CHAPTER 35: PROTECTIVE BEST FRIENDS

Emily's POV

It's been three days when we arrived. Andy and Ivan arrived here last night. Sinundo namin sila pero hindi ko na isinama si Ken dahil ayaw ni Andy so nagpaalam na lang ako sa kaniyang may girls night out kami nila Sandra. Hindi naman na siya nagtanong pa kaya nasundo ko ng mapayapa si Andy at Ivan. Lumabas na ako ng kwarto dahil may gala raw kaming girls today and I still don't have any idea where it is.

"Bihis na bihis ah! May date kayo ni Ken?" saad ni Tita Marie.

Nakausap niya kasi si Ken noong hinatid niya ako rito sa bahay. As usual maraming Marites sa paligid. Hindi na natigil katitingin sa buhay ko.

"Hindi po. May lakad kami ng mga kaibigan ko," sagot ko.

"Saan ang gala?" saad ni Mommy na kapapasok lang ng sala.

"May gala po kami nina Sandra, Mommy. Pwede po ba?" sagot ko.

"Pwedeng-pwede. Kagabi pa lang nag-chat na sa akin si Andy kung pwede ka eh. Pumayag na lang ako kasi sila naman kasama mo eh. Saka mamanhikan daw sa kanila 'yong manliligaw mo. Pagkatapos sa kanila sabihin mo sa kaniya sa akin naman ah," sagot niya.

"Sige po, Mi, ako na magsasabi kay Ken. Baka hinihintay na ako nila Sandra," sagot ko.

"Hintayin mo na lang sila. Susunduin ka raw nila rito," sagot niya.

"Yayamanin si pamangkin! May service!" saad ni Tita Marie.

Tinawanan ko lang sila at lumabas na ng sala. Saktong pagdating ko ng garahe ay saktong may magarang kotseng huminto sa harap ng bahay namin. Jeep Wrangler at babae ang driver kaya agad akong lumapit dito. Bumukas naman ang bintana ng back seat at nakita kong si Sandra ang nakaupo rito.

"Ems! Ano pang tinatayo-tayo mo riyan?" saad ni Sandra.

"Jamkkanmanyo (wait a minute)... Ands!!" sagot ko.

"What? Just go in," she said.

Sumakay na ako sa kotse at kumaway na lang kila Mommy bago umandar si Andy. Dahan-dahan na siyang umatras at minaniobra ang kotse paalis dito sa bahay.

"You're so hot while driving this!" I complimented.

"Thank you??" sagot niya.

"You're welcome!" sagot ko.

"Don't be happy! We still have a lot to talk to huh? And you need to tell us what happened in your remaining days in Singapore," sagot niya.

"Okay! Huwag kang high blood!" sagot ko.

"Hindi lang sa kaniya! Sa amin din!" saad ni Sandra.

"Okay! Kalma!" sagot ko.

"By the way... Lean said she'll be with us on our reunion tomorrow. Ivan is waiting for us in Starbucks," saad ni Andy.

Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Anong reunion? Saka akala ko ba girls day-out? Bakit kasama namin si Ivan? Nanatili na lang akong tahimik at nakiramdam na lang sa paligid.

Engr. Lizardo calling...

"Oy! Tumatawag na si lover boy!" saad ni Sandra na nakamasid pala sa cellphone kong tumutunog.

"Sands talaga! Marites ka!" sagot ni Zoe.

Tumawa na lang ako at sinagot ang tawag ni Ken.

"What do you want?" bati ko.

"Chill, Love. I just called to greet you good morning!" sagot niya.

"Good morning," sagot ko.

"Puntahan kita riyan sa inyo? Breakfast tayo."

"Nako, late ka na sa tawag, Kuya! Nanakaw na namin si Ems!" saad ni Sandra.

"Oh you're with the girls? Enjoy your day na lang! I'll be working for today. If you're not busy tonight let's have a date," sagot niya.

"Let's see anyway, enjoy your day, engineer!" sagot ko at binaba ang tawag.

"Enjoy your day, engineer!" pag-uulit ni Sandra sa sinabi ko at ginagaya pa ang boses ko.

"Nahuhulog ka na ulit, Ems..." saad ni Zoe.

