead and speak what's in my head.
"Ate suggests that we should meet our parents..." sagot ko.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Why so sudden? I mean we're not yet on our final decision making about our relationship..."
"Eh hindi naman natin kailangan maging official para maipakilala kita sa kanila eh," sagot ko.
"You can think about it naman. Hindi kita prine-pressure," dagdag ko pa.
"Let's see," sagot niya.
"Let's talk about this tomorrow," sagot ko.
"Okay. Nga pala, ki-nontact ko na 'yong tito ko na lawyer para masampahan na ng kaso 'yong doctor na 'yon. I really want to put that doctor on his place," she said.
"Ohhh. That's nice. I'll update Vince."
Tumango lang siya bilang sagot. Gumalaw ang camera palayo sa mukha niya. Nilagay niya 'ata sa phone stand dahil magsusuklay na siya. Pinanood ko lang siya sa kaniyang ginagawa. Ang mahaba at basa niyang buhok ay lumaladlad sa pagkakaipon. Sinuklay niya ito gamit ang isang hair brush.
"Love, matutulog ka na ba pagkatapos nito?" saad ko.
"Oo. Maaga pa ako bukas. Ikaw ba? May blueprints ka pa bang kailangan aralin?" sagot niya.
"I have some reports to review pero kaunti na lang naman."
"Sleep early huh? Para hindi ka mag-lack ng energy bukas."
Tumango lang ako bilang sagot sa kaniyang sinabi.
"Sige na. Baba ko na 'to. Magpahinga ka na. I love you, Love..." paalam ko.
"Nado... Saranghae..." she answered and ended the call.
Napaisip ako sa meaning ng sinabi niya pero hindi ko alam paano i-search kasi napakabilis ng pronounciation niya. Ito ang hirap sa girlfriend na multilingual eh! Nanghuhula kung anong ibig-sabihin ng sinabi niya. Binaba ko na lang ang phone ko at dumiretso sa bathroom para magsepilyo. Pagkatapos kong magsepilyo ay natulog na ako.
Kinabukasan nagulat na lang ako na pauwi na raw sila Mama rito. Lalo tuloy akong na-pressure dahil baka pinaghihintay ko sila sa wala. Pagkatapos kong kumain ng breakfast ay sinundo ko na si Ems sa bahay nila.
"Love?" tawag ko.
"Hmm? Is this about your parents?" she answered.
Tumango lang ako bilang sagot.
"Kailan ba?" sagot niya.
"W-what?" sagot ko.
"Kailan ba kami magkikita?"
"A-ayos lang ba?" sagot ko.
"Oo naman. You know what I thought about this since last night. Kung ikaw nakaya mong humarap kay Mommy despite your sins then I should do this also if we want to work this relationship out then we should settle everything."
Napangiti ako nang dahil sa narinig. She's not hesistating and I'm happy for that. She wants to work things out that means I have a chance pero kahit wala naman akong chance sisikapin ko siyang ligawan dahil ganoon naman ang panliligaw.
"Thank you! Thank you, Love!" Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Tara na. Baka ma-late pa tayo sa trabaho," sagot niya.
Mabilis kong minaneho paalis ang kotse paalis sa bahay nila. Pagkatapos ko siyang ihatid sa hospital ay dumiretso ako sa kompanya ni Ate sa Manila. Wala siyang office rito sa Bulacan dahil mas trip niya mag-long drive. After an hour nakarating na ako sa building niya. Dumiretso na ako sa opisina dahil kilala naman ako ng secretary niya.
"What do you need?" she said and stopped typing on her laptop.
"Napapayag ko na siya. Tanungin mo na lang sila Mama kung kailan sila free," sagot ko.
"Bilis naman. Anong sikreto mo?" sagot niya.
"She wants our relationship to work that's why she agree," sagot ko.
Napangisi siya ng dahil sa narinig.
"Ikaw ah! Umaasenso ka na! Alalahanin mo naman kami kapag nasa taas ka na!" tudyo niya.
"Ikaw naman, Ate! Mauna na nga ako! Kailangan pa ako sa trabaho ko!" sagot ko at iniwan siya sa opisina.
Bumiyahe na ako pabalik sa Bulacan. Habang nagmamaneho ay naisip ko ang mga pwedeng mangyari sa pagkikita ni Ems at ng mga magulang ko. Ganoon pa rin kaya o matutuhan na nilang humingi ng sorry? Lalo na si Papa na ubod ng taas ang pride. I'm hoping for the better results of this decision I made.