"Guni-guni ni'yo lang 'yan!" sagot ko.

Tama... guni-guni lang nila 'yon. Nanatili na lang akong tahimik buong biyahe. Pagkatapos ng ilang saglit ay nakarating na kami sa Starbucks. Agad naman naming nakita si Ivan dahil nasa bungad lang siya ng store.

"Guys!" tawag niya sa amin.

Um-order na lang muna kami ng kape namin bago kami nagpunta sa pwesto kung nasaan siya.

"Kanina ka pa ba?" saad ko.

"Hindi naman. Kadarating ko lang din," sagot niya.

"Don't worry about him, Ems. Don't be too formal around us. We're still your friends!" saad ni Andy.

"'Yan na ba epekto sa 'yo ng engineer na 'yon?" sagot ni Ivan.

"Maka 'engineer na 'yon' ka parang hindi mo kinampihan noong una!" saad ni Zoe.

"Balimbing ka talaga!" saad ni Sandra.

"Hindi ako balimbing! Mas protective lang ako kay Ems!" sagot ni Ivan.

"Oh talaga?" sagot ni Zoe.

"Kayo naman!" saway ko.

Nag-aaway away pa 'tong mga kaibigan ko dahil sa love life ko. Tinawag na ng waiter ang mga pangalan namin kaya agad kaming lumapit sa counter at kinuha ang mga kape namin.

"So... What's this meet all about? I thought girls day-out?" saad ko.

"Well it is pero may sabit!" sagot ni Zoe.

"Bakit kasi sinabit ni'yo 'tong boyfriend ni Sandra?" sagot ko.

"What the? Ems! Mandiri ka sa piangsasasabi mo!" saad ni Sandra.

"You're so mean, Sands!" sagot ni Ivan.

"Ay! Hindi pa ba kayo nagkabalikan? Pasensya na! I thought you were!" sagot ko.

"Okay! Let's get to the real agenda! What happened in your last days in Singapore? We can't contact you even just for a few minutes," wika ni Andy na may seryosong tingin sa akin.

"Oo nga, Ems. Na-contact ka raw ni Tita at magkasama raw kayo ni Kuya," saad ni Sandra.

"May nangyari ba sa inyo ni Ken?" saad naman ni Ivan.

Sinamaan ko ng tingin siya ng tingin dahil kung ano-ano ang tumatakbo sa utak niya.

"We had a date on our last week there. Saka nagkita rin kami ng angkan ko roon. They keep pestering Ken that's why I showed up on his company," sagot ko.

"That's it? Nothing more, nothing less?" sagot ni Andy.

"Yes. Ano pa bang expected ni'yo?" sagot ko.

"Wala naman..." sagot ni Sandra.

"I've been dying to ask you this, Ems," saad ni Zoe at humigop sa kaniyang tasa.

"Go. Para rin malinawan kayo sa real deal namin ni Ken," sagot ko.

"Magkasama kayong natutulog noong nandoon kayo?" sagot niya.

Tila nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa narinig. Humigop muna ako ng frappe at tumikhim bago sumagot. "Anong klaseng tanong 'yan, Zoe? Natural hindi! Kay yaman-yaman niya roon pa siya magsusumiksik sa condo ko!" sagot ko.

"Ang defensive!" komento ni Ivan.

"Hindi naman!" sagot ko.

"Don't force, Ems to tell everything guys... First of all we're her friends but that doesn't mean we need to know everything about them. Second, she's getting old and we need some nephew or niece!" saway ni Andy.

"Oh akala ko ba pamamanhikan pa lang ang gagawin ni Ken? Bakit parang ipagkakasundo na natin 'tong si Ems sa kasal!" saad ni Zoe.

"Teka! Ano bang pamamanhikan sinasabi ni'yo?" sagot ko.

Naguguluhan na talaga ko sa pinaguusapan namin. Akala ko ang pag-uusapan namin ay 'yong nangyari sa SG tapos biglang pamamanhikan na.