Emily's POV
Ken and his siblings decided that on Saturday I'll meet their parents. Nakiusap na lang ako sa head nurse namin na mag-graveyard shift na lang dahil may emergency ako na kailangan ayusin sa Sabado. Kinakabahan ako sa mangyayari sa Sabado pero heto na eh. Hindi ko naman na mapipigil saka nakapangako na ako kay Ken. I also badly want to work on this relationship so I will do my best to make it work. I know he waited so long for this and I also longed for this. Hanggat hindi naayos ang gusot namin ng mga magulang niya ay mahihirapan talaga kaming ayusin ang relasyon namin. Gusto ko kapag sinagot ko siya ay maayos na ang lahat. Wala na kaming sabit pareho.
"Anak, lagi mong tatandaan na hindi ka na 'yong high school student na nakilala nila. May titulo kang maipagmamalaki sa kanila saka nakikita ko naman kay Ken na mahal na mahal ka niya kaya wala naman na rin silang magagawa," saad ni Mommy.
"Mi, bakit pumapayag ka sa relasyon namin ni Ken? Knowing that you almost lose me because of this?" sagot ko.
Matagal na itong bumabagabag sa utak ko pero ngayon ko lang naitanong sa kaniya.
"Mga bata pa kayo noon. Wala kayong alam sa kung paano tumakbo ang mundo. Hindi ka naman mailaban ni Ken dahil bata pa siya at walang kapasidad na ipaglaban ka sa mga magulang niya. Ano bang magagawa ng binatilyo? Saka nakita ko 'yong determinasyon at sinseridad sa mata niya kaya hindi na ako natatakot na ipagkatiwala ka sa kaniya," sagot niya.
"Salamat po, Mommy. Lalo tuloy akong nagkaroon ng lakas ng loob na ilaban siya dahil alam kong worth it..." sagot ko.
Tumango lang siya at niyakap ako ng mahigpit. Nahiga na ako sa kama ko at inayos niya na ang kumot ko saka pinatay ang ilaw.
Saturday came so fast. Ngayon ay pumipili na ako ng susuotin ko. Hindi ko alam kung formal ba ang isusuot ko o normal na style ko lang. Ang pinili ko na lang ay ang semi-formal na Korean dress. Nag-doll shoes na lang ako na kakulay ng damit dahil matangkad na ako para magtakong pa. Pack bag ang dinala ko dahil hindi ko pwedeng iwan 'yong scrubs ko pero nagdala ko ng shoulder bag para sa mahahalagang bagay. Baka bigla akong tawagan at wala akong pamalit. Naglagay lang ako ng kaunting kolorete sa mukha ko bago ako bumaba at dumiretso sa sala. Nandoon na si Ken hinihintay akong makababa.
"This is it, Ems! You can do it! Makikipag-usap ka lang naman doon," bulong ko.
Nagpaalam na kami kay Mommy at lumabas na ng bahay.
"Kinakabahan ako!" saad ko nang paandarin niya na ang sasakyan.
"Kaya mo 'yan! You're Emily Savvanah Howards! The girl who caught my cold hearted heart," he answered.
I inhaled sharply and slowly let it out to ease the stress and panic inside my head. Ilang minute lang ang nakalipas ay nakarating na kami sa mamahaling restaurant na sinabi ni Ate Kass. Hinawakan ni Ken ang nanginginig kong kamay. Kahit paano ay nakalma ako sa isiping nariyan lang siya sa tabi ko.
"Let's go... After this everything will be fine," he assured.
"Tara na. Baka matagal na silang naghihintay," sagot ko.
Nauna siyang bumaba ng kotse para pagbuksan ako ng pintuan. He opened the car door for me and offered his hand. Kinuha ko ito at sabay na kaming naglakad papasok ng restaurant. This restaurant screams wealth yet romantic aura. Dinala ako niya sa isang private room ng restaurant. Humigpit ang hawak ko sa kaniya nang makitang kumpleto ang mag-anak niya roon. Naroon na ang mga magulang niya at ang mga nakatatanda niyang kapatid. Nang tumapat kami sa lamesa ay nakuha agad ng Mama niya ang atensyon namin.
"Good evening, Mama and Papa. This is Emily Savvanah Howards, my love," pagpapakilala sa akin ni Ken.
Ngumiti ako ng matamis sa kanila. "Good evening po, Mr. and Mrs. Lizardo," bati ko.
Pinaghila ako ni Ken ng upuan kaya agad akong umupo roon at bumaling ng tingin kay Kuya Kenneth na nakatingin lang din pala sa akin.
"Let's wait for the food to be served," saad ni Mr. Lizardo.
"While waiting for the food let's get to know Emily? Right?" saad naman ni Mrs. Lizardo.