"Call Ken tonight and tell him we have a reunion in Tagaytay tomorrow. Everything is set we just need to go there. We will talk to him personally because we can't let the history repeat itself. We're being true to you, Ems. Even when it seems like Sandra and Zoe are good in your relationship with him there's still a second thought that what if it will happen again? We also need assurance that it'll never happen again because we're afraid we might lose you again... We will not risk you again. We know how hard this is for Vince and all his hard work will be nothing if ever same things happen again," sagot ni Andy.

"Of course. No problem!Ayoko na rin naman na madagdagan pa ang sakit na nararamdaman ni Vince ngayon. He won't be happy if nangyari ulit 'yon. Naiintindihan ko rin kayo kasi kayo ang nakasama ko noong mga panahon na 'yon. I also want to give you guys peace of mind that I am in a good hands. That he's sincere so I will tell him about this. Syempre gusto ko rin makita ni'yo na talagang nagbago na siya. Ayoko na mapaisip na lang kayo bigla na 'kumusta si Ems? Okay pa ba siya? Nagbago ba talaga si Ken?' at kung ano-ano pa. Para ko na kayong mga kapatid kaya nagdedepende rin ako sa opinion ni'yo sa isang bagay," sagot ko.

"We also want what's best for our princess..." sagot ni Sandra.

"Ayaw naming magdusa ka na naman sa relasyon na pinasok mo dahil hindi ka kayang ipaglaban ng lalaking mahal mo," sagot ni Zoe.

Napangiti naman ako sa mga narinig ko sa kanila. They are showing support at the same time they are being protective.

"We have one last favor, Ems..." saad ni Ivan.

"What is it?" sagot ko.

"Pwedeng ngayon ka na tumawag kay Ken? Para sure na kaming sisipot siya," sagot niya.

"Susmaryosep, Ivan! Oo na!" sagot ko at nilabas ang cellphone ko.

Hindi ko alam kung nasa meeting itong si Ken pero tatawagan ko na rin para sa ikasasaya ng mokong na 'to. Kailangan kong pagbigyan ang mokong na 'to dahil kauuwi niya lang sa Pilipinas. Pagkatapos ng dalawang ring ay sinagot niya agad ang tawag ko.

"Yes, Love?" saad niya.

"May gustong kumausap sa 'yo," sagot ko.

"Sino?" sagot niya.

"Si Kumpareng Ivan mo," sagot ko at ni-loud speaker.

"Hello?" saad ni Ken.

"Engineer! Kumusta na?" sagot ni Ivan.

"Ayos naman. Ikaw? Wala ka bang bagong hotel na papagawa?" sagot ni Ken.

"Wala naman. We just want to invite you sa Tagaytay tomorrow," sagot ni Ivan.

"Nako, pwedeng pass muna? Kakausapin ko pa kasi si Tita eh," sagot ni Ken.

"Ay Andy! Pass daw oh!" sagot ni Ivan.

"Okay then. Even when Tita allowed you to court Ems we won't give her to you," sagot ni Andy.

"A-andy! Okay! Kailan ba?" sagot ni Ken na tila kinakabahan pa.

"Yari ka na, Kuya! Nandito na ang nanay namin! Humanda ka na!" sagot ni Sandra.

"Tomorrow we'll be in Tagaytay. If you have work then let's reschedule everything," sagot ni Andy.

"No! I'll be with you tomorrow. Pwede sa akin na lang sumabay si Ems?" sagot ni Ken.

"We have no problem about that as long as you will come right on time," sagot ni Andy.

"What time is our call time then?" sagot ni Ken.

"5 am so that we can catch the sunrise," sagot ni Andy.

"Meeting place?" sagot ni Ken.

"Starbucks Tagaytay Down Hill," sagot ni Andy.

"Okay. I'll cancel all my meetings for tomorrow and the following days," sagot ni Ken.

Tinanggal ko na ang loud speaker at kinausap na si Ken.

"Hello? So g ka ah? Magpapaalam na ako kay Mommy," saad ko.

"Yeah. Ah mamayang gabi daanan kita sa bahay ni'yo after mo mag-pack para maisama kita sa bahay. Pagpaalam mo ako kay Ate," sagot niya.

"Ako pa talaga magpapalam para sa 'yo?" sagot ko.

"Oo eh. Alam mo naman 'yon palagi kang hinahanap," sagot niya.

"Ang sabihin mo magpapatulong kang mag-pack ng gamit mo kasi hindi ka sanay mag-pack ng maayos!" sagot ko.

"Hindi ah! Marunong ako! Palagi akong nasa business trips kaya natutunan kong mag-ayos ng sarili kong gamit," sagot niya.

"Weh? Di ko sure! Sige na. Baka maka-manlibre pa si Andy kaya bye na!" sagot ko.

"Enjoy!" sagot niya at binaba ang tawag.

"Saan na tayo?" saad ko.

"Sa SM Megamall para mag-ice skating because we know that you miss going to the ice skating rink!" sagot ni Ivan.

"Ands?" saad ko.

"I prefer Mall of Asia than SM Megamall since it has a bigger rink and we can see the sunset from their seaside," sagot ni Andy.

"If magpupunta tayong MOA mahihirapan tayong makauwi ng maaga kasi rush hour tapos may gala pa tayo bukas. I suggest we can go there some other time dahil kailangan din natin mag-prepare para sa trip natin bukas. What do you think, Ems?" saad ni Sandra.

"Yeah. I agree with Sandra kasi kung luluwas pa tayo kukulangin tayo sa time na mag-prepare at mapupuyat tayo. Kasi ang estimated time ko ng travel natin going to Tagaytay is 1-2 hours of driving. Kung gusto natin na makaabot sa sun rise 3 am pa lang nasa biyahe na tayo para by 5 am nandoon na tayo. Kung sky way ang daan it would be easier for us dahil 2 hours lang 'ata. I'm not sure since hindi pa ako nakakabalik ng Manila," sagot ko.

"Kung gusto ni'yo talaga na mag-mall we can go to Robinson's Place na lang para naman nakagala tayo kahit paano then kila Ems na lang tayo tumambay after," sagot ni Sandra.

"That's fine! It is much better. Are we going to have overnight in Emily's house? Decide now so we can drop by your apartment, Zoe and Sandra and also I can get some of my things," saad ni Andy.

Alam kong mauuwi na naman ito sa biglaang overnight ang gala na 'to.

"Kumalma muna kayo sa overnight na 'yan! Hindi pa alam ni Mommy na mag-o-overnight tayo!" saad ko.

"Wait a minute! I'll call, Tita!" saad ni Zoe at nilabas ang kaniyang phone.

Sa messenger siya tumawag kay Mommy at through video call pa. Lakas talaga ng trip ng babae na 'to.

"Hello Tita!" bati ni Zoe.

"Hello, Zoe! Bakit napatawag ka? 'Di ba magkasama kayo ni Ems?" saad ni Mommy.

"Ah, Tita. Gusto ko lang po magpaalam kung pwede kaming mag-overnight diyan po sa bahay ni'yo. Kasama po namin si Ivan 'yong isa pa naming kaibigan. 'Yong ex boyfriend po ni Sandra," sagot ni Zoe.

Napatawa na lang ako dahil sa description ni Zoe kay Ivan. Masama naman ang tingin ni Sandra kay Zoe dahil siguro nadawit na naman ang pangalan niya sa pangalan ni Ivan.

"Nako, 'yon ba 'yong CEO? Nakakahiya naman kung sa sala kayo magsisitulog. Wala naman kaming guest room. Kung ako lang wala namang problema sa akin dahil nasubok ko naman na kayong magkakaibigan at may tiwala naman ako sa inyo. 'Yon nga lang wala talaga kaming guest room sa bahay para tulugan ni Ivan at Andy," sagot ni Mommy.

"Ayos lang po, Tita. Kahit sa kutson na lang po ako matulog. Wala naman po akong arte sa mga ganiyan eh at saka ito pong si Andy nakakatulog naman po siya sa sofa," sagot ni Ivan.

"Yeah, Tita. We also miss your cooking that's why we want to go there. It will be convenient also to us because we have a trip to Tagaytay tomorrow," sagot ni Andy.

"Kung ganoon eh ipapalinis ko na lang itong sala. Ems, bumili ka na lang ng mas makapal na kutson para sa mga kaibigan mo," bilin ni Mommy.

"Sige po. Ako nang bahala sa mga mokong na 'to," sagot ko.