"Yes po, Mrs. Lizardo," sagot ko.
"No need for formalities! You can call me Tita! Also him, call him Tito. Don't be shy. We're not gonna bite you," she answered.
Naninibago ako sa pakikitungo nila sa akin dahil hindi naman sila ganito noong unang beses naming magkita. Sobrang lamig nila sa akin at si Ana ang bukambibig nila.
"Naninibago si Ija sa mga sinasabi mo, Hon. I think we should apologize first," saad ni Mr. Lizardo or should I say Tito.
"Oo nga pala..." sagot ni Mrs. Lizardo or ni Tita.
"We're apologizing for our attitude the last time we met. Alam kong nasaktan ka namin ng asawa ko kaya patawarin mo kami. Inaamin namin ang pagkakamali namin," saad ni Tito. Sincerity in his eyes are evident. I feel like I'm speaking to the older version of Ken.
"Wala na ho iyon sa akin, Mr. Lizardo. Nakalimutan ko nap o 'yon," sagot ko.
"Ija, 'di ba I told you to address us as Tito and Tita?" Mrs. Lizardo answered.
"O-opo, Tita," sagot ko.
Dumating na ang pagkain namin. Steak ang hinain sa aming first course meal. Nagsimula na kaming kumain pagkatapos magdasal ni Kyle.
"So I hear ija that you're a nurse. Where did you study nursing?" saad ni Tita.
"Yes po. I studied nursing at Singapore po. Through scholarship granted by the hospital I am working at," sagot ko.
"Why did you not continue going to med school?" sagot naman ni Tito.
"Hindi po 'yon ang nais ng puso ko. Mas gusto ko po maging nurse para apat na taon lang," sagot ko.
"Kyle told me you're a published author?" sagot ni Tita.
"Opo. BlueMoon Publishing po nag-publish ng works ko and I had my book signing last July this year po," sagot ko.
"That's nice! Magaling talagang pumili ng babae si Ken! Kaya naman pala todo tanggi ito kay Ana eh! Manunulat pala ang tipo ng anak ko na 'to," saad ni Tita.
"Ma! Kanino pa ba 'yan magmamana kundi sa napaka-gwapo niyang Kuya! Kapag naman wala siyang taste eh baka pinulot ni'yo lang siya sa basurahan!" asar ni Kuya Kenneth.
Napailing na lang kami sa biro ni Kuya Kenneth at nagpatuloy na kumain. Habang kumakain ay paminsan-minsan ay nag-uusap kami. So far everything is going smoothly. Pagkatapos mailigpit ang pinagkainan namin ng dessert ay napunta ulit sa amin ni Ken ang atensyon.
"Baka sa susunod na pauwiin kami ng Ate ni'yo eh kasal ni'yo na ha?" saad ni Tita.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Kasal agad? Hindi ba pwedeng comeback muna?
"We don't know..." sagot ni Ken.
"Ken, we're getting old. We need some apo," sagot ni Tita.
"Ate Kass naman kasi! Galaw-galaw!" sagot ni Ken.
"Mauna ka muna bago ako magpakasal!" sagot ni Ate Kass.
Natawa na lang kami sa sinagot ni Ate Kass. Nang lumalim ang gabi ay napagdesisyonan na namin ni Ken namagpaalam dahil hinahanap na rin ako sa hospital.
"Tita, Tito, mauna na po ako. May duty pa po ako," saad ko.
"Oh... Mag-iingat kayo ha. Ken, hatid mo siya sa hospital," bilin ni Tita.
"Yes, Ma," sagot ko.
"Take care, daughter in law..." saad ni Tita at niyakap ako.
This feels new to me. I never expected this would happen because I saw how they loathed me before. I'm glad that finally they are happy for their son and let him drive his own life. Lumabas na kami sa restaurant ni Ken. Nag-text na ako kay mommy at kina Sandra na papunta na ako sa hospital para sa aking duty. Pagdating namin sa parking lot ay hanggang doon na lang ako nagpahatid kay Ken. Hinalikan niya ang aking noo bago ako bumaba ng kotse.
"Call me kapag susunduin na kita ha?" he said.
"Okay. Drive safely," sagot ko.
"Enjoy saving lives, Love!" sagot niya.
Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi at bumaba na ng kotse. Kinawayan ko lang siya bago ako pumasok sa entrance. Finally I have the peace of mind I've been wanting to have in our relationship. Now I know what's the answer and I can now tell him that without thinking of the what ifs I had in my head.
A/N: 3 more chapters and finally we'll end the You Trilogy. Enjoy reading, Bemskies!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top