"Thank you po, Tita! Bye po!" sagot ni Zoe at binaba ang tawag.

"Lakas talaga ng bakod ni'yo sa akin, guys!" saad ko.

"Bakit na naman?" sagot ni Sandra.

"Magkikita dapat kami ni Ken mamayang gabi para matulungan ko siya sa pag-pack ng mga gamit niya pero mukhang cancelled dahil nasa bahay kayo," sagot ko.

"Go ahead. Meet him. We're good with Tita. As long as he'll send you back to your house before midnight," sagot ni Andy.

"Ands, pwede bang huwag natin gawing Cinderella si Ems? Ikaw na nga nagsabi we need nephew or niece so hayaan na lang natin siya?" sagot ni Ivan.

"Not now! I'm just fooling around earlier! You're so annoying! You take everything seriously," sagot ni Andy.

"Pauuwin ko na lang ng maaga si Ken para hindi na kayo magbardagulan diyan. For sure na-cancel niya na lahat ng meetings niya through the day para makauwi ng maaga," sagot ko.

"That's better," sagot ni Andy.

"So, let's go na? Para makagala pa tayo ng ilang oras," saad ni Zoe.

"Okay," sagot ko.

Inayos na namin ang mga pinagkainan namin at pinagsama-sama ito sa iisang lugar para hindi na mahirapan ang maglilinis ng lamesa namin. Katulad kanina ay sumabay na lang kami kay Andy at si Ivan ay nag-convoy na lang sa amin. Naglibot kami sa mall at kumain ng lunch doon. Nag-text na rin ako kay Ken na umuwi siya ng maaga dahil sa bahay matutulog sina Andy. Pagkatapos namin sa mall ay hinatid lang nila ako sa bahay namin at dumiretso na sa apartment nina Sandra. Hindi pa rin ako nakalilipat doon dahil pinagiisipan ko pa kung lilipat ako. Parang mas gusto ko na lang muna samahan si Mommy rito para makabawi naman ako sa mga taong wala ako sa tabi niya.

Pagkatapos ng kalahating oras ay magkasunod na dumating sina Andy at Ivan. Hinintay ko na sila sa labas dahil siguradong may Marites na sasalubong sa kanila. Binati nila si Mommy at kumain na kami ng meryenda namin.

"Back in high school we used to eat here every after exams," kwento ni Andy.

"Yeah! At si Ivan ang pinakamatakaw sa atin!" komento ni Sandra.

"Alam ni'yo hindi ko inaasahang lalaki kayong ganiyan. Sobrang proud si Tita sa inyo lalo na kay Ems. Hindi ko inaasahang magiging CEO si Andy at Ivan, sa malaking kompanya na nagtatrabaho si Zoe, malapit nang maging doctor si Sandra at registered nurse at published author na ang Emily natin. Parang dati lang nakikita ko pa kayong naghihirap para mapabuti ang lagay ni Ems ngayon may kaniya-kaniya na kayong buhay at natutuwa ako na kahit paano eh magkakasama pa rin kayo. Hindi ni'yo pa rin kinalimutan ang samahan ni'yo," saad ni Mommy.

"Syempre naman, Tita. Masaya rin po kaming pinaglaban namin 'yong friendship namin kahit maraming may mag-ex sa grupo namin. Ano nga ulit 'yong pangako natin?" saad ni Ivan.

"Don't let love ruin friendship! Ang jowa napapalitan, ang kaibigan kahit anong mangyari hindi ka niyan iiwan! Mananatili kahit masakit, aayusin hindi tatapusin!" sabay-sabay naming saad.

"Stick to your promises, mga anak. Basta kapag sinaktan ulit ni Ken si Ems kayo nang bahala kay Ken ha," sagot ni Mommy.

Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Mommy.

"Nako, Tita yari siya kay Vince, Lean at Andy kapag nagkataon!" sagot ni Sandra.

"Sands, gusto mo pa ba magkataon?" sagot ni Zoe.

"I will not let him live a day longer if that happens again," saad ni Andy.

Nakatanggap naman ako ng text message kay Ken na papunta na siya rito. Mukhang mapapasabak siya sa matinding reasoning ngayong gabi. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarinig na ako ng busina sa labas ng bahay hudyat na nariyan na siya. Ang kanilang mga tingin ay dumako na sa akin na tila ba sinasabi nilang papasukin ko na si Ken dito bago pa sila mainis.

"Kalmahan po natin, kababayan!" saad ko at lumabas ng bahay.

Sinalubong ko si Ken na kabababa lang ng kaniyang kotse at mukhang galing pang trabaho. Tila biglang humangin ng malamig dahil sa expression ni Ken na hindi ngumingiti. Alam kong nakikiramdam siya sa paligid kaya lumapit na ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

"Calm down... Magpapaalam lang naman tayo eh," saad ko.

"How can I? Kumpleto sila roon sa loob. Pati 'yong bestfriend mong balimbing!" sagot niya.

"Maka-balimbing ka!" sagot ko.

Pumasok na kami sa bahay. Dinala ko na siya sa sala kung nasaan sina Andy. Lahat ng kanilang mga atensyon ay lumipat kay Ken na kapapasok lang. Lalong nagmukhang malamig ang itsura ni Ken nang tignan siya ni Mommy. He looks so calm and composed pero ang lamig na ng kamay niya.

"Kuya! Ang lamig ng itsura mo! Ayusin mo naman!" saad ni Sandra.

"Kalma... Magpapaalam ka lang..." bulong ko.

"G-good afternoon p-po..." he said in shaky voice.

Pinaupo kami ni Mommy sa malaking sofa. Nakatayo na sina Sandra, Zoe at Ivan na nagpipigil ng tawa. Tumalikod si Sandra at nakita ko ang pagyugyog ng balikat niya sanhi ng pagtawa.

"Good afternoon, ijo. Bakit ka naparito?" sagot ni Mommy.

"Pagpapaalam ko lang po si Ems na umalis po ngayon. Magpapatulong lang po ako sa kaniyang magpaalam sa Ate k-ko po," sagot ni Ken.

Lalong nagpipigil naman ng tawa si Sandra dahil nahalata na talaga ang kaba ni Ken sa mukha niya. Mas nagmukhang intimidating si Andy dahil ang kaniyang atensyon ay na kay Ken lamang. Nagpipigil na rin akong humagalpak ng tawa dahil ang higpit ng hawak niya sa kamay ko at sobrang lamig na rin ng kamay niya.

"Why does she need to ask permission to your sister? Can you do it yourself?" sagot ni Andy.

"I can but she wants to have dinner with Ems," sagot ni Ken.

"Bakit naman kailangan kausapin ng Ate mo si Ems?" sagot naman ni Mommy.

"Hindi ko rin po sure, Tita. Hindi po sa akin sinabi ni Ate," sagot ni Ken.

"Make sure na makakauwi si Ems dito bago mag alas diyes ng gabi," sagot ni Mommy.

Napatingin naman ako sa kaniya na parang humihingi ng kaunting extension.

"Hindi pwede mag-extend. Dito matutulog ang mga kaibigan mo, Emily. Hindi pwedeng ako ang mag-accommodate sa kanila." Pinal na saad ni Mommy.

Tumango naman ako dahil baka hindi na ito maulit pa kaya umayon na lang ako sa kaniya. Tuluyan nang napahagalpak ng tawa si Sandra kaya nalipat ang atensyon namin sa kaniya.

"P-pasensya na po, T-tita. Natawa lang po ako sa itsura ni Kuya. Parang bibitayin na siya!" saad ni Sandra na hindi pa rin makapigil ng tawa.

"Huwag ka mag-alala, Ken. Hindi pa naman kita bibitayin," saad ni Mommy.

Nanatili na lang na tahimik si Ken at tinitingnan sila. Natawa na lang ako sa nalilitong itsura niya dahil mukhang litong-lito na siya sa tunay na dahilan bakit kami tumatawa.

"Ems! Why are you laughing?" saad niya.

"Nothing! Kukuhanin ko lang ang bag ko para makaalis na tayo," sagot ko.

Umakyat na ako sa taas at kinuha ang shoulder bag ko kung nasaan ang wallet at cellphone ko. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumalik na ako sa baba. Naiwan nang nag-iisa si Ken doon at si Andy. Lumabas 'ata sina Sandra at Mommy.

"Huwag kayo masyadong seryoso!" saway ko dahil nagpapatagisan sila ng seryosong expression.

"Take care, Ems. We'll wait for you before 10," sagot ni Andy.

"We'll go ahead, Ands," paalam ko.

Tumango lang siya kaya hinila ko na si Ken paalis. Nagpaalam din kami kay Mommy bago sumakay ng kotse. Kumaway ako kina mommy bago niya mabilis na pinaandar ang kotse. Mabilis lang kaming nakarating sa bahay nila. Naalala ko ang unang beses kong makarating dito. Ito ang lugar kung saan una kong naranasan ang matapil na dila ng mga magulang niya. Nagsimula akong makaramdam ng pagbilis ng takbo ng puso dahil baka nandiyan ang mga magulang nila. Baka maulit na naman ang nangyari noon. Ayoko na ulit makaranas ng ganoon.

"Don't worry... They're not inside. Sila Ate at Kuya lang talaga," saad niya na bumasag sa katahimikan sa loob ng kotse.

"Really? Baka mamaya nandiyan sila... H-hindi pa ako handang harapin sila ulit, Ken. Natatakot akong maulit na naman ang nangyari noon," sagot ko.

"No... Hindi na 'yon mauulit dahil ngayon kaya na kitang paglaban," sagot niya at hinawakan ang kamay ko.

Napanatag naman ang loob ko sa isiping nariyan lang siya at susuportahan niya ako sa kaniyang mga magulang. Bumaba na kami sa kotse niya at pumasok na sa loob ng bahay.

"Ate!" tawag ni Ken mula sa sala.

Lumabas naman si Ate Kass sa kusina. Mukhang nagluto siya ng pagkain nila ngayon.

"Ken, have manners! Mahiya ka naman kay Ems!" sagot ni Ate Kass.

"Good afternoon po, Ate Kass," bati ko.

"Good afternoon. Upo ka muna. Patapos na rin naman 'yong brownies na bi-nake ko." Iminuwestra niya ang sofa nilang mamahalin.

Umupo na ako sa sofa na itinuro niya.

"Magbibihis lang ako saglit," bulong niya.

Tumango ako bilang sagot. Umakyat na siya sa itaas ng bahay. Nilabas ko na lang ang cellphone ko dahil wala naman akong makakausap dito.

"We're home!" saad ng isang matipunong boses kaya napalingon ako kung kanino galing ito. Kay Kyle pala ang boses na iyon. Matagal ko nang hindi narinig kaya nanibago ako.

"Ate Emily!" bati ni Kyle.

"Hello! Kumusta ka na?" sagot ko.

"Kuya Kenneth! Kuya Kenneth!" tawag ni Kyle kay Kuya Kenneth na naglalakad na palapit sa amin.

"Ems! How are you?" saad ni Kuya Kenneth at niyakap ako.

"Okay naman po, Kuya," sagot ko.

"Kumusta Singapore?" sagot niya na may mapanlokong ngisi.

"Kuya! Tigilan mo si Ems!" saad ni Ken.

"Chill bro! Kinukumusta ko lang siya!" sagot ni Kuya Kenneth.

Lumabas na si Ate Kass dala ang brownies. Agad namang kinuha ni Kyle ang isa rito pati na rin si Kuya Kenneth.

"Kayo! Para kay Ems 'yan!" saway ni Ate Kass.

"I'm sorry. We didn't know," sagot ni Kyle.

"Oh... Saang hospital po?" sagot ko.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami ni Ken sa taas upang mag-impake ng mga gamit niya. Saglit lang naman kaming nag-impake dahil pang-tatlong araw lang na damit ang dadalhin niya. Pagkatapos naming mag-impake ay bumaba na kami at kumain ng hapunan. Dito na ako pinakain ni Ate Kass ng hapunan bago ako hinatid ni Ken sa bahay.



A/N: Happy New Year, Bemskies! 5 more chapters and we'll all say good bye to KELY! Closing 2021 with a blast! Thank you so much for your support! I hope you enjoy reading my last update for the year 2021! Happy New Year! Welcome 2022!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top